LUCIFER “Tama na iyan. Hindi ito ang tamang lugar para mag-away kayong dalawa. Please stop arguing.” Saway ng babae. Sumama ang mukha ng boss ko sa sinabi ng babae. “Huwag kang makikialam dito dahil wala kang karapatan. You are not my mother. Usapang mag-ama ito at hindi ka kasali rito,” galit na sabi ng boss ko. Gulat na gulat ako sa sinabi nito. Napatingin ako sa paligid. Mabuti na lang walang nakatingin sa amin maliban sa bodyguard nang bawat panig. Kanya-kanyang usapan ang nasa ibang lamesa kaya hindi pansin ang pag-aaway ng mag-ama. Nagkaroon ako ng interes na pakinggan pa ang kanilang pag-uusap. Kahit alam kong labas ako sa usapan nila. Kahit na ba kapareho ko sila ng apelyido hindi naman siguro ibig sabihin kamag-anak ko sila. “Huwag mong pagsalitaan ng ganyan ang asawa ko