CHAPTER 2: Guess

2215 Words
Ces Marciano "CES?" Sunod-sunod na katok sa pinto ang biglang nagpagising sa akin. Naidilat kong bigla ang aking mga mata at napabalikwas mula sa kama nang makita kong maliwanag na pala ang buong paligid! "Mom, hayaan niyo na muna si Ces. Baka tulog pa. Saturday naman ngayon. Hayaan niyo na muna siyang magpahinga ng matagal." Nadinig ko ang boses ni Ma'am Damzel sa labas! Ano'ng oras na ba? Kaagad kong hinanap ang kinaroroonan ng phone ko. Wala ito sa ibabaw ng bedside table. Iniangat ko ang mga unan ko at dito ko siya sa ilalim natagpuan. Mabilis ko itong dinampot at sinilip ang orasan. Ganun na lamang ang pamimilog ng mga mata ko nang makita kong alas diyes na pala ng umaga! Magtatanghali na pala, sheyt! "Tanghali na, anak. Baka binabangungot na 'yon sa loob. Marilou, pakikuha ng susi!" "Opo, Ma'am." Mabilis na akong bumaba ng kama at sandaling inayos ang sarili ko. Kaagad kong tinungo ang pinto at binuksan na ito. Bumungad naman sa akin sa labas sila Ma'am Liezel at Ma'am Damzel, na nagulat pa nang makita ako! "Oh, Iha. Kagigising mo lang ba?" tanong ni Ma'am Liezel habang titig na titig sa akin. "P-Pasensiya na po, Ma'am. M-Medyo sumama lang po ang pakiramdam ko kagabi." Tinakpan ko ang bibig ko dahil baka maamoy nila ako. "I told you, Mom. Are you okay?" Lumapit na rin sa akin si Ma'am Damzel at sinalat ang leeg ko. "O-Okay naman na po. Pasensiya na po talaga. Hindi ko po namalayan." "It's okay. Wala ka namang lagnat. It's Saturday, and we're off duty. Just relax and take it easy. A'right?" "Ahm, p-plano ko po talaga sanang umuwi muna ngayong araw sa amin, Ma'am. Bukas ng hapon na lang po ako babalik." "Oh, sige. Ipapahatid na lang kita, pero kumain ka na muna bago ka umalis." "Opo. Salamat po, Ma'am Damzel." "Nag-alala lang ako dahil alas diyes na pero hindi ka pa rin lumalabas ng silid mo. Baka kako kung napapaano ka na," turan naman sa akin ni Ma'am Liezel. "Pasensiya na po talaga." "Okay lang. Sige na, bumaba ka na muna." "Opo. Salamat po ulit." Yumuko ako sa kanilang harapan. Tumalikod na rin naman sila ni Ma'am Damzel. Isinara ko nang muli ang pinto at napabuntong-hininga ng malalim. s**t. Muli kong naalala ang nagdaang gabi. Napatitig ako sa lampshade na naka-off na talaga. Umupo ako sa gilid ng kama at pinagmasdan ito. Sinubukan ko itong buhayin, at umilaw naman siya. Hindi kaya napatay ko lang ito at panaginip lang ang nangyari kagabi? Napayuko ako sa katawan ko. Suot ko pa rin ang white long night dress ko. Itinaas ko ito at sinilip ang ibabang bahagi ko. Suot ko pa rin naman ang panty ko. Naalala ko na matapos akong halikan ng lalaking 'yon sa lips ko ay lumabas na rin siya ng silid ko. Ni hindi man lang siya nagsalita. Wala akong narinig na kahit ano mula sa kanya. Napahawak ako sa mga labi ko. Para bang hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang lambot at init ng mga labi niya sa akin. Pero sino ba siya? Sigurado akong hindi panaginip 'yon dahil hindi na nga ako halos nakatulog matapos niyang gawin 'yon. Kinakabahan ako na natatakot. Muli akong huminga ng malalim. Tumayo na rin ako at inayos ang kama. Inihanda ko na rin ang mga isusuot ko at ang bag na dadalhin ko sa pag-uwi ngayon sa amin. Naligo na muna ako sa banyo kahit kumukulo na ang sikmura ko sa gutom. Habang kinukuskos ko ang buong katawan ko gamit ang body scrubber ay naalala ko na naman ang ginawang paghawak ng lalaking 'yon sa maselang parte ng katawan ko. Hindi lang hinawakan, hinaplos pa niya ito. s**t. Nag-init bigla ang p********e ko. Parang nararamdaman ko pa ngayon dito ang kamay niya at mga daliri niya, pati na rin ang ginawa niyang paghaplos sa mga braso at hita ko. At aminin ko man o hindi, masarap ang halik niya. Nalanghap ko kung gaano kabango ang hininga niya. Napabuntong-hininga akong muli ng malalim. f**k! Ipinilig ko ang ulo ko at kinalimutan na 'yon. Nagmadali na ako sa paliligo. Hiling ko lang, sana ay wala akong makitang lalaki ngayon paglabas ko ng silid ko. Pero Saturday ngayon at wala silang mga pasok sa trabaho at school! Si Dalton at Zean ay nag-aaral pa sa college, habang sila Dauvit at Dame Lei ay hinahawakan na ang negosyo ni Sir Damien. Pareho silang pharmacist at gumagawa na ngayon ng human medicines. May pharmaceutical drug silang pag-aari, habang sila Ma'am Damzel at Sir Damiel naman ang nagpapatakbo ng mga private hospital na si Sir Damien din ang nagpatayo noon. Ako naman ay wala pang isang taong nagtatrabaho sa kanila. Matapos kong maligo ay kaagad na rin akong lumabas ng banyo at nagmadali nang magbihis. Nagsisimula na namang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Parang ayokong lumabas ng kwartong ito. Kung pwede lang na magkulong na lang ako dito buong maghapon para hindi ko sila makitang lahat, pero nakakahiya. Hindi naman ako senorita dito, no. Ayst. Simpleng puting blouse at blue denim pants lang ang isinuot ko. Nag-crocs na lamang din ako. Sinilip ko sa salamin ang postura ko. Parang ang putla-putla ko. Naging conscious tuloy akong bigla sa sarili ko. Maganda ba ako para manyakin ng taong 'yon? Katamtaman lang ang kulay ng balat ko. Matangos din naman ang ilong ko at mayroon akong mapupungay na mga mata. Maninipis lamang din ang aking mga labi. Maliit ang chest ko pero malaki ang balakang ko at mga hita. Katamtaman lamang din ang sukat ng dibdib ko. Wala akong malaking hinaharap. Maliit lamang din akong babae, na may height na 5 flat. Kaya palagi akong nakatingala tuwing nakakaharap ko na ang pamilya ni Sir Damien. Muli akong huminga ng malalim. Sinuklay ko na ng maayos ang abot hanggang balikat kong buhok na basa pa. Nagpahid ako ng manipis na lipstick sa mga labi upang hindi ako magmukhang bangkay dahil sa putla. Nag-spray din ako ng kaunting pabango sa katawan. Pinakalma ko muna ang sarili ko ng ilang sandali. Kaya ko 'to. 10:30 pa lang naman ngayon ng umaga at mamaya pa magsasama-sama ang buong pamilya nila sa lunch. Pwedeng nasa mga kanya-kanya silang kwarto ngayon at pwede ring tumatambay sa golf course na nasa likurang bahagi nitong mansion nila. Madalas din kasi sila doon dahil masarap ang ambiance ng paligid doon. Marami silang activities na ginagawa doon katulad nang paglalaro ng golf at kung ano-ano pa. Mayroon din sila doong nipa house na madalas din nilang tambayan. Inayos ko na ang bag ko at isinakbit na rin sa balikat ko. Muli akong huminga ng malalim bago nagtungo sa pinto. Nanalangin muna ako sandali. "Lord, wala sana akong makasalubong na mga lalaki sa labas. Please, please, parang awa niyo na po." Hinawakan ko na ang doorknob. Dahan-dahan ko na itong pinihit bago ko tuluyan binuksan. Sumilip muna ako sa labas. Wala naman akong nakitang tao at napakatahimik din ng buong paligid. Wew! Pagkakataon ko na ito! Kaagad na rin akong lumabas at maingat na isinara ang pinto. Patingkayad akong naglakad sa hallway at iningatang makalikha ng ingay. Nadaanan ko ang mga pinto ng silid nang magkakapatid. Kaunti na lang, malalampasan ko rin kayo! "What the f**k are you doi--" "Ay, k**i mo!" napahiyaw akong bigla sa gulat nang may bigla na lamang nagsalita sa likod ko! Napasapo kaagad ako sa dibdib ko kasabay nang paglingon ko sa kanya! Isa sa mga kambal ang bumungad sa akin. Sigurado akong si Sir Dauvit siya dahil napakaganda nang pagkakangiti niya. Palatandaan ko rin sa kanila ang mga suot nilang alahas sa katawan. Wala siyang suot na hikaw sa tainga, samantalang ang kambal niyang si Sir Dame Lei ay mayroon sa kaliwang tainga. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang nakatitig sa kanya. "Is that a dance? Masyado ka yata ngayong magugulatin?" Lumapit siya sa akin at sumamyo sa hangin na tila inaamoy ako. "Ang bango mo naman. Aalis ka?" Napatitig ako sa kanya. Hindi kaya siya ang pumasok sa silid ko kagabi? Humawak sa p********e ko at hinalikan ako sa mga labi? Dumako din ang mga mata ko sa mga labi niyang natural na mapupula. Siya kaya? "Hey. Tulala ka na. I know I haven't showered yet, but I still smell good. Kahit amuyin mo pa." Nagulat ako nang bigla na lamang niyang itinaas ang braso niya at ipinaamoy sa akin ang mabuhok niyang kili-kili! Naka-black sando siya kaya kitang-kita ko 'yon! "H-Hindi po, Sir." Napaiwas ako kaagad sa kanya. Baka makita kami ng mga magulang niya. Nakakahiya! "Ahm, opo. Uuwi po muna ako sa amin ngayon. Babalik na lang po ako bukas." Kaagad ko na rin siyang tinalikuran at mabilis na lumabas sa hallway. "Ako na lang ang maghahatid sa iyo!" aniya mula sa likod ko. "Okay lang po! May maghahatid na po sa akin." Kaagad na rin akong tumakbo patungo sa hagdan. Nagmadali din ako sa pagbaba. Nasilip ko namang bigla si Sir Zean sa ilalim ng hagdan at mukhang patungo sa likurang bahagi ng mansion. Nagdahan-dahan ako sa pagbaba upang hindi niya ako maramdaman. Hindi kaya siya? Natanaw ko siyang lumabas na sa malaking pinto sa likod kaya nagpatuloy na ako sa pagbaba hanggang sa makarating ako sa first floor. Muling kumulo ang tiyan ko kaya minabuti ko na munang magtungo sa kusina. Nakasalubong ko namang bigla si Sir Damien. Mas lalo pang lumakas ang kabog ng dibdib ko nang magtama ang aming mga mata. Ngunit kaagad din akong yumuko sa harapan niya. Nakakatakot siya! "G-Good morning po, Sir Damien. Aalis po muna ako. Uuwi po muna ako sa amin." "Kagigising mo lang ba? Hindi ka sumabay kanina sa breakfast." "Eh, o-opo, eh. Pasensiya na po." "Eat first before you leave." "Opo. Salamat po." Nilampasan na rin niya ako. Doon pa lamang ako tumunghay at makailang-ulit huminga ng malalim. Talagang hindi siya 'yon. Hindi magagawang mag-side line ni Sir Damien sa ibang babae gayong napakaganda ni Ma'am Liezel at napakabait pa. Muli akong nagpatuloy sa paglalakad patungo sa kusina. Nadaanan ko naman ang dining room kung saan naroroon si Sir Damiel at mag-isang kumakain. Napatunghay siya sa akin kaya sandali ring nagtama ang aming mga mata. Napalunok ako at hindi malaman ang ikikilos sa harapan niya. "Ahm, g-good morning po, Sir." Yumuko ako ng bahagya. Pero hindi siya sumagot at nagpatuloy lamang sa pagkain. Siya kaya? Parang wala naman siyang pakialam sa akin. Hindi nga siya sumagot. Muli na lamang akong nagpatuloy sa paglalakad at diretso nang pumasok sa kusina. Naabutan ko dito sa loob ang dalawang kasambahay, na sila Ate Marilou at Ate Rinalyn. Abala sila sa pagluluto. Kaagad din naman nila akong nakita. "Oh, Ces, mag-almusal ka na. May tira pang pagkain. Maluluto na rin itong chicken curry," alok sa akin ni Ate Marilou. "Masama daw ang pakiramdam mo?" tanong naman sa akin ni Ate Rinalyn. "Medyo okay naman na po, mga Ate. Makikikain po muna ako. Uuwi po muna ako ngayon sa amin." "Oh, sige na. Maupo ka na. Ipaghahain kita," turan ni Ate Marilou. "N-Naku, ako na po, Ate." "Sige na, maupo ka na dyan. Madudumihan ka pa dito. Heto na ang plato." Kaagad na rin niya akong nilapagan ng plato sa mesa. Wala akong nagawa kundi ang umupo na rin sa isang silya. Hinayinan niya ako ng pagkain. "Ate Malou! Nakita mo ba si Ces--oh, you're here, baby!" Nagulat ako nang biglang bumungad sa pinto nitong kusina si Sir Dalton. Lumapad kaagad ang pagkakangiti niya nang makita rin niya ako kaagad. Muli na namang sumasal ang dibdib ko habang nakatitig sa kanya. Naglakad naman siya palapit sa akin. "Why are you looking so damn beautiful today? Do you have a hot date or something?" Napakislot ako nang bigla niyang hinawakan ang pisngi ko at marahang hinaplos. Naalala kong bigla kung paano din ako hinaplos sa pisngi ng lalaking 'yon kagabi. Parang kapareho din niya! "Ahm, o-opo. U-Uuwi lang po muna ako sa amin." Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. "Tsk. Magpapatulong pa naman sana ako. Next week ka na lang umuwi, please. Sasamahan pa kita." "N-Naku, hindi po pwede, eh. Nakapangako na po kasi ako sa lola ko na uuwi po ako ngayon." "Kahit bayaran ko pa ang araw mo?" "H-Hindi po talaga pwede, Sir. Pasensiya na po." Muli naman akong napalingon sa pinto nang isa pa sa mga kapatid niya ang pumasok doon. Ang kambal ni Sir Dauvit na si Sir Dame Lei. Hubad-baro ito at tanging jogger pants na blue lang ang suot niya. Naka-trainers shoes siya at nangingintab sa pawis ang napakaganda niyang katawan. Mukhang nanggaling siya sa gym na nasa 3rd floor nitong mansion nila. Diretso siyang nagtungo sa ref at binuksan ito. Ni hindi naman siya tumingin sa amin. Naglabas siya ng isang boteng tubig doon. Doon na rin niya ito binuksan at ininom. Kitang-kita ko kung paano gumalaw ang adam's apple niya sa leeg. Hindi kaya siya? Ngunit bigla itong natakpan ng malapad na mukha ni Sir Dalton nang bigla itong humarang sa kinaroroonan ng Kuya niya at napakalapit niya sa mukha ko! "I'm the one speaking with you, baby... Keep your eyes on me." Napatitig naman ako sa kanya nang unti-unting sumeryoso ang kanyang mukha. "Ahm, p-po?" Napalunok akong bigla. Hindi kaya siya? Shit! Sino ba talaga sa kanila?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD