LUMABAS ako ng closet. Siya naman ay mukhang naliligo na nga sa banyo dahil naririnig ko na doon ang lagaslas ng tubig. Napalabi na lamang ako. Madulas-dulas pa ang labi ko dahil sa lip balm na naipasa niya sa akin. Kinakabahan ako at natatakot. Paano kapag nalaman ng pamilya niya ang nangyayari sa amin ngayon? Baka isipin nila isa akong oportunista. Naisip kong bigla 'yong isang milyong ibinigay niya sa akin. Kaya ba ganun 'yon kalaki? Kaya pala nasabi niya sa akin kagabi na siya ang bahala sa akin. Ibibigay niya daw ang lahat ng pangangailangan ko. Nauna na pala niyang naibigay. At mukhang kabayaran 'yon sa paggamit niya sa katawan ko at sa pag-aasikaso ko sa kanya. Napabuntong-hininga ako ng malalim. Sumagi na naman sa isipan ko ang mga naging usapan namin ng kapatid ko... Nagkata