Chapter 92 -- Gathering of Hearts 2

4081 Words
  -----Levi Moldovan’s POV----- Pagkarating namin sa Imperial Palace ay bumaba ako ng kotse matapos makita si Ezra na nakatayo sa tapat ng gate. Agad niya akong sinalubong ng mahigpit na yakap. “Kuya! Buhay ka nga!” Naiiyak niyang saad. “Akala ko talaga panaginip lang yung nangyari. Pero totoo nga, ikaw nga yung nagligtas sa akin mula sa mga pinsan ko." "Tsk! Nagkakamali ka lang, ibang tao yun. Di ba inamin na ni Jayden na siya yun?" Pagmamaang-maangan ko. "Hindi ako maaaring magkamali kuya… pinasan mo pa nga ako sa iyong likuran at dinala sa pinaka-malapit na ospital.” Habang nagkukwento ay pahigpit ng pahigpit ang yakap niya sa akin. Nailang ako bigla sa ayos namin dahil pinagtitinginan na kami nung mga guwardiya ng Imperial Palace.  “Bumitaw ka nga Ezra! Dinaig mo pa ang nobya ko kung makayakap eh!” saway ko sa nakababata kong kapatid. Napayuko ito at humingi ng tawad. "Sorry kuya" Ng mag-angat siya ng panangin ay saka naman lumapit si Tristan kaya naalarma ang kapatid ko. "Kuya bakit mo siya kasama!?" Pumagitna ako dun sa dalawa upang maalis ang tensiyon sa pagitan nila. “Kaibigan siya Ezra at hindi kaaway.” “Pero siya ang dahilan kung bakit ka nawala!” “Siya rin naman ang dahilan kung bakit ako nakabalik kaya wag kang mag-alala dahil napatawad na namin ang isa't-isa.” Pagbibigay alam ko sa kaniya. "Talaga? Pano ka niya tinulungan?" Usisa nito sa akin. "Mahabang kwento, maiba ako bakit nandito ka sa labas ha Ezra?" Napakamot ito sa batok habang nagpapaliwanag. “Galit pa si Eris sa akin eh kaya di ako makapasok. Pero ayos lang dahil hindi naman siya ang pinunta ko dito kundi ikaw.” “Kaya buong araw kang naghintay dito sa labas?” Namamangha kong tanong. “Di ko naman kasi alam kung saan ang bahay mo. Wala rin akong contact sayo pero isa lang ang alam ko, na may isang tao kang di matitiis na di makita. Kaya alam kong pupunta at pupunta ka talaga dito.” Sagot naman ni Ezra. Siniko ako ni Tristan sabay tawa.  "Kahit ang kapatid mo alam ang pagka-sweet lover mo oh. Tsk! Tsk! Hindi maganda yan Mr. Mafia, madali kang mababasa ng mga kalaban mo pag ganyan.” “Tss! Pumasok na nga tayo sa loob! Sumakay ka na sa kotse ko Ezra, ako nang bahala sa mga guards.” Utos ko sa kanila. Agad naman akong sinunod ng kapatid ko, sumakay na siya sa kotse at si Tristan naman ay bumalik na sa sarili niyang sasakyan. Pagkalapit ko sa guard house ay hiningan agad ako ng ID at tinanong. “Sir, may appointment po ba kayo sa loob?” Tiningnan ko ng masamang tingin yung nagtatanong. “Bago ka lang ba? Ako si Levi Moldovan yung dalawang kasama ko naman ay sina Ezra Lim at Tristan Garcia.” Turo ko sa direksyon ng mga kasama ko. May tinipa-tipa ito sa computer bago muling nagsalita. “Hmmm… Levi Moldovan, wala ka po sa guest list sir eh pati na yung dalawang kasama mo.” “Putsa! pupunta ba ako dito kung hindi ako pinatawag ha!?” Bulyaw ko sa aking kaharap. Napalingon ako sa aking likuran ng marinig kong may kotseng humarurot papasok ng Imperial Palace. Nakita kong kotse yun ni Ulysses kaya mas lalo akong nagngitngit sa galit. "Oh, kotse yun ni Ulysses de Guzman ah, bakit mo pinapasok?" "Nakatira na po kasi si sir Uly sa mansiyon na ito." Pagbibigay alam nito sa akin. "Huh? Kelan pa!?" Nakakunot-noo kong tanong. "Nung isang araw pa po." Tsk! Ano kayang ginawa ng unggoy na yun para matanggap ni tanda? “S-sandali lang po tatawag lang ako sa secretary ni sir Zheng.” Paalam nung lalakeng kausap ko. Nung makausap na niya ang secretary ni Zheng…  “Opo, may dalawa pa po siyang kasa-“ Mabilis kong inagaw yung telepono mula sa kaniya. “Hoy ikaw na secretary ni tanda, sabihin mo na nandito na si Levi Moldovan!” Matapos makausap yung secretary ay binalik ko dun sa kaharap ko yung telephone at sila naman ang nag-usap. Agad humingi ng paumanhin sa akin yung lalake. “Sorry po boss sumusunod lang kami sa protocol.” Binuksan na nila ng malaki ang gate at pinapasok kami pero bago yun ay nag-iwan muna ako ng banta dun sa lalake. "Tatandaan ko yang pagmumukha mo. Sa oras na makasal ako kay Eris Imperial tatanggalin kita sa trabaho!" "Boss wag naman po!" Naririnig ko pang pakiusap nung lalake. Pero sorry siya wala ako sa mood para patawarin siya. Pagdating sa loob ay sinalubong kami mismo ni Zheng Imperial. "Oh, ikaw yung boyfriend ng apo ko na si Megan di ba?" Si Tristan agad ang unang napansin nung matanda. Malapad ang naging ngiti ni Tristan. "Buti naman po at natatandaan nyo pa rin ako." “Matanda na ako hijo pero hindi ako ulyanin.” Tumatawang sagot ni Zheng Imperial. "Pwede ko po bang dalawin ang apo niyong si Megan?" Malakas ang loob na tanong nito dun sa matandang sumpungin. "Oo naman hijo, matagal na kitang gustong makilala kaya samahan mo kaming mag-dinner mamaya ha?" Aya nito kay Tristan. "S-sige po kung yan ang gusto niyo." Yumukod pa si Tristan upang ipakita ang kaniyang pasasalamat. Ako naman ang sunod na kinausap nung matanda. "Levi isama mo rin mamaya sa dinner ang kapatid mo." "Si Demi?" Tanong ko. "Hindi, si Ezra." Sagot naman niya. Nagulat ako ng ilang sandali at ng makabawi ay muli akong nagsalita. "Kung ganon alam nyo na pala." Tumawa na naman si Zheng Imperial gamit ang iconic niyang tawa. "HAHAHAHA!!! Siyempre may tenga ang lupa, may pakpak ang balita Moldovan!" Sinimangutan ko lang siya. "Tsk!" "Bueno, maiwan ka na namin Tristan. Hanapin mo na lang diyan sa paligid si Megan." Bilin niya kay Silver at tinapik-tapik pa ang braso nito. "Sige po salamat." Yumukod muli si Tristan dito. Tumalikod na yung matanda sa amin pero nagsasalita pa rin habang naglalakad palayo."Ikaw naman Moldovan sumunod ka sa akin sa office." Yumukod din ako ng bahagya kahit di na niya nakikita. “Masusunod.” Ng maglaho na si Zheng sa aming harapan... "Anong nangyari dun? Nasapian ba siya? Bakit biglang bumait pati sa akin?" Nagtatakang tanong ni Ezra. “Baka mamamatay na?" saad ni Tristan. "Imposible, masamang d**o matagal mamatay kaya baka ang dahilan ay dahil nalaman niyang magkapatid kami ni Ezra.” Sagot ko naman. "O kung hindi man ay siguradong parte na naman ito ng kaniyang mga balak. Hindi naman kasi bumabait ang matandang iyan ng walang dahilan." Saad naman ni Ezra. Sumangayon naman ako dun sa sinabi niya. "Tama, bumabait lang yan pag may kailangan kaya samahan mo na muna si Tristan na hanapin si Megan, tutal pamilyar ka na sa mga pasikot-sikot dito sa Imperial Palace. Aalamin ko lang ang mga binabalak ng matandang yun." "Sige kuya. Halika na Silver." Aya ng kapatid ko kay Tristan. "Please lang, wag mong mabanggit-banggit ang pangalan na yan dito." "Ay Tristan pala sorry." Hinging patawad ni Ezra sa nagrereklamong si Tristan. "Kapatid mo ba talaga to Levi? Sorry ng sorry eh, mukhang mabait at magalang, taliwas sa ugali mo. Opposite na opposite kayo, siya palangiti ikaw poker face; siya mabait, ikaw masama; siya ang anghel ikaw naman ang demonyo." Natatawang saad ni Tristan. "Tigilan mo nga ako diyan sa pagkukumpara mo sa amin Tristan! Para namang di kayo opposite ng kapatid mong si- FORGET IT!" Naalala kong not in good terms pala sila ng kapatid niya kaya di ko na tinuloy ang sasabihin ko. Tumalikod na lang ako at iniwan na sila upang magtungo sa office ng matandang tigre. Sa loob ng opisina ni Zheng Imperial… Naabutan kong nagpapaliwanag si Zheng tungkol sa magiging misyon ng mga mafia. “Dalawang gabi at tatlong araw mananatili ang painting sa Imperial Palace kaya kailangan ninyong gawin ang lahat upang maprotektahan ito.” Hmmm… may painting na naman na kailangan naming escortan? Dati relic ng damit ni Queen Elizabeth, meron din noong replica ng isang sculpture, tapos ngayon naman painting? Tsk! “Wag na po kayong mag-alala, balibalita na sa black market na nabuwag na ang grupong silver kaya malamang wala nang magnanakaw niyan.” Pagbibigay alam ko kay Zheng. “Kaya nga mas lalong nag-aalala si panyero anak dahil nung kumalat ang balitang buwag na ang Silver, siguradong mas titindi ang kumpitensya ng mga small time na mga magnanakaw sa kagustuhan nilang pumalit sa kasikatan ng grupong iyon." Si ama na ang nagpaliwanag para kay Zheng. "Kung ayaw na ni Silver na magnakaw, magaling sana kung makukuha natin ang serbisyo ng kawatang iyon.” Pahayag ni Zheng na siyang ikinagulat naming lahat. “Wala ba kayong tiwala sa aming mga mafia?” Tanong ni ate Demi. “May tiwala naman, pero sa pagpatay lang ang mga mafia magaling at hindi sa pagnanakaw. Siguradong madali nila kayong maiisahan. Pero kung may professional thief kayo na kasama sa inyong team, madali ninyong malalaman ang kilos at galaw ng mga magnanakaw hindi ba?” “Haha tuso ka talaga kaibigan, kumuha ka ng mafia upang maprotektahan ang mga negosyo at ari-arian mo at ngayon naman ay gusto mong kunin ang serbisyo ng isang magananakaw upang hindi mawala ang painting?” Papuri ng aking ama dito. “Salamat panyero. Napaka-halaga lalo na sa Imperial Family ang karangalang matatanggap nito sa oras na maibalik ng maayos sa England ang painting. Alam mo bang nagngingitngit sa galit ang mga tao sa Malacañang dahil sa atin pinagkatiwala ang painting imbis na sa kanila? Kaya hindi natin sila dapat biguin!” Napakamot ako sa aking baba habang nag-iisip. “Kaibigan ko si Silver pero ewan ko lang kung tatanggapin niya ang assignment.” “Tawagan mo siya, gusto kong malaman kung papayag siya.” Utos ni Zheng. Agad ko naman dinial ang numero ni Tristan na sa mga oras na ito ay baka kasama na ni Megan. “Hello silver, gustong hingin ni Zheng Imperial ang serbisyo mo.” Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at sinabi na agad ang sadya ko. “Hindi na ako nagnanakaw Levi alam mo yan.” Direkta naman niyang sagot. “Wala kang kailangang nakawin. We just need your expertise para di kami maisahan ng mga tusong kawatan.” Paliwanag ko sa kaniya. “Gaya ng sinabi ko kanina sa bahay, pumunta ako dito bilang si Tristan at hindi si Silver.” Pinal na desisyon nito. “Sige naiintindihan ko na busy ka.” Nirespeto ko na lang ang pasya niya. Hinarap ko ulit si Zheng Imperial. “Ayaw niya pong tanggapin.” “Kung ganon wala akong choice kundi kunin ang serbisyo ng isang mafia." Medyo nanghinayang ang anyo ni Zheng sa binalita ko. “Kelan ako magsisimula?” Singit ni ate Demi. “Hindi ikaw Demi, si Levi ang gusto kung kunin.” Biglang saad nito. “Bakit hindi ako?” Tanong ni ate Demi. “Phyton ang codename mo, nag-iingat lang ako.” Sagot naman ni Zheng. “Takot kang maahas? Bakit, kung si Levi ba, panatag ka na di ka aahasin?” Nag-aalburotong tanong ng kapatid ko. Mukhang di niya matanggap na mas pabor si Zheng na kunin ang serbisyo ng mas maliit ang ranggo kesa sa kaniya. O nasagid lang ang pride niya bilang babae dahil alam niyang napaka-baba ng tingin nung matanda kahit sa mga apo nitong babae. “HAHAHAHA!!! Hindi niya ako magagawang ahasin dahil sa apo ko.” Mataas ang kumpiyansa ni Zheng sa kanyang pasya. Nahawa na rin ang aking ama sa tawa ni Zheng. “Hahaha napaghahalataan ka na anak na patay na patay ka sa apo ni panyero.” Ang ama ko talaga nagawa pang manukso tsk! Lumapit ako ng konti sa mesa at tiningnan mata sa mata si Zheng. “Anong mahihita ko sa pagtulong sayo matandang hukluban?” Ginaya din nung matanda ang paglapit ko sa mesa saka nagsalita. “Kalilimutan ko lahat ng atraso mo noon Moldovan pati ang pagtawag mo ngayon sa akin ng matandang hukluban.” Sarkastiko akong tumawa. "Haha di ko na kailangang gawin yun dahil matanda ka na at magkaka-Alzheimer na kaya mabubura din lahat ng atraso ko sa alaala mo.” Muling bumalik sa dating posisyon si Zheng at sumanday sa kanyang swivel chair. “Kung ganon, ibibigay ko sayo ang kwarto ng apo kong si Eris at magiging iyo lahat ng laman nun. Pero sa oras na pumalpak ka, kahit anino mo ayoko nang makitang umaaligid sa apo ko, do we have a deal?” Pananakot nito. Pagkalabas ng office ni Zheng… Di ko alam kung matatawa ako o ano eh. “Tsk! Nasisiraan na talaga ang matandang yun! Magtatatrabaho ako kapalit ng kwarto ng apo niyang may toyo sa utak!? Maglolo talaga sila! Akala niya ganun na lang ang kagustuhan kong makuha ang kwarto ng apo niya na pininturahan ng pula ha!? Baka lumala pa lalo ang sakit ko dun pag nagkataon!” Panay ang reklamo ko habang naglalakad kami ni ama sa hallway. Tinawanan lang ako ni dad. “Levi di mo talaga kilala si Zheng Imperial. Alam mo ba na kapag ito ang kausap mo, you will have to read between the lines? Kapag sinabi niyang gusto niyang ibigay sayo ang kwarto ng apo niya it means pinapaubaya na niya sayo si Eris.” “Tsk! He's taking advantage of my feelings kasi alam niyang mahal ko si Eris at gagawin ko ang lahat para dito! Katulad pa rin talaga siya ng dati, ginagamit ang pagmamahal ng mga tao sa paligid niya to his advantage. Napaka-tusong tao!” “Sa palagay ko ay inalok din niya ng parehong kondisyon sina Dylan at Ulysses.” Saad ni daddy. “Oh talaga? Kaya pala sinabi nung mga guards kanina na dito na nakatira yung unggoy na yun!" Hinawakan ako ni dad sa balikat at pinapakalma. “Sa tagal ng pagtira ni Zheng sa isang malaking bahay alam niya ang kalungkutang hatid ng mag-isa kaya hindi man halata pero istratehiya niya ang alukin kayo ng mga kwarto sa Imperial Palace upang kahit magkaroon na ng sariling pamilya ang mga apo niya ay makakasama pa rin niya ang mga ito.” “Tsk! Balak ba niyang gawing bahay ampunan ang Imperial Palace dad?” “Hmmm... pwede. Tumira kasi siya sa bahay ampunan bago siya inadopt nung intsik niyang mga magulang. Kaya malamang ganun nga ang gusto niyang mangyari sa Imperial Palace.” Napahinto ako at ganun din si daddy. “Kakaiba din pala ang matandang yun dad.” “Oo, ganun talaga si Zheng Imperial. Hindi siya magiging pinakamayaman sa buong bansa kung hindi siya tuso at kakaibang mag-isip di ba? Di katulad ng ibang businessman, hindi siya takot sumugal kaya ayan napakalaki ang balik ng pera sa kaniya." "Napakadali nga pero kapag natalo naman, malaki din ang malulugi.” "Haha pero kita mo naman hindi pa dumarating ay alam na niyang malulugi siya sa 2020 kaya panay na ang depensa niya." Pagtatanggol ni dad sa kaniyang kaibigan. “Gaano ba kahalaga ang painting, na di yun dapat manakaw?” Tanong ko out of curiosity. “Yun ay likha ng pumanaw na pintor na si Valmamourn ng England. Sa oras na patayin mo ang ilaw sa gallery ay makikita mo ang kagandahan nung painting at maiintindihan mo kung bakit napakahalaga na maprotektahan ito at maiuwi ng maayos sa pinagmulan nito. Kaya nga kailangan mong ibuwis ang buhay mo para sa painting na yun dahil nakasalalay din dun ang karangalan ng Imperial Family.” “So kelan darating ang painting dad?” “Ngayong alas sais ng gabi.” “Tsk! May apat na oras pa, anong gagawin ko habang naghihintay?” -_- Ngumiti ng malapad ang aking ama. “Palapit na ang kasagutan anak.” “Moldovan!” Kumakaway pa si Eris habang tumatakbo palapit sa akin. Sigh. “Hi daddy! Mano po!” Agad kinuha ni Eris ang kamay ng aking ama para magmano. “Daddy? Tsk! Tapos nagmano pa kay dad?” Pang-aasar ko kay Eris. Bigla siyang nag-make face sa akin. “Hahaha hayaan mo na si Eris anak, san ba papunta yung relasyon niyo ngayon? Di ba sa kasalan din naman?” “Nakita mo na!?” Binelatan pa ako ni Eris matapos siyang kampihan ng aking ama. “Maiwan ko na kayo mga anak.” Tinapik ni daddy ang balikat namin ni Eris. “Sige po dad! Ingat po kayo!” Yumukod ako ng bahagya sa kanya bago siya umalis. “Yiee kinikilig ako sa daddy mo na parang si iron man!” Bulalas ni Eris. “Tsk! Puro ka talaga kalokohan!” Sabi ko sabay akbay sa kaniya. “San tayo ngayon loves?” tanong niya sa akin. Tiningnan ko siya ng nang-aakit na tingin. “Ikaw, san mo gusto?” "Eris!" Tawag pansin ng lalake mula sa aming likuran kaya agad kaming naghiwalay upang lumingon. Sumama na naman ang timpla ko ng makita ko na naman si unggoy at talagang tinodo na ang pagiging may lahing unggoy dahil may hila-hila itong isang sako ng saging. Napansin ko rin na may aso ito ngayon na kasa-kasama. Nag-forward si Eris palapit sa kaibigan niya. "Uly! Kakabalik mo lang galing Cagayan?" Pang-iinterview niya dito. "Hindi, sa Bukidnon ako galing at eto may pasalubong akong saging na saba para sayo, kainin mo ng hilaw makakabuti to para sa kalusugan mo. Bigyan mo na rin ang mga pinsan mo." Masayang saad ni Ulysses. Hinila ko si Eris pabalik sa akin at kinompronta si Ulysses. "Hoy unggoy! Saging ko lang ang kinakain ng girlfriend ko!" "Levi ilagay mo sa tamang lugar ang pagseselos mo. Ginagawa ko to kasi alam ko na may history na of heart attack si Eris kaya kailangan niya itong saging ko. Good for the heart to at marami pang ibang health benefits gaya ng pampalinaw ng memorya.” "Mas good for the heart ang saging ko! Nakakapatalino pa yung puting-" Mabilis na tinakpan ni Eris ang bibig ko. "Ah Uly salamat sa generosity mo, paki-hatid na lang yan sa kusina, kakainin ko yan mamaya." Pinagpapawisang saad ni Eris. "Haha, sige-sige." Tatawa-tawa si Ulysses habang naglalakad papuntang kusina at pasipol-sipol pa. Talagang nang-aasar ang gesture niya. >__~Ulybe Forever~ "Pwesto pala talaga nila ito." Saad ko kay Eris matapos ituro yung sign. "Oo nga eh, pumunta na lang tayo sa ibang lugar loves. Sa bahay nyo na lang kaya?" She gave me a silly grin. "Di pa nga ako pwedeng umalis dito loves dahil may trabaho pa ako!" Pagbibigay alam ko sa kaniya. “Teka, kung nasa hallway ang TRIGAN, nasa library si Artemi, sa music room ang RUEFORD, sa swimming pool ang DYRA, sa garden ang JALEA at nandito ang ULYBE sa itaas ng puno... sino ang kasama ni Ezra dun sa home theatre?”   #ImperialLadies #GOFH2    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD