CHAPTER 1: Night trespasser
Ces Marciano
NAGISING AKONG BIGLA sa isang kamay na humahaplos ngayon sa kaliwa kong binti. Tumataas ito patungo sa hita ko.
Ganun na lamang ang kabang naramdaman ko. Wala akong makita kundi puros kadiliman lamang, pero alam kong naririto pa rin ako sa kamang kinahihigaan ko, sa silid ng isa sa mga guestroom ng family Delavega--ang pamilya ni Sir Damien.
Nagtatrabaho ako bilang secretary ni Ma'am Damzel, panganay na anak ni Sir Damien at CEO ng VM Health Center. Ngunit dahil malapit na siyang manganak ay dito na lamang siya nagtatrabaho ngayon sa mansion nila. Isinama niya ako dito at dito pansamantalang pinatigil. Limang araw na ang nakalilipas.
Noong una ay doon ako natutulog sa bahay ng mga maid na matatagpuan sa likod nitong mansion, ngunit ang gusto ni Ma'am Damzel ay malapit ako sa kanya kaya inilipat niya ako dito sa isang guest room sa second-floor kung saan katabi lamang nito ang mga silid ng buong pamilya nila, simula sa parents nila at mga kapatid. Pangalawang gabi ko pa lamang ngayon sa silid na ito.
Ang katabi ng silid na ito ay kay Sir Dame Lei, isa sa mga kambal na lalaki ni Ma'am Damzel. Habang ang nasa kaliwang tabi ay isa pang bakanteng guest room.
Hindi ko alam kung sino itong kasama ko ngayon dito sa silid ko, pero base sa kamay niyang may kalakihan at sa amoy niyang nalalanghap ko, lalaki siya. Mas lalo pang lumakas ang kabog ng dibdib ko nang maramdaman kong malapit na sa singit ko ang kamay niya. Nanginginig na ang mga braso ko.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Natatakot ako.
Kapag nanlaban ako, baka patayin niya ako. Madali lang nilang pagtatakpan ang krimen dahil naririto ako sa loob ng mansion nila. At hindi lang ubod ng yaman ang pamilya nila, makapangyarihan silang tao at maraming connection sa loob at labas ng bansa, maging sa gobyerno o sa batas.
Nakagat ko na lamang ang ibabang labi ko nang tuluyan nang maabot ng kamay niya ang mismong p********e ko na ngayon ay natatakpan ng suot kong undies. Long night dress ang suot ko pero ngayon ko lang na-realize na mukhang nakataas na ito hanggang sa baywang ko. Sa pagkakaalala ko rin ay balot ng kumot ang buo kong katawan bago ako matulog dahil nilalamig ako sa aircon nitong silid.
Naka-off ang lampshade pero tinutulugan ko talaga 'yan na naka-on. Siguradong pinatay niya 'yan. Sino ba ang lalaking ito? Nararamdaman ko ang init ng palad niya sa p********e ko at kakaiba ang inihahatid na pakiramdam nito sa akin. Naninindig ang mga balahibo ko, ngunit nanginginig ang mga ugat ko sa katawan.
Mas lalo pang tumindi ang nararamdaman ko nang simulan pa niya itong haplusin ng marahan. s**t! Nakagat ko ng mariin ang ibabang labi ko kasabay nang pagpikit din ng mariin ng aking mga mata.
Fuck! Sino ba siya?! Ano'ng karapatan niyang gawin ito sa akin?!
Lakas-loob akong gumalaw at nagkunwaring naalimpungatan. Umayos ako nang pagkakahiga. Minabuti kong tumagilid paharap sa kinaroroonan niya. Ayokong tumalikod dahil baka bigla niya akong saksakin sa likod.
Kumawala naman ang kamay niya mula sa akin, pero ramdam kong nasa tabi ko pa rin siya.
Pito ang mga lalaking nakatira sa mansion na ito ngayon. Ang ama nilang si Sir Damien, ang limang anak niyang mga lalaki na sila Sir Damiel, Dame Lei at Dauvit na twins, at sina Dalton Zane at Zean Daxton. Dumagdag pa ang asawa na Ma'am Damzel na si Sir Tyrone King.
Sino sa kanila ang lalaking ito?
Hindi naman siguro siya si Sir Damien. Malabo naman sigurong mangyari 'yon dahil nakikita ko kung gaano niya ka-mahal si Ma'am Liezel. Nakaka-intimidate lang siyang tingnan lalo na sa labas ng mansion na ito at sa tuwing kasama niya ang marami niyang guwardya. Pero sa tuwing naririto siya sa tahanan nila ay napakalambing niyang asawa. Malayo sa hitsura niya sa tuwing nasa labas siya o nasa trabaho.
Istrikto din siya sa mga anak pero alam ko kung gaano din niya kamahal ang mga ito. Nag-aalala kaagad siya sa tuwing hindi kaagad ang mga ito nakakauwi ng bahay. Pinababantayan niya ang mga ito sa mga tauhan nila.
Si Sir Damiel, pangalawa sa mga anak niya at sumunod kay Ma'am Damzel. Imposibleng siya ito. Mabait naman siya pero bihira kami magkausap. Tahimik siya at parang malalim palagi ang iniisip.
Ang kambal na Dame Lei at Dauvit. Si Sir Dame Lei ay medyo may pagkasuplado at hindi naman ako gaanong pinapansin kahit nagkakasabay kami madalas sa kusina. Si Sir Dauvit naman ay palaging naka-smile at madalas akong batiin sa tuwing nagkakasalubong kami. Mapagbiro din siya. Madalas din siyang magpatimpla sa akin ng kape.
Kung sila Sir Dalton at Sir Zean naman na nakababata na nilang kapatid, wala din akong problema sa kanila. Mababait sila. Si Sir Zean ang pinakabunso sa kanila at may kakulitang taglay. Siya ang nagpupumilit sa akin na kumain ng marami dahil masyado daw akong payat. Gusto din niya na nagkakasabay kami sa pagkain.
Si Sir Dalton naman, kung minsan ay ginagawa niya akong yaya niya. Tinatawag niya ako madalas sa loob ng kwarto niya para magpaayos ng damit niyang isinusuot. Nagpapasuklay din siya sa akin ng buhok niya.
Nahihiya ako sa mga magulang nila at kay Ma'am Damzel pero wala akong magawa dahil mga boss ko rin sila.
Kung si Sir Tyrone King naman, imposibleng mangyari 'yon. Wala pa silang isang taong kasal ni Ma'am Damzel pero in love na in love 'yon sa boss ko.
Napahinto ako nang maramdaman ko ang paggalaw ng gilid ng kama ko. Mukhang tumayo na siya. Ngunit napakislot akong bigla nang maramdaman ko naman ang kamay niya sa braso ko paakyat sa balikat ko.
Muling kumabog ng malakas ang dibdib ko.
Nakarating ang kamay niya sa pisngi ko at marahan itong hinaplos. Ngunit natulos na lamang akong bigla sa kinahihigaan ko nang may lumapat na malambot na bagay sa mga labi ko, kasabay nito ay mainit na hanging nalanghap ko mula sa kanya.
Shit!
Hinahalikan na niya ako!