BINITAWAN na din naman niya ang braso ko. Hinagis lamang niya ang briefcase niya sa ibabaw ng sofa, pati na rin ang coat niya. Ako naman ay nakatitig lamang sa kanya, lalong lalo na sa sugat niya sa labi. Ang hirap naman yatang paniwalaang nadapa siya. Hindi na siya bata. Malaking tao siya, malakas at halata namang matibay ang mga tuhod. "What are you doing in his room?" malamig niyang tanong sa akin. Namaywang siya sa harapan ko. "N-Nagpapatulong lang po siya sa paggagamot ng sugat niya at ... nagpadala din po siya ng kape." Nag-aalinlangan akong lumapit sa kanya, pero kailangan dahil may trabaho ako sa kanya. Nilapitan ko pa rin siya at sinimulang kalasin ang butones ng dress shirt niya mula sa dibdib. "Are you blind? He was about to kiss you, and I clearly heard what he said." Na