By Michael Juha
getmybox@hotmail.com
-----
Nabasag na lang ang katahimikan nang mapansin namin sina Fred at Jake na tumayong naka-holding hands at tinumbok ang cottage.
“Waahhhh!!! Naka-holding hands na ang dalawa!” ang sambit ko.
“At mukhang sa loob ng cottage ang punta nila! Anong gagawin nila roon?” dugtong naman ni Gina.
“Ambilis mamingwit ng lalaki ampota! May milagrong mangyayari sa loob ng Cottage! Tara silipin natin!” dugtong ko ring biro.
Tawa nang tawa kami ni Gina. Hinayaan na lang namin sina Fred at Jake sa loob ng cottage. Halos isang oras din sila roon.
Mag aalas-dose na ng hating-gabi nang maisipan naming umuwi. Habang nakasakay kami sa tricycle, pinutakte namin ng biro si Fred.
“Grabe kayo. Ba’t lumipat pa kayo sa loob ng cottage? Ano ba ang mayroon doon sa loob?” ang biro ni Gina kay Fred.
“Woi, huwag na nating pag-usapan iyon Fwend, nahihiya ako!” ang sagot ni Fred.
“Hahahaha! Nahihiya ka? Haliparot ka nahihiya ka?” ang banat ko sa kanya. “Ano boyfriend mo na ba iyon?
“S-sabi niya,” ang medyo nahihiyang sagot ni Fred.
Na pabiro ko namang sinambunutan. “Um! Um! Hindi ka na nahiya! At sa cottage pa ninyo ginawa ang inyong mga kahalayan at kalaswaan?”
Tawa pa rin kami ng tawa. At pati ang driver ng tricycle ay natawa rin.
“In fairness Friend, ang cute niya,” ani Gina.
“Cute nga siya fwend pero ang kanya, hindi cuteeeeee! Grabeeeeee fwend! Kabayo ang laki!” ang excited na sigaw ni Fred.
Lalo namang lumakas ang aming tawanan.
“Wait... talaga na bang kayo na?” ang pag-ulit ni Gina sa tanong.
“Oo fwend! Hindi ako makapaniwalang ganyan pala kabagsik ang aking taglay na alindog!”
Na pabiro ko uling sinambunutan sabay sabing, “Talipandas ka! ang totoo. Ginayuma mo ano?"
"Hindi ah. Bawal iyon sa aking relihiyon."
"Inakit mong bilhan ng cp?”
"Eh... parang ganoon na nga."
Hindi kami maawat sa katatawa sa pang-ookray namin kay Fred. Hanggang sa pumara na ang tricycle sa aking flat. Una kasing madadaanan ang aking lugar bago sila makarating sa kani-kanilang mga dorms. “Ok, dito na lang ako! Good night, guys! I enjoyed a lo! Gusto ko sanang papasukin kayo sa loob kaso gabing-gabi na. Next time na lang ha?” ang pagpapaalam ko sa kanila.
“OK lang Jun! Next time na lang? Ingat ka!” ang sagot nila. Kinamayan ko si Fred, habang si Gina naman ay hinalikan ko sa pisngi. At nakita ko na naman ang lihim na pang-iismid sa akin ni Fred.
Habang naglalakad ako patungo sa pintuan ng aking flat, hindi ko naman maiwaglit sa isip ko si Gina. Hindi ako makapaniwalang sa gabing iyon matikman ko ang halik niya. Parang ang saya-saya ko. Nasabi ko sa sariling, “Wow! Ganoon pala ang pakiramdamn kapag kahalikan mo ang iyong crush...” Parang gusto ko na siyang ligawan. Parang gusto ko nang maging kami.
Nasa ganoon akong pagmumuni-muni nang binuksan ko ang pinto. Nagulat ako sa aking nasaksihan. Si Aljun ay nakaupo sa hapag kainan kung saan nakalatag ang hapunan namin at nakahanda na ang mga ito. Nakaharap siya sa pintuan at ang mukha ay hindi madrowing sa inis. Nakita ko rin ang 6 na basyong bote ng beer sa harap niya.
“Saan ka ba nanggaling at hindi ka man lang nagtext back o ni sumagot sa tawag ko?” ang tanong niya.
“Aba! Siya pa itong may tapang na magalit sa akin!” ang sigaw ng isip ko. Ngunit nagtimpi pa rin ako. “Bakit ka pumasok dito? Paano ka nakapasok?” ang bulyaw ko.
“Bakit? Nalimutan mo bang binigyan mo ako ng duplicate na susi? Ngayon saan ka nanggaling?”
Para naman akong nabilaukan. Naalala kong binigyan ko pala siya ng duplicate na susi. “Bakit ano bang pino-problema mo? Malaki na ako at kaya ko na ang sarili ko. At ayaw kong may maraming nagtatanong kung saan ako nagpupunta. Kaya nga ako lumayas sa amin dahil ayaw kong tinatanong kung saan-saan nagpupunta. Bakit? Tatay ba kita?”
“Lasing ka ano?” ang sagot niya.
“Anong pakialam mo?” ang padabog kong sagot sabay tumbok ko sa refrigerator at kumuha ng beer. Tinungga ko iyon.
“Wala nga akong pakialam ngunit hindi iyan ang dapat na isagot mo sa taong nagmamalasakit sa iyo.”
“Hoy, Mr. Aljun Lachica. Sinabi ko ba sa iyong magmalasakit ka sa akin? Hindi naman ah! At huwag mo akong pakialaman sa mga lakad ko dahil ako, hindi rin kita pinakialaman sa mga lakad mo!”
Natigilan siya sa huli kong sinabi. Marahil ay napaisip siya sa pagpunta niya sa party ni Giselle.
Timumbok ko uli ang ref upang kumuha uli ng beer gawa nang mabilis kong naubos ang una kong kinuha. Ngunit wala na palang lamang beer ang ref. Naubos na rin pala niya. Tinumbok ko ang divider kung saan naka-display ang iba ko pang alak at kumuha ako ng isa. Iyon ang tinungga ko. Tiniis ko ang pait at init niyon sa aking lalamunan. Nais kong malasing agad para lalo pang lumakas ang loob kong awayin siya.
Tumayo siya nang napansin niyang halos makalahati na ang nainom ko. Tinangka niyang agawin ang bote sa aking kamay. “Magpakamatay ka ba sa kalasingan?” ang bulyaw niya.
“Wala kang paki-alam! Sigaw ko.” At noon ko na naramdamang tila umikot na pala ang aking paligid at bigla akong natumba.
Nasalo naman niya ang aking katawan at pinilit niya akong kargahin sa kanyang mga bisig. kakargahin na sana niya ako patungo sa aking kuwarto subalit sumuka ako sa tindi ng pagkahilo.
Inalalayan na lang niya ako patungo sa lababo at doon ako sumuka nang sumuka.
“Ok ka lang?” ang tanong niya.
Hindi ko siya sinagot. Bagkos, tinangka kong maglakad na mag-isa patungo sa aking kama. Inalalayan niya ako at pinaghiga. Pagkahiga ko ay dali-dali naman siyang nagpunta sa kusina at noong makabalik na ay may dala-dalang palanggana na may lamang tubig at hawak-hawak sa kabilang kamay ang isang labakara.
Tinanggal niya ang lahat ng saplot sa aking katawan pati na ang brief! Walang kiyeme. Gusto ko mang pumalag sa kanyang ginawa ngunit wala akong sapat na lakas upang pigilan siya.
Pinahid niya sa katawan ko ang maligamgam na basang labakara. At bagamat hilong-hilo pa ako, alam na alam ko pa ang kanyang ginagawa. Naalala ko tuloy ang unang eksena ko sa kanya kung saan ay ako naman ang gumawa sa kanya ng ganoon.
At dahil wala nga akong brief, pati ang ari, singit, at bayag ko ay hindi nakaligtas sa kanyang pagpunas. Parang napahanga naman ako sa kanya. Kasi walang kaartehan niyang ginawa sa akin ang ganoon. Para bang kilalang-kilala niya ako at bahagi ng kanyang pamilya o mahal sa buhay na walang ni katiting na ka-kyemian sa pag-alaga sa akin. Mabuti na lang at nahihilo pa ako kung kaya ay hindi ako tinigasan.
Pagkatapos niya akong punasan ay itinakip niya sa aking katawan ang kumot. Umupo siya sa gilid ng kama. “Ano ba ang problema mo boss?” ang tanong niya.
“Wala akong problema!” ang matigas ko pa ring boses.
“A-alam kong may kasalanan ako. Sorry na,” ang pag-amin niya rin.
“Wala akong pakialam!” ang matigas ko pa ring sagot sabay tagilid.
“Boss please... hindi ko naman kagustuhan ang pumunta sa party ni Giselle, eh.”
“Wala akong paki!”
“Boss naman. Paano ako makakapaliwanag sa iyo kung hindi mo sinasagot ang texts at tawag ko at ngayon, hindi mo pa ako kinakausap ng matino?”
“Wala akong paki!”
At marahil ay nainis na, bigla na lang siyang tumayo sa ibabaw ng kama at pilit akong hinila upang mapaupo. At noong mapaupo na akong ang mga hita ko ay nakabuka, naupo na rin siya sa gitna ng nakabuka kong mga paa at ang dalawang hita niya ay nakabuka rin, inilingkis sa ibabang parte ng aking katawan habang ang mga bisig niya ay nakayapos sa akin.
At dahil nahihilo pa ako, para akong isang nanlulumong may sakit na pilit na pinaupo. “Imulat mo nga ang mga mata mo at tingnan mo ako? Putsa hindi makausap ng matino eh!” Utos niya, ang boses ay galit na.
Pilit ko namang iminulat ang mga mata ko at tiningnan siya. Bakas sa mukha niya ang pagkainis. “Nahihilo akooooo!!!” ang sambit ko.
“Makinig ka sa sasabihin ko!” bulyaw niya.
“Matulog na ako boss... nahihilo akoooo,” ang sagot ko.
Subalit hindi niya ako binitiwan. Bagkus, “Ok... heto hindi ka makatulog nito.” Naramdaman ko na lang ang mga labi niyang dumampi sa mga labi ko. Hinalikan niya ako!
“Uhhhmmmmphhh!” ang ingay na lumabas mula sa aking bibig. Gusto kong tumutol sa paghalik niya ngunit may sarap din akong naramdaman na parang koryenteng dumaloy sa aking buong katawan.
Amoy na amoy ko pa ang beer sa kanyang bibig at ang lasa nito sa kanyang laway. Ngunit sa tindi ng kanyang paghalik, ito pa rin ang pinakamasarap at pinakamabangong laway na natikman ko.
Matagal niya akong hinalikan. Naramdaman ko ang pagsisipsip niya sa aking labi at ang dilang ipinapasok niya sa aking bibig kung saan pinaglalaruan at kinikiliti ang kaloob-looban nito.
Tinugon ko naman ng pagsisipsip ang kanyang dilang nasa loob ng aking bunganga. Para akong isang batang sumipsip ng isang napakasarap na icycle. At dahil nahihilo pa rin ako, nanatiling nakapikit lang ang aking mga mata bagamat para din akong lumulutang sa ere sa magkahalong kiliti at pagkahilo habang yakap-yakap niya ako nang mahigpit.
Mistulang nahimasmasan ako sa naramdamang galit ko sa kanya. Parang isang kantang “Kay Sarap Nang May Minamahal” kung saan sinasabi sa lyrics nito na “At kahit na may pagkukulang ka, isang halik mo lang limot ko na...”
Tila tumutugtog ang kantang iyan sa aking isip habang naghahalikan kami.
Noong hininto na niya ang paghalik, dinig na dinig ko pa ang kanyang habol-habol na paghinga. “O siguro naman ay pwede na tayong mag-u—“
Hindi na niya naituloy pa ang pagsasalita gawa ng paghablot ko sa kanyang buhok at pagdiin ko sa aking bibig sa kanyang mga labi. Wala siyang nagawa kundi ang magpaubaya. Naghalikan uli kami. Nag-aalab naming pagnanasa.
Gumapang na ang mga labi niya sa aking leeg at sa aking dibdib noong biglang sumingit na naman sa aking isip ang pagpunta niya sa party ni Giselle. Kaya bigla akong napasigaw, iyong sigaw ng isang lasing na malumanay, parang sa isang batang naglalambing. “Bakit ka pumunta sa party ni Gisellllllleeeeeeeeeeee!!!!”
Bigla din siyang nahinto. “Sinabi na sa iyong magpaliwanag ako eh, ayaw mo namang makinig, eh.”
“Bakiiiiitttttttt?????” ang giit ko.
“Ok...” ang narinig kong sabi niya. Tuluyan na siyang huminto sa paghalik sa akin. “Kasi ganito po iyon... noong makarating na ako sa dorm ko galing ako rito, naroon din pala ang mga lalaking officers ng student council at inanyayahan akong kumain sa labas dahil may caucus daw, may isang importanteng issue na pag-uusapan. Palagi naman naming ginagawa ang ganoon e, sa isang restaurant sa labas nagdidiskusyon ng issues habang kumakain at may kaunting beer kasi hindi naman ako talaga umiinum, alam mo iyan. Double purpose. Bonding at meeting. Kaya, walang pagdadalawang isip na sumama ako. Ngunit ang hindi ko alam ay kinontsaba pala sila ni Giselle. Ang lahat pala ng officers ng council ay naroon at hindi ipinaalam sa akin na doon ang punta namin dahil alam nilang hindi ako mahilig mag-attend ng party. Akala ko noong una ay bahay iyon ng isa sa mga officials ng council. Nagulat na lang ako nang nasa loob na kami at nakaupo na sa isang mesa at si Giselle ang lumapit. Alangan namang aalis ako, 'di ba? Hindi naman tayo bastos na sa gitna ng maraming tao ay mag walk out na lang bigla. Kaya nirespeto ko ang pagpanatili bagamat masama ang loob ko sa mga kasama ko. Sa isang banda, naisip ko rin naman na hindi ko sila masisisi gawa nang hindi nila alam na may binitiwan akong salita na hindi ako pupunta. Kaya sinakyan ko na lang sila. Uminom din ako at nalasing ng kaunti. At doon na pumasok ang picture-picture ni Giselle. Puro pakitang-tao lang iyon boss. Maniwala ka. Sana ay maintindihan mo.”
"Bakit hindi ka nagtext o tumawag?"
"Naiwan ko sa boarding house ang cp ko, Boss."
Hindi ako kumibo.
“Masanay ka na kasi... isang public official ang boyfriend mo!”
Pakiramdam ko ay biglang nagsilayasan ang lahat ng espiritu ng alak sa aking katawan at nawala bigla ang aking kalasingan sa pagkarinig ko sa sinabi niyang “boyfriend mo”
“Anong sabi mo?”
“Boy—friend” pag-emphasize din niya, kinlarong pinaghiwalay ang dalawang salita. “Lalaking kaibigan”
At naramdaman kong bigla ding bumalik muli ang mga espiritu ng alak sa aking katawan at dinagdagan pa ng pagkaturete at panlulumo.
“Bakit ano ba ang nasa isip mo?” ang tanong niya.
“Lalaking kaibigan! Bakit ano ba ang akala mong iniisip ko?”
“Lalaking kaibigan...” ang sarcastic din niyang sagot sabay bitiw ng isang nakakalokong ngiti. “Hindi ka na ba galit sa akin?” dugtong niya.
“Ewan!” sagot ko.
Hinaplos niya ang aking mukha. “Tandaan mo palagi boss... tapat ako sa iyo. I-expect mo na sa takbo ng pagiging ganito natin ay maaaring may magawa pa akong hindi mo magustuhan. Ngunit tandaan mo palaging may dahilan kung bakit. Alamin mo lang at pakinggan ang aking panig bago mo ako husgahan o patawan ng galit. Hindi lahat ng nakakasakit ay sinadya. Hindi lahat ng hinala ay tama. Magtiwala ka lang sa akin.”
Hindi na ako kumibo. Presidente ba ng student council ang magpaliwanag sa iyo, kung hindi ka rin ma-kumbinse.
“Ah... sandali ha, may kukunin lang ako!” ang sambit niya.
Iniwanan niya akong nakaupong naka cross-legged sa ibabaw ng aking kama. Nang bumalik na, dala-dala ang isang malaking papel na bag na sinadyang ginawang pambalot sa kanyang sorpresa para sa akin. “Dyarannnnnnnnnnn!!!!!! Inilibas niya ang isang bouquet ng mga bulaklak, iba’t-ibang klase.
Sobrang napangiti naman ako sa pagkakita noon. At parang lumayas na naman ang masasamang espiritu ng alak sa aking sistema at muling nawala ang aking pagkalasing at pagkahilo.
Ewan hindi ko rin maintindihan. Bagamat ginawa niya akong babae sa pagbigay niya ng mga bulaklak, may matinding dulot na saya naman ito para sa akin. Iyon bang “thought” sa pagbigay niya noon, sa “effort” na ipinakita niya. At syempre, maganda rin naman talaga ang mga bulaklak na dala niya, at malalaki pa! Di ba sweet? Siguro kahit sinong lalaki ang gagawan ng isang Aljun Lachica ng ganoon ay mababakla talaga.
“Nasaan ang chocolate?” ang biro ko.
At nag “Dyaraannnnnnn!” na naman siya at ipinalabas ang isang supot.
“Ano iyan?” tanong ko
“Siopao!” sagot niya.
“Waaahhhh! Paborito ko!” iyon kasi ang alam niyang paborito kong kainin, sa isang Chinese restaurant na malapit lang sa school.
At muli siyang sumampa sa aking kama at naupong nakaharap muli sa akin, ang dalawang binti ay nakabukaka, inlingkis sa aking ibabang katawan. Kinuha niya ang isang siopao, tinanggal ang papel sa ilalim na bahagi nito atsaka isinubo sa aking bibig.
Kinagat ko ang siopao. At habang ang mga ngipin ko ay nakalock pa rito, binitiwan niya ito, inilingkis ng mahigpit ang mga kamay niya sa aking katawan at kinagat na rin ang kabilang dulo ng siopao na nasa aking bibig.
Pigil ang pagtatawa ko sa ginawa niya habang patuloy pa rin ang pagkagat-kain ko sa siopo. Nagsimula kaming kumain hanggang sa unti-unting naubos ang siopao at humantong ang lahat sa pagpang-abot ng aming mga bibig. marahang nagkakagatan ang aming mga labi, nagsisipsipan... kapwa naming ninamnam at nilasahan ang magkahalo naming laway at durog na mga laman-laman ng siopao.
(Itutuloy)