-----Tristan Garcia’s POV-----
Nakabuntot ako sa kotse ni Megan at mukhang iba ang tinatahak nitong daan.
Grabe ang tigas talaga ng ulo niya.
Sa halip na umuwi sa Imperial Palace ay nagpunta ito sa ibang lugar, at sa tingin ko ay ngayong gabi niya balak nakawin yung titulo ng lupa. Desperada talaga!
Huminto ang kotse nito sa isang bakanteng lote. Hmmm... isa na siguro sa mga bahay na nandito ang pag-aari nung ex niya.
Nagbaba ako ng windshield upang tingnang mabuti yung pinaka-malaki sa lahat ng mansiyon na naroroon sa lugar kung saan siya di kalayuang huminto. Madilim yung bahay kaya mukhang delikadong pasukin, kailangan ng dobleng ingat kaya hinanda ko na yung 45-mm caliber gun ko sa aking likuran at nagsuot ako ng gloves at cap.
Pinagmamasdan ko si Megan mula sa kotse ko at mukhang abala pa ito sa pagbibihis sa loob ng kanyang sasakyan. Doon pa talaga naisipang magpalit ng damit? Tsk!
Napamaang ako matapos niyang lumabas sa kotse na naka-cat woman attire!?
Itim ang gayak nito. May suot na maskara, fitting na damit na may butas pa sa dibdib para ma-display ang cleavage, nakasuot ng boots at ang malupit sa lahat ay may buntot pa!.
Ng makabawi sa pagkagulat ay napatawa ako ng walang tunog. HAHAHAHA! Seryoso siya diyan?
Kapag may mga nakahuli sa kaniya na ganyan ang ayos aakalaing taga-perya siya. HAHAHAHA! May alam pang pa-disguise disguise pero siguradong hanggang porma lang naman. :3
Sinuri ko ng mabuti ang kaniyang kabuuan habang naglalakad papunta sa may bakod sa likod nung mansiyon. Witwew! Kulang na lang sa outfit niya ay latigo RAWRRR!!!
Gaya ng hinala ko, yun ngang natatanaw ko ngayon na mansiyon ang gusto niyang pasukin.
“Pano kaya ako aakyat sa pader?” Narinig kong saad nito.
Di ko napigilang tumawa ng malakas dahil dun sa sinabi niya. “HAHAHAHA!!!”
“Buti pa tong mokong na to tatawa-tawa lang. Enjoy na enjoy pa rin siguro siya dun sa party o sa kung saan man siya nagpunta haist!”
Sapo ko pa rin ang aking tiyan sa kakatawa mula pa kanina. Buti na lang di niya nahalatang naririnig ko siya at siya ang pinagtatawanan ko.
Lumabas na rin ako ng sasakyan at inunahan si Megan na makapasok sa mansiyon. Habang abala siya dun sa likod ng bahay kung pano makakaakyat sa mataas na pader ay doon naman ako dumaan sa harap at isa-isang pinatulog yung mga bantay at ginapos ang mga ito sa loob ng guard house.
Umakyat ako sa pader at trinabaho ang mga cctv camera. Kahit kasi may takip ang mukha ni Megan ay kailangan pa rin niyang iwasan na mahagip ng mga camera dahil pwede pa rin siyang makilala base sa kaniyang tindig.
Nung di niya talaga kayang akyatin ang mataas na pader ay nagtungo na siya sa main gate at tuwang-tuwa ng maabutan niyang walang mga bantay.
“Yes! Walang mga guards!” Pagdiriwang niya.
Tsk! Kasi pinatulog ko sira! Nagnanakaw ng wala man lang plano! Kung wala ako baka hanggang gate pa lang nahuli ka na.
Tsk! Di ba siya nagtaka man lang na baka may mali? Na baka trap ang lahat dahil walang nagbabantay sa isang mansiyon na ganito kalaki? Di ko akalaing ganun siya ka-tanga. Talagang totoo ang kasabihan na what is beauty if the brain is empty. No wonder 3rd runner up lang haist!
Nakatayo lang ako sa loob ng guard house at nagtatago sa dilim habang tinatanaw siya na sinusubukang umakyat sa gate. Pigil ko ang tawa ko habang pinagmamasdan siyang effort na effort sa pag-akyat.
Pagdating niya sa tuktok nung gate ay saka ko pinindot yung controls sa loob ng guard house upang bumukas yun ng mag-isa.
Mukhang nataranta siya ng gumalaw ito. “Hala hala hala! Ahhh!!!” Napapikit siya at kumapit ng husto sa bakal na gate upang di malaglag. Nagdilat siya ng paningin at nakahinga ng maluwag nung tumigil na sa paggalaw yung gate.
Bumaba na lang siya at dumaan ng maayos. “Bukas ka na pala eh, pinahirapan mo pa akong hayup ka!” Namumuro niyang saad at sinipa pa yung gate pero siya lang din ang nasaktan kaya pigil ko na naman ang mga tawa ko.
Inunahan ko na lang siya sa loob ng bahay upang masubaybayan ng maayos ang kaniyang mga kilos. Gusto kong makita kung pano niya nanakawin yung titulo ng lupa. (Evil Grin)
Sa tulong ko pa rin ay wala siyang kahirap-hirap na nakapasok sa office at nagsimulang hanapin ang titulo ng lupa. Inisa-isa niyang hinanap yung sadya niya dun sa bookshelves.
Sa tagal niya sa paghahanap ay nakaidlip ako sa bintanang kinauupuan ko hanggang sa makarinig ako ng pag-uusap.
“Megan? Ikaw ba yan Megan?” -Chad
Kasunod nun ay putok ng baril.
Mabilis akong napabalikwas ng tayo at agad hinanap ang mga switch sa kwarto upang buhayin ang mga ilaw at saka ko pinuntahan si Megan sa adjoining room. Natagpuan ko itong umiiyak at nakaluhod sa sahig hawak-hawak ang isang baril. Di kalayuan naman sa kaniya ay ang nakabulagtang katawan ng isang lalake.
Pagkatapos ng putok ay dali-daling nagsipasok yung mga bantay na nasa hallway kaya humarang ako sa pinto at isa-isa silang pinapatumba ng suntok.
Ng maubos na lahat ng bantay ay pumasok ulit ako sa kwarto at nilapitan si Megan. “Ayos ka lang?”
“Tristan? Tristan ikaw nga!” Napayakap siya sa akin. “Napatay ko ba siya?” nag-aalala niyang tanong.
Bumitaw ako sa kaniya upang lumapit dun sa lalakeng kaniyang nabaril at sinuri ito kung humihinga pa. “Hindi pa siya patay, sa paa lang ang tama niya. Nawalan lang siguro ito ng malay.”
“Di ko sinadya yun Tristan maniwala ka! Nagulat lang ako na dumating siya kaya napulot ko yung baril na nasa loob ng kaniyang drawer at natutok ko sa kaniya. Sinubukan niya akong lapitan kaya nakalabit ko ang gantilyo.” Paliwang niya sa akin.
“Shhh... akin na!” Kinuha ko ang baril mula sa kaniya at pinunasan yun ng tela para maalis ang mga finger prints niya doon.
Sinuyod ko rin ang mesa at door knob pati ang cabinet. Pinunasan ko lahat ng bahaging kanyang nahawakan upang masigurong wala kaming maiiwan na ebidensiya. Buti na lang din naisipan niyang mag-cat woman na costume kaya nakatali ng husto yung buhok niya, at least masisiguro naming walang kahit isang hibla na malalaglag dun sa crime scene.
“Sa susunod na magnanakaw ka ulit, siguraduhin mo na dadaan ka sa bahagi na di ka mahahagip ng cctv at importante na may gloves kang suot dahil di ka pwedeng mag-iwan ng finger prints.” Pangaral ko sa kaniya habang nagpupunas ng mesa.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarinig kami ng tunog ng patrol car.
“Tristan may mga pulis!” Natataranta niyang saad,
Sinilip ko ang ilalim nung pinupunasan kong mesa at may emergency button pala dun. Marahil ay napindot yun ni Chad bago pa siya mabaril at mawalan ng malay.
“Naloko na! Bilis!” Hinila ko si Megan para tumakas bitbit ang titulo ng lupa na kailangan niya.
“Teka wag diyan! Sa likod tayo dumaan!” Hinila ko na naman siya upang tahakin ang ibang daan. Nagpatiunod naman siya.
“Teka lang.” Huminto muna kami sa isang sulok. Bago kami tumawid sa hallway intersection ay may tinawagan muna ako sa cellphone.
“Tristan, tumatawag ka ba ng back-up?” Tanong sa akin ni Megan.
“Hindi, inaalam ko lang kung may CCTV sa bahaging ito.” Sagot ko naman sa kaniya.
“Pano?” Tanong ulit niya.
“Kapag hindi ako makatawag sa kahit sinong kakilala ko na nasa labas, ibig sabihin na may cctv camera sa malapit.” Paliwanag ko.
“Ah, ganun pala yun?”
“s**t di ako makatawag ibig sabihin meron nga!” Napamura ako sa aking nadiskubre.
Binasag ko ang salamin na nasa aming likuran at kumuha ako ng piraso upang magamit yun pang-silip sa kung saan nakapuwesto ang mga cctv camera. Kailangang kamay ko lang ang ilabas at hindi ang buong katawan kundi katapusan na ng career ko bilang Silver pag nagkataon.
Ayun ang isa, at meron pang dalawa dun sa unahan. Pagtingin ko sa reflection sa salamin ay napansin ko na medyo mahaba ang hallway at kapag dumaan kami dun ay magiging sapat na upang makuhanan kami ng datos. Kaya kailangan ko talagang patayin ang mga CCTV. Tinantiya ko kung gano yun kalayo mula sa bahagi kung saan kami nagkukubli ni Megan.
Naka-apat na subok lang ako, may isa kasi na sumablay sa tira ko. Tumawag ulit ako sa aking mga contacts na nasa labas at negative pa rin. Ibig lang sabihin na…
“May cctv pa na natitira!” Bulalas ko.
“Meron pa? Pero Tristan naririnig ko na ang mga yabag nila! Baka mahuli na nila tayo dito!” Natataranta niyang saad habang kumakapit ng husto sa tuxedo ko.
“Teka lang!” Pinagpapawisan kong sigaw sa kaniya.
Sinuyod kong muli ang bawat sulok mula sa salamin na hawak ko. "Putsa! Asan ka na! C'mon! C'mon!"
At ayun may isa pa nga akong nakaligtaan! Matapos paputukan at masira yung camera ay tumawag na naman ako.
“Hello?” Sagot nung nasa kabilang linya.
Sa wakas ay may sumagot na! Good! Pinatay ko ang tawag at hinila na si Megan dahil safe nang dumaan ngayon sa bahaging yun.
Buti nasa likod naka-park ang mga kotse namin kaya magiging madali lang ang pagtakas.
“Sumakay ka na sa kotse mo at sumunod ka sa akin dali!” Utos ko sa kaniya.
Pinaharurot ko na ang aking sasakyan at nakita ko naman siyang nakabuntot sa akin. Matapos naming makarating sa bahay ko ay di siya agad bumaba ng kotse kaya kinailangan ko pa siyang puntahan at kausapin.
“Tristan makukulong ba ako?” Nanginginig niyang tanong.
Sinapo ko siya sa magkabilang pisngi. “Hindi, hindi ako makakapayag!”
Inalalayan ko siya papasok sa bahay at giniya siya papasok sa banyo. Lumabas ulit ako upang kumuha ng vinegar at muling bumalik sa kaniya.
“Hubad!” Ma-awtoridad na utos ko.
“Ano!?” Halatang nagulat siya sa sinabi ko.
“Hubarin mo na yang cat woman costume mo!” Naiinip kong saad.
“Bakit?” Inekis pa niya sa may dibdib niya ang dalawa niyang kamay.
“Hubad sabi!” Kailangan ko pa talaga siyang pandilatan para lang sumunod? Tsk!
“Pero Tristan nakakahiya…”
“Nakita ko na yan lahat, ngayon ka pa ba mahihiya? Dali na wala nang oras!” Tinulungan ko na siyang maghubad at inuna ko ang takip niya sa ulo.
“Pati panloob?” Paniniguro niya.
“Lahat nga!” sagot ko naman.
Matapos niyang maghubad ay binuhusan ko siya ng isang galon ng vinegar.
“Bakit mo ko binuhusan nito? Suka ba to? Yuck!” sunod-sunod ang naging reklamo niya.
Pinahid ko ng mabuti yung vinegar sa buong katawan niya. Ginagawa ko yun habang nagpapaliwanag. “Kailangan to upang mabura ang gun powder sa katawan mo upang sakali man na damputin ka ng mga pulis at idaan sa paraffin test ay wala silang makikita sayo.”
“Bakit, hindi ba yan natatanggal ng tubig lang?” Usisa niya.
Umiling ako. “Hindi, kailangan ang acid na nasa vinegar upang matunaw ang mga kemikal sa gun powder.”
“Tristan ang dami mo namang alam.” Namamangha niyang saad.
“Professional thief ako dati, wag mong kalimutan!” Panay pa rin ang haplos ko sa kahubaran niya. “This is a matter of life and death Megan kaya wala na tong malisya.”
Tumango naman siya. “Alam ko.”
Matapos masigurong napahid ko na ng husto sa katawan niya yung suka ay binuksan ko na ang shower at tinapat siya dun. “Maligo ka na, nasa labas na yung damit mo kanina sa party kaya magbihis ka pagkatapos mo diyan at hintayin mo ko dun sa sala sa ibaba.”
“Bakit, san ka pupunta Tristan?” Nag-aalala niyang tanong.
“May aasikasuhin lang ako, dito ka lang muna at hintayin mo ang pagbabalik ko. You’re safe here.” Assurance ko sa kaniya.
“Salamat Tristan.” Naiiyak niyang saad.
Lumabas na ako ng bahay at habang nagmamaneho ay di ko napigilang mapamura. Imbis natutulog ako ngayon ng mahimbing at mapayapa ay nandito ako sa labas at sumabak na naman sa aksiyon. Tsk! Kung di lang talaga ako naaawa sa kaniya.
Kailangan kong sirain ang lahat ng mga CCTV camera na naka-standby maging sa mga traffic lights at mga poste na dinaanan namin kanina para masigurong di kami sasabit. Nagpanggap din akong isa sa mga pulis at nilagay ang isang ebidensiya na magliligaw sa totoong may sala at yun ay ang aking… SILVER CARD.
Siguradong iisipin ng mga imbesitigador na ang grupong SILVER ang pumasok dun sa bahay.
Matapos ang cleaning operation ay bumalik ako ng bahay at naabutan si Megan na nakabihis na at sinusuri ang buong bahay ko.
“Nice place, di ko inexpect na ganito kaganda ang tunay na bahay mo.” Papuri niya sa akin.
“What are you expecting, na nakatira ako sa isang madilim, madumi at mabahong lugar? Sa squatters area ganun?”
“Siguro ganun nga ang iniisip ko kaya nagulat talaga ako na parang hindi magnanakaw ang may-ari nitong bahay.”
“Pwes mali ka dahil ganito ang buhay ko bilang Tristan, malinis at payapa! Pero dumating ka at kinailangan ko na naman ilabas si Silver!”
“Pasensiya na ulit kung nadamay ka sa gulo ko.” Nakayuko niyang saad.
Napabuga ako ng hangin. “Tsk! May magagawa pa ba ako eh andiyan na yan. Umuwi ka na sa inyo at magpanggap na walang nangyari.”
Nag-angat siya ng paningin kaya nakita ko ang labis na takot sa kaniyang mga mata. “Pano kung may dumating na mga pulis at hanapin ako?”
“Sumama ka sa kanila. Malamang kukunan ka lang nila ng paraffin test, finger prints at tatanungin ng kung anu-ano. Sabihin mo lang na pagkatapos nung party ay umuwi ka na at natulog.” Bilin ko sa kaniya.
“Bakit mo to ginagawa Tristan? Bakit mo ko tinutulungan?”
Naglagay ako ng alak sa isang baso at tinaas yun sa kaniya. “Dahil tinulungan mo rin ako kanina, let's just call it quits.” Saka ko ininom yung laman at ngumiti sa kaniya.
“Sige salamat ulit, aalis na ako.” Paalam niya sa akin.
“Mag-ingat ka.” Saad ko nung paalis na siya.
Muli siyang humarap sa akin. “Teka, pano mo nga pala nalaman kung saan ako nagpunta kanina?”
Tumawa muna ako bago ginaya yung kinanta niya kaninang umaga sa loob ng banyo. “Silver bells! Silver bells! Silver all the way hey!”
Para siyang tinakasan ng dugo matapos akong kumanta. “Oh s**t! Naririnig mo rin ako?”
“Hahaha bakit, hindi ba nasabi sayo ni Levi na two-way radio yung gadget na binigay sayo?” Tinawanan ko siya ng nakakalokong tawa.
“So sa umpisa pa lang naririnig mo na ako?” Nasapo niya ang kaniyang bibig.
Nginitian ko lang siya at muling tumungga ng alak.
Kaya mabilis itong tumalikod at nagtatakbo palayo.
Umupo ako sa sofa at nagpahinga na. Napatingin ako sa oras at nagulat na pasado alas dose na pala ng gabi.
Narinig kong umaandar na ang kotse niya. “Salamat Bebehon!” sabi niya habang nagmamaneho.
“Mag-ingat ka... bebehon.” Sagot ko naman.
Makalipas ang mahigit tatlumpong non a…
“non a ang ginagawa mo?” Tanong ko matapos niyang makarating sa loob ng kaniyang kwarto sa Imperial Palace.
“Nakahiga na ako sa kama.” Sagot naman niya.
“Matulog ka na Megan.”
“Ayaw pa akong dalawin ng antok.”
“Ipikit mo na lang ang mga mata mo.”
“Tristan nakarinig ako ng patrol car, mukhang nandiyan na ang mga pulis.” Bakas sa boses niya ang panginginig.
“Sige lang, relax. Umarte kang parang walang nangyari.”
“Wag mo kong iwan ha.”
“Nandito lang ako Megan wag kang mag-alala.”
End of Flashback >>
“Sa mga oras na ito baka nakabalik na iyon sa bahay.” Saad ko sa kainuman ko na si Levi.
“Buti naman.” Tipid nitong sagot.
Sinalinan ko ng alak ang baso niya habang nagtatanong. “How about you Levi, still having nightmares?”
Uminom muna ito at ninamnam ang mapait na lasa ng alak bago sumagot. “Hindi na ako bumubuti mula nung araw na yun. Natatakot ako na baka kailangan ko na naman siyang iwan.”
“Nakwento mo na ba kay Eris ang mga nangyari sayo?” Tanong ko ulit sa kaniya.
“Ayokong malaman niya, enjoy na enjoy pa siya ngayon sa trauma ko kaya hindi ko pa pwedeng putulin ang kaligayahan niya.” Habang sinasabi yun ay nakatingin siya sa baso niya at parang mababasag na yun sa higpit ng pagkakahawak niya.
“Pero dapat mo pa ring sabihin sa kaniya para maintindihan ka niya.”
“Hahanap lang ako ng tiyempo, ipapaalam ko rin sa kaniya kung bakit ako nawala at kung ano ang mga nangyari sa akin sa Underground Battle.”
“Tama yan Levi, she deserves to know the truth.”
Naputol ang pag-uusap namin ng may tumawag sa kaniya.
-----Levi Moldovan’s POV-----
“Oh dad, napatawag ka?” Tanong ko sa aking ama.
“Levi, pumunta ka sa Imperial Palace may meeting tayo kasama ni Zheng Imperial.” Pagbibigay alam nito.
“Baka magwala yun pag nakita ako dad.”
“Siya ang nag-request na pumunta ka anak.”
“Tsk! Ano naman kaya ang kailangan ni tanda sa akin?”
Pagkatapos ng tawag ay tumayo ako at inaya si Tristan. “Pinapatawag ako ni tandang Zheng. Gusto mo bang sumama at personal na kamustahin si Megan?”
Tumayo na rin ito. “Sige, dadalaw ako dun hindi bilang kaibigan mo na si Silver kundi bilang nobyo ni Megan.”
“Kung ganon tara na!” Lumabas na kami ng bahay at kaniya-kaniyang sakay sa mga kotse namin patungong Imperial Palace.
#ImperialLadies