CHAPTER 25: Gifts

2234 Words

"S-SALAMAT po, K-Kuya Rocco." Mas lalo pang tumindi ang panginginig ng buong katawan ko, at pakiramdam ko ay babagsak na ako. Kabababa ko lang ng kotse matapos akong pagbuksan ni Kuya Rocco. Naririto na kami ngayon sa tapat ng bahay namin. "Okay ka lang ba, Ms. Ces?" Nangungunot ang noo ni Kuya Rocco habang nakatitig sa akin. "O-Okay lang po." Napabahin din akong bigla. "Mukhang may sakit ka. Ihahatid na kita sa loob. Ako na ang magdadala ng bag niyo." Kaagad niyang kinuha sa loob ng kotse ang bag ko. "Ate! Ang aga mo, ah! Akala ko mamayang gabi ka pa darating!" Kaagad namang lumabas ng gate ang bunso ko at lumapit sa akin. Yumakap naman ako kaagad sa kanya upang makakuha ng suporta. "H-Halika na sa loob." "Ang init mo! May lagnat ka ba?!" Kaagad naman niyang sinapo ang leeg ko. "M

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD