bc

Imperial Ladies (The Continuation)

book_age16+
144
FOLLOW
1K
READ
adventure
possessive
family
friends to lovers
manipulative
brilliant
genius
enimies to lovers
friendship
illness
like
intro-logo
Blurb

Ito po ang pagpapatuloy ng minahal at sinubaybayan ninyong Imperial Ladies, ang book 2 ng Imperial Brothers.

Ano kaya ang magiging kapalaran ng mga Imperial Ladies sa pagbabalik ni Light Artemi sa pamilya Imperial? At bakit ito ituturing na pang-walong Imperial Ladies? ALAMIN!

chap-preview
Free preview
Chapter 90.1 -- Sweetness Overload (Levis -Trigan)
 ------Levi Moldovan's POV------ “Lalalala!” Naririnig ko pang pakanta-kanta si Eris habang tumutulong kay Artemi sa pagpipintura ng sarili niyang kwarto. Nasa labas naman kami ni Megan at pinag-uusapan siya.  “Malala na talaga ang kapatid ko.” Tila nahihiyang saad ni Megan sa akin. “Sinabi mo pa.” Sangayon ko naman. Dumaan din sa harapan namin si Dylan at panay ang reklamo tungkol kay Eris. “Alam nyo bang binulahaw ako niyan ng madaling araw para lang pakulayan iyang kwarto niya!? Architect ako hindi pintor!” “Pagpasensiyahan mo na lang kuya Dylan ewan ko talaga kung anong nakain niyan lately eh.” Saad naman ni Megan. “Buti na lang nandiyan si Artemi at di na niya ako kailangang idamay diyan sa kabaliwan niya!” Hirit pa rin ni Dylan. “O nga kuya eh, magaling talaga na pintor si Artemi kaya di problema iyang pinapagawa ni Eris.” “At buti naman di mo pinagtatanggol iyang girlfriend mo ngayon Levi.” Saad sa akin ni Dylan. “Tsk! Minsan nga kinakahiya ko na yan eh.” Sagot ko naman. “Asus! Kinakahiya daw!” Pagpaparinig sa akin ni Megan. “Moldovan!” Tawag sa akin ni Eris habang nagtatakbo palapit sa amin. Kanya-kanyang lakad naman palayo sina ate Megan at Dylan. Aalis na rin sana ako kaso ako yung tinawag eh kaya wala akong magawa kundi ang manatili dun. May kung ano siyang hinahanap sa bulsa ko kaya agad ko siyang sinaway. “Hoy baka iba ang makapa mo diyan!” Ngumisi lang siya at tumigil lang nung sa wakas ay nahanap niya yung shades ko. Sinuot niya yun sa akin bago ako hinatak papasok sa kaniyang kwarto. “Halika Moldovan tingnan mo ang painting namin ni Artemi sa pader.” “Pano ko naman makikita?” tanong sa kaniya. “Ay o nga pala, haha mamaya na lang di pa pala pwede ngayon.” “Tsk! Malala ka na talaga!” “Galit ka na naman ba?” “Bumalik ka na nga sa pagpipinta mo dun!” Utos ko sa kaniya. Nag tiptoe pa siya upang maabot ang labi ko then she wrapped her arms on my shoulder. Matapos akong halikan ay nagbanta siya sa akin. "Wala ka nang takas sa akin mamaya." Then she made an evil grin. Tinaasan ko siya ng dalawang kilay. "Hindi ako pupunta." Pang-aasar ko sa kaniya. Pumalatak siya ng tawa. "Ikaw hindi pupunta? Imposible!" "Magsusuot ako ng shades." Paalam ko sa kaniya.  "Pwes huhubaran kita at di ako magtitira kahit shades mo!" Banta naman niya sa akin. Pinisil ko ang tungki ng ilong niya. "Pilya ka talaga!" "Sige na…" malambing niyang saad habang hinihila ang laylayan ng damit ko. "Oo na, mamaya makikita mo kung gano ako ka-wild!" Sabi ko na lang para di na niya ako kulitin. "Bawal umabsent ha?” Paniniguro niya. “Oo bawal umabsent!" Tinaas ko pa ang kamay ko at nag-promise sign. Tumikhim si Artemi na kanina pa pala nakikinig sa lampungan namin kaya agad kaming naghiwalay ni Eris at dumistansiya sa isa’t-isa. “Tutulong ka pa ba sa akin o maglalampungan na lang kayo diyan?” Naasar na tanong ni Artemi. “Sorry boss!” Dali-daling bumalik si Eris at muling nag-assist sa nagpipinturang si Artemi. Palabas na ako ng kwarto ng salubungin naman ako ni Ate Megan at parang balisa ito. “Ate may problema ba?” tanong ko sa kaniya. Hinila niya ako dun sa lugar kung saan walang ibang makakarinig sa pag-uusap namin. “Levi kasi katatanggap ko lang ng balita na ang lolo Hanagata ko ay na-ospital kaya kailangan ko nang makuha ang titulo ng lupa na kinuha sa akin ng dating boyfriend ko.  Tulungan mo naman ako na makausap si Tristan oh, kailangan ko ang serbisyo niya.” “Gaganti ka lang yata sa kaniya eh.” Diskumpiyado kong tanong. “No! Hindi! Kailangang kailangan ko lang talaga ang tulong niya. Di ko na talaga alam ang gagawin kaya please help me. Saan ko ba siya pwedeng makita?” Nagmamakaawang pakiusap nito. Kinuha ko ang isang maliit na gadget mula sa bulsa ko at kinabit yun sa may tenga niya. “Gamitin mo yan, di ko alam kung saan siya tumutuloy ngayon dahil NPA yun eh as in no permanent address pero maririnig mo siya diyan. Ginamit ko yan dati upang mag-spy sa kaniya.” -----Tristan Garcia’s POV----- “Maririnig ko ba talaga si Tristan gamit ang gadget na ito?” “Oo, maririnig mo siya kaya makakakuha ka diyan ng lead kung saan siya pwedeng makita. Ano ba kasi ang sadya mo kay Silver at bakit kailangan mo ang serbisyo niya? Di ko kasi maintindihan kung ano yung sinabi mo kanina eh. Anong kaugnayan nung pagkakasakit ng lolo mo at sa pagkuha ng ex-boyfriend mo dun sa titulo ng lupa niyo?” “Kami na lang siguro ni Tristan ang mag-uusap tungkol dun kapag nagkita na kami.” “Sige, good luck. Sana nga mahanap mo ang kuta niya.” “Pero sigurado ka ha na gumagana to?”  Nung marinig ko ang pag-uusap na yun ay sinadya kong patunugin ang bote ng alak na iniinom ko at nakakuha naman agad ako ng respond. “Hala Levi! Oo nga naririnig ko nga siya! Umiinom yata siya, nakarinig ako ng baso at bote na nagpangka eh.” “Pakinggan mo lang, baka may makuha kang clue kung saan siya naroroon.”   Natawa ako ng marinig ang mga yun. Levi ano bang iniisip mo? Bakit mo binigay sa kanya yung gadget?At bakit kaya di mo sinabi na two-way radio yun? Dingdong! Dingdong! “Mukhang may bisita siya, nakarinig ako ng doorbell eh.” Matapos mapansin na may nagdodoorbell ay agad akong lumabas ng bahay. “Matthew! Anong ginagawa mo dito?” Nagulat ako ng makita ko ang aking kapatid na nakatayo sa harap ng gate. Inabot niya sa akin ang isang invitation card. “Engagement na namin mamayang alas singko ni Barbie, sana makapunta ka.” “Gusto mo lang yatang ipamukha sa akin na sayo siya magpapakasal.” Panay ang pigil ko sa naghuhulagpos kong galit. “Alam mo na pala eh kaya pumunta ka para mapatunayan ko na wala ka nang gusto sa fiancee ko.” Arrogante niyang saad. “Sinisigurado ko yan sayo Matthew.” “Mabuti naman Tristan, anyway magdala ka ng kasama. Ay mali mag-hire ka pala ng magpapanggap na girlfiend mo para hindi masyadong masakit. Di ba ganun naman sa mga palabas? Ang tanong saan ka kaya makakahanap ng babaeng may sinabi sa lipunan para magpanggap na girlfriend mo?” Mapang-asar ang mga ngiti at tingin niya habang sinasabi yun. “Marami akong mahahanap diyan.” Sarkastiko kong sagot. “Hahaha sige, may tatlong oras ka pa para maghanap. Sa Venna de Luxe ang venue, see you there!” Kumaway pa ito bago pumasok sa kaniyang kotse. “Ayun na may binigay nang lugar, ang tanong pupunta kaya siya?” “Inday, ihanda mo ang kotse may pupuntahan ako!” Sinabi ko lang yun para kay Megan pero ang totoo wala naman talaga akong maid sa bahay. “Yes! yes! pupunta siya!” Narinig kong pagdiriwang nito. Di ko mapigilang mapangiti. Ayoko naman talagang pumunta dun sa engagement party dahil wala naman akong dahilan upang pumunta pero sa tingin ko, ngayon ay meron na. :) Ilang sandali pa ay nakarinig ako na may nagsashower at kumakanta pa. “Silver bells silver bells silver all the way, oh what fun it is to ride in a one horse open sleigh hey!” Pigil ko ang mga tawa ko para di marinig sa kabilang linya. Christmas song na nga ang kinakanta kahit tapos na ang pasko tapos nag-imbento pa ng lyrics! Kalokohan!  Naghanda na rin ako para umalis at eksaktong alas singko ng hapon ay nagtungo na ako sa Venna de Luxe upang saksihan ang engagement ng ex kuya at ex-girlfriend ko.  Pagdating sa event ay natagpuan ko sa may harapan ng stage na nagkumpulan ang mommy ko kasama ang pamilya niya at andun na rin ang mamanugangin nilang si Barbie. Napamaang si Barbie ng mahagip ako ng kaniyang paningin. “Tristan!” Kaway niya sa akin at bumaba siya ng stage upang lapitan ako. Napilitan tuloy akong lumapit din hanggang sa magtagpo kami sa gitna ng maraming tao. “Hey! Congratulations and best wishes.” Saad ko sa kaniya. “Yan lang ba ang sasabihin mo?” Banaag sa mukha niya ang pagkadismaya. “May iba pa ba akong dapat sabihin Barbs?” Agad hinatak ni Matthew ang fiancée niya papunta sa kaniyang likuran kaya pinagigitnaan na niya kami ngayon. “Stay away from my woman.” Babala niya sa akin. Si mama naman ang sunod na lumapit sa amin. “Bakit nagpunta ka pa dito Tristan? Gusto mo bang guluhin ang engagement ng kapatid mo?”  “Ganyan ba talaga ang tingin mo sa akin ma? Gulo lang ang hatid?” Pilit kong itinago ang sakit dahil kulang na lang ay ipagtabuyan nila ako palabas nung party. “Kung ganon ay bakit ka pa nagpunta dito?” Ang step father ko ay lumapit na rin at pinalilibutan na nila ako ngayong lahat. “O nga Tristan, bakit nagpunta ka pa?” saad din ng kapatid ko na talagang ikinagulat ko at maging ni Megan. “Aba't ang kapal! Siya kaya ang namilit kanina! May amnesia ba siya o Alzheimer!?” Narinig kong saad ni Megan. Kung ganon ay nandito na rin siya sa party. Iba na talaga ang mayaman, sisiw lang ang pang-gegate crash. Kaya pasimple ko itong hinanap sa paligid. “O bakit di ka makapagsalita Tristan? Naduduwag ka?” Tanong ni Matthew kaya nakuha muli nila ang atensiyon ko. “Wala ka talagang kwenta Matthew! Sasabihin mo yan matapos kang magpunta sa bahay ko at personal akong abutan ng invitation?” Pinakita ko pa sa kanila ang invitation card na binigay niya. “Aba naman at nagpagawa ka pa talaga ng pekeng invitation card ha! Pero sad to say malayo ang itsura niya sa original oh. Parehong pink pero mas dark yung sa amin, siguro hindi lang napansin nung guard sa labas ang pagkakaiba.” Pang-iinusulto niyang muli sa akin. Natawa na lang ako sa trap na ginawa niya. “Pathetic!” “Oo may pathetic nga dito Tristan at ikaw yun. Matagal na panahon ka nang nawala, sana hindi ka na nagbalik.” Saad sa akin ni Matthew. “Mukhang nasiraan mo na talaga ako ng husto sa kanila Matt, I congratulate you for doing such a foolish act.” Pasaring ko sa kaniya. “Ikaw ang gumagawa ng ikasisira mo Tristan and thank you kahit hindi ko naman talaga alam yang binibintang mo.” Pagsisinungaling na naman niya. “Aalis na lang ako para mapatunayan ko na hindi ako nagpunta dito upang manggulo kaya sana maging masaya na kayong lahat.” Sinulyapan ko sandali si Barbie at saka na ako tumalikod sa kanila ng bigla namang tumambad sa harapan ko si… Megan Imperial. ------Megan Imperial’s POV----- “Kanina pa kita hinahanap bakit mo ko iniwan dun? Nakakatampo ka!” Hinampas ko pa siya sa may braso para feel na feel. “Excuse me, girlfriend ka ba ni Tristan?” Nakataas ang kilay na tanong sa akin nung ex niyang mukhang bangkay. Payat na nga, nasobrahan pa sa paglalagay ng foundation! Tsk! “Halika na Megan.” Hila sa akin ni Tristan palayo. Bigla namang humarang sa daraanan namin yung kuya niya. “Sandali, bakit ayaw mo siyang ipakilala Tristan kinakahiya mo ba siya?” Tanong nito. Humarap ako kay Tristan at nag-pout. “O nga, kinakahiya mo ba ako?”  “Bebehon, hindi naman sa ganun!” Tila sinasakyan na rin nito ang drama ko. Kaso Bebehon? Saan ba niya napulot ang endearment na yun? Eeww! Ang baduy! Pero tiniis ko na lang at patuloy na nagdrama. “Talaga? Kiss mo nga ako!” “Dito talaga?” Nag-aalangang tanong nito. “Oo sige na, kiss mo na ako!” Ngumuso pa ako sa kaniya. Eeeww, I sounded like Eris. Pero siguro naman bebenta yung acting namin na mala LEVIS. Hihihihi. He kissed me, pero smack lang. Tumikhim yung isang babae matapos ang kiss namin ni Tristan at muling nagsalita. “Alam mo familiar ka, parang nakita na kita dati sa isang beauty contest. Ah naalala ko na, 3rd runner up ka lang dati sa Bb. Pilipinas di ba!? No wonder!” Mapang-asar ang paraan ng pagtawa nito. Magkaugali talaga sila ng mapapangasawa niya! NO WONDER! Tinaasan ko siya ng kilay at pinamewangan pa. “Oo, di nga ako nanalo. Baka daw kasi isipin ng mga tao na binayaran namin ang mga judges kapag ako ang nakakuha ng korona.” Tawa pa rin siya ng tawa at pagkatapos nun ay muli na namang nagyabang. “Let me introduce myself to you formally I'm Barbie, image model ng sophisticated perfume.” Inalok pa niya sa akin ang kamay niya upang makipag-shake hands. Tiningnan ko lang ang kamay niya habang tinatarayan siya. “Ah, no wonder bumaba ang sales namin kasi ikaw pala ang endorser.”  Tinaasan niya ako ng kilay. “Sales namin? Ah so nag-sales lady ka na lang pala after mong matalo?” Kantiyaw ulit niya. “No, I'm Megan Imperial and we own the malls. Tita ko naman ang owner ng sophisticated perfume na iniendorso mo.” Ganti ko rin sa kaniya. Parang tinakasan ng dugo ang kaharap ko. “Oh you look pale, di mo ba inaasahan? Dahan-dahan kasi sa pang-iinsulto lalo na kung di mo kilala ang binabangga mo.” This time ay ako naman ang nakaisa sa kaniya. Yan kase, ang bait-bait ko kanina eh pero prinovoke mo ko kaya nalabas ko tuloy ang pangil ko. “No, nananakot ka lang Imposible na isa kang Imperial!” Saad sa akin nung kapatid ni Tristan na si Matthew. “Sabi ng mga tito ko never mess up with the Imperial Brothers or else you will experience bankruptcy. Sabi ko naman, never mess up with an Imperial Lady or else you will experience POVERTY!” Pagkasabi nun ay binigyan ko pa sila ng matamis na ngiti. Natameme yung si Barbie kaya ang fiancé na lang niya ang nagtanggol ulit sa kaniya. “Di mo matatakot ang fiancee ko! Sigurado akong peke ka! Binayaran ka lang ni Tristan upang magpanggap na girlfriend niya para di siya mapahiya di ba?” “Oh come on! You watch too much movies!” Sagot ko naman sa kaniya. “Megan?” Narinig kong tawag sa akin ng pamilyar na boses kaya agad naman akong napalingon at nakita ko ang aking lolo Zheng at lola Helen na palapit sa amin. “L-lo? Bakit ka nandito?” Medyo nanginginig ang boses ko habang nagsasalita. “Lolo? Lolo mo nga si Zheng Imperial ha hija?” Tanong sa akin ng ina nina Tristan. “Bakit ka nandito apo? Siya ba yung nakabuntis sayo?” Tukoy ni lolo sa lalakeng ka-holding hands ko. “Buntis?” koro nina Tristan at ng pamilya niya. Maging ako ay nagulat sa sinabi ni lolo. Ako buntis? Kelan pa? Bakit di ako na-inform? Then naalala ko nung minsang pinagtakpan ko si Azalea. Nasapo ko na lang ang ulo ko sa di inasahang pagtatagpi-tagpi ng mga pangyayari. “Ah lolo kasi-“ “Nabuntis pala kita Megan? Bakit di mo sinabi? Sana sinabi mo na nagbunga pala yung nangyari sa atin noon!” Nag-aalalang saad ni Tristan. Isa pa tong Tristan na ito react agad kaya mas lalo tuloy lumala ang sitwasyon. “Ha? Kuwan kasi- ang totoo hindi pa talaga ako buntis. Mahabang kwento, pero lolo pinagtakpan ko lang talaga si Azalea nung panahong iyon kaya nasabi ko na ako yung buntis.” Paliwanag ko sa aking lolo at lola. “Napakaliit naman ng mundo! Biruin mo kumare may relasyon pala ang apo mo at ang anak ko!” Natutuwang saad nung ina nina Tristan sa lola ko. “Anak mo siya?” Tanong naman ni lola Helen sa ginang. “Oo anak ko si Tristan, siya ang humahawak sa mga negosyo namin!” Siniko-siko pa nito ang asawa para lang sumangayon. “Oo, siya nga ang humahawak ngayon sa aming mga kumpaniya.” Napilitang saad ng step father ni Tristan. Habang si Matthew naman ay walang ibang nagawa kundi ang magngitngit sa isang sulok. Di rin siya makapalag dahil mukhang alam na niya ang sasapitin ng mga negosyo nila sa oras na binangga nila ang mga Imperial. Times like this ay napapabilib talaga ako sa apelyido ko dahil marinig pa lang ng mga businessman ay nanginginig na sila sa takot. “Si Tristan nga ang C.E.O ng aming kumpaniya kaya hindi kami pwedeng ma-bankrupt di ba hija?” Makahulugan ang mga tingin sa akin ng ina ni Tristan pero hindi ko siya sinagot at nginitian ko lang siya. “Magaling! Mula naman pala sa respetadong pamilya ang boyfriend mo Megan kaya wala tayong magiging problema.” Nakangiting saad ni lolo Zheng. “O nga po lo eh.” Lumapad din ang ngiti ko at sa wakas ay nakahinga na ako ng maluwag. Mawalang galang na po sa inyo, kakausapin ko lang po ng sarilinan si Megan. “Halika bebehon.” Hinila na ako nito sa lugar na walang tao. “Bakit mo ginawa yun?” tanong agad niya sa akin. “Hindi ka ba natutuwa Tristan? Instant may ari ka na ng mga kumpanya niyo! Pwede pa kitang matulungan na malipat sa pangalan mo ang mga yun legally.” “Ano naman ang kapalit ng mga to?” “Work with me.” “Anong klaseng trabaho?” “May ipapanakaw akong titulo. 18 years old pa lang kase ako nun ng maloko ako ng pinakauna kong nobyo na si Chad. Binigay ko sa kaniya ang... titulo ng lupa sa ancestral home ng mga Hanagata. Ngayon na nagkasakit ang lolo ko ay baka mas lalo siyang lumala kapag nalaman niyang nawawala ang titulo ng lupa. Mahalaga sa lolo ko at kay mommy ang bahay na yun dahil dun siya lumaki kasama ang pumanaw kong lola kaya kailangan kong mabawi ang titulo!” “Kaya gusto mong kunin ang serbisyo ni Silver?” “Ganun na nga.” “Pero wala nang Silver Megan, ako na ngayon si Tristan at hindi na ako nagnanakaw!” “Hindi mo naman nanakawin yun, babawiin mo lang para sa akin dahil sa amin naman talaga yun!” Namamaos kong paliwanag sa kaniya. “I'm sorry pero ayoko na talagang magnakaw.” Pagtanggi niya sa alok ko. “I heared magpapakasal ka na, yun ba ang dahilan kaya tinatanggihan mo ko ngayon?” Nalulungkot kong tanong. “Hindi ikaw ang tinatanggihan ko Megan kundi yung pinapatrabaho mo. Ayokong buhayin ang pamilya ko ng pera galing sa masama.” “Tristan, kahit huling beses lang tulungan mo naman ako oh. Masyado kasing mahigpit ang security sa bahay ni Chad kaya kailangan kita.” “I'm sorry Megan, buo na ang desisyon ko to quit my old work.” “Pero tinulungan kita kanina!” Sumbat ko sa kaniya. “Hindi ko naman sinabing gawin mo yun!” Sumbat rin niya sa akin. “Then I guess I have to do it myself!” Pagkasabi nun ay tinalikuran ko na siya at umiiyak ako habang palabas ng party. Hindi ko na nagawang magpaalam kina lolo at lola at basta na lang akong umalis. **********

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
85.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
77.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
133.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
175.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
26.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook