EPISODE 13

1205 Words
LUCIFER KINAUMAGAHAN pinatawag ako ni boss. Ngayon daw ang simula nang trabaho ko sa labas. “Mag-ingat ka,” sabi ni Sergio nang ihatid niya ako sa labas ng tinitirhan namin. Tinapik niya ang balikat ko. Napangiti ako at tumango. “|Salamat, Gagawin ko iyon.” “Sakay ka na, ihahatid ka na namin sa unang kliyente mo,” sabi sa akin ng tauhan ni boss. Binuksan nito ang likurang bahagi ng sasakayan. Tahimik akong pumasok sa loob. Agad din pinaandaar ang sasakyan nang makasakay ang lalaki. “Bilin ni boss na kapag nakarating ka sa lugar kung saan kayo magkikita ng kliyente mo ibigay mo agad ang parcel. Nasa tabi mo ang box. Tandaan mo ito siguraduhin mong walang ibang makakakita sa iyo at siguraduhin mo ding hindi papalpak ang trabaho mo. Buhay ang kapalit niyan oras na nagkamali ka. Naiintindihan mo ba?” anito. Tumango ako. Matagal ang nanging biyahe namin. Hindi ko alam ang oras dahil wala naman akong relo. Nahiya naman akong magtanong sa lalaki. Baka singhalan pa ako kung magtatanong pa ako. Narating namin ang lugar. Isang mataas ang gusali ang pinasukan namin nang makababa kami ng sasakyan. Sumunod lang ako sa kanila. Napatingin ako sa paligid habang naglalakad kami. Napapasulyap sa akin ang mga babaeng nakakasalubong namin. Napansin ko ang suot nila. Mukhang mga empleyado ang mga ito. Kung opisina itong pinuntahan namin. Sino naman kaya ang kliyenteng kikitain ko ngayon? Isa kaya siyang empleyado din? “Hoy, dalian mong maglakad. Hindi ka boss para ikaw ang hinhintay namin.” Nagulat ako nang magsalita ang kasama kong lalaki. Nasa loob na ito ng elevator. Tahimik akong pumasok sa loob. Sumara ang elevator. Napatingin ako sa harapan namin. Parang salamin sa kintab ang stainless na elevator. Napatingin ako sa suot kong fitted na itim na t-shirt at pantalon na halos bumakat ang mga hita ko at pati na ang aking hinaharap. Napahinto kami sa tapat ng pinto. “Ilang taon ka na?” tanong sa akin ng lalaki. “Desi-syete po,” sagot ko. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at saka ibinalik ang tingin sa mukha ko. “Mukhang hindi ka desi-syete. Matnagkad at magandang lalaki. Pwedeng-pwede ka sa ganitong trabaho. Bukod sa ihahatid mo ang parcel natin, pwede ding magpaligaya. Para mas lalong mahumaling ang mga matronang parokyano natin,” anito saka ngumisi. Natakot ako sa sinabi niyang iyon. Ibebenta ko ang sarili ko? “Hindi po ba maghahatid lang po ako ng parcel at wala ng iba pa. H-Hindi ko po kaya ang ipinapagawa niyong iba sa akin.” Pagtanggi ko sa utos nito. Bigla nitong hinaklit ang braso ko. “Hoy, bata. Wala kang karapatang magreklamo dahil pagmamay-ari ka na ni boss. Alam mo naman siguro kung paano magalit si boss. Kayang-kaya niyang patayin. Isang bala ka lang bata.” Hinugot nito ang baril na nakasukbit sa tagiliran nito at itinutok ang dulo ng baril sa sintido ko. “Kung papalpak ka sa trabaho mo. Boom! Sabog ang bao ng bungo mo.” Napaigtad pa ako dahil sa gulat. Nanginig ang tuhod ko sa sinabi niya. Naalala ko ang lalaking duguan na nasa harap ng pinto ko. Baka ganoon ang sapitin ko kung hindi ko nga naman gagawin ang ipinag-uutos ng boss namin. Binalaan niya ako sa tingin. Tumango lang ako. Pinindot na nito ang buton na nasa gilid. Pagkapindot sa buton umalis agad ang kasama ko at naiwan ako. Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto. Isang babae ang bumungad sa amin. Sa palagay ko ang edad ng babae ay nasa trenta mahigit at medyo may katabaan. “Sino ka?” tanong nito. Hindi ako nakapagsalita na tila naumid ang dila ko. Iniabot ko sa kanya ang dala kong maliit na kahon. Napatingin doon ang babae. “Ito ba ang binili ko sa boss mo?” tanong nito sa akin. Marahan akong napatango. Napalunok ako nang titigan ako ng babae. “Pasok ka muna at kukunin ko ang bayad ko sa loob.” Paanyaya nito sa akin. Tumalikod na ang babae at sumunod ako sa kanya. Kabang-kaba man pilit kong nilakasan ang loob ko. Hindi ako puwedeng matakot. Kailangan kong maging matapang. Nang makapasok nalukot ang ilong ko dahil sa kakaibang amoy sa loob ng tinutuluyan nito. Napalingon ang babae sa akin. “Umupo ka muna at kukunin ko lang ang bayad,” anito at saka naglakad patungo sa isang silid. Nagdalawang isip akong maupo. Nagpasya akong tumayo na lang dahil sandali lang naman ako dito. Kapag nakuha ko na ang bayad aalis na ako. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa babae. Kakaiba ang nararamdaman ko sa presensya niya. Bumukas ang pinto at lumabas ang babae. May dala itong sobre at mukhang madaming laman iyon. “Ito ang bayad sa boss mo.” Ibinigay niya sa akin ang sobre. Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at hinimas iyon nang mahawakan ko ang sobre. Tila may pagnanasa ang mga tingin niya sa akin. Titig na titig ang babae. Tumikhim ako. “Aalis na po ako,” paalam ko sa kanya. Inilayo ko sa kanya ang kamay ko. Napangiti ang babae. “Ikaw din ba ang magde-deliver ng parcel ko sa susunod?” “Opo.” Napatingin ako sa kinuha niya sa dala nitong pitaka na hindi ko napansing hawak niya. May ibinigay siyang lilibuhin. “Para sa iyo iyan dahil ikaw ang magde-deliver sa susunod. Hindi lang iyan ang ibibigay ko sa iyo sa susunod. Basta ba maging mabait ka lang sa akin,” makahulugang wika nito. Hahawakan sana uli niya ang kamay ko nang lumayo ako. “Aalis na po ako,” paalam ko nang may pagmamadali. Hindi ko na siya hinintay pang magsalita nagmadali na akong naglakad. Kabadong-kabado ang nararamdaman ko. Napatingin ako sa hawak kong lilibuhing pera. Ibinulsa ko agad iyon nang mamataan ko ang kasama ko. Napalunok ako. Hindi dapat nila malamang binigyan ako ng sobrang pera ng babae. Makatutulong itong pera para makapag-ipon ako upang makatakas sa tamang panahon. Hindi pa ito ang panahon para umalis. Hindi ko pa kayang tumayo sa sarili kong paa. Kailangan ko pa sila kaya pagtitiyagaan kong manatili dito kahit hindi ako ligtas. Kunsabagay kahit nga sa sariling pamamahay hindi din ako ligtas. Sarili kong magulang sinasaktan ako, ibang tao pa kaya? “Naibigay mo ba ng maayos? Hindi ka naman gumawa ng kabalbalan?” sunod-sunod na tanong ng kasama ko. “Hindi po. Ito po pala ang bayad ng babae kay boss.” Ibinigay ko sa kanya ang sobre na halos hindi na maisarado dahil punong-puno na ang laman niyon. Mukhang ang parcels na dala ko ay mamahaling bagay. Oo nga pala droga ang dala ko. Tiningnan nito ang laman ng sobre. Napangisi ito nang makitang maraming laman ang sobre. “Mukhang nagustuhan ka ng matrona. Sobra-sobra itong ibinigay niya para sa bayad sa parcel. Ito para sa iyo.” Ibinigay niya sa akin ang isang buong one thousand. Nagningning ang mga mata ko nang makita ko ang isanlibong piso. Walang alinlangan kong kinuha iyon at baka magbago pa ang isipan ng lalaki. “Salamat po!” pasasalamat ko. Napatingin ako sa hawak kong pera. Mukhang makakaipon ako ng pera nito. Nagningning ang mga mata ko habang nakatitig sa perang hawak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD