HINGAL NA HINGAL na ako at tumutulo na rin ang mga pawis sa buong katawan, pero patuloy pa rin kami sa pagtakbo ni Sir Dauvit. Malayo na rin ang aming nararating. Hindi ko alam kung ilang ektarya ba itong property nilang ito, pero napakalawak talaga at malinis. Pero sa ibang parte nito ay parang gubat dahil mayroong mga nagtataasang mga puno, at may mga batis at falls. May mga nakatalaga sila ditong tao para maglinis. Tumabi sa akin si Sir Dauvit na siyang ikinalingon ko sa kanya. Hinihingal na rin siya at naliligo na rin sa pawis, pero patuloy pa rin sa pagtakbo. "Di magtatagal, magkakaroon na rin ng mga resort sa mga gilid ng bangin na 'yan," aniya kasabay nang pagnguso niya sa kanang bahagi namin. Napalingon din naman ako doon. Mapuno doon pero mataas na lugar, kapantay nitong