CHAPTER 29: I’ve got you, Sweetheart!

2301 Words

Ces PAGSAPIT ng tanghali ay nagpaalam na muna ako kay Ma'am Damzel na bababa. Siya naman ay dinalhan ng pagkain ni Sir Tyrone at sa kwarto na lamang nila kakain ng sabay. Umuwi siya bago sumapit ang tanghali. Kanina ay nagkaroon din ng masinsinang pag-uusap sila Ma'am Damzel at Sir Damiel dito sa study room. Mukhang nagising naman na ang kapatid nila at magsisimula na muling magtrabaho. Dapat lang dahil nakakaawa na ang buntis nilang ate. Baka maapektuhan ng stress niya ang dinadala niyang sanggol. Lalaki pa mandin ang panganay nilang anak. Baka paglabas niyan ay iritable at bugnutin din tulad nila. Paglabas ko naman ng study room ay bumungad kaagad si Sir Dame Lei na ngayo'y nakatayo sa pinto ng silid niya at nakaharap dito sa kinaroroonan ko. Mukhang may hinihintay na naman siya do

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD