NAGISING at nagulat ako sa malakas na alarm ng phone ko. Maliwanag na ang buong paligid. Umayos ako nang pagkakahiga sa kama. Napakabigat ng pakiramdam ko ngayon; hinang-hina ako at antok na antok pa rin ang aking mga mata. Hindi ko alam kung ano'ng oras na ako nakatulog kanina. Basta ang alam ko ay mag-uumaga na 'yon. Tiningnan ko ang oras kanina pagkatapos niyang lumabas ng silid ko, at 2:30 'yon ng madaling araw. Nakapagdamit din ako kanina bago ako natulog. Sumasakit ang ulo ko, para akong bangag na ewan. Hindi ko kasi makalimutan ang mga nangyari at hindi ko pa rin mapaniwalaan hanggang ngayong gising na akong muli. Hindi ko na naman alam kung paano ako lalabas ng silid na ito ngayon. Pinagmamasdan niya lang ako at hindi ko alam kung ano'ng tumatakbo sa isip niya, pero hindi ko