Chapter 90.2 -- Sweetness Overload (Levis -Trigan)

2201 Words
-----Eris Imperial's POV----- “Moldovan! Asan ka na ba? Pasado alas dose na!” Nanggigigil kong sigaw matapos itapon sa kama ang cellphone ko. Ni-text o tawag ay wala kasing iniwan si Levi kaya di ko tuloy malaman kung may hinihintay pa ako o wala. Nakakainis tinotoo yata ng mokong na di siya pupunta! Grrr!!! Tumayo ako sa harapan ng dingding na dinesenyuhan pa mismo ng pinsan ko. Haaayyy… napakaganda pa naman ng pagkakulay pula nung wall at yung texture buhay na buhay. Kaso hindi naman pupunta si Levi kaya balewala rin lahat ng plano ko. Biglang namatay yung ilaw kaya mas lalo akong nainis. “Hala! black-out pa! Takte naman oh!” Kinapa ko ang daan palabas ng kwarto at nagulat na may mga ilaw naman sa hallway maging sa mga katabi kong kwarto. Ang weird, bakit sa kwarto ko lang ang walang ilaw? Pundido na yata yung fluorescent light ko huhuhu. Bumalik ako sa loob ng makarinig ako ng mga kaluskos sa may terrace. “Moldovan ikaw na ba yan?” Tawag ko sa pangalan niya. “Bulaga!” Saad niya matapos akong yakapin mula sa likuran. “Ayy! Ano ba! Nanggugulat ka na naman! Bakit ngayon ka lang ha?” Nagtatampo kong tanong sa kaniya. Tumawa muna siya bago nagpaliwanag. “Kasi pinutol ko pa ang kable ng kuryente sa kwarto mo.” Awtomatiko ko siyang nahampas ng mahina sa mukha. “Ang daya mo!” “Akala mo maiisahan mo ko?” He chuckled. “Pinaghirapan ko pang kulayan ang kwarto ko at ako mismo ang namili ng mga bagong bedsheet at kurtina tapos hindi mo rin naman pala makikita kasi walang kuryente?” “Tanga ka talaga! Sinabi ko ba na palitan mo lahat ng kurtina mo, pinturahan ang kwarto mo at palitan ang bedsheet mo kung isang underwear lang na pula ay pupwede na!? Hay! Di ka talaga nag-iisip!” “Suggestion ba yun Moldovan?” Nakangisi kong tanong. “HINDI!” Sigaw naman agad niya. “Gusto ko lang naman na punuin ng pula ang kwarto ko para kahit saan ka tumingin lagi kang wild. Para pagkatapos natin magsiping, magsisiping ulit tayo kasi nakakita ka na naman ng red!” Nag-pout pa ako as if naman makikita niya eh sobrang dilim na nung kwarto. “Alam mo? Ahhhrrggg!-” Di niya matapos-tapos ang sasabihin. “Oh di ba wala kang masabi Moldovan sa katalinuhan ko? Ahahahahaha.”  Kahit di ko siya makita ay pakiramdam ko nag-poker face na naman siya. “Matalino ka talaga pagdating sa mga ganyan hay!” saad niya sa akin. “Pero sinira mo lahat ng plano ko! Nakakainis ka!” Paninisi ko sa kaniya. “Eris ano ba!? I can give you what you want wag lang sa ganung paraan. Di ko kasi alam kung ano ang magawa ko sayo!” “Pero ayos lang naman eh.” Yumakap pa ako para lang maramdaman niya ang sincerity ko. Medyo huminahon naman siya ng konti. “Eris makinig ka, I promise to keep you satisfied wag lang sa ganung paraan.”  ------Levi Moldovan’s POV----- Then I started kissing her. Lahat ng bahagi ng mukha niya ay dinadaanan ko ng halik. Hinaplos ko din siya sa lahat ng bahaging dapat ay akin lang. Pinasok ko sa damit niya ang kamay ko and cupped her breast. Sa paraan ng pag-ungol niya I could feel that she wanted more kaya binaba ko at pinasok sa short niya ang kamay ko hanggang sa mapaigtad siya. “Levi... uh...” Napakapit siya ng husto sa batok ko. Mas matindi pa sana dun ang gagawin ko ng pigilan niya ako. “Teka Levi, ako ang taya ngayon.” She smiled at pinaupo niya ako sa isang upuan pagkatapos ay umupo na rin siya sa lap ko and then started initiating the kiss. Nagulat na lang ako ng matigilan siya bigla. Niyakap niya ako at hindi lang basta yakap kundi mahigpit na mahigpit na yakap. “Eris?” Tawag ko sa pangalan niya. Di siya sumagot at naramdaman ko na lang na tumulo ang mga luha niya sa balikat ko. “Eris anong problema?” Hikbi lang ang sagot niya kaya mas hinigpitan ko na lang ang yakap ko. “Eris kung ano man yan alam mo na pwede mo kong sabihan, handa akong makinig.” Nagpahid naman siya ng mga luha. “Wala to Moldovan natutuwa lang ako na kasama kita ngayon… sana ganito tayo habambuhay.” “Depende kung tatayo pa rin kahit 90 na ako.” Biro ko sa kaniya. “Sira!” Saad niya sa akin sabay hampas sa balikat ko. Mukhang nagtagumpay naman ako na patawanin siya. “Tama na nga yang drama, ako na lang muna ang taya ngayon.” Saad ko sa kaniya. Napatili siya ng buhatin ko siya at dalhin sa kama. “60 km/hr?” Tanong ko sa kaniya. “Nope!” sagot naman niya. “80 km/hr?” “Nope!” “180 km/hr?” tanong ko pa rin sa kaniya. “280 miles per hour DEAL!” Pinal niyang sagot sa akin. “Hmmm… Ano ba ang kotse na tumatakbo ng 280 miles/hr ng matantiya ko ng husto?” “Bugatti! Gusto ko mala-Super Car ang bilis!” Bulalas niya. Pinagbigyan ko naman siya. I fulfilled my promise to keep her satisfied. “Moldovan.” Pukaw niya sa akin matapos akong humiga ng nakataob sa tabi niya habang siya naman ay nakaupo at nakasanday sa headrest ng kama. “Uhm!” Tinatamad kong sagot. “Moldovan pagod ka na?” “Uhm!” “Moldovan, di pa ako pagod!” “Ha? Ano?” Parang magigising ang diwa ko dun sa sinabi niya. “Ang bilis mo naman mapagod ngayon Moldovan!” Nag-angat ako ng paningin sa kaniya. “Pano ako hindi mapapagod eh inubos mo ang lakas ko!” “Pagod na daw pero may lakas pa na sigawan ako.” She murmured. “Bahala ka pagod na talaga ako!” Muli kong sinubsob ang mukha ko sa malambot na unan. “Moldovan!” Pukaw niya ulit sa akin.  “Uhm!” Tinatamad ko na namang sagot. “Wala ka bang ibang isasagot sa akin bukod sa ungol?” “Nakakaubos ka ng lakas!” Singhal ko sa kaniya. Ngunit tumawa lang siya. “Wala ka pala eh! Bakit ang dali mo yatang mapagod? Kasali ba yan sa package deal nung trauma mo?” “Letse ka! Nalilipat sayo ang lakas ko kaya energetic ka pa rin!” Bulyaw ko sa kaniya. Tinawanan lang ulit niya ako at ngayon ay naglalambing na. “Moldovan gusto mo ng masahe? “Buti pa nga ng magkasilbi ka naman!” Sagot ko at hinihintay na ang pagmasahe niya. Habang minamasahe ako ay panay naman ang kwento niya. “Alam mo Moldovan, naalala ko tuloy sayo ang isang kasabihan na No matter how strong is a man, his weakness will always be a woman.” “Wow! Bakit ang talino mo yata ngayon?” Sarkastiko kong tanong sa kaniya. “Siguro dahil sa vitamins ko, tama nga si ate Megan nakakatalino daw yun hahaha.”  “Talaga? Anong vitamins ba yan ng mabilhan kita ng isang dosena.” “Hindi yun nabibili, libre ko yung nakukuha.” “Ano bang vitamins yan ha? Bakit libre?” Nagtataka kong tanong. “Yung ano…” “Anong ano?” Naiinip kong hintay sa sasabihin niya. “Yung puting lumalabas sa ano mo.” “ANO!?” Mabilis akong nakatayo at hinarap siya. Tawa naman siya ng tawa habang dinadama ang magkabilang pisngi ko. “Hahahaha, uminit yung pisngi mo Moldovan oh, nag-blush ka siguro.” Hinawi ko ang kamay niyang nakahawak sa akin. “Kadiri ka! Kelan mo ginawa yun!?” “Nung nawawala ka sa sarili, di mo matandaan? AHAHAHAHAHA!” “Kaya pala ako nanghihina ng ganito, kung anu-anong ginagawa mo sa katawan ko!” Singhal ko sa kaniya habang niyayapos ang katawan ko na parang giniginaw. “Effective naman di ba? Ang tali-talino ko na! AHAHAHA!” Patuloy pa rin siya sa pagtawa. “9 times 9?” Tanong ko naman sa kaniya para ma-test ang sinasabi niyang katalinuhan. “81!” mabilis niyang sagot. “81 times 2?” “ahmm.. 162!” “162 minus 81?” “Di ko alam! Di ko kayang i-compute na sa utak lang!” Reklamo niya sa akin. “Eh di boba ka pa rin!” Singhal ko ulit sa kaniya. “Baka kulang pa sa vitamins, penge na lang ulit!” Pilit niyang hinihila mula sa akin ang kumot na pinantakip ko sa katawan ko. “Hoy!” Panay ang iwas ko sa kaniya. “Kadiri ka talaga!” “Moldovan sige na konti lang naman!” Hinahablot pa rin niya ang kumot mula sa akin at nung di niya mahila ay nagpupumilit siyang yakapin ako. “Tumigil ka ano ba!” Iwas ako ng iwas sa kaniya hanggang sa pareho kaming nalaglag sa kama. “Grabe, naaawa na ako sa katawan ko wala ka nang ibang ginawa kundi ang pagnasahan ito!” Pangongonsensiya ko sa kaniya para naman kahit papano ay magbigay siya ng konting awa at respetuhin naman ang katawan ko. “Hahaha. Moldovan sana ganito tayo palagi.” “Anong ganito, yung pinagsasamantalahan mo ko?” “Hindi ah, yung ganito na magkasama tayo.” Biglang sumeryoso na ang tono niya. Sumeryoso na rin ako at niyakap siya. Nagsalita ako malapit sa tenga niya. “Oo naman, kahit haliparot ka minsan hindi ako magsasawang mahalin ka Eris Imperial.” “Ano Moldovan na-energize ka na ba ulit?” Bumalik na naman ang kaliksihan ng boses niya. Hay mukhang nag-aadik na naman. “Di mo ba talaga ako tatantanan ha?” Tanong ko sa kaniya. “Siyempre kailangan nating makarami para siguradong mabubuntis na ako.” Katwiran nito. “Kung di ka umiinom ng pills noon eh di sana meron na tayo ngayon!” “Wag mo na akong sisihin Moldovan, gumawa na lang tayo para lumambot na si daddy sa akin.” “Yun ay kung di mo pa naubos!” Makahulugan kong saad sa kaniya. “Di yan marami pa yang lalabas na puti! Hahaha.” “Kadiri ka talaga Eris!” “Bleh!” Kinaumbabawan ko na siya at binigay ulit ang hinihingi niya. Para maiba naman ay sa sahig namin yun ginawa. Habang nagniniig ay pinag-uusapan din namin ang mga ipapangalan namin sa aming mga chikiting. Marami siyang sinabing mga pangalan at naisip ko lang na sana nga... sana marami kaming maging anak at sana habambuhay ay kami pa rin ang magkasama… sana… sana… “Moldovan!” Narinig kong pukaw na naman niya sa akin. “Eris di ka pa rin pagod?” Namamangha kong tanong sa kaniya. “Hindi yun! May mga pulis kasi na dumating, magbihis ka ng matingnan natin kung anong pakay nila dito!” Napabalikwas ako sa higaan at dali-daling nagbihis ng marinig ko nga ang tunog ng mga patrol car. Saka kami lumabas ni Eris ng kwarto at nakiusyoso sa mga tao. Pagdating na pagdating namin sa sala ay pinosasan na nung mga pulis si ate Megan. “Anong nangyari? San nyo dadalhin ang anak ko?” Hysterical na tanong ni tita Tomoko. “Kailangan lang po namin imbitahan si Ms. Megan sa presinto upang kunan ng statement at ng makuhanan ng paraffin test.” Sagot nung isa sa mga pulis. “Bakit kailangan ng paraffin test?” Tanong ni tito Kelvin. “Siya po kasi ang tinurong suspek sa pagbaril kay Mr. Chad Hernandez kaya kailangan naming tingnan kung magiging positive siya sa gun powder test at kung mag-mamatch ang thumbmark niya dun sa naiwang baril.” Paliwanag nung isa pang pulis. “Pero hindi na umalis ang apo ko matapos niyang umuwi sa party!” Pagtatanggol sa akin ni lola Helen at maging ni lolo Zheng. “Madam lalabas naman sa mga test kung inosente talaga ang apo nyo o hindi.” Saad nung pulis. Agad naman sinuko ni Megan ang kaniyang sarili. “Sasama na po ako.”  Dinala na si Megan nung mga pulis sakay ang patrol car at bago pa man nila ako mapansin ay nagtago na ako. “Teka, di ba nandito si Levi kanina?” Si Izzy ang unang nakapansin. “Huh? Imposible, ano namang gagawin niya dito?” Pagsisinungaling ni Eris. Bahala ka na diyang magpalusot Eris. Dali-dali akong bumalik sa kwarto at dumaan palabas ng terrace upang hanapin ang kuta ni Tristan. Pagdating sa bahay nito ay naabutan ko siyang umiinom sa kaniyang garden. Sumenyas siya na tumahimik muna ako at saka niya pinatay ang maliit na gadget na nakakabit sa tenga niya. “Ano bang nangyari?” Tanong ko matapos masigurong hindi kami maririnig ni Megan. “Wag ka nang mag-alala kay Megan, naayos ko na ang lahat. Marerelease na siya pagkatapos lumabas ang resulta ng paraffin test.” Saad ni Tristan. “Ano ba kasing nangyari? Magkasama ba kayo nung maganap ang krimen?” Usisa ko sa kaniya. “Mahabang kwento, maupo ka muna bago ko simulan.” Inalok pa niya sa akin ang katapat na upuan. Umupo naman ako at matamang nakinig sa kwento niya. #ImperialLadies
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD