Hula
Paraffle Na Pag-ibig
By Michael Juha
“Mag-ingat sa mga numerong dalawang isa at dalawang walo. Ang mga numerong ito ay siyang magbigay sa iyo ng masakit na karanasan na sisira sa iyong buhay. Dahil sa mga numerong ito ay mapipilitan kang gumawa ng desisyon upang itaboy ang taong pinakamamahal...”
Ito ang hula ng isang matandang bulag na pulubi na nagtangkang tumawid sa daan. Nang nakita ko siya ay agad kong nilapitan at hinawakan ang braso at sabay kaming tumawid patungo sa kabilang kanto. Nang makatawid na kami at nagtangka na akong umalis ay pabulong niyang sinabi ito sa akin. Hindi ko binigyan ng pansin ang sinabi niya gawa ng pagmamadali ko. Nang binalikan ko siya kinabukasan ay hindi ko na siya nakita pa.
-----
“Jun! Jun!” ang sigaw ng best friend kong si Fred habang nagtatakbo itong lumapit sa akin, bakas sa mukha ang ibayong saya.
Nasa library ako noon, nagbabasa ng libro. Dahil sa hindi mapipigilang pagsisigaw niya sa pangalan ko, lahat ng tao sa loob ng library ay napalingon sa kanya.
Si Fred ay ang ang kauna-unahan kong kaibigan sa school na iyon. Transferee lang kasi ako at nasa first year ng kursong Liberal Arts. Confirmed gay si Fred ngunit acting straight naman bagamat paminsan-minsan ay lumalabas din ang tunay na kulay.
“Hinaan mo nga ang boses mo! Ano ka ba? Nakakahiya sa mga estudyanteng seryosong nag-aaral!” ang pigil na boses kong pagsagot sa kanya.
“Nakabili ako ng raffle ticket! Heto o, tig-iisa tayo!” ang sagot niyang pigil na rin ang pagsigaw.
“E, ano ngayon? Ano ba ang mayroon sa mga tickets na iyan at para kang matatae na hindi makahanap ng kubeta?” ang sagot kong pigil pa rin ang boses.
“Doon na nga tayo sa botanical mag-usap para hindi tayo nakakaistorbo rito!” ang mungkahi niya.
Tumalima naman ako.
“Sige nga! Sabihin mo sa akin kung ano ang mayroon sa ticket na iyan na para kang inatake ng kalandian sa inasta mo!” Ang tanong ko kaagad noong makaupo na kami sa damuhan sa lilim ng malaking mahogany ng botanical garden.
“May narinig ka ba tungkol sa taonang pinakaaabangan at kinababaliwang paraffle dito sa campus?” ang tanong niya sa akin.
“Hindi. Bakit? Ano ba ang nakababaliw sa paraffle na iyan?” ang sagot kong may kalituhan sa ibinigay niyang trivia.
“Hindi mo alam talaga? As in immaculately innocent ka kung ano ito? As in wala talagang nakapagsabi man lang sa iyo kung anong klaseng naiibang paraffle mayroon ang campus na ito taun-taon?”
“Wala nga at hindi ko alam, ano ka ba? First year college lang ako, ngayon pa lang nakatungtong sa college na ito, ikaw pa lang ang kaibigan ko rito at wala namang ibang Maritess ang lumalapit sa akin kundi ikaw lang! Ngayon, ano yan?”
“Ay oo nga pala. Wala ka pala talagang kamuwang-muwang. O sige, ito, sasabihin ko na at huwag kang mabigla ineng ha? Itong paraffle na ito ay paraffle ng mga… lalaki!” Nahinto siya at pinagmasdan ang aking reaksyon.
Syempre, lumaki ang mga mata ko sa gulat, hindi malaman kung matawa o mainis sa iniisip na niloko lang ako ng kaibigan.
“O ano? Nagulat ka…” ang sambit niya sabay bitiw ng nakakalokong halakhak.
“Ibig mong sabihin totoo talagang lalaki ang papremyo sa paraffle na iyan?” tanong ko uli.
Tumango siya, tumatawa pa rin at ang mga mata ay nakatutok sa akin.
Syempre, hindi ko lubos maisip na mayroon palang ganyang klaseng pa-raffle. Sa biro lang naman nangyayari ang mga ganyan, kagaya ng “umulan ng mga lalaki,” “bumaha ng t**i,” at ngayon ay parafle ng mga lalaki naman. Parang weird. “Sandali, paano nangyari iyan? At sino ang may pakana niyan?” ang tanong ko uli.
“Sabi ko na nga bang magka-interes ka eh!”
“Hindi ako interesado ah! Nawiweirduhan lang ako!” ang pagtanggi ko.
“That is exactly the point! Iyan ang purpose ng grupo ng mga estudyante na ito – isang activity na bago, non-traditionl, attention-grabber, weird; something that astounds the mind. At ito ang mensheng gustong iparating nila sa mga kapwa kabataan: huwag matakot mag-innovate, huwag matakot mag-experimento at mag-explore, huwag matakot gumawa ng hakbang na bago at naiiba… Sa taon na ito, nag tema nila ay ‘Magpapansin At Tumulong.” O di ba bongga? At ang proceeds ng paraffle ng mga guwapong estudyante na iyan ay mapupunta sa mga sinusuportahan o recipients nilang scholars na anak ng mga mahihirap na pamilya. Iyan ang taonan at kinababaliwang fund-raising na inaabang-abangan ng lahat! Isang henyo ang nakaimbento niyan!”
Napa-“Wow!” ako sa nalaman. Maganda ang hangarin, ngunit kakaiba ang approach. “At ano naman ang gagawin ng mga nananalo sa lalaking papremyo?”
“Hmmmm! Malisyoso ang tanong mo ano?” ang sagot naman ni Fred na pabirong inismiran ako.
“Syempre may malisya talagang naglalaro sa utak ko. Kahit sino naman siguro ang makakarinig na nanalo siya ng lalaki, ang papasok talaga sa isip nila ay lalaking nakahubad, guwapo, maganda ang katawan, naka-brief lang o maaaring walang saplot. Ikaw ba naman ang manalo ng lalaki, ano ba ang gagawin mo sa kanya?” ang pabalang ko ring sagot sabay tawa ng malakas.
“Sabagay…” ang sagot niya. “Ganito iyan, hija, este hijo pala… Halimbawa, may ipapagawa kang assignment sa school, gusto mo ng bodyguard, gusto mo ng kasama at makausap, gusto mong magpaturo ng kung anu-ano sa kanya, gusto mong may magbasa ng novel sa iyo, may magmasahe sa iyong katawan, maghihilod sa iyong likod sa paliligo mo, gusto mo ng houseboy, maglinis ng iyong kwarto, kubeta, bahay, magtanim ng saging sa iyong bakuran, mag-ani ng mais o palay, magbungkal ng lupa, magpakain sa iyong mga alagang baboy. Gusto mo ng driver, o escort… kahit mag strip-tease pa siya at pasayaw-sayawin mo sa iyong harap, bahala ka. Kahit ano basta hindi masama o nakakasakit. Slave mo siya kumbaga. Ngunit may kontrata iyan, may mga limitations din upang klaro ang arrangement. Kagaya ng dapat ay walang illegal na ipagagawa o labag sa batas ng bansa at eskwelahan, walang ipagagawang malalagay sa peligro ang buhay ng lalaki. At heto ang nakakaloka, ‘…tasks which are intimate, personal, or adult in nature must be consensual. Any emotional, s****l, romantic attachment or any legal or moral consequence arising out of the stint shall be the personal responsibility of any of the parties involved without prejudice to the school or the organization.’ Ibig sabihin, kung may mangyayari sa inyo sa kama at papayag si prize-boy, okay lang iyan. Otherwise, illegal na ito.”
“Waahh! So talagang ina-anticipate nila na may mangyayaring something!”
“Siguro! At… malay natin,” sabay bitiw naman ni Fred ng nakakalokong tawa.
Parang may excitement din akong nadarama. Iyon bang ang isip na naglalaro at nagtatanong kung ano ang mangyayri kung sakali… lalo na sa side ko na confused pa sa aking sexuality at hindi pa naka-experience ng s*x sa kahit kanino. “M-marami bang bumili ng tickets? O mga estudyante lang?”
“Maraming-marami, grabe. Palaging nagkakaubusan ng tickets! Kaya nga tuwang-tuwa ako na naka-kuha eh! Malapit na kasing maubos. Kahit sino kasi ay puwedeng bumili. Open ito sa lahat basta may perang pambili, kahit out-of-school, kahit senior citizen pa, lalaki man o mababae… Iyong iba nga friend ay may mga asawa na, tulong na lang at suporta ang kanila para sa fund raising. Kapag nanalo sila, ang lalaki nila ay gawin nilang house boy or utusan… or katuwaan na lang.”
“Ganoon ba? E… gaano naman katagal ang serbisyo ng prize-boy?”
“365 hours lang naman! Di ba may 365 days ang isang taon, pedeng one hour per day or pwedeng mas mahigit pa hanggang makumpleto ang 365 hours. Kung straight 24 hrs per day ang serbisyo, tatakbo ng two weeks and 2 hours lang iyan. Pero lugi ka kung sa gabi ay tutulugan ka lang niya. Basta depende na lang iyan sa usapan ninyo.”
Sa totoo lang, may naramdaman akong excitement sa nalaman. “S-sinu-sino naman ang mga pa-premyo nilang lalaki?”
“Hay naku, sampu ang kanilang napili ngayon at puro guwapo at yummy! Puro kasi naggi-gym kasi required sa grupo. At bago sila nagpalabas ng desisyon kung sino sa kanila ang ipapremyo, gumawa muna sila ng campus survey. At ang pa-premyo nila ngayon ay ang top ten na lumabas sa ginawa nilang survey. Pero ang jackpot prize nila ay laging top secret na hindi kasama sa grupo. Last year ay ang anak ng mayor. At isang buwan niya tinapos ang ‘task.’”
“Talaga? Mabuti at game din sila ano?”
“Oo. Malakas at sikat na kasi ang grupong iyan dahil may mga political connections. At dahil na rin sa kanilang magandang advocacy at tapang na gumawa ng kakaiba at kakuwela-kuwela, kaya pumatok at tinangkilik ng masa. Kaya pili ka na!” Iniabot ni Fred ang dalawang ticket sa akin upang pumili ako ng isa.
Binunot ko ang nasa kanyang kanan.
“Iyn na?”
Tumango ako.
“Malayo ang maaabot ng ticket na iyan, friend. At malay mo, nang dahil sa paraffle na iyo ay makatikim ka na rin ng lalaki!” sabay bitiw uli ng nakakalokang tawa.
Alam kasi ni Fred na naguguluhan pa ako sa sexuality ko. At palagi niyang sinasabi sa akin ang kanyang “EEE” advice - Explore, Experiment, Enjoy. Wala naman daw kasi mawawala sa akin. Hindi naman daw ako mabubuntis at bagkus ay madagdagan pa ang aking experience. At sa pagdami ng aking experience ay marami rin akong matututunan sa buhay. Tama nga naman…
Binasa ko ang numero ng nabunot kong ticket: DOC-098238171.
(Itutuloy)