CHAPTER 5: Single Mother

2032 Words
"Ate, ako na lang ang maglalaba ng mga damit mo," alok sa akin ni Joy pagpasok niya dito sa loob ng silid ko. Kakalabas ko lamang sa mga labahan kong damit mula sa bag ko. "Ako na lang kaya. Tapos ka na yatang maglaba, eh." "Hindi pa ako tapos, ate. Tamang-tama itong huling salang sa waching machine." "Sige. Mamaya, mag-grocery tayo. Dumating na ba ang mga bills natin?" "Oo, ate. Naririyan na." Pinag-isahang buhat na niya ang mga labahan ko at isinilid sa basket. "Kumusta ang pag-aaral mo?" "Okay naman, ate. Malapit na ang exam namin." "Pagbutihin mo para may prize ka kay ate." "Wow! Gagalingan ko talaga, ate!" Napangiti naman ako sa sinabi niya at sa tuwang nakikita ko sa kanya. "Pero kahit walang prize, gagalingan ko pa rin para na rin kay Mama," dagdag pa niya na mas lalo kong ikinangiti. "Kaya galingan mo at siguradong matutuwa si Mama," sagot ko sa kanya. "Talagang gagalingan ko, ate!" "Nasaan nga pala si Lola?" "Naku, nasa mga amiga na naman niya, ate, at siguradong nagma-mahjong na. Nagmadali pa nga sa pagkain kanina dahil naririyan na raw ang mga kumare niya." Napabuntong-hininga ako ng malalim. "Haay. Si Lola talaga. Nananalo pa ba siya? Ulyanin na nga siya, bingi na at malabo pa ang mga mata. Di pa ba niya nakakalimutan kung paano ang maglaro ng mahjong? Nakikita pa ba niya ang mga 'yon?" "Nananalo pa naman siya kasi kung minsan ay nagpapabili siya ng merienda nilang lahat. Binibigyan din niya ako ng balato... Di mo na 'yan maiaalis kay Lola, ate. Hayaan na lang din natin. 'Yan na ang libangan niya, eh. Humihinto din naman siya kapag wala nang panaya. Nanonood na lang." Napailing na lamang ako. "Imbes na pandagdag na lamang niya sa pampagamot niya ang pera niya, ipinangsusugal lang niya." "Di na rin natin siya mapipigilan, ate, dahil magagalit lang siya. Mas lalo pa siyang nagiging pasaway ngayon." "Hindi ka ba nai-stress?" "Okay lang naman, ate. Hinahayaan ko na nga lang talaga kaysa ma-stress pa ako. 'Yan din ang sabi ni Mama. Ang importante daw ay hindi humihingi sa atin ng pera para dyan sa bisyo niya, at hindi na rin nag-iinom o naninigarilyo." "Binabantayan mo ba siya? Baka naman sumisimple lang 'yan?" "Pinababantayan ko sila sa mga tambay na nanonood sa laro nila. Hindi naman daw." "Mabuti kung ganun." "Ilalabas ko na 'tong mga labahan mo, ate." "Oh, sige." Kaagad na rin niyang binuhat ang basket at lumabas ng silid ko. Napahinga akong muli ng malalim. Pensionado naman at nakakatanggap ng mga benepisyo si Lola, kasama na doon ang health insurance niya. Kaya lang, kung minsan ay hindi naman sapat sa mga gastusin niya ang mga 'yan dahil sa pagsusugal niya. May mga life insurance din siya na paulit-ulit niyang sinasabi sa amin, na matatanggap namin sa oras na mawala na siya sa mundong ito. Mayroon din siyang dalawang palapag ng apartment dyan lamang sa malapit, na mayroong anim na pinto. Hindi lang 'yan ang apartment niya noon, marami pa. Isinangla noon ni Lola ng 100 thousand pesos ang isang gusali upang may magamit na pera si Mama sa pag-a-abroad niya. Ngunit hindi 'yon natubos dahil si Papa ang humahawak ng pera noon. Lulong din si Lola sa sugal at dati ay naninigarilyo at umiinom din siya ng alak. Napilitan lamang siyang huminto noong ma-confine na siya sa hospital dahil sa sakit niya sa puso. Kaya isang gusali na lamang ang natira sa kanya. Noon kasi at hanggang ngayon naman ay ayaw umasa ni Mama kay Lola kahit kumikita ito ng malaki sa isang buwan. Kulang pa kasi sa mga bisyo ni Lola ang pera niya. 'Yan din ang dahilan kung bakit nagsara ang Internet Café na pinamamahalaan nila ni Lolo noong nabubuhay pa ito. Hindi naman daw dating ganyan si Lola. Simula lamang noong mamatay si Lolo, nagbago na ang lahat sa buhay niya. Twelve years old pa lamang daw si Mama noong mamatay si Lolo sa isang car accident. May kotse pa sila noon. Simula noon ay napabayaan na ni Lola ang Internet Café. Napa-barkada siya at naging laman ng mga bar. At doon naman daw niya nakilala ang second love niya, pero hindi sila nagkatuluyan. Ganun talaga siguro ang buhay. Parang gulong. Iikot ka at aakyat sa itaas, at darating din ang panahong bigla ka na lamang bababa at malulugmok sa lupa. Pero kung minsan, kasalanan din nating mga tao kung bakit tayo gumagapang sa hirap. Hindi kasi ginagamit sa mabuting paraan ang oportunidad na hawak na natin. Hawak na nga, pinabayaan pa hanggang sa mawala at magsimula nang maghirap. Siguro ay labis na nasaktan noon si Lola sa pagkawala ni Lolo kaya nagkaganyan siya. Pero ipinagpapasalamat ko pa rin ngayon na kahit papaano ay maayos naman ang buhay namin. Nakakakain naman kami ng tatlo hanggang apat na beses sa isang araw. Matagal-tagal pa bago makatapos si Merry Joy, pero kahit papaano ay nakakapagtabi naman ako ng pakaunti-kaunti mula sa sahod ko. At para 'yon kay Mama, para hindi na siya mawalay pa sa amin sa susunod niyang pag-uwi. *** TINULUNGAN ko na si Joy sa pagsasampay ng mga nilabhan niya at pagkatapos ay nagtungo kami sa malapit na supermarket. Kailangan bago ako muling pumasok sa trabaho ay marami silang stock sa bahay, para hindi na sila mahirapan pa ni Lola sa pamamalengke. Magluluto na lamang sila. May malapit din namang talipapa sa lugar namin kung saan pwedeng mamili ng mga karne, isda at gulay. Marunong na rin namang magluto itong kapatid ko kahit noong nasa elementary pa lamang siya. Kailangan niyang matuto dahil wala kaming ibang aasahan kundi mga sarili lang din namin. "Ate, ibili pala natin ng bagong toothbrush si Lola. Naghihiwalay na 'yong mga hibla ng toothbrush niya, ayaw pa rin niyang palitan." Natawa ako sa sinabi ni Joy. "Baka may sentimental value sa kanya. Ikuha mo na lang siya." Napahalakhak naman siyang bigla. Kasalukuyan kami ngayong naririto sa Toiletries section. Isang malaking shopping cart ang tulak-tulak ni Joy. Napatitig ako sa iba't ibang klase ng mouthwash na naririto. Dumampot ako ng magkakaibang kulay at flavors. Biglang tumabi sa akin si Joy. "Gagamit ka ba niyan, ate? Dadalhin mo ba sa trabaho?" "Bakit? Gusto mo rin ba?" "Hindi, ayoko. Okay na sa akin ang Colgate. Baka tamarin akong mag-toothbrush." Natawa naman ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong mabango dito pero pinili ko na lamang ang grapefruit rose flavor. Kaagad ko itong inilagay sa cart namin. Muli kaming nagpatuloy hanggang sa mapahinto naman ako sa mga feminine wash. Dumampot din ako ng magkakaibang gulay. "Hindi ka naman gumagamit ng mga 'yan, ate. Gagamit ka ba? Nangangamoy na ba ang pekpek mo?" Napanganga akong bigla sa sinabi ni Joy. "Tumigil ka nga. Ang ingay mo naman, eh." Parang gusto kong ipokpok sa kanya ang bote. Mabuti na lang wala kaming katabing mamimili. Tumawa naman siya ng malakas. "Kunin mo na, ate. Mukhang mababango." Isa-isa niyang binuksan ang mga takip niyon at pinag-aamoy. "Ate, mabango 'to, oh. Lavender flavor." Inilapit niya rin ito sa ilong ko at pinaamoy. "Oo nga, mild lang." "Mabango din itong pink." Inilapit niya rin sa ilong ko ang boteng color pink. "Hmm... Oo nga." "Gusto mo ba 'yong sobrang bango?" "Hindi naman. Gagamit ka rin ba niyan?" tanong ko naman sa kanya. "Hindi. Saka na ako gagamit kapag may aamoy na sa akin. Siguro may umaamoy na sa iyo, ate--ouch!" Napalo ko siyang bigla sa braso nang dahil sa sinabi niya. "Sira-ulo ka. Kung ano-anong iniisip mo. Gusto ko lang naman sanang i-try." Tumawa naman siyang muli ng malakas. "Joke lang naman, ate. Pikunin ka ngayon, ah." Binigyan niya ako ng makahulugang tingin. "Ooy, si ate. Baka naman may mga kapatid na binata 'yang amo mo at mga gwapo." Natawa din akong bigla. "Tumigil ka, Joy. Pangit silang lahat." Inilagay ko sa cart ang lavender na napili ko at muli nang nagpatuloy sa paglalakad. "Karamihan sa mga mayayaman, ate, mga gwapo. At saka, Delavega ang mga amo mo, 'di ba? Kilala natin silang mga gwapo at magaganda." "Hindi lahat." "Nasa lahi nila 'yon, ate." "Tumigil ka na nga. Ang ingay-ingay mo." Napapunta naman kami sa mga facial wash. Kumuha din ako ng dati ko nang ginagamit. "Basta kapag may nanliligaw na sa iyo, sabihin mo sa akin, ate, ha? Ako ang kikilatis." Muli akong natawa sa sinabi niya. "Wala, walang ganun. Wala pa sa isip ko 'yan." "Wala sa isip mo, pero nasa isip nila." Napangiwi ako sa sinabi niya. "Walang nanliligaw, ano ka ba? At saka basted agad kung sakali." Napatitig naman ako sa mga shower gel na nadaanan namin. "Kung sakaling mayaman at pogi, go na, ate." "Paano kung katulad siya ni Papa, aber?" Dumampot din ako ng magkakaibang kulay nito at pinagmasdan sila. Hindi pa ako nakaka-try gumamit ng mga ito. "May pera ka naman kapag naghiwalay kayo." "Gusto mo bang matulad sa mga magulang natin, na hiwalay, broken family?" Nilingon ko na siya at tinitigan. "Hmm..." Hindi naman siya makasagot. Lumungkot ding bigla ang mukha niya. Huminga ako ng malalim. "Mas mabuti pa sigurong huwag nang mag-asawa kung ganun din lang ang mangyayari. Hindi naman natin masasabi kung ang asawa mo ay magiging faithful sa iyo habambuhay. Hindi ko rin alam kung malakas ba ako o mahina sa mga ganyang bagay. Ayokong matulad kay Mama." Napatitig na lamang akong muli sa mga shower gel na hawak ko. "Eh, ano'ng gusto mo? Magpakatandang-dalaga na lang? Ayaw mo bang mag-anak?" "Kung sakali, anak na lang sapat na sa akin. Hindi ko na kailangan pa ng asawa." "Ah, magpapabuntis ka na lang. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao?" "Bakit ko iisipin ang sasabihin ng mga tao? Hindi naman sila ang nagpapalamon sa akin. Hindi naman sila ang bubuhay sa anak ko... Halika na nga. Bakit ba ang bata-bata mo pa, 'yan na kaagad ang mga tanong mo?" Wala sa sarili kong inilagay ang lavender flavor na shower gel sa cart namin at muli nang nagpatuloy sa paglalakad. "Wala lang, naisip ko lang." "Siguro may nanliligaw na sa iyo, no?" Muli ko siyang nilingon at pinagmasdan ang reaction niya. "Nakita mo naman, ate, kung gaano ako ka-ganda--" "So, meron nga?" "Maraming may gusto pero ayaw ko. Bata pa ako, no? Idol kaya kita. Gusto kong maka-graduate muna at makapagtrabaho sa mga mayayaman, katulad mo. Baka doon ako makahanap ng gwapong billionaire." Bigla siyang bumungisngis na parang kinikiliti. "Tigilan mo 'yan. Mas marami sa mga billionaire ang babaero. Binibili na lang nila ang mga babae." "Magiging wais ako, ate. Gusto ko lang yumaman. Wala ka kasing magiging problema kapag mayaman ka." "Akala mo lang 'yon." "Bakit? Magagawa ko ang lahat kapag marami akong pera." "Walang tao na walang problema. Lahat meron." "Ah, basta. Ang goal ko ay yumaman at mabili ko ang lahat para sa inyo ni Mama at Lola. Makakapunta tayo sa lahat ng lugar na magustuhan natin! Ikaw, ang goal mo naman ay maging single mother." "What?" Napanganga akong bigla sa sinabi niya. Napahalakhak naman siyang muli. "Di ba, sabi mo? Hindi mo na kailangan pa ng asawa. Anak lang sapat na para sa iyo. Eh, di single mother ang peg mo." "Single mother? Puro ka kalokohan." Nagpatuloy na akong muli sa paglalakad. "Mag-iingat ka, ate. Madalas, natutupad ang marami sa mga kahilingan ng tao," aniya mula sa likod ko. Napahinto naman akong bigla at napaisip. Sumaging muli sa isipan ko 'yong lalaking nanghimasok sa silid ko kagabi lang... Sino ba talaga siya? Mauulit kaya ang ginawa niya? May mas hihigit pa ba sa ginawa niyang paghaplos at paghalik sa akin? Hayst! Ano bang klaseng tanong 'yon? Bakit parang hinihiling ko pa na ulitin niya? Mamaya, si Sir Damien pala 'yon. Lagot na talaga. Siguradong p*****n ang susunod no'n! "Pero okay lang 'yan, ate." Muling humarap sa akin si Joy. "Basta sa mga billionaire ka magpa-anak, para makatanggap ka ng malaking sustento." Napatitig ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Nagpapakawais na talaga ngayon itong kapatid ko. Siguro ay dahil sa nangyari sa pamilya namin. "Tumigil ka nga. Puro ka kalokohan." Muli ko na siyang iniwan. Pero hindi ko alam kung bakit ganito kalakas ang t***k ng puso ko ngayon. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD