CHAPTER 3: Plans

1894 Words
Napayuko na lamang ako at hinarap ng muli ang pagkain ko. "Pasensya na po talaga, Sir Dalton. Eh, ang totoo po, inihabilin ko lang muna pansamantala ang Lola ko sa kapitbahay namin. Hindi pa ako nakakahanap ng tagapagbantay niya kaya kailangan ko po talagang umuwi ngayon... Pasensiya na po, sa susunod ko na lamang po talaga kayo matutulungan." Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya ng malalim. "Kung ganun, hindi na kita mapipilit. But... you'll have to make it up to me when you return." Bigla naman akong napatunghay sa kanya dahil sa sinabi niya. "P-Po?" Bumalik ng muli ang napakagandang ngiti sa mga labi niya habang nakatitig sa akin. "A-Ano pong ibig niyong sabihin?" muli kong tanong. "Kailan ka ba babalik?" tanong din niya. "Ahm, b-baka po sa Monday na ng umaga." "Oh? Can't it be tomorrow morning instead?" "Eh, m-marami pa po akong gagawin bukas, eh." "Why are you insisting on making Ces do work that isn't even part of her job? Are you her boss?" Bigla kaming napalingon kay Sir Dame Lei nang bigla na lamang itong nagsalita. Naglalakad na ito patungo sa pinto ng kusina. "What's the problem with that? Pasusuwelduhin ko naman siya. Mabuti nga at makaka-sideline pa siya. Dagdag income niya rin 'yon para sa Lola niya," sagot din naman ni Sir Dalton. "Where will you get the money to pay her, from your allowance?" sagot namang muli ni Sir Dame Lie bago tuluyang lumabas ng kusina. Bigla na lamang nag-igting ang panga ni Sir Dalton. "Agh! For crying out loud! Bakit ba nangingialam siya? Hindi naman siya ang nagbibigay sa akin ng allowance!" Natahimik naman ako, at ang mga kasambahay na kasama namin dito. Muli siyang bumaling sa akin. "Don't mind that prick. Basta ako ang bahala sa iyo. I'll just wait for your return. Take care." Tumayo na rin siya kaagad at tumalikod. Napayuko na lamang akong muli. Siya naman ay tuluyan nang nakalabas ng kusina. Doon pa lamang ako medyo nakahinga ng maluwag. "Masanay ka na sa magkakapatid na 'yan, Ces." Napalingon naman ako kay ate Marilou dahil sa sinabi niya. Nilapagan niya ako ng mainit na sabaw sa mesa. "Madalas ding magbangayan ang mga 'yan, pero nagkakasundo din naman kaagad. Lalo na sa tuwing dumarating na ang kanilang ama." "Pero pakiramdam ko ay may something sa iyo ang magkakapatid na 'yan," turan naman ni ate Rinalyn na siyang ikinalingon ko sa kanya. Nasa harapan siya ng gas range at may hawak na malaking sandok. Umuusok-usok ang malaking kalderong nakasalang doon, at bukas pa ang apoy nito sa ilalim. Napalunok akong bigla. "P-Po? A-Ano naman pong something?" "Hindi pa sila naging ganyan ka-sweet sa mga kasambahay. Sa iyo pa lang," sagot niya. "N-Naku, parang hindi naman po. May inuutos lang po sila sa akin." "Kami ang nakakaalam at nakakapansin dahil matagal na kaming naninilbihan sa kanila. Ako ay sampung taon na dito sa kanila. Si ate Marilou naman ay fifteen years na. Nasaksihan namin ang paglaki ng mga batang 'yan." Napanganga naman ako sa mga sinabi niya. "Wow. Ang tagal niyo na po pala dito." Ngumiti naman si ate Marilou. "Totoo ang mga sinabi niya. Marami nang naging kasambahay ang mga Delavega, pero marami na rin ang umalis at hindi nakatagal sa ugali ng mga lalaking anak ni Sir Damien at Ma'am Liezel." "Bakit naman po?" Hindi ko napigilang magtaka. "Noon kasi ay sobra pa sa pagka-immature ang mga batang 'yan. Makukulit, mga pilyo, spoiled brat. Kapag hindi nila gusto ang isang kasambahay, ginagawan nila ng paraan para umalis." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. "A-Ano naman po?" "Nagbabasag sila ng mga mamahaling gamit. Dinudumihan ang mga nilutong pagkain. Sinusunog ng plantsa ang mga damit ng kanilang ama at ina. Nagnanakaw ng pera, mga alahas at kung ano-ano pa. At lahat ng 'yan ay ibinibintang nila sa mga kasambahay, para pagalitan sila ng mga magulang nila hanggang sa mapilitan nang umalis ang mga kawawang maid." "Pero dati lang 'yon, noong mga bata pa sila. Mga 4 to 7 years old pa lang sila noon," turan naman ni ate Rinalyn. "Pero kawawa naman po ang mga kasambahay kung ganun. Napapagbintangan sila sa mga kasalanang hindi naman nila ginawa," sagot ko. "Sinasabi naman namin ang totoo sa kanila, lalong-lalo na ng mayordoma natin. Kaya lang, wala rin silang magawa kundi paalisin na lang ang mga kasambahay dahil ayaw talaga sa kanila ng mga bata... Ang sabi naman ng mga bata, hindi daw nila feel, masungit daw, mataray, tamad at kung ano-ano pang sinasabi nila," turan naman ni ate Marilou. "Pero may mga kasambahay din naman silang nagugustuhan, katulad namin at ng iba pang matatagal na dito. Siguro ay talagang marurunong lang silang makiramdam sa isang tao," turan naman ni ate Rinalyn. Napatango-tango ako at napangiti. "At pinili nilang magtagal dito ang mga mabubuting tao na tulad niyo." Napangiti din sila. "Ganun nga siguro," pagsang-ayon ni ate Marilou. "Pero ngayon naman ay maaayos na silang mag-isip, at sa iyo lang talaga sila naging sweet ng ganito." Napalunok naman akong muli sa sinabi ni ate Rinalyn. Alanganing ngiti ang ibinigay ko sa kanila. "Aah... h-hindi ko po binibigyan ng ibang kahulugan 'yong mga ipinapakita nila sa akin. Baka naman po gusto lang nila akong maging kaibigan." Minabuti ko nang simulan ang pagkain. "Siguro nga, pero ang iba sa kanila ay kakaiba tumingin sa iyo," may halong kilig na turan ni ate Rinalyn. "N-Naku, p-parang hindi naman po." Muling lumakas bigla ang kabog ng dibdib ko, lalo na nang maalala ko na naman ang nangyari kagabi sa silid ko. "Huwag mo nang guluhin pa ang isip ni Ces. Bago pa lang siya dito kaya siguro ganyan ang magkakapatid sa kanya," turan naman ni ate Marilou. "Siguro nga. Kumain ka na, Ces. Tanghali na, baka naghihintay na sa iyo ang lola mo," ani ate Rinalyn naman sa akin. "Oo nga po." "Ilang taon na ba siya?" tanong ni ate Marilou. "Eighty-five na po." "Matanda na rin pala. Mag-isa lang ba siya sa bahay niyo?" "May fifteen years old po akong kapatid na babae. Siya talaga ang kasa-kasama doon ni Lola. Malakas pa naman po si Lola, kaya lang, nag-uulyanin na siya at bingi na. Malabo na rin ang mga mata niya." "Dala na siguro 'yon ng katandaan. Akala ko naman ay mag-isa lamang siya sa bahay niyo, tapos ay naiwan mo siya ng halos isang linggo doon." "Sinabi ko lang po 'yon para hindi na po mangulit si Sir Dalton. Baka po hindi niya ako payagang umalis, eh." "Tama lang 'yon." "Eh, nasaan naman ang mga magulang niyo?" tanong naman ni ate Rinalyn. "Nasa Saudi po ang Mama namin. Ang Papa naman po namin ay nag-asawa na ng iba, simula noong mag-abroad si Mama." "Naku, mga lalaki talaga. Hindi talaga makatiis na hindi titikim ng ibang puki, mga hindot." Bigla kaming natawa sa sinabi ni ate Marilou. "Hmm. Naalala mo lang ang ex-husband mo," natatawang turan ni ate Rinalyn. "Bakit po, ate Marilou? Nag-abroad din po ba kayo dati?" tanong ko naman sa kanya. "Hindi naman, pero simula noong magtrabaho ako dito kila Sir Damien at Ma'am Liezel, at nag-stay-in ako dito, ayon, nagloko na ang hayop. Isang buwan pa lamang akong naninilbihan dito noon, nahuli ko kaagad na may ibang babaeng inuuwi sa bahay namin. Hindi na nahiya, ang kapal ng mukha... Hindi naman makapagsumbong ang nag-iisa naming anak na babae dahil tinakot daw siya ng ama niya, na iiwan daw niya kami... Ayon, tinuluyan ko na siyang iwan. Ano'ang akala naman niya, maghahabol ako sa kanya? Isaksak niya 'yang kakapiranggot niyang t**i sa babae niya!" Muli kaming natawa ni ate Rinalyn sa bulgaran niyang pagbanggit sa maselang bagay na 'yon ng lalaki. "Kung ganun, nasaan po ngayon ang anak niyo?" tanong ko sa kanya. "Ang anak namin ay naroroon sa mga lolo at lola niya, sa mga magulang ko. Hinayaan ko na siyang demonyo siya doon sa babae niya." "Nagsusuporta naman po ba?" "Hindi ako humihingi, pero ang sabi ng anak ko ay binibigyan-bigyan naman daw siya sa tuwing nagkikita sila. Malapit lang kasi ang trabaho niyon doon sa eskwelahan kung saan nag-aaral ang anak namin." "Mabuti po kung ganun. Bakit hindi niyo po idinemanda?" muli kong tanong. "Hindi naman kami kasal, at saka gastos lang 'yon. Hinayaan ko na lang, kaysa magtiis ako sa kanya. Diyos na ang bahala sa kanila." "Parehas po kayo ni Mama ng katwiran, pero kasal po sila ng Mama ko." "Eh, kumusta naman ang Papa niyo sa inyong magkapatid?" tanong ni ate Rinalyn. "Naka-focus na lang po ang atensyon niya sa bago niyang pamilya. May dalawa na rin po silang anak." "Hindi na ba niya kayo sinusustentuhan?" tanong ni ate Marilou. Kaagad akong umiling. "Hindi na rin naman po kami naghahabol pa sa kanya. Kulang pa sa pamilya niya ang kinikita niya. Kaya naman namin na wala siya." Lumarawan ang lungkot at simpatya sa kanilang mga anyo. "Ganun talaga. Marami talagang mga lalaking puro libog lang sa kawatan ang iniintindi. Mga wala namang bayag para sa mga responsibilidad," turan ni ate Marilou. "Kaya nga hindi na ako mag-aasawa. Trauma na ako sa mga kaibigan ko, na lahat ay niloko lamang ng mga boyfriend at asawa," turan naman ni ate Rinalyn. "Hindi naman lahat ay ganun," sagot ni ate Marilou. "Naku, sa panahon ngayon, ate Malou, napakahirap nang humanap ng tapat na lalaki. Tanghali na lamang talaga ang tapat. Mahirap makipagsapalaran. Mahina pa mandin ako pagdating sa mga ganyang bagay. Baka hindi ko kayanin. Meron pa nga dyang nagpapakamatay dahil sa pag-ibig, kaya di bale na lang maging single for life... Napanood mo ba 'yong artista si ano..." Ipinagpatuloy ko na lamang ang pagkain ko at hindi na sila sinagot pa. Naalala ko lang muli 'yong lalaking pumasok kagabi sa silid ko at hinawakan ako sa maseselang parte ng katawan ko. Kauna-unahang beses ko pa lamang naranasan 'yon. Kauna-unahang beses na mahaplos ng kamay ng isang lalaki at mahalikan sa labi, kaya hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko hanggang ngayon. Natatakot ako, kinakabahan, may kakaibang sensation, pero... hindi ko talaga alam. Halo-halo ang nararamdaman ko simula pa kagabi hanggang ngayon. Hindi pa ako nagkakaroon ng boyfriend sa edad na 23 dahil priority ko ang pamilya ko. Bachelor of Science in Psychology ang tinapos ko, pero hindi ko pa nasusubukang mag-apply sa mga establishment na angkop sa tinapos ko. At una akong nagtrabaho sa isang dental clinic na malapit sa amin, bilang assistant. Pero mababa magbigay ng sahod si doktora Abao. Nalaman ko naman mula sa isa kong kaibigan na nagtatrabaho sa VM Health Center na naghahanap ng secretary si Ma'am Damzel, at sinabi niyang malaki ito magpasahod, kaya sinubukan ko kaagad na mag-apply. Siya ang tumulong sa akin dahil may kilala siya sa HR department, kaya natanggap kaagad ako. Labis ang tuwa at pasasalamat ko noong araw na 'yon sa kaibigan ko dahil hindi basta-basta ang mga Delavega at ang trabahong pinasukan ko. Kaya noong unang sahod ko ay nilibre ko kaagad siya ng paborito niyang pagkain. Ibinalita ko rin kaagad 'yon kay Mama, kaya nakatanggap ako ng maraming papuri mula sa kanya. Umiyak pa ako noon sa sobrang saya dahil matutulungan ko na siya sa pagpapaaral sa kapatid ko at sa pagpapagamot kay Lola. Mag-iipon din ako para kay Mama, kahit pampatayo lang ng maliit na negosyo, para hindi na siya babalik pa sa Saudi at magpapaalila sa mga mahihigpit niyang among Arabo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD