EPISODE 11

1190 Words
LUCIFER NAGISING ako nang may tumamang matigas na bagay sa aking likod. Napadaing ako sa sakit. “Gumising ka na! Gusto kang kausapin ni boss!” ani ng lalaking nanghampas ng kung anong matigas na bagay sa likod ko. DAhan-dahan kong ibinangon ang katawan ko. Napangiwi ako nang makaramdam ng hapdi at sakit. “Ahh!” napahiyaw ako nang hatawin muli ako ng kahoy sa aking likod. “Babagal-bagal ka! Dalian mo dahil ayaw ni boss ng pinaghihintay siya! Hindi mo alam kung paano magalit iyon!” galit na sabi nito. Nananakit man ang buo kong katawan pinilit kong tumayo upang sundin ang utos ng lalaki. Sumunod ako sa kanya. Pumasok kami sa isa pang silid na naroon. Bumungad sa amin ang isang opisina. May lamesa sa gitna ng silid at may upuan. Salikod niyon ay may malaking bintana na may makakapal na kurtinang kulay krema. Nakaupo ang boss namin. Mausok ang silid dahil sa pagbuga nito ng makapal na usok mula sa hinihitit nitong sigarilyo. Naningkit ang mga mata nito nang makita niya ako. Nakaramdam ako ng takot sa uri ng tingin niya sa aking parang lalamunin ng buhay. Sumenyas itong umupo ako sa katapat ng lamesa nito. Itinulak ako ng lalaking kasama ko nang hindi ako tuminag. Napilitan akong naupo. Napayuko ako. “Alam mo bang napahiya ako sa manonood dahil sa ginawa mo? Kailangan mong parusahan!” napapitlag ako sa pagtaas nito ng boses. “B-Boss humihingi po ako ng pasensya. B-Bago lang po ako k-kaya hindi po ako sanay na pinanonood habang walang saplot sa katawan.” Paliwanag ko. “Sa susunod po pangako gagawin ko na ang ipinagagawa niyo sa akin. Bigyan niyo pa po ako ng isa pang pagkakataon.” Dagdag na sabi ko. Taimtim akong nagdasal sa isipan ko. Sa nanginginig na mga kamay pinagsiklop ko ang palad kong nanginginig. Bumuga muli ng usok ang boss ko at saka tumingin sa akin. Tila sinusuri niya ang mukha ko. Napangisi ito. Natakot ako sa klase ng ngisi nito. Napalunok ako. “Gagawin mo ba ang lahat ng gusto ko?” tanong nito. Tumango ako. “Hubad!” nagulat ako sa inuutos niya. Hindi ko inaasahang iyon ang ipagagawa niya sa akin. Hindi ako nakagalaw sa kinauupuan ko. “Hindi ba sinabi mong lahat ng ipagagawa ko ay susundin mo? Bakit tila nagdadalawang isip kang gawin ang inuutos ko? Mas gusto mo yatang maranasan ang matinding parusa kaysa ang ipinagagawa ko. Palalagpasin ko ang ginawa mong kabalbalan ngayon. Basta magpakabait ka lang bata at sundin mo lang ang gusto ko.” “Gagawin ko naman po ang trabahong gusto niyong gustong gawin ko.” “Ang sabi ko hubad!”utos nito. Gusto kong umiyak at tumakbo na lang, ngunit ano nga ba ang laban ko sa mga hawak nilang armas. Wala akong nagawa kundi sundin ang gusto ng boss namin. Hinubad ko ang damit ko. At sa nanginginig na katawan ay siya namang pagtulo ng mga luha ko sa mga mata. Ilang minuto nilang tinitigan ang hubad kong katawan. Ni isa sa kanila ay hindi nakapagsalita. “Magbihis ka na. Bukas maghanda ka dahil itutuloy mo ang pagsayaw sa entablado. Tandaan mo ito kapag may ginawa ka pang hindi ko magugustuhan. . .” tinitigan niya ko ng seryoso. “Papatayin kita.” Nanigas ang katawan ko sa sinabi niya. HABANG nasa dressing room kung saan nandoon din ang mga kasama kong magsasayaw hindi maalis ang kaba at takot sa didbib ko. Hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam kung ano ang gagawin ko. “Relax ka lang Lucifer. Sa una lang na kabahan ka at matakot. Kapag mga ilang show masasanay ka na din. Tingan mo kami sanay na. Kahit alam naming nakadidiri ang trabahong ito, pikit mata na lang naming niyakap ang ganitong uri ng trabaho. Wala din naman kaming magagawa dahil malaki ang pagkakautang namin kay boss. Kung tatanggi kami sa gusto niyang mangyari baka paglamayan na kaming lahat. Hindi mo alam kung anong magagawa niya.” Sabi ni Sergio. “Tama si Serg. Demonyo ang boss natin. Wala siyang awa.” Sabat naman ni Leon. Nagbibihis na ito. Parang wala ng itatakip sa suot nitong brief. Hindi ko alam kung anong tawag sa suot nitong may tali at ang tanging natatakpan na lang ang maselang bahagi ng katawan nito. Pinapahiran nila ng lana ang buong katawan nito para kumintab. Sa edad na dise-otso may malaki na itong katawan. “Sumunod ka na lang, Luci para hindi ka mapahamak.” Sabi naman ni Harry. Tumango ako. Kagaya kagabi ay nagsayaw kami ng sensuwal. Tuwang-tuwa ang mga taong nanonood sa amin dahil sa sayaw naming nakakaakit. Hindi man ako magaling umindayog, ngunit sinusubukan kong mapagbuti ang pagsasayaw ko. Ginaya ko lang ang mga kasama ko. May nagbigay ng malaking halaga sa akin. Isang babaeng parang lola ko na. Inipit nito sa harapan ng suot kong brief. Ginilingan ko siya ng mabuti at tuwang-tuwa ito. Ang mga kasama ko din ay may nagbigay din ng pera. Nang matapos ang pagsasayaw namin ay nakangiti ang mga kasama ko. Ako naman ay tahimik na nagbihis ng damit. Napatingin ako sa hawak kong pera. Madami-dami ito. “Tingan mo nga, Luci? Madaming nagbigay sa iyo ng tip. Huwag kang mag-alala hindi naman kukunin ni boss ang mga tip dahil sa atin iyan. Iba pa kasi ang bayad ng mga manonood. Sa boss natin mapupunta iyon.” Napangiti ako sa sinabi ni Segio. Mukhang makakaipon ako ng pera. Sa susunod gagalingan ko pa para makarami ng tip sa mga manonood. Pumasok na kami sa kani-kanyang mga silid namin. Hinugot ko sa bulsa ng pantalon ko ang bugkos ng ilang dadaaning pera. Sa susunod masa marami dito ang kikitain ko. Kailangan kong makaipon ng pera at para makaalis sa lugar na ito. NAGISING ako sa malakas na kabog sa pinto ng silid ko. Bumangon ako at pinagbuksan ang taong halos gibain ang pinto. Bumungad sa akin ang isang lalaking duguan ang buong katawan. Ang mukha nito ay bugbog sarado. Ang suot nitong damit ay punit-punit. Napaatras ako dahil sa takot. “Tulungan mo ako, pakiusap.” Pagmamakaawa nito. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Nakatitig lang ako sa lalaki. Hinawakan niya ng mahigipit ang isang kamay ko. “Sino ang may gawa niyan sa iyo?” lakas loob kong tanong. “Si Boss. . .” hindi nito naituloy ang sasabihin nang may dumating na mga lalaki. “Walanghiya ka nandito ka lang pala!” sabi ng isang lalaki at hinila ang kaawa-awang duguang lalaki. “Maawa na po kayo sa akin. Pangako gagawin ko na ang iniuutos ninyo sa akin.” Pakiusap ng lalaki. Tumawa ang lalaki. “Wala ng silbi ang pakiusap mo dahil sesentensyahan ka na. Kung nagpakabait ka lang at sumunod sa utos ni boss hindi mangyayari sa iyo ito.” Umiyak ang duguang lalaki.Walang nagawa ang pakiusap nito. Hinila na siya ng lalaki. Anong gagawin nila sa kanya? At sinong boss ang tinutukoy niya? Bigla ay kinabahan ako. Hindi kaya si boss Tom ang tinutukoy ng lalaki? Kung gayon ganoon ang mangyayari sa akin kung sakaling umalis ako dito sa poder niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD