LUCIFER
Halos sumarado ang isang mata ko dahil sa pambubugbog ng kanyang ama. Nalaman kasi nito na nagsumbong siya sa kanyang ina dahil nahuli ang ama na may ibang babae sa bahay nila.
Alam ko ang pambabae ng ama mula noon. Ngunit nanahimik lamang ako dahil ayaw niyang makialam sa problema ng mga magulang. Hindi na kayang tiisin ni Lucifer ang panloloko ng ama sa kanyang ina.
Galit na galit ang ina sa nalaman. Umalis ito sa bahay at hiniwalayan ang ama. Napagpabalingan ako ng galit ng kanyang ama dahil sa ginawa nito.
Hindi ko na rin maigalaw ang kamay niya dahil hinambalos siya ng dos pordos na kahoy. Naisangga niya kasi ang kanyang braso na tatama sana sa ulo niya. Buti na lamang may mga kapitbahay na tumulong sa kanya para awatin ang amang nagwawala.
“Sama ka na lang sa akin sa pagtatrabaho sa babuyan at manukan. Pakikiusapan ko na lang si Mang Tasyo na tanggapin ka.” Pagpupumilit sa akin ng kaibigan. Nalaman nito ang nangyari sa kanya, naawa ito kaya inaya niya itong magtrabaho sa pinagtatrabahuang manukan at babuyan.
“Ayos lang ako maghahanap na lang ako ng mapagtratrabahuan ko. Marami naman diyan. Tsaka wala ng bakante kila Mang Tasyo nagtatanggal na nga siya dahil mahina ang kita na niya sa babuyan dahil nagkakasakit na ang mga alaga niya,” sabi ko.
Nagpasya akong hindi na umuwi sa bahay. Baka pag-uwi ko doon hindi lang bugbog ang aabutin ko baka patayin na niya ako nang tuluyan. Nakituloy na lang muna ako sa kaibigan.
“Okay, kung iyan ang pasya mo. Basta kung kailangan mo ng tulong narito lang ako,” wika ng kaibigan. Tinapik niya ang balikat. Isa siya na naging mabuting kaibigan sa akin. Hindi ko sila makakalimutan. Balang araw kapag ako naman ang umangat tutulungan ko sila.
“Salamat Andrew tatanawin kong malaking utang na loob ang pagtulong mo sa akin.” wika ko. Sinukbit ko na ang luma kong backpack. Nagpasya akong mangibang bayan para maghanap ng trabaho. Kahit walang ideya kung saan ako dadalhin ng paa ko. Narito pa rin ang pag-asa sa puso ko na makahanap ako kaagad ng trabaho.
Hinatid ako ni Andrew sa sakayan ng bus papuntang Maynila. Binigyan niya ako ng sapat na pera para makapagsimula muli sa ibang bayan. Nagyakapan kaming dalawa.
“Pangako kapag maayos na ako doon sa Maynila babalik ako dito. Isasama kita doon,” puno ng pag-asa na wika ko.
“Oo ba. Basta mag-ingat ka doon,” tumango ako sa bilin ng kaibigan.
ILANG oras rin ang biniyahe ng bus bago narating ang Maynila. Bumaba na ang mga pasahero kasama ako. Napatingin ako sa paligid. Maraming tao ngayon mukhang mahihirapan akong maghanap ng matutuluyan. Nagpasya akong maglakad patungo sa simbahan. Maraming nagtitinda sa paligid ng simbahan. May mga mananamba na lumabs mula sa loob ng simbahan. Umupo muna ako sa isang upuan doong semento at nagpahinga.
Napahawak ako sa tiyan ko nang kumulo ito ng malakas. Kailangan kong tipirin ang pera ko hangga’t hindi pa ako nakakahanap ng trabaho. Tumayo na siya upang maghanap ng makakain. Nakakita siya ng mga kabataan na kumakain at may inilapag silang supot sa may tabi. Nang makaalis ang mga kabataan kinuha ko agad ang supot. Laking tuwa ko dahil may pagkain. Hindi pa naubos ang burger at softdrinks. Kahit tira-tira panlaman tiyan rin ito. Naupo ako at sinimulan kong kainin ang napulot ko. Ang sarap naman nito. Nakita ko ang tatak ng balot ng tinapay.
McDonald.
Naghanap ako ng matutulugan, nakarating ako sa isang parke. May mga upuan na puwedeng higaan. Pagtiyagaan ko muna dito at bukas maghahanap ako ng trabaho para makakuha ako ng matutuluyan ko. Alam kong hindi ganoon kadali ang maghanap ng trabaho sa ganito kalaking siyudad. Kailang kong magtiyaga para hindi ako maging palaboy habang buhay.
Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng taong nag-uusap. Napabangon ako ng makita ko ang dalawang lalaki nasa harapan ko. Mahigpit kong niyakap ang back pack ko.
“Hi pretty boy. Gusto mong sumama sa amin?” sabi ng lalaki. Hindi sila lalaki kung hindi bakla. Nakita ko ang mukha ng lalaki na may kolorete sa mukha. May dala itong maliit na bag ng pambabae.
“Hindi po may hinihintay po kasi akong kaibigan dito.” pagsisinungaling ko. Napatingin ang dalawang bakla sa paligid. Wala ng tao sa parke kaya malamang alam nilang nagsisinungaling ako.
“Sino ang hinihintay mo? Parokyano mo?” sabi ng bakla. Anong parokyano? Ano’ng ibig nilang sabihin?
“Kaklase ko po noong elementary. Baka na-traffic lang po kaya wala pa po siya,” pagdadahilan ko upang umalis na sila. Nakaramdam ako ng takot sa presensya nila. Wala pa naman akong alam dito sa Maynila.
“Sa hitsura mo boy mukhang bagong salta ka lang dito. Huwag kang mag-alala mabuti kaming tao. Bakla kami pero hindi kami nanamantala, baka kasi matyempuhan ka ng mga grupo na gumagala dito. Siguradong nanakawan ka nila.” pangungumbinsi nila sa akin.
“Meron akong anak na lalaki, kung iniisip mong may balak kami sa iyo. Kahit nag-gwagwapuhan kami sa iyo, hindi namin gawain mang-r**e ng menor de edad.” ngumiti ang isang bakla. Napangiti na rin ako. Bahala na kung ano mang mangyari.
“Ako pala si Berting, tawagin mo na lang akong ate Betty, at ito naman si Luigi, tawagin mo na lang siyang Lucia.” napangiti ako sa kanila.
Inilahad ko ang kamay ko upang makipag-kamay. “ Ako nga po pala si Lucifer. Kinagagalak ko po kayong makilala.” wika ko.
***
Isinama ako ng dalawang bakla sa isang lugar na medyo maayos naman ang paligid. Binuksan ng isa ang bakal na tarangkahan.
“Dito kami nakatira kasama ng anak ko. Hindi nalalayo ang edad niya sa iyo.” pumasok na kami sa loob ng bahay. Kumpleto sa kasangkapan ang loob ng bahay. Mukhang may kaya rin sila.
“Gusto mo bang kumain mukhang wala ka pang kain.” alok ng isa. Nahihiya man tumango ako.
Pumunta sa kusina ang isang bakla na may anak. Naiwan kaming dalawa sa sala.
“Taga rito ka ba sa Maynila?” tanong niya sa akin.
“Sa Pulilan Bulacan po ako. Sa katunayan po naglayas po ako sa amin.” Pag-amin ko.
“Bakit ka naman lumayas sa inyo? Mukhang bata ka pa para manirahan dito sa siyudad ng Maynila. Alam mong maraming masasamang tao rito. Buti na lamang nakita ka namin,” napayuko ako. Alam kong mali ang ginawa ko ngunit hindi ko na matiis ang pagmamalupit ng magulang ko sa akin.
“Hindi po maganda ang trato sa akin ng magulang ko. Palagi nila akong sinasaktan kahit wala naman po akong ginawang masama. Ginagaawa ko naman po ang trabaho ngunit parang hindi pa sapat sa kanila ‘yon.” malungkot na kwento ko sa buhay kong puno ng pagdurusa. Hindi ko naranasan mahalin ng sarili kong magulang. Iniisip ko nga na baka ampon nila ako. Kaya parang hindi anak ang turing nila sa akin.
“Nalulungkot ako sa ginawa sa iyo ng magulang mo,” aniya. Napangiti ako ng may lungkot sa mata. Ilang taon ko na bang nararanasan ang paghihirap sa kamay ng magulang? Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong sinaktan ng pisikal. Walang araw na pinaparamdam nila sa akin kung gaano nila ako kinasusuklaman. Hindi ko alam kung bakit? Mapait na ngiti ang sumilay sa labi ko.
***
“Hoy! Gising!” Nagmulat ako ng mata nang may sumipa sa tagiliran ko. Bumangon ako habang hawak ang tagiliran kong nananakit. Hindi ko naiwasan ang tuwalyang lumanding sa mukha ko. Hinarang ko ang dalawa kong braso upang iharang sa mukha ko nang hampasin na naman niya ako ng tuwalyang hawak nito.
“Isa kang tamad! Kapal ng mukha mong tumira rito! ’Tapos hihilata ka lang? Magluto ka ng pagkain namin, gago ‘to!” Utos nito sa akin na may kasama pang mura. Tumayo ako na lang ako upang gawin ang inuutos nito. Wala akong ideya kung sino ang lalaki. Hindi kaya anak ni ate Betty ito?
Umupo sa sofa ang lalaki. “Babantayan ko ang lahat ng galaw mo! Ano pa’ng tinatayo-tayo mo riyan kilos na!” sabi nito nang may galit sa tono ng boses nito. Pumasok ako sa kusina upang magluto ng umagahan.
Napatingin ako sa kusina nila. Napakamot ako sa ulo ko nang wala akong makitang mailuluto sa ibabaw ng lamesa. May nakita akong para aparador na kulay puti na nakatayo sa sulok. Binuksan ko ang pinto niyon. Nagliwanag ang loob niyon. Tumambad sa akin ang iba’t ibang klase ng pagkain. May nakita akong itlog at longganisa. Kinuha ko ang mga ito upang iluto. Nakaluto na ako ng ganitong pagkain kaya alam kong lutuin ito.
Pumasok ang lalaki. Napatingin ito sa lamesa. Mabuti na lang nakaluto na ako at naihain ko na ang pagkain. Matalim niya akong tiningnan bago ito umupo nang padarag. Naglikha iyon ng ingay.
“Ano’ng tina-tayo-tayo mo diyan? Panonoorin mo akong kumain? Doon ka sa labas linisin mo ang bakuran!” utos nito nang may pasigaw.
Lumabas na lang ako upang linisin ang bakuran. Habang nagwawalis ay may napadaang mga kababaihan. Nakasuot sila ng damit na halos kita na ang kanilang dibdib at ang tela ay parang kinulang. Nakasuot sila nang may mataas na takong at makapal ang kanilang kolorete sa mukha.
“Hi pogi. Bago ka lang dito?” bati at tanong sa akin ng isang babae na may kulot at mahabang buhok. May dala itong supot. Ngumunguya ang babae ng bubble gum.
Nahihiya akong tumango sa pagbati nila.“Magandang umaga rin po mga ate,” bati ko. Naghagikgikan ang mga babae sa sinagot ko.
“Oy! Gka, ah? Hindi pa naman ako ganoon katanda para sabihin mong ate.” Napangiti sa akin ang babae.
Napakamot naman ako sa ulo ko. “Ilan taon na po kayo?” tanong ko.
“Um… nasa 20’s?” anito.
“Anong 20’s nasa 30 years old ka na. Diyos ko naman nagsisinungaling ka pa sa bata. Halos anak mo na iyan, inday.” Nagtawanan sila sa tinuran ng babae.
“Hoy, may gana ka pang makipagkwentuhan diyan? Marami ka pang hugasin at lilinisin dito!” Galit na sigaw ng lalaki sa akin.
“Pasensaya na po.” Hinging paumanhin ko sa kanila. Nginitian nila ako.
“Kung nasa tamang gulang ka na puwede ka na, boy.” Napalingon ako sa sinabi ng isang babae. Kumunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan kung ano’ng ibig niyang sabihin.
Nagmadali na akong pumasok sa loob dahil kung hindi bugbog na naman ang aabutin ko.
“Bakit ang tagal mo sa labas?” Galit na tanong nito nang makapasok na ako sa loob ng bahay.
“N-Naglinis po ako ng bakuran.” Tumayo ito sa pagkakaupo at lumapit sa akin. Binatukan niya ako kaya napayuko ako.
“Sabihin mo ayaw mo lang tumulong dito sa kusina! Linisin mo itong lahat! Kapag may nakita akong dumi dito ipapakain ko sa iyo ‘yan!” banta nito sa akin.
Hinawi niya ang plato na may kanin. Bumagsak ang plato sa sahig. Nagkalat ang mumo ng kanin at ulam sa sahig. Lumuhod ako para kunin ang plato. Napaigik ako nang sipain niya ang likod ko bago lumabas ng kusina. Isa-isa kong pinulot ang ulam na tira niya. Hindi pa ako nag-almusal kaya ito na lang ang kakainin ko. Pagtyagaan ko na lang kaysa sa wala.
Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Ilang sandali lang ay pumatak ang luha ko sa mga mata.
Kailan ko ba mararanasan ang maging masaya? Puro na lang ba kalupitan ang dadanasin ko sa buhay? Hindi na ba ako mahal ng diyos kaya niya ako pinabayaan na maging miserable ang buhay?