By Michael Juha
getmybox@hotmail.com
-----
Dali-dali kaming pumunta sa computer laboratory upang mag online. Nakita nga namin ang litrato kung saan ay nagyakapan at pormang naghalikan kami ni Aljun.
Medyo may kalayuan ang kuha at hindi masyadong klaro ang mga mukha namin bagamat kung kabisadong-kabisado ng taong tumingin ang tindig, porma ng katawan, buhok at iba pang pagkakakilanlan naming dalawa, masasabi niyang 90% kami nga iyon. Ngunit sa mata ng hindi kabisado sa amin, hindi niya masasabi.
Parang gumuho ang aking mundo sa aking nakita.
“Tsk! Tsk! Tsk!” ang narinig ko mula kay Aljun. “Kapag ganito karumi ang kalakaran ng kanilang laban, e 'di sige, laruin natin. Pakawalan natin ang mga ebidensyang nakalap mo, Fred. Ipost mo na sa sss mo at sa SALMO.
“Talaga idol? Yes!!!" ang tuwang-tuwa na sagot ni Fred. "Dapat lang na ipalabas na natin iyon upang matauhan ang demonyang babaeng iyan! Isa pa, baka kung anu-ano pang kagagahan ang kaniyang maisipan at tuluyan nang malason ang isip ng mga tao,” ang dugtong ni Fred na gigil na gigil.
Subalit kung natuwa man si Fred sa sinabi ni Aljun, ako naman itong hindi mapakali. Grabe ang naramdaman ko. Magkahalong poot, takot, at hiya... At ang sunod kong naalimpungatan ay ang sariling nagtatakbo palabas sa computer laboratory. Hindi ko alam kung saan ako patungo. Hanggang sa nakarating ako sa pinakaliod ng campus kung saan ay naroon ang mga malalaking puno ng kahoy at makakapal na talahib. Hindi pinupuntahan ng mga tao ang lugar na iyon. Isa itong lugar sa eskuwelahan na mistulang itinakwil.
Naupo ako sa isang nakausling malaking bato at doon ay ipinalabas ang aking galit at sama ng loob. Nanggalaiti ako sa galit kay Giselle sa ginawang pagsali niya sa akin sa kanyang paghihiganti kay Aljun bagamat wala naman akong nagawang kasalanan sa kanya. At nainis din ako sa sarili ko dahil sa bawat tangkang paghalik ni Aljun sa akin ay hindi ko man lang magawang tumutol. May inis din ako kay Aljun dahil pakiramdam ko ay tinutukso niya ako palagi. Kaya tuloy nakunan pa kami ng litrato. Parang hindi ko kayang harapin ang lahat.
Namalayan ko na lang ang mga luhang dumaloy sa aking pisngi. “Syeeeettttt!” ang sigaw ko sa sarili. “Tanginaaaa!!!”
“Boss...” ang narinig kong boses sa aking likuran.
Bigla akong napalingon. Nakatayo lang pala si Aljun sa aking likuran. “Bakit mo ako sinundan? Paano kapag may nakakakita na naman sa atin? Kukuhanan na naman tayo ng litrato niyan! Iyan ba ang gusto mo? Hindi ka pa rin ba nadala?” ang paninisi ko.
“Huwag ka namag magalit please.”
“Paanong hindi ako magagalit? Hindi mo man lang ba naisip na walang katao-tao rito? At kapag may nakakakita uli sa atin, ano na naman ang sasabihin ng mga tao? 'Di ba lalong mag-isip sila ng masama sa atin? Malay ba atin kung may ipinadala na naman si Giselle na tao upang manmanan tayo!”
“Tsk! Nagagalit ka na naman eh.”
“Ikaw naman talaga ang dapat sisihin sa lahat nang ito, eh! Ikaw naman ang nanunukso ng halikan, 'di ba? Tingnan mo kung anong nangyari sa atin ngayon! Nakunan tayo!” ang bulyaw ko.
“Cool ka lang Boss, please?“
“Cool... Kung ikaw ay kaya mong maging cool, ako hindi! Hindi ko alam ang gagawin ko! Leche!”
Tahimik. Nakayuko lang si Aljun at hindi na nagsasalita. Hinugot niya ang kanyang cp. Muling tiningnan ang litrato na pinost nina giselle.
Maya-maya ay nagsalita siya. “M-may naobserbahan ako sa litrato. Una, medyo blurred ito. Pangalawa, malayo ang kuha. Pangatlo, kung titingnang maigi, hindi tayo naghahalikan. At pang-apat, ang natandaan ko ay sa loob ng floating cottage tayo naghalikan, hindi sa aplaya. Ang anggulo ng pagkuha ng litrato ay nagmukha tayong naghalikan ngunit kung sisisyasatin mong mabuti ay masasabi mong hindi. Ipinalabas lang nila ito na talagang naghalikan tayo."
Medyo nabuhayan ako ng loob sa narinig bagamat may takot pa rin akong naramdaman sa mensaheng gustong ipalabas sa kampo ni Giselle.
“Kaya huwag ka nang malungkot. Huwag kang magalit sa akin. Kaya nating lusutan ang ipinalabas nilang litrato.”
“Oo... kaya nating lusutan. Ngunit kinukundisyon nila ang utak ng mga tao upang maghinala sila na tayo ay may relasyon!”
“At mayroon ba? Wala naman 'di ba? Bakit ka matatakot?” ang sagot niya.
Parang may sumundot na isang sibat sa aking puso sa narinig. Imagine, sa kabila ng mga naganap na halikan namin ay wala lang pala talaga iyon. Parang ano ba? Naglalaro lang ba siya? O normal lang sa kanya ang pakikipaghalikan. Kaya ang naisagot ko na lang ay, “Sabagay, wala naman talaga. Naghahalikan tayo pero hindi tayo magkarelasyon. Laro-laro lang ang lahat,” ang sagot ko na lang.
Binitiwan niya ang isang ngiting pilit. Para siyang nabilaukan at hindi makapagsalita.
Kaya lalo tuloy naukit sa aking isip na ganoon lang talaga. Laro-laro lang ang aming paghahalikan.
Parang lalo pa akong nasaktan. Parang may doble-dobleng sibat pa ang tumama sa aking puso.
Uupo na sana siya sa tabi ko. Marahil ay nais niya akong suyuin at pawiin ang naramdamang sama ng aking loob. Ngunit tumutol ako at binulyawan pa siya, “Huwag kang tumabi sa akin! Mamaya ay may makakakita na naman sa atin, bagong issue na naman!”
Tumayo naman siya kaagad. “Bakit ba puro takot ang nasa isip mo?”
“Bakit ikaw, hindi ka ba natatakot?”
“Boss... sa buhay, dapat kang manindigan. Hindi tayo puwedeng mamuhay na puro takot ang nasa isip. Hindi puwedeng may ginawa ka ngunit hindi mo paninindigan ito. Oo, minsan nakakatakot ang manindigan. Ngunit kung kailagan mong harapin ang katotohanan, harapin mo. Lakasan mo ang loob mo. Ilabas mo ang iyong tapang. Walang patutunguhan ang buhay kung palagi kang nagtatago at nababalot sa takot. Ano bang mali sa nagawa natin?”
Pakiramdam ko ay natameme ako sa sinabi niya. Ngunit nangangatwiran pa rin ako. “E... tinutukso mo ako e.”
“Tinutukso ka ngunit pumapatol ka. Take it as part of your decision. Isang dahilan kung bakit naging kumplikado ang tao ay dahil kahit pwede at madali niyang panindigan ang isang bagay, naghahanap pa rin siya ng lusot at ipasa sa iba ang responsibility. You are the only person responsible for your action, boss, wala nang ibang tao pa. Dahil in the end, kung masadlak ka sa gusot o problema, buhay mo iyan. And the only thing other people can do is either support or blame you. Either they will stand by you, or leave you. Hindi ka magsucceed kung hindi ka manindigan, Boss. Paano mo madisprove ang maling akusasyon sa iyo ng isang tao kung hindi ka tatayo at manindigan. Kaya dapat ay ipalabas mo ang iyong tapang."
“Paano kung mali ang isang bagay na nagawa mo? Paninindigan mo rin ba ito?”
“Kung sa tingin mong mali, aminin mong nagkamali ka. Ask for sorry. Ngunit kung sa tingin mo ay hindi mali ang ginawa mo, paninidigan mo ito. Hindi lahat ng tama para sa iyo, ay tama din para sa pananaw nila. Ngunit kung panindigan mo ito, maintindihan ka rin nila sa bandang huli. Kasi, ikaw ang may-ari ng buhay mo. Sabi nga nila, you are the captain of your fate; you are and the master of your soul.”
“Masasabi ko bang ang paghahalikan natin ay tama para sa akin?”
“Bakit? Mali ba?”
“Sa mata ng tao at mata ng Diyos ito ay mali.”
“Sinong nagsabi?”
"Simabahan."
"Anong simbahan? Alam mo ba kung ilang relihiyon mayroon sa buong mundo? Nasa ten thousand mahigit o kumulang. At marami sa kanila ay may magkaibang doktrina sa iba't-ibang aspeto ng paniniwala? Halimbawa sa Buddhism at Hinduism, naniniwala sila sa reincarnation. Pag na-reincarnate ka, you could be a male in one lifetime, and a female in the next. Para sa kanila, gender is irrelevant because the spirit cannot be identified with either male of female, or a husband,wife or daughter/son of someone. Pero sa Christianity, gender or s****l orientation is a big issue dahil you only live this world once and when you die, you are judged as good or bad, and you go to heaven or hell. While in Buddhism or Hinduism, no one is going to judge you. Your mistakes will serve as your learning experience and you are given the chance to correct them until you become more and more enlightened as you repeat the reincarnation cycle. When you have been fully enlightened, you permanently stay in 'heaven' as an enlightened soul."
Malalim ang kaalaman ni Aljun tungkol sa mga relihiyon. Noon ko lang nalaman narinig ang salitang reincarnation bilang isang belief system. Ang alam ko kasi ay isa lamang siyang phenomenon. Pero hindi ko na pinatulan ang kanyang sinabi. Litong-lito pa ang aking isip sa ipinost na litrato ng kampo ni Giselle. Hindi na lang ako umimik.
“Bakit ka pumayag na makikipaghalikan sa akin kung ang paniniwala mo pala ay makasalanan ito?” ang tanong niya.
“E...” ang nasambit ko na lang. Pakiramdam ko ay nabilaukan ako.
“Dahil nasasarapan ka? Dahil gusto mo?” dugtong niya.
“Ikaw ba ay gusto mo rin?”
“Sympre naman. Hindi ko gagawin ang isang bagay kung hindi ko gusto. At kung gagawin ko man, sisiguraduhin kong kaya ko itong panindigan. Ikaw ba, kapag nagkagipitan ay puwede mo nang sabihin na hindi mo kasalanan ang nangyari dahil tinukso lang kita? At nasa akin ang lahat ng kasalanan sa nangyaring halikan dahil tinukso kita? Ganoon ba iyon?”
Hindi na ako nakaimik agad. Tama naman siya. Gusto ko rin ang nangyari. Ngunit may pag-agamagam ako. “Hindi naman kasi ganyan kadali, eh. Hindi naman ‘pwede’ o ‘hindi pwede’ lang ang issue. Ang tanong ay kung tama ba, kung hindi ba masisira ang ating pangalan, kung hindi ba tayo pagtawanan at ikahiya ng mga kaibigan, o sa mga taong nakapaligid sa atin.”
“Iyan pa ang isang problema sa iyo eh. Ang dami mong ‘ifs’ and ‘buts’. Ginawa mong kumplikado. Simple lang ang tanong: kaya mo bang paninidigan o hindi? Para sa akin, wala akong pakialam kung sa gagawin kong paninidigan ay may mga kaibigang itakwil ako o kukutyain ako. Kasi, kung gagawin nila iyan, ibig sabihin, they don’t deserve to be my friends. And its good din na nalaman kong hindi sila tunay na kaibigan.”
“So... kung may litrato talaga tayong naghahalikan, paninidigan mong naghahalikan tayo?”
“Bakit hindi? Ginawa ko, totoong nangyari ang ganoon, bakit ko idideny? Bakit, ako lang ba ang nag-iisang tao sa mundo na nakikipaghalikan sa kapwa lalaki?”
Hindi ako nakasagot.
“Bakit ikaw, hindi mo ba kayang panindigan?” ang tanong niya.
“E...”
“Gusto mo kahit ngayon, aminin ko nang naghalikan nga tayo?”
Pakiramdam ko ay may kilig na bumalot sa aking katawan. Para bang “Wow... kaya niyang gawin iyon para sa akin? Ang ipinahiwatig na ba noon ay kaya na rin niyang panindigang may relasyon kami?”
“Kaya mong gawin iyan?” ang naitanong ko na lang.
“Oo... kaya ko.”
“Paano na lang ang mga taga-suporta mo, ang mga tagahanga mo?”
“Mamahalin pa rin nila ako kung tunay nga silang tagasuporta ko. In fact, para sa mga totoong tagahanga ko, mas lalo pa nila akong mahalin kapag inamin ko ang isang bagay na bagamat masakit ngunit may dalang katotohanan. Lalo pa nila akong hahangaan, idolohin. Mahirap makahanap ng taong kayang panindigan ang mga bagay na sa kabila ng kasiraan sa kanilang reputasyon o kapahamankan sa kanilang seguridad ay manindigan pa rin sa ngalan ng katotohanan.”
Tahimik.
“Handa ka bang aminin ang isang katotohanan?” ang tanong niya sa akin.
“H-hindi... Hindi ko alam. Wala naman tayong relasyon eh. Bakit ko aaminin?”
“Ang katotohanang naghalikan tayo ang ibig kong sabihin. Hindi ang tanong kung may relasyon tayo.”
Hindi naman ako makatingin-tingin ng diretso sa kanya. Hindi na rin ako nakasagot.
Hinawakan niya ang aking baba at itinutok ang mukha ko sa kanyang mukha. “So, kung may relasyon tayo, aaminin mong naghalikan nga tayo?”
Pakiwari ko ay pulang-pula ang aking mukha sa sobrang hiya, nagsisi kung bakit lumabas pa ang mga katagang iyon sa aking bibig. “H-hindi pa rin ah! Paano tayo magkaroon ng relasyon eh, ayaw ko naman! Ayoko kayang maging bakla,” ang sagot ko na lang bagamat gusto ko ring sabihing “Hindi mo naman ako niligawan o hindi mo naman iginiit na may relasyon tayo!” Ngunit sa isip ko na lang iyon. Ayaw kong sabihin niyang assuming ako.
Bigla rin niyang binitawan ang pagkahawak niya sa aking baba. Parang may bahid na pagkainis akong napansin sa kanyang galaw. Parang nadisappoint siya sa aking sagot. “Ok. Bahala ka,” ang sagot niya na tila nawalan ng ganang makipag-usap. “Tara na, doon na tayo sa student center.”
“Ayokong umalis na tayong dalawa ay magkasama. Kapag may nakakita sa atin lalao lang silang maniwlang naghahalikan nga tayo. Papuntahin natin sina Gina at Fred,” ang sagot ko.
“Ok, tatawagan ko.”
Tinawagan nga ni Aljun sa kanyang cp sina Fred at Gina. “Si Fred lang ang pupunta. May klase si Gina,” ani Aljun.
Maya-maya, dumating na si Fred.
“Mauna ka na Boss... mamaya na tayo magkita sa flat ko,” ang sabi ko kay Aljun. Agad naman siyang tumalikod nang walang imik. Bakas pa rin ang pagkainis sa kanyang mukha.
“Bye idol!” ang sambit ni Fred kay Aljun. At baling sa akin, “Uy... ang seryo-seryoso ninyong dalawa rito ah! Ayiiii!" ang pangungulit ni Fred na kinilig.
"Nag-usap lang kami tungkol sa problema namin kay Giselle."
"Tungkol sa halikan? Bruha ka! Natikman mo na pala ang mga labi ni Aljun, wala kang sinabi!”
“Anong natikman? Hindi naman kami naghalikan sa litrato ah!”
“Sa litrato hindi. Pero ang ibig kong sabihin iyong hindi sa litrato!”
“Huh! Anong hindi sa litrato?”
“Woi, fwend, bistado na kita. Halata sa galaw mo. Sabihin mo ang totoo. Huwag magsinungaling. Hayan o, humahaba ang ilong mo sa kakasinungaling mo. May nangyari na ba sa inyo? Ha?”
“Wala ah! H-halikan lang...” ang nahihiya kong pag-amin.
“Ayyiiiii!!!” ang sigaw ni Fred na kinilig nang husto. “So... tama talaga ang hinala ko! Mehghad!" nahinto siya sandali at tiningnan ako. "So kayo na?”
“Hindi ah! Walang ganyan, Fred.”
“Hah? Naghahalikan kayo ngunit hindi kayo?”
“Hindi ko nga alam Fred, eh. Magulo!”
“Hahahaha! Nakakatawa naman iyan. Pero sa tingin ko fwend, pareho lang kayong nasa stage na confused at hindi matanggap-tanggap sa sariling mahal niyo na ang isa’t-isa. Para bang iyong pakiramdam na, ‘hindi naman ako bakla, bakit magbibigay ako ng motibo?’ bagamat nasasabik kayo sa isa’t-isa. Kasi si Aljun hindi naman bakla, may mga karanasan sa mga babae pero tingnan mo, patay na patay siya sa byuti mo! Haba talaga ng pubic hair ng aking fwend!” Tumawa uli siya. “At ikaw naman... confused ka rin sa sarili mo. Kaya ok lang iyan fwend. Hayaan mo, everything will come into place at the right time. I-enjoy mo na lng ang set-up nyo ngayon fwend, lalo na iyong halik, este kilig. Ayiiiiiii! Sarap naman!”
“Paanong i enjoy. Heto nga naguguluhan ako.”
“Hay naku... ganyan ang pag-ibig fwend. Sa simpleng bagay, naguguluhan na. Maliit na bagay, ginawang malaki na parang magugunaw na ang mundo. Umiibig ka nga fwend! At panalo na ako sa pustahan natin. Ahehehehehehe!”
“Hindi pa ah! Hintayin natin na ma-inlove siya sa akin para tabla.”
“Ah, Ok. Mas gusto ko iyan. Basta panalo ang puso ng fwend ko... Sobrang happy na ako. I-enjoy mo lang, fwend. Huwag mamroblema. Antayin na lang natin na ang panahon mismo ang gagawa ng paraan at magising ka na lang na buntis ka na. Charot!”
Binitiwan ko lang ang isang pilit na ngiti.
“Balik tayo sa bruhang Giselle fwend. Ipost ko na sa sss ko at sa group natin ang video scandal ni Giselle sa dating school niya. Ipopost ko rin ang thread ng chat namin ni Anne, at iyong nahagilap ko lately fwend sa newsletter archive ng dating university nila na may news feature tungkol sa kanya! Exciing ito, fwend!”
“Ha? Ano ang news feature na iyon?”
“Ang sabi roon, ‘Giselle Villanueva stripped of Miss University crown due to scandal’. May sub-title pang ‘school board considering expulsion’ At may picture ni Giselle doon fwend! Inilagay pa talaga ang mukha niya na para bang isinuka talaga siya roon!”
Nanlaki ang aking mga mata sa tuwa. “Wow! Magaling ka talaga, Fred! Good job. Maaasahan ka talaga!”
“Syempre. In the name of KKK!” sabay tawa.
“Ano naman iyan?”
“Kataas-taasan, Kagalang-galang, Kapatiran.”
Natawa naman ako sa sinabi niya.
“Hayan... dapat ganyan palagi. Huwag magmukmok, huwag sirain imakuladang mukha. Hindi bagay sa kapogi-an ang nakasimangot.”
“Ikaw talaga...”
“Dapat lang naman na huwag kang sumimangot dahil marami na akong nakalkal na baho sa buhy ng Giselle na iyan. At marami pa akong kakalkalin. Nakita ko sa sss ang lalaking nabiktima niya sa dating unibersidad niya. Nakalagay kasi ang pangalan ng lalaking iyon sa newsletter nila at nang sinearch ko ito, nakita ko ang account niya. Single pa rin siya fwend at ang guwapo-guwapo rin! Nagmessage nga ako kung pede niya tayong matulungan sa problema natin kay Giselle ngayon. Hinintay ko na lang ang reply niya. Kapag pumayag, lalong madidiin ang babaeng iyan. Ipalabas natin ang katotohanan fwend. At... baka may pag-asa na akong makahanap ng akin, ayiii!” sabay tawa.
“Ikaw talaga... Pero salamat talaga nang marami, Fred.”
Sa student center kami nagpunta ni Fred. Nandoon pala si Gina. Naupo kami sa tabi niya. At kagaya ng usual naming ginagawa, hindi maawat sa kuwentuhan. Nalaman na rin pala niya ang tungkol sa litrato na ipinakalat ng grupo ni Giselle.
“Ikaw ang tumabi sa akin Fred. Huwag si Jun dahil baka pagselosan ako ni Aljun,” ang biro ni Gina.
“Woi... na hurt ka huh!” ang biro din ni Fred.
“Slight lang naman...” sabay tawa.
“Alalahanin mo, lalaki si Aljun at ikaw babae. Ibig sabihin, puwede naman ang three-some!” ang biro pa rin ni Fred.
“Ummmm!” ang pagbatok ko naman kay Fred. “Huwag kang maniwala sa kanya Gina. Walang malisya iyong sa amin ni Aljun,” ang sabi ko kay Gina.
Inirapan naman ako ni Fred. “Ganoon?”
Tiningnan ako ni Gina. “Kahit may relasyon pa kayo ni Aljun, crush pa rin kita.”
“Weetwiiiwwwww!” ang reaksyon naman ni Fred. "Ibig sabihin, girl," ang tawag niya kay gina, "Boto ka na rin sa love team nila?"
"Masakit man sa kalooban pero wala akong magagawa kung saan siya masaya. Full support na lang ako."
"Ayyiiiiiiii!!!" ang sigaw ni Fred.
Natawa rin ako. “Crush naman kita, Gina eh. Palagi naman yan...” ang sagot ko na lang. Totoo naman din kasi. Ewan. Hindi ko rin lubos na maintindihan ang sarili. May Aljun na akong naramdaman sa puso ko pero crush ko rin si Gina.
"Sandali..." ang pagsingit ni Gina. "Sila na ba talaga ni Aljun?"
Tiningnan ako ni Fred. Iyong tingin ng isang taong na-corner at hindi alam ang isasagot. "Hmm... mamayang gabi ay sisilipin ko sa aking bolang kristal. May kakaibang sapantaha ako eh," ang pabirong sagot niya.
Dali-dali ko namang inilihis ang topic.“Anong feedback na narinig mo tungkol sa ipinakalat na litrato namin ni Aljun?” ang tanong ko kay Gina.
“May mga nagsabing edited, doctored, may nagsabing siniraan lang daw ni Giselle si Aljun dahil hindi umipekto ang gimik niya. Ngunit ang nakakaloka ay ang mga narinig kong comments na ano naman daw kung naghahalikan ang dalawang lalaki, o ano kung magboyfriend nga sina Aljun at Jun! Bagay naman sila!”
Na sya namang agarang pagsingit ni Fred. “Oo nga naman! Anong masama kung nagtitikiman ng laway ang dalawang lalaki, 'di ba? Kahit magtitikiman pa sila ng kanilang t***d, wala na tayong pakialam doon!"
Tinitigan ni Gina si Fred na tila na shock sa pagkarinig sa salitang t***d.
"Ay, sorry," ang sambit ni Fred na tinakpan ang kanyang bibig. Ngunit agad ding dinugtungan ang sinabi. "Ang masama ay kung laway ng aso ang tinitikman noong isa!”
Tawanan.
Nasa ganoon kaming pagdidiskusyon nang dumaan sa aming mesa ang grupo nina Giselle na puro mga babae. At iyon bang paglalakad ni Giselle na taas-noo, sobrang yabang na parang pag-aari niya ang buong unibersidad, feeling Paris Hilton na isang bilyonaryang jetsetter. Pakiramdam ko ay nakita na niya kami roon bago sila dumaan sa harap namin. Habang naglalakad silang apat, lumingon si Giselle sa aming kinaroroonan, inismiran kami atsaka nagpatutsada. “Akalain mo? Ipinagpalit ang magandang babae sa isang bakla lang???” sabay bitiw ng isang malakas na halakhak.
Nagtawanan ang kanilang grupo.
(Itutuloy)