"May sakit ka daw? Ako na ang mag-aayos ng kama mo." Pumasok dito sa loob ng silid ko si Ate Marilou dala ang pamalit na kumot at kobre-kama. Ako naman ay bagong paligo at kalalabas lamang ng banyo. Nakatapis pa rin ako ng tuwalya, pati na rin ang buhok ko. "Medyo okay naman na po, Ate Malou. Iwan niyo na lang po 'yan. Ako na po ang bahala." Kaagad kong inagaw sa kanya ang mga dala niya. "Sigurado ka?" "Opo, Ate. Nakainom naman na po ako ng gamot at nakapagpahinga kaya medyo okay na po." "Oh, sige. Bababa na ako. Bumaba ka na rin para kumain." Bumaling na siyang muli upang tumalikod, ngunit napadako ang mga mata niya sa mangkok at mga kubyertos na nasa bedside table ko. "Oh, may mangkok ka pala dito. Ibababa ko na ito." Kaagad niya itong nilapitan at dinampot. "Umm, may nagdala po