EPISODE 8

1332 Words
LUCIFER NARATING namin ang hideout ng lalaking kalbo. Agad itong bumaba at sumunod siya. Ang mga tauhan nito ay nakasunod sa likuran ko. Napasulyap ako sa mga hawak nilang mahahabang baril. Takot ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Pakiramdam ko isang pagkakamali ko lang ay agad nila akong babarilin. “Sumunod ka bata sa opisina ko,” utos sa akin ng lalaki. Hindi pa ako natinag dahil akala ko dadalhin nila ako sa mga kasama ko. Hinanap ng mga mata ko sila ate Eli ngunit wala sila. Nakita ko ang isang lalaki na kasama nila ate Eli kanina ngunit hindi nila kasama. Ayaw ko mang isiping baka may ginawa silang masama. Ngunit naisip kong nangako ang lalaki sa akin. Panghahawakan ko iyon. Gusto kong magtanong sa lalaki ngunit takot ako sa hawak nitong baril. Itinutok nito ang dulo ng baril sa akin at itinuro ang pupuntahan ko. Sumunod ako sa lalaki. Pumasok ako sa opisina ng lalaki. Tumambad sa akin ang magandang opisina. May mahabang lamesa at madaming upuang kahoy. Sa unahang bahagi ay may upuang mahaba. Ang sandalan ay kulay ginto. Nakaupo na doon ang lalaki. Naninigarilyo na naman ito. Halos mapuno ng usok ang silid dahil sa binubugang usok nito. “Upo ka bata,” utos nito sa akin. Naupo ako sa di kalayuan dito. “Nasaan po ang mga kasama ko?” lakas loob kong tanong sa kanya. Tumigil sa paghitit ng sigarilyo ang lalaki at ibinaba ang kamay nito. Naningkit ang mga mata nitong nakatingin sa akin. “Sinabi ko naman sa iyong nasa mabuti silang kalagayan. Nasa kabilang hideout sila. Huwag kang mag-aalala dahil may isa akong salita. Basta gawin mo lang ang lahat ng ipagagawa ko sa iyo.” Nabunutan ako ng tinik sa sinabi niya. Tumango ako. Napangisi ang lalaki sa pagpayag ko. Sumenyas itong umupo ako sa upuan nasa harap ng lamesa nito. Tumayo ako sa inuupuan kong sofa at lumipat sa upuang nasa harap ng lamesa nito. Napasulyap siya sa baril na nakapatong sa lamesa nito. Natakot siya. Ibinaling ko ang tingin ko sa lalaki. “Tawagin mo akong boss Tom. Babayaran kita ng malaking halaga kapag nagtrabaho ka sa bar ko bilang dancer.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ako magsasayaw? Parang hindi ko yata kayang magsayaw. Sa loob-loob ko. “Boss Tom. Hindi po ako marunong sumayaw. Baka pwedeng tigalinis na lang po ako sa club ninyo.” Pakiusap ko. Bakit naman naisip niyang magsayaw siya? Mukha ba siyang marunong sumayaw? Naningkit ang mga mata ng lalaki. Mabilis nitong kinuha ang baril na nakapatong sa lamesa nito at saka itinutok sa mukha ko. Napalunok ako at natakot. “Hindi ba nangako kang gagawin ang lahat ng gusto ko basta nasa mabuting lagay ang mga kasama mo? Nasaan na ang pangakong iyon? Nakikita mo ba itong baril na hawak ko? Kapag hindi mo sinunod ang gusto ko papatayin ko ang mga kasama mo at pati na ikawm bata. Walang karapatan ang mga tauhan kong tumanggi sa ibibigay kong trabaho. Nagkakaintindihan ba tayo?” Sa takot niya ay tumango siya. Kahit labag sa kalooban niya ang pinagagawa nito. Ang mahalaga nasa mabuting lagay sila ate Eli at ibang kasama namin. Napangisi ang lalaki. Kinilabutan siya sa nakikita rito. Napalunok siya. “Magtatrabaho ka sa akin at lahat ng sasabihin ko ay gagawin mo. Huwag kang mag-alala dahil malaki ang magiging suweldo mo kung magiging mabuti ka at hindi gagawa ng bagay na ikaiinis ko.” Anito. Takot man ay tumango ako. “Ito ang magiging silid mo mula sa araw na ito,” sabi ni boss Tom. Pumasok ako sa loob. May isang higaan na may kutson at may kabinet sa isang sulok. May upuan at lamesa na din. Nakarinig ako ng pagsarado ng pinto. Napalingon ako. Tinangka kong buksan ang pinto ngunit naka-lock! “Boss Tom! Pakiusap palabasin ninyo ako!” ani ko habang kinakatok ang pinto ng walang humpay. Humalakhak si boss Tom na parang naisahan niya ako. “Diyan ka muna bata. Madami akong plano sa iyo.” Natigil ako sa pagkatok sa pinto. Anong ibig niyang sabihin? Akala ko ba bibigyan niya ako ng trabaho? Bakit kailangan niya akong ikulong? “Boss, pakiusap po pakawalan ninyo ako. Tutuparin ko po ang sinabi kong susunod sa lahat ng gusto ninyo,” pakiusap ko ngunit walang nagbukas ng pinto. Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Napaupo na lang ako at umiyak. Hindi niya ako sinagot. “Bantayan ninyo ang bata! Mapapakinabangan natin iyan! Bukas papuntahin ninyo ang parokyano natin. Siguradong matutuwa sila sa regalo ko.” Napatayo ako sa narinig sa lalaki. Bigla akong kinabahan. Anong ibig niyang sabihin? Anong parokyano? Mga katanungan hindi ko masasagot. Ang tanging makakaalam ng sagot ay ang lalaki. “Pakawalan ninyo ako dito! Pakiusap po!” pagmamakaawa ko ngunit walang sumasagot. Napaluhod na lang ako at nagsimulang tumulo ang luha ko sa mga mata. Bakit ba napakamalas ko? Ano bang nagawa ko at ganito ang binibigay sa akin ng diyos? Malupit siya! Tahimik akong umiyak habang nakakuyom ang kamao ko. Punong-puno ng galit ang puso ko. Nakatulugan ko na ang pag-iyak. Nagmulat ako ng mga mata nang maulinigan kong may nagbubukas ng pinto. Bumaba ako sa hinihigaan kong kama at lumapit sa pinto. Napaatras ako ng bumukas iyon. Pumasok ang tatlong lalaking may malalaking katawan. May dalang baril ang isa sa mga lalaki. “Sumama ka sa amin!” utos nito at itinutok ang dulo ng baril sa mukha ko. Nanigas ang katawan ko dahil sa takot. Napilitan na lang akong sumunod kahit marami pa akong tanong sa kanila. Nagpunta kami sa labas ng gusali kung saan ako ikinulong at pumasok sa isa pang gusali. Sinalubong kami ng ingay at kakaibang amoy sa loob ng gusali. Mukhang casa ang lugar na ito kagaya ng pinagtrabahuan namin nila ate Eli. Nandito kaya sila? Medyo madilim ang lugar. Tanging ang ilaw na nagmumula sa harapan ng stage ang tanging liwanag. Muntik na akong mapasubsob ng itulak ako ng lalaki na nasa likod ko. “Bilisan mong maglakad! Napakabagal mo!” anito. Umakyat kami sa hagdan. May nakasalubong kaming mga babaeng halos hubad na dahil sa suot nilang kakapiranggot at may dalang tray na may bote ng alak. Pumasok kami sa isang silid. Gusto kong masuka sa amoy na nagmumula sa loob dahil hindi ko maintindihan kung anong klaseng amoy iyon. Napatitig ako sa apat na babaeng nakaupo sa hita ng mga matatandang lalaki habang nagbubuga ng usok. “Ito ba ang bago nating mananayaw?” tanong ng isang matandang lalaki na may hawak na tungkod. Nakaupo ito sa pulang upuan. Hindi ba ako nagkakamali ng dinig? Magsasayaw ako? “Mukhang batang-bata itong na-recruit mo Tommy.” Narinig kong wika ng isa pang lalaki na mapayat na may makapal na balbas. May hawak itong baso ng alak. “Oo siya nga. Titiba tayo dito sa isang ito dahil hindi maikakailang magandang lalaki at maganda ang katawan. Mukhang may lahi itong nakuha mo, Tom. Madaming magkakandarapang mga matrona at bakla sa batang ito.” “Ayoko pong magtrabaho bilang mananayaw. Kahit maglinis na lang po ako ng casa. Kahit hindi niyo na po ako bigyan ng sweldo, kahit pangkain lang.” Pakaiusap niya. Ayaw niyang madungisan pa ang kanyang katawan para lang sa pera. Nadungisan na nga ng amo niyang babae pati ba naman sila? “Mamili ka bata. Gusto mo bang may masamang mangyari sa mga kasama mo o susundin mo ang lahat ng gusto ko? Nangako kang gagawin mo ang lahat ng sasabihin ko. Sabi ko naman sa iyo may isa akong salita.” Anito at napangisi. Nagtawanan ang mga lalaki. Ako naman ay nag-igting ang panga ko. Hindi ko alam kung ano bang dapat niyang gawin. Nangako nga naman siya na gagawin ang gusto nito. Ayaw ko mang gawin para ito kila ate Eli. Para sa kaligtasan nilang lahat. Pikit mata kong tatanggapin ang alok nito. Gusto niyang umiyak sa kinasadlakan niyang lugar. Isang impyerno at mga demonyo ang mga nandito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD