NAPILITAN na rin akong bumaba ng bahay kasama si Joy. Nagpaalam na muna kami kay Mama. Nagulat naman kami dahil naririto na si Lola, gayong alas tres pa lamang ng hapon. Kadalasan kasi ang uwi niya ay gabi pa kung kailan hapunan na. At inuusisa niya ngayon si Kuya Rocco na nakatayo sa tabi ng pinto. Nagulat din ako sa limang malalaking box sa sala. Ang isa ay nakabukas na at kinakalkal din ni Lola ang mga laman. Hawak na niya ang dalawang pack ng mga gatas. "Kuya Rocco, nandito na po si Ate!" Napalingon naman kaagad sila sa amin dahil sa pagsigaw ni Joy. Tuluyan na kaming nakababa ng hagdan. "Magandang hapon po, Ms. Ces." Yumuko sa harapan ko si Kuya Rocco. "Kuya Rocco, ano po 'yang mga dala niyo?" tanong ko sa kanya. "Hindi mo ba nakikita? Biyaya ito sa atin!" malakas na sagot na