EPISODE 3

1527 Words
LUCIFER LIMANG buwan ang nakalipas. Nasanay na rin ako sa pakikitungo ng anak ni ate Betty. Pinagtiisan ko na lang ang trato niya sa akin kaysa magpalaboy ako sa kalsada. Saka mabuti ang pakikitungo sa akin ni ate Betty at ate Lucia. Para hindi masyadong magalit si Kuya Froilan sinusunod ko ang lahat ng utos niya. “Magbihis ka Lucifer, may pupuntahan tayo.” Utos ng anak ni ate Betty.Wala sila ngayon dahil may trabaho sila sa parlor. Naiwan lang kaming dalawa rito. “S-Saan po tayo pupunta?” Tanong ko. Naging mabagsik ang mukha nito. Hinablot niya ang isang braso niya. “Huwag kang magtanong pa! Ito ang tatandaan mo, lahat ng gusto ko gawin mo! Kung ayaw mong manatili rito sa bahay namin! Isa ka lang naman palamunin dito. Kailangan mong magbanat ng buto para naman may silbi ka! Punyeta ka!” Binitawan niya ako. Napaupo ako sa sahig. Hinimas ko ang braso ko. “Ano pang ginagawa mo magbihis ka na o gusto mong tadyakan pa kita para matauhan ka at maintindihan mo ang inuutos ko.” Tumalima ako. Pumasok ako sa silid at nagbihis. Pagkalabas sa pinto nakita ko siyang nasa labas na ng gate. Inip na inip ang hitsura niya. “Bakit ang tagal mo? Tangina mo! Ano ka may-ari ng bahay na kailangang hintayin?” Napayuko ako ng batukan niya ako. Napahimas na lang ako sa batok ko. Sumakay kami sa tricycle at pumunta sa lugar na hindi ko alam. Wala pa akong alam sa Maynila. Gusto ko sanang magtanong ngunit pinili ko na lang manahimik dahil baka batok na naman ang aabutin ko sa kanya. Narating namin ang lugar. Isang lumang bahay na two storey. Sumunod ako sa kanya nang pumasok ito sa loob ng bakuran. Ang gate ng bakal ay may kalumaan na rin. Halos mabakbak na ang pintura nito sa kalumaan. Sinalubong kami ng isang babaeng may katandaan. “Kanina pa kayo hinihintay ni Madam.” Sumulyap ang matanda. “Siya ba ang bagong recruit mo?” Bigla akong natakot sa uri ng titig niya sa akin. At ang ngiti niya’y parang may kahulugan. “Oo. Tiba-tiba tayo sa isang ito. Konting orient lang at magiging bihasa rin ito.” Hindi ko maintindihan ang kanilang pinag-uusapan. Ano’ng ipagagawa nila sa akin? Trabaho kaya iyon? Pumasok kami sa isang silid. Nakita ko ang mga babaeng nakahilera nakaupo. Kagaya ng nakita ko last time ay may mga kolorete sila sa mukha at ang kanilang suot ay tila ba nagkulang ng tela. Ano kayang ginagawa nila rito? “Anong pangalan mo, bata?” Tanong sa akin ng matabang babae. May hawak na sigarilyo habang umuusok ang bibig nito. Napaubo ako nang malanghap ang usok. “Lucifer po,” sagot ko sa tanong niya. “Kakaibang pangalan parang demonyo.” Nagkatawanan sila. Sumenyas ang matabang babae na lumapit ako sa kanya. Natakot ako nang himasin n’ya ang aking balikat pataas sa pisngi ko. Lumayo ako sa kanya, may takot sa aking mga mata. Nakaramdam ako ng pandidiri sa uri ng kanyang paghaplos sa balat ko. “Mailap itong bata mo, Froilan,” sabi ng babae. Froilan pala ang pangalan ng anak ni ate Betty. “Hoy! Huwag mo akong ipahihiya kundi masasaktan ka!” Banta sa akin ni kuya Froilan at saka niya ako itinulak sa matabang babae. Muntik na akong mapasubsob sa malaking hinaharap nito. “Iwanan mo na s’ya rito. Ito ang bayad ko. Paunang bayad lang ‘yan sa pagdadala mo sa ‘kin ng bago at batang-bata pa.” Gulat ang reaksyon ko. Iiwan ako ni kuya Froilan dito? “Kuya, huwag mo po akong iiwan dito.” Pakiusap ko sa kanya. Hinawakan niya ang braso ko ng mariin. Napangiwi ako sa sakit. “Dito ka na titira magmula sa araw na ito. Magtatrabaho ka bilang macho dancer dito. Lahat ng gusto nila sundin mo. Kung gumawa ka ng labag na sa patakaran nila mananagot ka sa akin. Naiintindihan mo ba ako?” Binitawan niya ako. “Ayoko po rito pakiusap po. Kahit anong trabaho gagawin ko huwag n’yo lang ako iiwan dito.” Umiiyak na pakiusap kong muli. Hindi na n’ya ako pinansin. Lumapit ito sa matabang babae at may inabot itong bugkos ng pera. Kita ko ang pagngiti ni Kuya Froilan habang hawak ang makapal na pera. Lumingon pa siya sa akin bago umalis. “Hoy, bata kumilos ka na! Linisin mo ang buong club bago magsimula ang show. Tapos bumalik ka rito may ipagagawa ako sa’yo.” Utos ng matabang babae. Pinandilatan n’ya ako ng mga mata nang hindi ako kumilos. Lumabas na ako sa opisina ng matabang babae. Hindi ko mapigilang pangiliran ng luha. Akala ko magiging maayos dito sa Maynila ngunit mas impyerno pa ang kinasadlakan niya. ***** “BAGO ka rito?” napalingon ako sa taong nagtanong. Hininto ko ang paglampaso sa sahig. Tumango ako sa tanong n’ya. “By the way I’m Elisabeth tawagin mo na lang akong ate Lisa. Ilang taon ka na?” “Desi-sais po, ate.” “Batang-bata. Ikaw na ba ang bago naming Janitor dito?” Muli nitong tanong. “Hindi ko po alam. Inutusan lang po ako ni Madam linisin ang buong club.” “Mag-iingat ka sa matandang ‘yon. Kaya umalis ang Janitor namin dito dahil hina-harass ng mataba na ‘yon. Payo ko lang sa’yo kung gagawan ka ng masama lumaban ka. Sabihin mo ganito. ‘Huwag na huwag mo akong hahawakan kundi malilintikan ‘yang mga taba mo sa katawan! Gusto mo bang i-lechon kita? Ganun ang sasabihin mo.” Tumawa ako. “Nakakatuwa naman napatawa kita sa OA na joke ko. Alam mo parang may lahi ka, meron ba?” Wika ni Ate sa akin. Iba ang kulay ng mga mata ko kaya sinasabi nilang may lahi ako. Wala naman sa akin kung iba ang kulay ng mga mata ko. Narinig ko sa mga kapitbahay ang kuwento ng buhay ni Tatay. Isang amerikano raw ang Tatay ng Tatay ko at Pilipina naman ang lola ko. Hindi naman nagkukwento si Tatay tungkol sa pamilya niya. “Kalahati po ang lahi ko. Ang ama ng Tatay ko po ay amerikano at pilipina po ang lola ko.” Napakamot ako sa ulo dahil sa hiya. “Talaga? Kaya pala kakaiba ang kulay ng mga mata mo. Mata at ilong mo nga lang mapagkakamalan kang may lahi. Pagbinata ka na siguradong pagkakaguluhan ka ng mga babae. Sa guwapo mong iyan? Makalaglag panty,” sabi nito at tumawa. “Hoy! Kayong dalawa magtrabaho kayo hindi ‘yan nagtsitsismisan.” Galit na wika ni Madam. Pumunta na ako agad sa puwesto upang maglinis. Si Ate Elisabeth naman pumunta sa loob ng kanilang quarters. Binigyan pa ako ng matalim na tingin ni Madam bago tumalikod. Ipinagpatuloy ko na lang ang paglilinis ng sahig. Halos magtatanghali na nang matapos ako. Ramdam ko na ang gutom dahil kumakalam kanina pa ang sikmura ko. Nilagay ko sa lagayan ng mga mop ang ginamit kong panglinis. Nakasalubong ko si Ate Elisabeth na may dalang supot. “Halika saluhan mo kami sa tanghalian. Huwag mo ng hintayin si Madam kung pakakainin ka nun. Napakalayong mangyari na bigyan ka ng pagkain.” “Salamat, Ate,” sabi ko. Sinundan ko siya patungo sa isang silid. Napakasikip ng daanan parang isang tao lang ang pwedeng dumaan dito. Pumasok kami sa silid. Ginala ko ang tingin sa loob. Maliit lamang iyon dahil sa dalawang double deck na magkaharapan. May maliit na bintana sa gitna at mayroon namang maliit na electric fan na umiikot para lang may hangin sa loob. Nahihiya akong tumayo sa gilid dahil puro-babae ang nasa loob. Kagaya ni Ate Elisabeth maiikli ang mga suot nilang short at nakasuot ng sando. Napatingin silang lahat sa akin. “Sino itong poging kasama mo, Eli? Bago mong dyowa?” Tanong ng babaeng may makapal na lipstick. “Gaga, hindi! Ang bata naman niya para maging dyowa ko. Um…siya ang bagong Janitor natin dito kapalit nung umalis,” sabi ni Ate Elisabeth. “Ako po pala si Lucifer. Ikinagagalak ko po kayong makilala,” pakilala ko sa sarili ko. “Hi!” Sabay-sabay nilang turan. Napangiti ako. Halos Ate ko na yata silang lahat. “Dito siya kakain. Alam niyo naman si Madam hindi pinapakain ang mga empleyado niya,” nagtawanan sila. “Kailan pa nagpakain ang matandang ‘yon? Sa taba niyang ‘yon lahat yata ng pagkain na dapat sa mga empleyado kinakain niya.” Nagkatanawanan sila pati na rin ako. “Masanay ka na roon sa mataba na ‘yon. Hindi magpapakain kahit mamatay ka pa sa gutom. Ang katwiran n’yon magbanat ka ng buto para makakain. Pera lang ang laman ng utak niya,” sabi ng isa pang babae na may maikling buhok na may kulay mais. “O, siya huwag na nating pag-usapan si Madam baka mawalan pa tayo ng ganang kumain.” Binigyan nila ako ng plato at kutsara. Pinaupo nila ako sa isang maliit na upuan. Pinatong ko sa tuhod ang plato. Kahit paano may mabubuti pa ring tao rito sa Maynila. Nagpapasalamat din ako at nakakatagpo ako ng mabubuting tao kagaya na lang nila. Nginitian nila akong lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD