Mensahe Sa Likod Ng Kanta

3551 Words
By Michael Juha getmybox@hotmail.com ----- Maya-maya ay tinumbok ni Fred ang canteen upang mag-order ng aming makakain. Eksakto namang biglang may nagtanong. “Hi! May nakaupo ba rito?” Nang inangat ko ang aking ulo upang tingnan kung sino ang nagsalita, lumantd sa paningin ko si Gina, nakatayong itinuro niy ang upuang katabi ko, ang kanyang mga mata ay nakatutok sa mukha ko habang naghintay sa aking isasagot. “A, e.... Wala! Wala!” ang sagot ko. “Puwedeng maupo?” ang tanong niya uli. “Eh... sure! Sure! Please...” Si Gina ay katulad ko ring transferee sa school na iyon. Pareho kami ng kurso at mag-classmate sa halos lahat ng subjects. Maganda siya. Maputi, sexy, matangkad at matalino. Sa totoo lang, marami ang nagkaroon ng crush sa kanya sa campus. Isa na ako roon. Naupo siya at inilatag ang bag sa kunkretong mesa sa aming harapan. Habang inayos niya ito, tinanong niy ako, “Ikaw si Jun Flandez, di ba?” “O-o, oo... Ako nga. At ikaw naman si Gina, ang muse ng Liberal Arts, ‘di ba?” ang tanong ko rin sa kanya. Napangiti siya. “Classmate kaya tayo sa halos lahat ng subjects. Kaso, wala akong chance na kausapin ka. Mukha ka kasing suplado. Mukhang esnabero. Takot ako baka maisnub.” “Woi!” ang bigla kong pagtutol sa kanyang sinabi. “Hindi ako ganyan. Mahiyain lang talaga ako!” ang pagpaliwanag ko pa. “Pansin ko nga. Naglakas loob lang ako na lumapit sa iyo ngayon. At least dito, hindi ako mapapahiya sa mga classmates natin kung sakaling iisnabin mo ako,” ang sambit niya sabay tawa. “Palabiro ka pala. Actually, napansin na kita sa classroom natin.” Siya naman itong nagulat, halatang na-excite. “Talaga?” “Marami kasing classmates nating lalaking nagkaka-crush sa iyo. Maganda ka raw,” ang diretsahan kong sabi. Napansin kong na-excite siya muli. “Talaga? Sikat na ako? Ganyang level ba ang ganda ko?” sabay tawa. Natawa na rin ako. “Palabiro ka pala talaga,” ang sambit ko. “Woi, hindi biro iyong sinabi kong maganda ako, ha? Baka naman bawiin mo.” “Totoo iyon. Iyana ng sabi ng mga narinig kong sabi ng mga classmates nating kalalakihan.” “Ah, ganoon ba? Eh, kumusta naman ikaw?” “Huh!” ang sagot kong medyo naguluhan sa tanong, tinitingnan siya ang aking mga mata ay nagtatanong. “’Di ba, sabi mo, maganda ako, sabi nila? Eh, ano naman ang sabi mo?” “Ah, eh…” ang naisagot ko na lang. Pakiwari ko ay pulang-pula ang aking pisngi sa kanyang tanong. Marahil ay ganyan talaga kapag crush moa ng isang tao, may mga katotohanan na sadyang mahirap aminin. “Paano mo pala nalamang Jun Flandez ang pangalan ko?” ang paglihis ko na lang sa usapan. “Kilala ka yata sa buong campus...” Nagulat din ako sa sinabi niya. “Paanong kilala? Hindi naman ako celebrity.” “Marami ka kayang tagahanga. Matalino ka raw. Mabait, hindi palakibo, at higit sa lahat, guwapo. Simula nang ipinost sa student site ng school ang mga litrato ng mga transferee, ikaw ang may pinakamaraming reaction na heart, like at comments na pagwelcome. Nabasa mo na ba?” “Huh! Hindi ko alam iyan a!” “Ngayon ay alam mo na. I-check mo at basahin kasi…”  “Mga classmates lang siguro iyong nagreact at nagcomment.” “Hindi ah! Marami ring taga-ibang departments!” “Talaga? Wow! Akala ko hindi pinapansin ang mga transferees rito.” “Ako nga rin eh. Sa dating school ko, parang wala naming ganoong importansya. Pero this year lang daw ito nila ginawa sa unibersidad na ito... Initiative ng student council president na si Aljun Lachica. Ipinalalagay niya sa student site ng unibersidad ang pangalan at litrato ng mga transferees upang i-welcome daw at kilalanin, kaibiganin.” “Ay talaga? Siya ang nag-imbento niyan?” “Oo. Galing ano? At may message siya sa lahat ng mga transferees. Basahin mo ang message niya sa iyo roon.” “Ganoon? Sige, sige,” ang sagot ko na lang, hindi ipinahalata ang excitement na nadarama ko. “At may message din ako sa iyo roon, eh. Hindi mo sinagot…” “Ha? Ano naman ang message mo? Sabihin mo na lang at dito kita sasagutin,” sabay tawa. Tumawa siya. “Sabi ko lang naman ‘Welcome sa atin, classmate!’” “Ah... welcome din sa atin, classmate! Ayan, sinagot na kita ha?” ang sagot ko sabay tawa. Iyon ang takbo ng aming kuwentuhan ni Gina. Pakiramdam ko ay sobrang close na rin namin at parang matagal na kaming magkakakilala. Doon koo nalaman na nasa abroad ang kanyang mga magulang at nasa lolo’t lola niya kasalukuyang tumira, dahilan upang lumipat siya ng eskuwelahan. Nai-kwento ko rin sa kanya ang dahilan ng aking pagtransfer. Sinabi ko sa kanya na gusto kong maexperience ang buhay na independent, malayo sa mga magulang upang matuto sa buhay. At dahil mataas din naman ang standard ng unibersidad na nilipatan namin kung kaya ay kahit masakit sa kanilang kalooban, pinayagan ako ng aking mga magulang na lumipat. Mabilis kaming nagkahulihan ng loob ni Gina. Masarap din kasi siyang kausap. Hanggang sa ang topic ay napunta sa assignment namin sa isang subject kung saan ay binuklat at binasa niya ang aking notebook. Dikit na dikit ang aming pagkaupo at halos magdikit na rin ang aming mga mukha habang pareho naming binabasa ang aking notebook. Sa hindi inaasahan ay siya namang pagkakakita ko kay Aljun na naglalakad palapit sa aming kinaroroonan, dala-dala ang isang gitara. Noong makita ko siya ay agad akong yumuko. Syempre, bagamat nagsisigaw ang aking isip sa tuwa na papalapit siya, inexpect kong sa kinauupuan namin siya tutungo. Subalit nang tiningnan kong muli ang direksyon niya, nakita kong dire-diretso lang siyang naglakad at tinumbok ang unahang mesa kung saan ay nag-uumpukan ang ang mga miyembro ng grupong CG, Inc., ang grupong nag-sponsor sa paraffle. Noon ko lang napansin na naroon pala sila. Tahimik lang kasi sila roon habang nagpapalipas ng oras. Hindi siya lumingon sa direksyon namin. Hindi ko alam kung bakit hindi man lang siya dumaan sa mesa namin at batiin ako kahit saglit lang samantalang alam naman niyang naron ako dahil angkasalubong ang aming mga tingin habang papalapit siya sa aming puwesto. Hindi ko alam kung sadyang ini-ignore lang niya ako o talagang hindi niy ako nakita. Ewan hindi ko alam ang laman ng kanyang isip. Medyo nasaktan din ako. Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit ako nasaktan. “Saan ka ba nanggaling ‘Tol at gitara iyang dala-dala mo? Haharanahan mo na ba ang master mo?” ang narinig kong biro ng isang myembro ng CGI, sabay tawa. Biglang nag-ingay tuloy ang grupo nang dumating siya. “Puwede...” ang casual niyang sagot sabay tawa rin. Ang alam nila kasi ay si Fred ang master ni Aljun. Hindi ko lang alam kung alam ba nilang bakla si Fred. Kasi, hindi naman lantaran si Fred at hindi rin halata sa kilos at galaw, maliban kung kaming dalawa lang. “Baka ma-in love sa iyo iyong master mo, pare kung haharanahan mo pa,” dagdag pa ng isang miyembro. “Huwag naman pare... Nakakatakot iyang nasa isip mo,” ang sagot niyang biro. “O, baka naman mamaya pare, malalaman na lang namin na ikaw pala itong na-in love sa master mo!” ang biro din ng isa pang miyembro ng grupo sabay tawa ng malakas. Na mabilis din niyang sinagot ng, “Ah, iyan ang mas nakakatakot, pare!” Nagtawanan ang magbarkada. Napa-“amfffff!” naman ako sa sagot niya. “Mas nakakatakot pala...” ang bulong ko sa sarili. “May sinabi ka Jun?” ang sambit naman ni Gina nang marinig ang aking ibinubulong habang nagbabasa kami sa aking notebook. “Ah... wala!” ang sagot ko. Maya-maya ay dumating na si Fred, may dalang 3 hamburgers at tatlong soft drinks. “Ang tagal mo, ah!” ang sabi ko. “Nakita ko kasi si Gina kaya bumalik uli ako at nag-order pa ng isa. Ang daming nakapila doon, fwend! Kaya sensya na!” ang sagot naman ni Fred. “Wow! Salamat Fred!” ani Gina. “Magkakilala na kayo?” ang tanong ko. “Oo. Sa isang subject na hindi kita classmate,” ang sagot ni Fred. “Si Gina naman ang classmate ko roon at magkatabi kami. Lagi kaming nagku-kwentuhan” ang dugtong ni Fred. Napansin ko naman na parang pabirong nagbabanta ang mga mata ni Gina kay Fred habang nagsasalita. Hindi ko na binigyang pansin pa ito. “Bakit ka nga pala nagdadala ng gitara pare?” ang narinig kong itinatanong ng isang kasama sa umpukan nina Aljun sa kabilang mesa. “First Friday mass bukas. At pinakiusapan ako ni Sister na rumaket sa gitara dahil may sakit daw ang gitarista nila. Alam mo naman tayo, masunuring guwapo kaya hindi ko mahindian si Sister. Baka mamaya ipagdasal pa ako noon na hindi magkakalovelife, delikado tayo.” “Wow! Pare! Pati ba naman si Sister ay kinakatalo mo? Huwag mong tuksuin si Sister pare! Matakot ka sa Diyos! Layuan mo ang walang kamuwang-muwang at inosenteng madre ng choir! Ibalato mo na lang siya sa amin! Safe siya sa aming mga kamay,” ang biro ng isang miyembor nila. “Sa kamanyakan ninyo? Safe?” ang sagot na biro ni Aljun. “Ito o…” turo niya sa isang kasama, “Kahit butas ng poste ay hindi patatawarin kapag inaatake ng libog.” Tawanan. “Ang ganda pa naman ng madre na iyan! Sayang!” ang pagsingit ng isang kasama. Na sinagot naman ni Aljun ng, “Tol... single si Sister at single din naman ako... Kaya walang maaagrabyado.” “Sabagay... at ambata-bata pa ni Sister para tuluyang pumasok sa pagkamadre. Baka nabatukan lang iyan ng nanay niya kaya napilitang pumasok sa kumbento,” ang sagot naman ng isa. “O baka napag-utusan lang iyan na bumili ng patis at napadaan sa kumbento!” ang pagsingit din ng isa. Tawanan ng malakas ng grupo. Maya-maya. “Sampol na lang ng kanta, ‘Tol!” ang mungkahi ng isa. “Sampol! Sampol! Sampol!” ang sunod kong narinig. Kinantyawan si Aljun na kumanta. “Sampol pala ang gusto ninyo e di sige...” ang palaban namang sagot ni Aljun. Kumanta siya ng kantang simbahan, “Our father who art in heaven, hallowed be thy name... thy kingdom come thy will be done on earth as it is in heaven. Give us this day our daily bread and forgive us our tresspasses...” Tawa naman ako nang tawa sa sarili. Nang nilingon ko si Fred ay nakangito ito ng halatang pigil habang nakatingin sa akin. Tila nag-uusap ang aming mga isip. At si Aljun ang aming topic. Marahil ay nakuha ni Gina kung bakit ako napangiti nang lihim kung kaya ay nakingiti na rin siya. Ang lakas kasi ng bangkaan ng grupo. Dinig na dinig namin ang kanilang mga kuwentuhan at kantiyawan at ang pagkanta ni Aljun ng makabag-bag damdamin na kanta ng simbahan kung saan ay bigla ring natahimik ang grupo. Iyong awkward moment na sobrang ingay, ginawang topic sa kanilang biruan ang madre ngunit nang kumanta na ng kantang-simbahan si Aljun ay tila biglang nagtransform sa pagiging anghel sa kabaitan. In fairness, ang ganda palang kumanta ng kumag! Grabe ang boses, dagdagan pa sa galing din niyang maggitara. Kaya siguro hindi makasingit ng biro ang mga CG, Inc habang kumakanta ay dahil hindi nila inaasahang kahit kantang simbahan iyon, napakaswabe ng boses nito at ang sarap pakinggan. Para siyang isang professional na singer! Habang patuloy si Aljun sa kanyang pagkanta, kunyari naka-concentrate lang ako sa pagkain at nanatiling nakayuko. Hindi ko talaga maiwsang hindi mabighani sa kanyang boses. Ewan ko rin ba. Pakiwari ko ay lalo akong nagkaroon ng interest. Ang boses niya ay mistulang pupukaw sa iyong kaluluwa. Kahit kantang-simbahan iyon, hindi ko mapigilan ang hindi mapahanga. At lalo na nang sinulyapan ko siya at nakita ko ang damit ko na suot-suot niya, tila nalusaw ang aking puso sa matinding kagalakan. Ang sarap sa pakiramdam. Habang patuloy siyang kumakanta ay patgong sinusulyapan ko naman siya. Nang nagkasalubong ang aming mga tingin, tinitigan niya ako. Ewan. Naramdaman ko na lang ang malakas na kalampag ng aking dibdib. Ewan. Kinilig ako na nakaramdam ng sobrang pagkahiya. Tila nakakasilaw ang kanyang titig habang kumakanta siya at nakatutok ito sa akin. Doon na ako yumuko nang hindi ko na nakayanan ang matinding hiya at takot na mahuli ng mga kagrupo niya, o nina Fred at Gina. “Pare naman... Alam mo namang nanginginig kami sa takot kapag narinig ang mga kantang ganyan, e!” ang sambit naman ng isang nasa grupo noong matapos na ang kanta. “Nalulusaw kami pare! Hind kami makagalaw! Hindi makapagsalita,” dugtong din ng isa. “Dagdagan pa ng nakababaliw mong boses! Ang galing mo palang kumanta tol! Hayop! Ba’t hindi pa ako naging babae. Love na love na kita! Syeeettt! Pa-kiss nga!” biro naman ng isa. Tawanan lang sila. “O, gusto niyo pa ng sampol?” “Huwag na please maawa ka sa amin!” sabay halakhak ng grupo. Maya-maya naman, nag-alisan na ang grupo nila ni Aljun, kasama siya. Hindi ko alam kung saan ang punta nila ngunit ang ikinaiinis ko ay ang hindi niya uli paglingon sa kinaroroonan ko nang dumaan sila. Parang hindi lang ako nag exist. Napatingin tuloy sa akin si Fred. Malisyoso ang kanyang tingin. Alam ko, may kabulastugan na namang pumasok sa kanyang utak. Hindi lang siya makabanat ng pangungulit dahil naroon si Gina. Hinayaan ko lang na humupa ang kaunting inis na aking naramdaman. Normal lang ang ipinakita ko. Nagkuwentuhan kaming tatlo. Alas 6 ng gabi. Off na namin ni Fred at hinintay na lang namin si Aljun sa student center. Iyon kasi ang usapan naming assembly area at oras kapag ihahatid ako ni Aljun sa flat ko kapag school day. Subalit 6:15 na lang ay wala pa siya. Biglang pumasok sa isip ko ang pang-iisnab sa akin ni Aljun sa student center sa araw na iyon kaya upang makaganti, niyaya ko si Fred na dumiretso na lang kaming maglakwatsa sa isang seafoods resto-bar. “Woi! Antayin muna natin iyong sundo mo. Baka naman mamaya mag-alala pa iyon sa iyo!” “Hayaan mo na… ako naman ang master eh. Hayaan mo siyang mag-alala at maghanap. Bakit kailangan bang ako ang mag-adjust? Slave ko lang siya. At wala akong paki sa kanya,” ang sambit ko. “Huh!” ang gulat na reaksyon ni Fred. “Parang iba na iyang hangin na pumasok sa kukute mo fwend, ah! In love ka na nga siguro sa kanya!” “Tado! Paano ako ma-iinlove? E, ‘di sana ay excited akong ihahatid niya.” Natawa si Fred. “If I know… nagtampo ka na naman kanina dahil hindi ka niya pinansin nang kasama niya ang mga taga CG, Inc., ‘di ba?” “Malisyoso ka talaga. Bakit ako magtatampo? Hindi naman kami ganyan ka close noong tao.” “Hmmmm. Hindi ganyan ka close pero ang pantalon, fwend, ang t-shirt at… malay ko baka pati brief mo rin ay suot niya! Suot-suot na niya ang mga damit mo, hindi pa ba kayo close niyan? Paano na lang kung close na kayo, e ‘di magpalit na kayo ng kaluluwa niyan?” “Sus… bakit ang mga biktima ng baha, sunog, sinusuot din naman nila ang mga damit ng ibang tao, ‘di naman nila kaanu-ano iyong may-ari!” “Ay… mga nabahaan iyon fwend. Ikaw, babahaan ka pa lang niya!” sabay tawa. “Tara na nga! Puro ka kalokohan!” ang sambit ko. Doon nga kami kumain sa labas ni Fred. Nagmusic trip kami, uminom ng kaunti. Alas 9 ng gabi nang nakauwi na ako ng aking flat. Hinugot ko na ang susi mula sa aking bulsa at ipinasok ko na ang susi sa butas ng door knob upang mabuksan ang pinto. Ngunit bago ko pa man paikutin ang susi, biglang bumukas ang pinto! Gulat na gulat ako, lalo na nang makita ko kung sino ang nasa loob ng aking flat. Si Aljun! “A-anong ginagawa mo rito sa loob ng aking apartment? Ginulat mo ako, ah!” ang panunumbat ko pa. “Anong ginawa ko rito? Nalimutan mo na ba ang usapan natin? ‘Di ba usapan na ihahatid kita?” ang sagot niya na mistulang mataas ang boses. “Hindi ka kaya sumipot!” ang sagot ko ring halata sa boses ang galit. “Grabe ka naman… Na-late lang ako ng 15 minutos, hindi mo na ako hinintay? May mga ikinunsulta lang ang mga officers ng council sa akin, eh,” ang paliwanag niya. “Eh… pasensya na. Hindi ko alam dahil hindi ka naman nagparamdam!” ang may pagmamaktol ko. At ako pa talaga ang may lakas ng loob na magalit. “Pasensya ka na… nawala ang cp ko kaya hindi man lang kita maitext,” ang sagot niya na halatang hindi na nagalit. “Okay… tapos na iyon. Wala na tayong magagawa,” ang sagot ko na lang. “A, e… nagluto naman ako ng hapunan natin habang hinintay ka. Dyaran!” Lumantad sa aking mga mata ang mga pagkaing inihanda niya at nakalatag na sa mesa. Syempre touched ako sa kanyang ginawa ngunit hindi ko ipinahalata. “Kumain na kami ni Fred kaya ikaw na lang ang kumain,” ang sambit ko na lang. Ngunit noong may napansin ako. “Saan mo nakuha iyang daing na pusit?” ang tanong ko. Wala naman kasi akong ganoong ulam sa stock ko. Isa ito sa mga ulam na hindi ko nakakain sa aming bahay dahil ayw ng mga magulang ko. Mabaho raw, at tila nandidiri sila. Pero iyon ang isa sa mga paborito kong ulam. “Binili ko!” ang sagot niya. “Paborito ko iyan kasi. At baka lang magustuhan mo. Alam ko, hindi ka masyadong familiar sa mga ganyang klaseng ulam. Pang-mahirap lang iyan ngunit nagbakasakali lang...” “Ay kumakain ako niyan!” ang sagot ko. “Sige kakain na lang din uli ako.” “Ayannnn!” Tuwang-tuwa siya nang umupo ako sa hapag-kainan. Nilagyan niya ng kanin ang plato ko at halos susubuan na lang niya ako. Noong matapos na kami. “Upo ka lang d’yan boss. Ako na ang bahalang magligpit…” Kaya umupo na lang ako sa sofa. Maya-maya lang ay nagulat na lang ako nang tumugtog ang gitara at may kumanta. Si Aljun. Well you done done me and you bet I felt it, I tried to be chill but you’re so hot that I melted I fell right through the cracks, and now I’m trying to get back Before the cool done run out, I’ll be giving it my best test Nothing’s going to stop me but divine intervention, I reckon it’s again my turn to win some or learn some I won’t hesitate no more, no more, it cannot wait, I’m yours Well open up your mind and see like me, open up your plans and damn you’re free Look into your heart and you’ll find love love love Listen to the music of the moment maybe sing with me A lá peaceful melody, it’s your God-forsaken right to be loved love loved love loved So I won’t hesitate no more, no more, it cannot wait I’m sure There’s no need to complicate, our time is short, this is our fate, I’m yours… Habang kinakanta niya ang kanta ni Jason Mraz ay nakatayo siya, galing ng kusina at marahang naglakad patungo sa aking kinauupuan. Nang nasa harapan ko na siya, umupo siya sa sahig habang patulong na kumakanta at naggigitara. Ngunit ang ikinakikilig ko, maliban sa effort niya at galing sa pagkanta, ay nakatutok ang kanyang paningin sa aking mukha, paminsang ngumingiti, nagpapa-cute, tila nanunukso. Hindi ko lubos maintindihan ang aking sarili. Natulala na lang ako, nakatitig sa kanyang mukha at ninamnam ang bawat kataga ng liriko ng kanta habang kumakanta siya. “I’m Yours.” Hindi ko tuloy maiwasang magtanong. “Bakit iyan ang kanyang piniling kanta? Ano ang ibig niyang ipahiwatig? Para sa akin ba talaga ang kantang iyon o wala lang, random na kanta lang? At kung para sa akin nga, ang lyrics nito ay para sa akin ba?” “Nagustuhan mo ang kanta, Boss?” ang tanong niya. Tila binuhusan ako ng malamig na tubig nang marinig ko ang tanong niyang iyon. Hindi ko namalayan na natapos na pala siyang kumanta. “Ah, eh… Oo, oo. Sobra.” “Talaga?” ang sagot niyang halatang nasiyahan sa aking sagot. “B-bakit ‘I’m Yours’?” “Di ba, habang slave mo ako, ‘I’m Yours’…” “Iyan talaga ang pinili mo para sa akin? Hindi random na kanta lang?” “Oo… Pinili ko.” “May mensahe ba sa likod ng kanta?” Tumango siya. “Para sa akin ba ang literal na mensahe ng kanta?” Tumango siya. “’It’s your God-forsaken right to be loved loved loved loved loved…’ ‘There’s no need to complicate, our time is short, this is our fate, I’m yours…’ Ano ang ibig sabihin noon?” (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD