Chapter 93 -- Infinite Love

3305 Words
  -----Levi Moldovan’s POV----- Nagtinginan kami ni Eris at mukhang pareho kami ng iniisip. Mabilis kaming sumugod sa home theatre at sabay naming dinikit ang aming mga tenga sa pinto. "Aray!" Nagkaumpugan pa kaming dalawa. Matapos mawala ang sakit ay sinenyasan ko siya na umatras ng konti at muli kaming nakinig sa pag-uusap nung dalawa sa loob. “Mahal kita pero mahal mo siya kaya ako na ang nagkusang umalis!” “Ano ngayon kung mahal ko siya? Di ba pwedeng matutunan din kitang mahalin?” “Pero huli na ang lahat para sa atin dahil...  may asawa at anak na ako.” "Asawa't anak!?" Sabay naming bulalas ni Eris. This time ay sumilip na kami sa loob. "Aray!" Nagkaumpugan na naman kami. Nakakabobo na talaga to tsk! Umusog na naman ako at sumenyas kay Eris na sa baba siya sisilip at ako sa itaas. Sumenyas din siya ng ok. Nadismaya lang kami sa aming mga nakita. Sarap pag-umpugin din nung dalawa na nasa loob. Nakaupo sila sa parehong row pero sampung upuan naman ang pagitan. Si Ezra kandong-kandong si Kai habang si Izzy ay kumakain ng popcorn at concentrate na concentrate sa pinapanood. Matapos mag-espiya dun sa dalawa ay naupo kami ni Eris sa sahig at sumanday sa pinto. "Nakakainis! Sinasayang nila ang space nung home theatre eh wala naman silang romantic na ginagawa at wala pang kibuan!" Naaasar kong saad kay Eris. “Oo nga loves, kung tayo sana yung nasa loob ang dami na siguro nating nagawa!” “Sinabi mo pa!” Sangayon ko naman. “Grabe ang torpe ng kapatid mo loves, kawawa naman ang pinsan ko sa kaniya.” Tila nanghina rin si Eris sa mga nakita niya. “Kinakahiya ko na nga na naging magkapatid kami eh.” “At kinakahiya ko na rin na naging kaibigan ko siya. Napaka-boring talaga na date!” Komento ulit ni Eris. “Maturuan nga yan minsan ng mga ninja moves ko.” “Ninja moves?” Nagtataka niyang tanong. “Parang ganito oh, Eris ano yun?” Sabi ko sabay turo sa kanan. “San? Wala naman ah." Muli siyang humarap sa akin and then... Tsup! “Oww, so yun ang ninja moves mo ganun?” Namamangha niyang turan. “Oo pero iba ang ituturo ko kay Ezra kasi mga ganung klase ng ninja moves ay effective lang sa mga tatanga-tangang babae. Izzy is smart enough to fall for that trick right?" Pinamewangan niya ako at tinaasan pa ng kilay. “Excuse me! Para sa kaalaman mo alam ko nang ganun ang gagawin mo pero nagpanggap lang akong walang alam kasi gusto ko rin ng kiss mo!" “Asus nagpalusot ka pa!” Kinantiyawan ko siya kaya mukhang naasar siya. “Ah ganun? Pwes, dun lang ako sa kwarto ko buong araw! Bahala ka diyang manigas!” Saad nito sabay tayo at walk-out. “Loves wag dun! Haist!” Nagsuot ulit ako ng shades at sumunod kay Eris. Pagdating sa kwarto niya ay naabutan ko siyang nakaupo sa ibabaw ng kaniyang kama at di maipinta ang mukha. “Nguso mo sumasayad na sa lupa oh!” Pang-aasar ko na naman sa kaniya. “Pake mo!?” Inirapan lang niya ako. “Aba, di ka na natatakot sa akin ha. Wag mong ipasayad sa lupa kasi madudumihan baka di ko na makiss yan.” Pagbibiro ko na naman sa kaniya. “Shadap!” Inirapan niya ulit ako. Dinaluhan ko siya sa kama at kiniliti. “Shut up pala ha-“ “Moldovan ano ba nakikiliti ako! Hahahaha tama na!” Sa kaka-iwas sa pangingiliti ko ay nalaglag siya ng kama kaya ako na ngayon ang pumalit dun sa pwesto niya. “Paghandaan mo ko ng pagkain bilis! Nagugutom na ako!” Ma-awtoridad kong utos. Bumalik siya ng kama at tumabi sa akin. Nilaro-laro niya ang butones ng polo ko. “Di ba pwedeng appetizer muna loves?” “Snack muna loves, gutom na talaga ako.” Request ko sa kaniya. Umirap siya at napilitang sumunod “Oo na!” “Ano yan?” Tanong ko matapos niyang makabalik sa kwarto bitbit ang isang tray ng pagkain. “Nagsasawa na ako sa siomai kaya yan na favorite ko ngayon.” Ngumiti siya at tila di ko nagugustuhan ang evil grin niyang iyon. Binuksan niya ang takip nung dala niyang pagkain. “Siopao? Hmmm… sarap.” I took a bite and then muli siyang nagsalita. “Siopao na may maraming-maraming dugo este ketsup!” Biglang namanhid ang buo kong katawan matapos maramdaman ang tila malapot na dugo sa labi ko. Pakiramdam ko ay hinigop ako ng isang blackhole sa kalawakan, madilim at napapalibutan ako ng salamin. Kahit san ako tumingin ay nakikita ko ang sarili ko. Sinubukan kong lumabas pero di ko magawa. Pinagsusuntok ko ang salamin hanggang sa nabasag yun at dumugo ang kamao ko. Napunas ko yun ng di sinasadya sa labi ko at talagang di ko nakayanan ang malansa nitong amoy na nanunuot sa ilong ko dahilan upang manakit ng ganito ang ulo ko. Nakita ko na lang na may mga patay sa kabilang dako ng salamin. Nabuhay ang mga iyon at naglalakad na parang mga zombie palapit sa akin. Isa-isa ko silang pinagsusuntok at pinagsisipa pero lalo lang silang dumami at pinagtulungan ako. Napaluhod ako at nagtakip na lang ng tenga. Ayoko nang marinig ang mga tawag nila.  “Ayokoooooooo naaaaaaaa!!!” “Levi, Levi gumising ka. Nananaginip ka lang ng masama." Pukaw sa akin ni Eris. Napabalikwas ako sa higaan at ang una kong nakita ay ang... pulang dingding na naman. Dammit! Pakiramadam ko ay ilang beses ko nang paulit-ulit na nakikita ang pulang dingding na yun. Parang walang katapusang proseso, sasakit ang ulo ko at makakakita ng mga patay na nabuhay upang patayin din ako at gigisingin na naman ako ni Eris at makikita ko na naman ang pulang dingding na yun. Naramdaman ko na naman ang pagsakit ng ulo ko. Puro pula na naman ang aking nakikita. Tila umiikot na naman ng mabilis ang paligid ko at tagaktak na naman ang aking pawis. Ang sakit... sobrang sakit... parang mabibiyak na ang ulo ko sa pagsulpot ng kung ano-anong nakakatakot na mga imahe. Hanggang sa naramdaman ko na naman ang mga yakap ni Eris mula sa likod ko. She was kissing my neck down to my shoulders. Whenever she hugs and kisses me, napapapikit ako kaya wala na akong ibang nakikitang kulay pula. Sa tuwing ginagawa niya yun ay napapahinahon niya ako at nawawala ang sakit. Napapapikit ako dahil sa sensayong hatid ng mga halik at yakap niya. Patunay iyon ng kasabihang… best things happen with your eyes closed. Siya lang ang nakikita ko sa aking imahinasyon, boses niya lang ang naririnig ko at pabango niya lang ang naaamoy ko kaya ako kumakalma. Ang kaso lang, nalilipat ang lahat ng lakas ko sa kagustuhan kong maangkin siya that's why we always end up with a hard s*x. Di ko makontrol ang sarili ko sa oras na maglapat na ang mga labi namin. I always wanted more kaya halos dumugo na ang labi niya sa mga halik ko. Halos mapiga na rin ang katawan niya sa mga yakap ko. Nararamdaman ko naman na nasasaktan ko siya pero di ko makontrol ang sarili ko. I always wanted more from her. Sa paraan ng pagniniig namin parang gusto kong angkinin pati ang kaluluwa ng babaeng mahal ko. "Oohh.." Sa unang ungol alam kong nasasarapan pa siya. "Ahh.. ahh.." Pero kalaunan alam kong yun na ang ungol ng nasasaktan. Pero imbis na huminto ay mas lalo ko pa siyang pinanggigigilan. Hanggang sa bumaon na yung mga kuko niya sa likod ko at sa buhok ko. It’s as if she’s begging me to stop pero masyado akong lulong sa kaniya na di ko mapagbigyan ang kaniyang kahilingan. Tumitigil lang kami kapag naubos na niya ang lakas ko. “Levi.” Pukaw sa akin ni Eris habang nilalaro sa daliri niya ang buhok ko sa bandang tenga. Ng magdilat ako ng paningin pakiramdam ko ay may nagbabantay sa akin na isang anghel. Muli akong pumikit dahil baka naalimpungatan lang ako. "Levi." Bulong niya ulit sa akin. “Uhm.” Paungol kong sagot. “Goodmorning!” bati niya sa akin. “Ano!? Goodmorning na-? Anong oras na ba!?” “Joke lang, gabi pa. Bumangon ka na kakain na daw.” Nakangiti niyang saad. “Anong oras na!?” Pag-uulit ko. “Alas siyete na." Sagot naman nito. “Ano!? May trabaho ako ng alas sais!” Tatayo na sana ako ng pigilan niya ako. “Teka wag ka munang lumabas ng kumot.” Siya lang yung lumabas at kinuha ang shades ko para isuot yun sa akin. Matapos magsuot ng shades ay bumaba na ako ng kama at isa-isang pinulot yung mga damit ko sa sahig. Parang pault-ulit na nag-eecho ang boses ni Zheng sa isip ko. “Ibibigay ko sayo ang kwarto ng apo kong si Eris at magiging iyo lahat ng laman nun PERO SA ORAS NA PUMALPAK KA, KAHIT ANINO MO AYOKO NANG MAKITANG UMAALIGID SA APO KO! KO! KO!” Kaya pinapagalitan ko si Eris habang nagsusuot ng pantalon. “Ilang beses natin ginawa!?” “Mga twelve rounds lang naman.” Di na naman maalis-alis ang mga ngiti niya. “Kaya pala para akong may hangover ngayon! Bakit mo pinaabot ng ganun katagal!? Dapat ginising mo ko agad! Alam mo namang may trabaho pa ako eh!” Patalon-talon ako habang hinihila pataas ang pants ko. Mabilisan ko din sinuot ang white polo ko. “Pahamak ka talaga! Malalagot ako nito sa lolo mo! Kaasar!!!” Bulyaw ko sa kaniya. “Moldovan sorry di ko naman alam.” She pouted. “Lagi ka namang walang alam eh! Kelan ka pa ba natutong mag-isip ha!?” Sigaw ko ulit sa kaniya. Tumakbo ako palabas ng kwarto at iniwan na siya. Mabilis akong nakapag-break matapos kong lumagpas sa dining area. Napakatulin naman kasi ng takbo ko kaya ayun tuloy lumagpas! Sumigaw na yung tigre pagkakita sa akin. “Moldovan! Bakit ngayon ka lang!?" "Kasi po-" "San ka galing?" "Sa kuwan-" "At bakit magulo ang buhok mo?” Napatingin tuloy ako sa salamin sa aking kanan at na-concious. “B-boss, kuwan kasi- kuwan galing ako sa-“ “Tama na, alam kong magsisinungaling ka rin naman kaya don't bother to explain. Mag-ayos ka muna dun at hihintayin ka namin ng makapag-dinner na!" Utos ni tandang Zheng. Nakapuwesto na sila sa long table, si Zheng at Lady Helen ay nakaupo sa magkabilang dulo habang ang Imperial Brothers at ang mga Imperial Ladies ay nakaupo sa isang side at nasa katapat nilang mga upuan ang kanilang mga kapareha. Talagang nakakahiya na nandun pa si Tristan at ang kapatid ko. NASAKSIHAN NILANG LAHAT ANG KAPALPAKAN KO! “P-pero yung painting?” Nababahala kong tanong kay Zheng. Tumingin si Zheng sa portrait na nakapwesto di kalayuan sa kaniya. “It's safe, kinuha na ni Demi. Pasalamat ka at hindi ito napano kahit konti lang ang mga bantay kundi malalagot ka talaga sa akin.” “Sorry po talaga, nakatulog ako eh.” Paulit-ulit akong yumukod ng bahagya upang humingi ng tawad. “Ngayong nandito ka na, ikaw na ang magbantay niyan pagkatapos nating kumain.” Utos ni Zheng. Buti na lang nagbigay pa ito ng isa pang pagkakataon sa akin. “Yes sir.” Bumalik ako sa kwarto ni Eris upang ayusin muna ang sarili ko gaya ng utos nung matanda. Tiningnan ko ng masama si Eris matapos nitong sumunod sa akin sa banyo. “Kasalanan mo talaga to eh!” Paninisi ko sa kaniya habang naglalagay ng gel sa buhok. Tinawanan lang niya ako saka inayos yung damit kong nalukot. “Ayusin natin, baka mahalata nila kung san ka galing.” She teased me with a smile. Hay bakit ko ba siya naging nobya eh puro kapahamakan lang naman ang hatid nya sa akin. “May lipstick ka pa sa damit oh. Hahahaha.” Puna niya at binura yun gamit ang kaniyang panyo. Habang magkaharap kami ay may napansin din ako. "Bakit naka-longsleeve ka?" Hinawi ko ang manggas ng damit niya at nakita kong may mga pasa siya. Alam niyang magagalit ako kaya inunahan na niya ako ng yakap. "Moldovan I love you!" "Eris-" "Mahal na mahal kita." Mas hinigpitan pa niya ang yakap niya sa akin. "Akala mo natutuwa akong nakikita kang nagkakaganyan dahil sa akin!?" Nasasaktan kong saad sa kaniya. “Moldovan tama ka, mas gusto ko yung SAGING mo hahaha.” Tila ayaw niya akong pakinggan at ayaw niyang pansinin ang galit ko. "Hay! Sinipsip mo na naman ba yung-" Di ko matuloy-tuloy ang sasabihin ko. That awkard moment na pinagnanasahan ng girlfriend mo ang katawan mo ng di mo namamalayan. "Hahaha naniwala ka talaga dun sa sinabi kong iyon ha Moldovan?" Nakangisi siya ngayon sa akin. "So hindi yon totoo?" "Yuck bakit ko gagawin yun noh! Kahit gano ako ka-obsessed sayo di kakayanin ng sikmura ko ang ganun!" Pag-amin niya. "Eh bakit mo sinabi?" "Nakakatuwa yung reaksyon mo eh, halatang nag-blush ka talaga at di mo alam ang gagawin nung sinabi kong sinipsip ko yung puting luamalabas sa ano mo- Hahaha." Napayakap ako ng mas mahigpit sa kaniya at nahawa na rin sa mga tawa niya. "Siraulo ka talagang babae ka! Lagi mo na lang akong pinagtitripan. Humanda ka kapag nakaganti ako sayo, baka umiyak ka diyan!" "Excuse me, hindi ako cry baby noh!" Binelatan pa niya ako. "Hindi daw tsk, tingnan lang natin!" Naputol ang lambingan namin ng katukin kami sa loob nung maid nila. "Excuse me po maam sir, tawag na po kayo sa baba." "Sige po manang bababa na kami." Saad ni Eris dun sa maid. Pagdating sa hapag ay kumpleto na ang lahat at mukhang kami na lang ang hinihintay kaya naupo na rin kami ni Eris pero imbis sa magkatapat na upuan pumuwesto ay magkatabi kami. Napansin kong tila magalaw ang mga mata ni Tristan. Mukhang may naaamoy itong problema. Nagtinginan kami at nag-usap sa pamamagitan lang ng tingin. Mayroon ngang mali sa dinner na yun kaya maging ako ay naalarma na rin. Nilagyan na ng table placement at sinalinan yung mga baso nung isa sa mga lalakeng servant ng Imperial Palace. “Teka, ikaw ba ang nag-arrange ng mga ito? Bakit parang hindi tama ang table setting?” Usisa ni Tristan dun sa head servant ng Imperial Palace. “Opo ako nga po. Wala naman po akong nakikitang mali sa set-up ko.” Pagtatanggol nito sa kaniyang sarili. “Anong pangalan mo? San ka dating nagtatrabaho?” Sunod-sunod na tanong ni Tristan. “Marcus po, sa 5 star hotel po ako nagtatrabaho. Kung diskumpiyado po kayo pwede ko kayong bigyan ng transcript of records ko bukas. Graduate po ako ng HRM kaya alam ko po ang ginagawa ko.” “Talaga? Kung sa 5 star hotel ka talaga nagtatrabaho at graduate ng HRM, bakit hindi mo alam na ang tubig ay dapat nilalagay sa kanan unless left handed yung kakain?” Pambabara ni Tristan. Tila nawala ang yabang nung lalake. “S-sorry po sir, nalito lang.” “Paki-ayos please.” Sinunod naman nung lalake ang utos ni Tristan at nilagay sa kanan ang mga tubig. “Hmm.. impressive, magaling ang mga lalakeng may alam sa table etiquette.” Humahangang saad ni Zheng Imperial. “Nagkataon lang po na ganun si mommy sa bahay namin.” Pagsisinungaling ni Tristan. “Wow you looked close with your mom.” “Opo, sobrang close.” Matapos mailagay sa ayos ang tubig ay nag-aya na si tito Alexander na kumain. “Wala na tayong hinihintay so let’s eat!” “Bago yan, Levi asan ang manners mo? Kumakain ng naka-shades?” Puna ni Zheng sa akin. “Loves hubarin mo na wala namang red eh.” Bulong sa akin ni Eris. “Pano kung may iserve mamaya?” Ganti ko ng bulong sa kaniya. “Akong bahala, kaya naman kitang pakalmahin.” -----Megan Imperial’s POV----- Tsk! Nagbubulungan na naman tong LEVIS! At sa harapan ko pa! Bahala kayo basta ako kakain ako! Habang kumakain ay may biglang usok na bumalot sa buong dining area. Naramdaman na lang namin na biglang bumibigat ang talukap ng aming mga mata. “Bakit parang inaantok ako?” Tanong ko sa kanilang lahat. Pero mukhang sila din pala ay pareho ng nararamdaman ko. “Sabi na nga ba! Tear gas to! Kunin niyo yung mga baso na nasa kanan niyo at ihilamos sa mukha niyo bilis!” Narinig ko ang boses ni Tristan na nag-uutos sa amin. Sinunod naman namin siya at ng nakakakita na kami ng maayos ay may dagger na lumipad papunta dun sa lalakeng pinahiya ni Tristan kanina. Nasalo yun nung lalake at tumawa pa ito. “You missed !” “Siguro nga sumablay ako, pero hindi sasablay ang Archery World champion na si Levi Moldovan.” Saad ni Tristan sabay turo sa may tiyan nung lalake. Nang tingnan namin sa ibaba pa ng katawan nung lalake ay may kutsilyo nang nakatarak dun at ilang sandali pa ay sumuka na ito ng dugo at natumba. “Wala  ka pa ring kupas Moldovan!” Papuri ni Tristan kay Levi. Lumapit silang dalawa dun sa bangkay at pintaob yun. Sinuri nila ang batok nung lalake at may nakita silang barcode na naka-tattoo, 0000127. Agad tinapat ni Levi ang cellphone niya at ini-scan ang barcode upang mahanap niya sa database ang profle ng lalakeng yun. Kaya nalaman nilang professional killer pala yung sumugod sa amin. “Professional Killer pero bagitong magnanakaw.” Saad ni Levi. “Bagito pa pala to eh, pero mabilis siya para masalo ang binato ko. Di lang talaga niya napaghandaan yung sayo.” Saad naman ni Tristan kay Levi. Umakyat si Tristan sa mesa at nag-anunsiyo dun sa mga kakarating lang sa dining area upang makiusyoso. “Lumabas ang lahat ng mga maid at butler na nandito! Kayo namang mga lalake, pag may nagpaiwan na hindi bahagi ng pamilyang ito ay patayin niyo! Siguradong magpapaiwan ang grupo ng Black Triad!” Sinegundahan naman ni Levi ang sinabi ni Tristan. “Narinig niyo siya, umalis na kayong lahat na di kabilang sa pamilyang ito!” Agad nagsitakbuhan yung iba pero may mga sampu na natira kaya nalaman naming yun ang mga kalaban na nakapuslit sa  bahay. Sabay-sabay nilang sinugod ang portrait na yakap-yakap na ngayon ni lolo Zheng. “Lolo!” Nag-aalalang sigaw naming mga apo at anak niya. Pero pinalibutan siya ng Imperial brothers kaya hindi nakalapit ang mga masasamang loob. Kumuha na rin ng mga pinggan si Ezra at pinagbabato yun sa ulo nung mga lalakeng natira. Kanya-kanyang protekta yung mga lalake sa mga nobya at asawa nila. Maging sina Dylan, Ulysses, Jayden, Clifford at Artemi ay nakipagsuntukan na rin dun sa mga kalaban. Lahat nagtulong-tulong upang protektahan ang pinakamamahal naming lolo na si Zheng Imperial! Nang luminaw na at kami-kami na lang ang natira sa dining area ay napunta kay Trsitan ang atensiyon naming lahat. “Pano mo nalaman na may killer na nakapasok?” Tanong ni daddy kay Tristan. “Kanina ko pa alam, halatang sinadya nung lalake na ilagay sa kaliwa ang mga baso upang kung mag-spray na sila ng tear gas ay kailangan niyo pang mangapa kung nasaan ang mga baso niyo.” “Bakit nila ilalayo ang tubig sa amin?” Tanong naman ni tito Arthur. “Dahil alam nilang may kasama kayong mafia sa dinner at sigurado silang may alam si Levi na ang paglalagay ng tubig sa mata ang lunas kapag na-tear gas kayo.” Paliwanag nito sa aming lahat. “Sino ka bang talaga?” Tanong ni lolo Zheng kay Tristan. “Ako- si SILVER!” Napamaang kaming lahat dahil sa unang pagkakataon, sa history ng mundo ay nagpakita na ng mukha ang mailap na magnanakaw na si… SILVER!   #ImperialLadies #InfiniteLove
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD