EPISODE 12

1151 Words
LUCIFER “ALAM mo bang meron na naman dinispatsa si boss?” narinig kong sabi ni Sergio, kausap nito si Hubert na ngayon ay kasalukuyang nagbibihis ng kanyang custome para sa show namin ilang minuto bago kami isalang. Tumabi ako ng upo kay Harry na ngayon ay nakabihis na. Nakikinig ito sa usapan ng dalawa. “Ano naman kayang nagawa ng kasalanan ang taong iyon?” tanong ni Ellen na nakatayo sa tabi ng pintuan, ngumunguya ng bubble gum. “Baka gustong tumakas, pero nahuli kaya hindi na hinayaang pang mabuhay. Oras na nakatakas ka dito, hahanapin ka nila saan mang sulok ng Pilipinas. Marami silang koneksyon, mapapulis man iyan o politiko.” Mahabang sabi ni Jade. “Nakita ko ang lalaki bago nila kunin. Nagpunta sa silid ko.” Napalingon silang lahat sa akin dahil sa sinabi ko. “Talaga? Anong sinabi ng lalaki sa iyo?” tanong ni Leon. Umupo siya sa tabi ko. “Sabi niya lang tulungan ko siyang itago siya. Nagmamakaawa nga siya. Tutulungan ko sana kaso dumating ang tauhan ni boss kaya wala na akong nagawa. Hindi nga ako nakapagsalita dahil may dala silang baril.” “Wala naman tayong magagawa dahil mga bata pa tayo. Pagdating ng panahon pagbabayaran nila ang ginawa nila sa akin. Sisiguraduhin kong luluhod sila sa harapan ko at magmamakaawa. ” Galit na sabi ni Harry. Sandaling katahimikan ang namayani sa amin. Binasag lang ni Sergio ang katahimikan. “Sa ngayon kailangang sundin natin sila dahil nakatataas sila. Bilog ang mundo kaya huwag kayong mawalan ng pag-asa na dito lang tayo. Darating ang panahon tayo naman ang aangat. Hindi na ako makapaghintay sa pagkakataon na iyon. Dudurugin ko sila sa mga kamay ko.” Kagaya ni Harry kita ko din ang galit sa mga mata ni Sergio. Lahat naman kami dito ay biktima at hangad ng katarungan. Ngunit sadyang mahina pa kami upang lumaban. Tama si Sergio bilog ang mundo. Aangat din kami pagdating ng panahon. NAPAUPO kaming lahat sa mahabang upuan nang matapos ang pagsasayaw namin. Mukhang maraming tao ngayon at maraming pera dahil malaki ang mga tip na ibinigay ng mga manonood. “Nakakapagod ang magsayaw sa pole.” Sabi ni Ellen. Nagsusuot na ito ng t-shirt. “Magpahinga na kayo.” Pare-pareho kaming napalingon sa nagsalita. Si boss. Nagtanguan lang kami. Tatayo na sana ako nang magsalita uli ang boss namin. “Lucifer, maiwan ka. Gusto kitang makausap.” Kinabahan ako. Napatingin pa ako sa mga kasama kong papalayo. “Ano pong pag-uusapan po natin?” Itinuro ni boss ang upuan at pinauupo niya ako doon. Napalunok ako habang nakatingin dito. “Napagpasayahan kong kunin ka bilang front sa aking negosyo. Sa labas ka magtatrabaho at ikaw ang haharap sa mga mayayaman kong kliyente. Bukod sa mag-e-enjoy ka sa bawat transaksyon magkakaroon ka pa ng malaking pera bilang bayad sa magiging trabaho mo.” Kunot noong napatitig ako kay boss. Ano namang trabahong gagawin ko bukod sa pagsasayaw ko dito sa club? “Ano pong trabaho ang gagawin ko?” tanong ko. Napangisi ito. Sa pagngisi niyang iyong kinabahan ako. “Ikaw ang maghahatid ng drugs sa mga mayayamang matronang kliyente natin at para magawa mong mapadami ang bili nila, gagamitin mo ang iyong katawan. Hindi ka pwedeng tumanggi sa inaalok ko sa iyo dahil buhay mo ang kapalit, Lucifer. Huwag kang mag-alala malaki ang ibibigay kong sahod sa iyo. Mas malaki sa inaakala mo.” “Pwede po bang bigyan niyo po ako ng oras para pag-isipan ang inyong alok sa akin.” Sa sinabi kong iyon ay may takot ako. Baka magalit ito. Ngunit nilakasan ko ang loob ko at baka naman may kaunti pa siyang awang natitira sa puso nito. Tinitigan niya ako ng ilang minuto. Kinabahan ako. Nagsisi ako sa sinabi ko. Pinagsiklop ko ang nanginginig kong mga kamay. “Payag ako.” Nakahinga ako ng maluwag sa sagot niya. “Salamat po boss.” Pasasalamat ko. “Huwag kang magpasalamat dahil pinagbigyan lang kita. Siguraduhin mong ang pag-iisip mo ay aayon sa aking kagustuhan. Alam mo naman siguro kung paano ako magalit.” Anito saka ngumisi. Napatango ako. Sumenyas siyang lumabas na ako. Nagmadali akong lumabas ng pintuan. Nang makalabas ay nakahinga ako ng maluwag. Bakit sa tuwing kinakausap ko si boss, naninikip ang dibdib ko. Pakiramdam ko aatakihin ako sa puso. Maaga yata akong magkaroon ng sakit sa puso. Habang naglalakad nakita ko si ate Eli. Nanlaki ang mga mata ko. “Ate Eli!” tawag ko sa kanya. Napalingon ito at nanlaki ang mga mata nang makita niya ako. Agad akong lumapit sa kanya at niyakap ko siya. Hindi ko napigilang mapaiyak. Natawa ng mahina si Ate Eli. “Ilang linggo lang tayo hindi nagkita naging iyakin ka na.” Anito. Nagbitaw kami sa pagkakayakap. Pinahid ko ang luha ko sa aking pisngi gamit ang palad ko. “Na-miss lang kita Ate Eli. Saka nag-aalala ako sa iyo -inyo. Kumusta na kayo?” napangiti siya at inakbayan niya ako. Bahagya niyang tinapik ang balikat ko. “Ayos naman kami, huwag kang mag-aalala sa amin. Kami nga dapat ang magtanong niyan sa iyo kung kumusta ka na?” Natigilan ako sa kanyang tanong. Hindi dapat nila malaman ang sinapit ko. Alam kong mag-aalala sila sa akin. Gusto kong magsumbong sa kanila ngunit nanaig sa akin ang takot na baka saktan sila ni boss. Ayokong madamay sila. Bahagya akong napangiti. “Ayos lang po ako Ate Eli. Binigyan ako ng trabaho bilang b-boy sa club.” Pagsisinungaling ko. Mas mabuti nang magsinungaling kaysa may masaktan pa sa amin. “Mabuti naman kung ganoon. Kami naman ay ganoon pa din ang trabaho namin kaya keri lang namin. Mabuti naman hindi ka nagaya sa kapalaran namin. Kapag nakaipon kami aalis tayo dito at magpakalayo-layo. Mamumuhay tayo sa malayong lugar ng panibagong buhay. Ayaw kong mapariwara ka dito, Luci. Para na kitang kapatid kaya masakit sa aking magagaya ka sa aming nagbebenta ng aliw. Sa amin ayos lang ang ganitong trabaho dahil sanay na kami. Ngunit ikaw ay iba. Ikaw ay isang birhen na hindi dapat dinudungisan ng mga demonyong naninirahan sa lugar na ito.” Galit na sabi nito. Napalunok ako dahil sa totoo madumi na ako at hindi na masasabing birhen pa o inosente sa makamundong bagay. Bumalik sa tinutuluyan nila si Ate Eli. Ako naman ay bumalik sa silid kung saan ako dinala ni boss Tommy. Malungkot akong naupo sa matigas ng papag. Malalim akong nagbuntonghininga. Ano nga ba ang dapat kong gawin? Napayuko ako at napatingin sa sahig. Tila ba nandoon ang kasagutan sa tanong ko sa aking sarili. Napapikit ako at umusal ng maikling dasal. Nang matapos akong magdasal nagmulat ako ng mga mata. Napagpasyahan kong gawin ang mahirap na desisyon para din naman ito sa ikabubuti ng lahat ng mga taong malapit sa akin. At ito ang paraan upang makalabas ako sa impyernong kinalalagyan ko ngayon kapag may pagkakataon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD