CHAPTER 24: Final Decision

2563 Words

PINAGTULUNGAN nila kaming maiuwi ng mansion. Gulat at labis na pag-aalala naman ang isinalubong namin sa parents ng magkakapatid. Kaagad nilang isinugod sa pinakamalapit na hospital si Sir Dame Lei dahil namumutla na ito. Marami nang dugo ang nawawala sa kanya at nangingitim na rin ang malaking sugat na tinamo niya. Paulit-ulit akong humingi ng tawad sa kanila dahil sa nangyari. Matapos kong makapagbihis ay sumunod din kaagad ako sa kanila sa hospital. Awa ng Diyos ay naagapan naman kaagad si Sir Dame Lei at maayos na raw ang kalagayan ayon sa Doctor na gumamot sa kaniya. "Paano ka ba kasi nakarating sa gubat?" tanong sa akin ni Ma'am Liezel. Ramdam ko ang hinanakit niya sa akin at hindi ko siya masisisi dahil nanganib ang buhay ng anak niya. "Mom, it was my fault. Don’t blame Ces."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD