LUCIFER Unang araw ko bilang bodyguard ni Jade. May pupuntahan kaming event kung saan imbitado ang boss namin at kasama si Jade. “Naks! Ang ganda ng pormahan natin, ah? Nagmukha ka ng tao,” birong sabi ni Hubert nang pumasok sa silid ko. Nakabihis na ako. Nagsuot ako ng polong puti at pinatungan ng itim na suit ayon sa nagbigay ng isusuot ko. Humarap ako sa malaking salamin na nakakabit sa pinto ng cabinet. Hindi ko maiwasang humanga sa sarili ko dahil mukhang tama si Hubert, mukha akong tao ngayon. Binigyan din nila ako ng gel para sa buhok ko at shade. “Para kang member ng men in black,” sabi nito at saka tumawa. “Parang ganoon na nga.” Natawa rin ako. Tinawag na ako ng tauhan ng boss namin. Inayos ko muna ang suot ko at tumingin muna sa harapan ng salamin upang pasadahan ang