NAGISING ako sa alarm ng phone ko. Maliwanag na ang buong paligid. Napatulala na lamang ako sa kawalan nang maalala ko ang nagdaang gabi. Ramdam ko ang matinding pananakit ng kaselanan ko. Sinubukan kong bumangon ngunit nahihirapan akong ikilos ang aking mga binti dahil dito. "Shit." Naipikit ko ng mariin ang aking mga mata at napahilot sa sentido. Bakit ba hindi ko naisip ito kagabi bago ako pumayag na magpagalaw sa kanya? Paano ako makakapagtrabaho nito ngayon? Siguradong magtataka sila sa akin. Eh, paano ko pa maiisip 'yon? Binaliw nga niya ako kagabi, 'di ba? Para akong nadroga na basta na lamang pumayag sa mga gusto niya. Sumandal na lamang muna ako sa headboard ng kama at pinagmasdan ang ibabang bahagi ng katawan ko sa loob ng kumot. Wala pa rin akong anumang saplot hanggang