KAAGAD naman akong sinalubong ng ilaw ng tahanan na si Ma'am Liezel. Saglit niya akong niyakap at hinawakan ang mga kamay. "Masaya akong nagbalik ka. Sigurado ka bang okay ka na? Kaya mo na bang magtrabaho? Baka kasi mabinat ka." Sinalat ng kamay niya ang leeg ko at pisngi ko. "Okay na po talaga ako, Ma'am. Kaya ko na po." "Okay, sige. Pero kung may nararamdaman ka pa sa sarili mo at sa tingin mo ay hindi mo pa kaya, huwag mong pilitin. Mas mabuting magpahinga kaysa lumala ang sakit. Magsabi ka lang, okay?" "Opo. Huwag po kayong mag-alala, Ma'am." "Nag-breakfast ka na ba? Kumain ka na muna sa kusina." "Okay na po. Kumain na po ako sa bahay bago umalis." "Oh, sige na. Umakyat ka na. Kanina pa rin naman gising si Damzel." "Opo, salamat po ulit, Ma'am." Yumuko ako sa harapan niya. N