EPISODE 7

1163 Words
LUCIFER KAGAYA ng napag-usapan isang linggo ang lumipas ay wala pa rin ang amo namin. Hindi namin alam kung pintaya na siya o ikinulong ng mga lalaking kumuha rito. “Ayusin mo na ang gamit mo Luci. Aalis na tayong lahat dito. Walang mangyayari sa atin kung mananatili tayo rito na walang pinagkakakitaan.” Utos sa akin ni ate Eli. “Isang bag lang po ang dala ko dahil kaunti lang po ang damit ko.” Nakangiting sabi ko. Sinukbit ko na ang bag ko at saka kami sabay na lumabas sa maliit na silid. “Doon muna tayo tutuloy sa kaibigan ko. Pansamantala lang muna habang naghahanap ako ng trabaho,” sabi ni ate Eli. “Huwag po kayong mag-alala maghahanap din po ako ng trabaho. Madami naman po akong alam na trabaho,” sabi ko habang may ngiti sa labi ko. “Ayos lang naman kung ako na muna. Hindi naman kita pinipilit na maghanap.” Anito na ikinangiti ko. “Salamat, ate Eli. Pero hindi po ako tutunganga na lang at kayo ay nagtatrabaho. Hindi ko po maaatim iyon. Ako po ang lalaki at dapat ako ang magtrabaho sa atin. Malaki rin po ang utang na loob ko po sa inyo. Kung hindi po sa inyo hindi po ako magiging masaya dahil nagkaroon ako ng pamilya.” Inakbayan ako ni ate Eli. “Para ka na naming nakababatang kapatid. Napakabata mo pa. Ilang taon ka na nga ba?” Mahinang natawa ako. “Desi-sais po,” sagot ko. “Alam mo ba naalala ko sa iyo ang kapatid kong namatay. Siguro kasing edad mo na siya kung nabubuhay lang siya. Sayang lang at nawala siya sa napakabatang edad. Ganoon nga talaga siguro, may nauuna at may nahuhuli.” Kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. “Hayaan mo ate Eli, magmula ngayon kapatid na ang turing ko sa iyo at ituring mo na rin akong parang kapatid mo.” Malawak na napangiti si ate Eli at saka niyakap ako. “Tama na ang dramahan. Aalis na tayo at baka abutan pa tayo ng mga lalaki rito at tayo pa ang pagbalingan ng galit nila,” sabi ni ate Melanie ang isa sa kasama ni ate Eli sa club. Nang makalabas kami hindi namin inaasahan ang bisitang dumating. Ang mga kalalakihang nagpunta noong nakaraang linggo. May hawak silang baril at tila susugod sa giyerahan. Natakaot kami nila ate Eli nang mapasulyap sila sa amin. “Sumama kayo sa amin!” sabi ng isang lalaki at itinutok sa amin ang dala nitong baril. Napakapit sa braso ko si ate Eli at ang iba naman ay sa nagpunta sa likuran ko. Hindi ko ring maiwasang matakot dahil may dalang baril ang lalaki. Ano lang ba kami kumpara sa mga lalaki? “B-Bakit kami sa sasama sa inyo?” Lakas loob na tanong ni ate Eli sa lalaking may hawak na baril, nakatutok sa amin. Napangisi ito. “Ang lakas ng loob mong magtanong sa akin. Akala mo naman malinis ka. Isa ka lang p****k at bayarang babae rito sa bar na ito.” Pang-iinsulto ng lalaki kay ate Eli. Napakuyom ako ng kamao dahil sa pang-iinsulto nito kay ate Eli. “Mawalang galang na po. Wala po kayong karapatang insultuhin si ate Eli. Nagtatrabaho po siya ng marangal at hindi nang-aangrabyado ng ibang tao.” Matapang na sabi ko sa lalaki. Kahit takot ang nararamdaman ko ay nilakasan ko ang loob kong ipagtanggol si ate Eli sa pang-iinsulto ng lalaki. Naningkit ang mga mata ng lalaki dahil sa sinabi ko. Napaatras ako ng sa akin niya itunutok ang baril. Sa mismong sintindo ko. “Ang tapang mo bata! Isang bala ka lang at patay ka!” Inis na sabi nito sa akin. “Tama na iyan!” Napatingin kami sa taong nagsalita. Nandito ang lalaking kalbo at may malaking tiyan. Inalis nito ang sigarilyong nakapasak sa bibig at nagbuga ng usok. Sumenyas ito sa lalaking ibaba ang baril na hawak nito. Nakahinga ako nang maluwag. “Dalhin ninyo ang mga babae sa sasakyan!” Utos nito sa mga tauhan na tumalima naman. “Bitawan mo ako!” Pagtanggi ni ate Eli nang hawakan siya ng lalaki. Walang nagawa ang pagtanggi nila nang tutukan uli sila ng baril. Susunod sana ako nang pigilan ako ng lalaking kalbo. “Maiwan ka bata!” Utos nito sa akin. Napahinto ako sa paglalakad. Natakot ako. “Mamili ka bata. Maiiwan ka rito at masusunog kasama ng casa na ito o sasama sa akin at magtatrabaho bilang tauhan ko?” Natigilan ako sa sinabi ng lalaking kalbo. Anong ibig niyang sabihin? “B-Bakit niyo po susunugin ang casa at anong gagawin niyo sa kasama ko?” Kahit takot ay nagawa ko pang magtanong. Humalakhak ang lalaking kalbo. “Matapang ka bata kung magtanong. Sasagutin ko ang tanong mo. Wala ng silbi itong casa dahil wala na ang amo mo. Magtatrabaho ang mga kasama mo sa akin. Kuntento ka ba sa sagot ko? Pasalamat ka’t binigyan pa kita ng pagkakataong magtanong at sinagot pa kita. Hindi ko gawaing sagutin ang tanong ng mga taong hindi ko kilala. Pasalamat ka dahil kailangan ko ang serbisyo mo bata.” Napakuyom ako ng kamao. Ibig ba niyang sabihing utang na loob ko pa iyon? “Huwag kang mag-alala madali lang ang trabaho mo sa akin. Hindi kagaya rito wala kang kikitain. Sa poder ko malaki ang suweldo mo at hindi ka magugutom pati na ang mga kasama mo.” Anito. Isinubo nito ang sigarilyong hawak at saka nagbuga ng usok. Naubo ako nang maamoy ang usok. Maganda ang alok niya ngunit kailangan kong makasigurong nasa mabuting kalagayan sina ate Eli at iba pang kasama namin. “Pumapayag po ako sa alok ninyo ngunit may kondisyon po ako,” sabi ko. Nangunot ang noo ng lalaking kalbo. “Ano'ng kondisyon mo bata?” Kinakabahan man ngunit sinikap kong tatagan ang loob ko. Hindi dapat takot ang ipairal ko kundi tapang. Walang mangyayari kung ang paiiralin ko ay takot. Kailangan kong lumaban sa ganitong klase ng buhay. Tumaas ang sulok ng labi ng lalaki. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. “Ipangako niyo po na walang masamang mangyayari sa mga kasama ko. Gagawin ko po ang lahat ng trabahong ibibigay niyo po sa akin.” Buong tapang kong sabi sa lalaki. Napalunok ako nang lumapit ang lalaki sa akin at inakbayan ako. Tinapik niya ang balikat ko. “Good! Aasahan mong may isang salita ako. Walang masamang mangyayari sa mga kasama mo. Tandaan mo ito. Ayoko ng traydor at walang isang salita. Nangako kang lahat ng ibibigay kong trabaho sa iyo ay gagawin mo ng walang reklamo. Masama akong magalit bata kaya huwag mong susubukan.” Anito at saka ngumisi. Tumango ako. Sumakay na kami sa magara nitong sasakyan. Hindi ko na nakita ang mga kasama ko. Gayon pa man panatag ang loob kong magiging mabuti ang kalagayan nila. Hindi mabigat ang pagsama ko sa lalaking ito. Naway patnubayan ako ng diyos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD