Laplapan

3551 Words
By Michael Juha getmybox@hotmail.com ----- “Godddd!!!! Sobrang sama talaga ng babaeng iyon! Demonya! Sanay talaga sa pambabaliktad ampota!” ang sigaw ni Fred. “O ano Idol? Ipakalat na ba natin ang video na nakuha ko sa dati niyang paaralan para masugpo na ang kademonyohan ng babaeng iyan? She’s such a freak!” “Huwag muna Fred. We will use it only as evidence. Kapag kailangan na sa imbestigasyon saka na natin ipakita to prove kung gaano ka wicked ang mga gawain niya. Huwag tayong magresort sa style nilang paninira. Depensa lang ang sa atin.” “Bakit kasi 'di na lang natin ipakita sa presidente ng university ang video na iyon para malaman niyang gawain talaga ng babaeng iyan ang gumawa ng katarantaduhan?” “Huwag. Baka naman isipin nilang rumeresbak lang tayo kaya tayo naghanap ng paraan para madiscredit reklamo ni Giselle. Bigyan natin ng pagkakataon na umusad ang kanyang reklamo. Confident naman tayo na lalabas ang katotohanan.” “Sobrang bait mo naman Idol. Huwag ganyan! Tatapakan ka ng mga tao kapag ganyan ka kabait.” “Hindi naman. Lumalaban naman tayo pero sa tamang pamamaraan lang. Ang ipapagawa ko na lang sa iyo ay manghagilap pa ng karagdagang impormasyon sa kaso ni Giselle sa dating school niya.” “Ok, madali lang iyan idol.” “Salamat Fred. Mamaya after school magpost ako ng official statement sa student council site tungkol sa ipa-file kong indefinite leave. At bukas na bukas din ay isubmit ko ang application for leave na iyon sa presidente ng unibersidad to take effect on the same day.” Hindi na kami nakaimik. Nalungkot at pakiwari ko ay gusto kong umiyak. Alam ko, malulungkot at magagalit ang lahat na mga tagasuporta at fans niya kapag nabasa ang post niyang iyon. Kinagabihan, sa flat ko, ipinahiram ko ang laptop ko sa kanya. “Boss, ako na muna ang maghanda sa dinner natin ha? Magsulat ka lang d’yan,” ang sabi ko. Naawa kasi ako sa kanya kaya kahit papaano ay gusto kong makatulong din. “No-no-no-no! Ako na boss. Mamaya na ako magsulat,” ang pagtutol naman niya. “Hayaan mo na, boss. Hayaan mong babawi ako sa iyo ngayon, ok? Andami mo kayang problema. Para kahit papaano naman ay makatulong man lang ako sa iyo.” Napangiti naman siya, itinutok niya ang mga kanyang mag mata sa mukha ko, sinisigurong sigurado ako sa aking sinasabi. “Sigurado kang marunong kang magluto?” ang tanong niya. “Hindi. Pero alam kong magprito. Ipiprito ko ang itlog, hotdog, at may isda din yata d'yan, ipiprito ko rin. Ikaw, baka may gusto kang ipaprito sa akin?” At tuluyan na syang tumawa. “Halika nga rito sa tabi ko?” sambit niya sa pagkarinig sa sinabi ko, ang mga bisig ay inunat. Tumabi ako sa kanya. Nang magtabi na kami ay niyakap niya ako at pagkatapos ay idinampi niya ang mga labi niya sa mga labi ko. Sinisiil niya ako ng halik. Hindi ako pumalag. Hindi ko rin sinuklian ang kanyang halik. Hinayaan ko lang siya. “Para saan iyon?” tanong ko pagkatapos niya akong halikan. “Wala. Natuwa lang ako sa sinabi mo. Touched ako.” Syempre, touched din ako sa narinig. “Nahiya nga ako sa iyo kasi inaway pa kita, 'di ba? Kaya ako na ang magluto. Kahit sa pagluto man lang ay maipakita ko ang suporta ko sa iyo.” “Kahit naman hindi mo ako ipagluluto e, basta huwag ka lang magalit. Kahit anong problema kaya kong suungin. Kahit makikipagsuntukan pa ako sa sampung tao, o kaya ay makipaglaban sa gyera. Ganyan ako katapang. Ngunit kapag nagalit ka, naduduwag ako. Natuturete ang utak ko.” “OA naman nito!” ang nasambit ko na lang bagamat may kilig din itong dala sa akin. “Makapagluto na nga para makapagsimula ka na ring magsulat,” ang sambit ko na lang. “Sandali, gusto mo pala ang piniritong ulam? Baka hindi?” dugtong kong tanong. “Actually…” ang pag-aalangan niyang sagot. “Hindi ako fan ng pinirito. Anything fried. Alam mo na, hindi maganda sa kalusugan ang pinirito. For health reason lang naman. "Bakit noong una mong pagtulog rito, mga pinirito ang ulam natin, ah - hotdog, itlog..." "Kumakain naman ako, walang question," sabay tawa. "Pero iyon nga, kung ako lang mag-isa, I'd prefer something healthy kagaya ng vegetables, mga ganyan. Kaya kapag nakakita ako ng taong masarap magluto, siya ang pipiliin kong asawahin,” Sabay tingin sa akin na parang inanticipate na masira ang mukha ko sa pagka-discourage at mag react ako. At na discourage talaga ako sa narinig. Bigla akong bumalik sa kinaroroonan ko imbes na sa kusina upang hindi na lang sana ituloy ang pagpiprito. Ayaw na nga niya ng pinirito, an dami pang sinasabi. Ngunit bigla rin siyang sumingit ng, “Pero kapag ikaw ang nagpi-prito, kakainin ko talaga. Mas takot po ako sa galit ng boss ko kaysa pagkasira ng aking food regimen.” “Dapat lang dahil wala kang kakainin kung ayaw mo!” ang bigla ko ring pagbawi sabay ismid sa kanya. Tumungo uli ako sa kusina. Ngunit may sinabi siya uli na, “Pakagat nga muna...” Napalingon uli ako sa kanya. “Anong sabi mo?” “Pakagat?” “Bakit?” “Wala lang. Nanggigigil lang ako.” Inismiran ko siya. "Hmp! Ano ako, healthy food? Vegetable?" Natawa siya. Ang sarap mo talagang kagatin, Boss. Promise." “S-saan mo ako kakagatin?” ang pabiro kong sagot habang bumalik palapit sa kinaroroonan niya. “Sa batok.” “Huh! Bakit sa batok?” “Ewan. Gusto ko lang. Sige na... please???” Pumuwesto siya sa aking likuran, inilingkis ang bisig niya sa aking dibdib, ang isang kamay ay inihawak sa aking ulo atsaka idinampi na ang kanyang bibig sa aking batok at kinagat ito. “Ummmmm!” “Arekoppp!” ang pagreact ko. “Masakit?” ang tanong naman niya. “Syempre naman. Kinagat mo kaya...” “O, e 'di… kung gusto mo, kagatin mo rin ako. Kahit saan.” “T-talaga? Sige.” “Sa batok din?” ang tanong niya. “Hindi. Sa puson!” Ewan kung bakit ko nabanggit iyon. Para kasing kinilig ako sa sinabi niyang kagatin ko rin siya kahit saan. At parang feeling ko mas exciting kung kakagatin ko ang parteng iyon. “Nice.” Ang sagot lang niya. At dali-dali niyang hinubad ang kanyang t-shirt atsaka tinanggal ang butones ng kanyang pantalon at ibinaba ang zipper nito. Gusto ko pa sanang tumawa kasi hindi naman kailangang hubarin pa niya ang kanyang t-hirt at tangglin pa ang butones ng kanyang pantalon at zipper. Ngunit noong lumantad sa paningin ko ang matipuno niyang chest area at lalo na noong itinuon ko na ang mga mata ko sa umusling parte ng kanyang puting brief kung saan naroon ang malaking bukol dagdagan pa sa flawless at walang kataba-tabang parteng iyon ng kanyang katawan at oblique muscles, napalunok na lang ako ng laway. “O... ano pa ang hinintay mo? Kagat na...” ang sambit niya noong napatitig ako sa harapan niya. Yuyuko na sana ako upang kagatin na ang parteng iyon ng kanyang katawan nng sinabihan naman niya akong, “Lumuhod ka kasi.” Para akong matawa kasi, syempre, luluhuran ko talaga sya upang kagatin lang ang parteng iyon. Ngunit dahil sa excitement na nadarama ko, sinunod ko na lang ang utos niya. Pumuwesto ako sa harap niya upang idiniin ko na ang makasaysayang kagat noong mapansin ko ang lumalaking bukol sa kanyang harapan sa ilalim ng brief. Nag-uumalpas ito na tila gustong kumawala. Ngunit feeling dedma lang ako. Itinuloy ko na ang pagdiin ng aking bibig sa kanyang puson nng bigla naman siyang nagsalita. “Pwede bang dilaan mo muna bago mo kagatin boss?” “Ha???" ang sambit ko habang tiningnan siya. "B-bakit kailangan pa?” “Gusto ko lang. Please???” At bagamat gustong tumutol ang aking isip, sinunod ko na lang ang gusto niya upang huwag siyang ma bad trip. Inilabas ko ang aking dila at hinagod niyon ang parteng iyon ng kanyang puson. At sinabayan ko pa ng pagsisipsip. Napaungol siya. At naramdaman ko ang lalo pang pagkislot ng kanyang p*********i sa loob ng kanyang brief. Naramdaman ko naman ang dalawa niyang kamay sa aking ulo, idiniin ito nang marahan. Itinuloy ko pa rin ang pagdila. At maya-maya lang ay kinagat ko na ito. Nilakasan ko. Nanggigigil ako. “Arekop!” ang biglang pagsigaw din ni Aljun. “Ang sakitttt!” “Sensya na po. Sabi mo kasi kagatin, e.” ang sambit ko, sabay tawa. Tumayo ako at tumalikod, tinumbok ang kusina. “May utang ka sa akin ha? Ansakit noon ah!” ang sabi niya. “Ah, eh… magluto na ako boss,” Ang sagot ko na lang. Hindi ko na pinansin ang sinabi niya. Habang nagluluto ako, nagdraft na siya ng statement tungkol sa reklamo hinggil sa isinampa ni Giselle sa opisina ng presidente ng unibersidad. Ipinaliwanag din niya ang pagfile niya ng indefinite leave of absence sa student council. Noong matapos na, ipinabasa niya ito sa akin. To my fellow students: This is to inform you that I have filed for an indefinite leave of absence from my position as student council president effective tomorrow due to a complaint lodged by a concerned student at the office of the president of the university against me. The complaint has something to do with the s*x scandal video. In order to make the investigation as credible and as impartial as possible, I have decided to come up with this decision. It breaks my heart to do this. I know that with this unfortunate incident, I have disappointed you and let you all down. I am asking for your forgiveness.. During my absence, the vice president handles the day-to-day affair of the student council. I ask you to extend to him and the whole student council the same degree of support and cooperation that you extended me. On my part, I promise to fight it out and defend my innocence and for the truth to prevail. I admit that this is one difficult moment of my life but I promise to overcome all these; to come out stronger, wiser, and above all, vindicated. I hope that you will still stand by me. Yours truly, -Aljun Lachica- “Ok na iyan boss...” ang sabi ko noong mabasa ko ito. “Sigurado ka?” “Oo naman. Presidente ba naman ng student council ang magsulat. Sino lang ba ako. Isang hamak na freshman ng Liberal Arts lang naman” “Hmmm. Pa-humble effect pa to, nasa top one naman ang average sa dean’s list” sabay gulo niya sa buhok ko. “Sige na nga!” At agad niyang iponost ang kanyang message sa site. Tinext ko na rin sina Gina at Fred tungkol dito. Nagreply si Fred ipaalam daw niya ito sa mga kaibigan niya at gagawa siya ng sss brigade para suportahan si Aljun. Pati si Gina ay tinext din daw ang mga kaibigan niya at ipinaabot na i-share nila sa ibang mga estudyante pa at mag post ng kumentong suporta sa statement ni Aljun sa site. Habang naghintay kami ng feedback, kumain kami ng hapunan. “Ansarap mo naman palang mag-prito! Ngayon ko lang naapreciate ang sarap ng piniritong isda, hotdog, at itlog.” “Hmpt! Praise ba yan o sarcasm?” ang tanong ko. “Praise syempre,” ang sagot niya. “Pwede ka nang mag-asawa,” sabay tawa “Anong kinalaman sa pagpi-prito ko sa pag-aasawa?” “Syempre, para hindi magutom ang asawa mo. Kagaya ngayon, mabubusog ako nito sa sarap ng pagprito mo.” “Feeling mo naman ikaw ang asawa ko.” “Parang ganoon na nga. Praktis.” Napangiti naman ako. Ewan kung may laman ang sinabi niya. Ngunit sinagot ko ito ng, “Ikaw rin pwede ka nang mag-asawa.” “Bakit mo naman nasabi iyan?” “Nasasarapan ka nang kumain ng pinirito e.” Natawa rin siya. Siguro ay nakuha niya ang ibig kong sabihin. Kung may laman man iyong sinabi niya, lalo naman iyong sa akin. Tahimik. “Woi... baka may nag-comment na sa post mo. Sabi ni Fred kasi nagcomment na ang mga kaibigan niya at mga kakilala ng mga kaibigan niyang tagasuporta mo. Nagsimula na ang comment brigade nila at may post na rin daw siya sa sss. Gumawa na rin ng sss group ng mg supporters mo,” ang pagbasag ko sa katahimikan. “Sige pagakatapos nating kumain, basahin natin.” Noong matapos na kaming kumain. Siya na ang nag-insist na maghugas ng plato at magpunas ng mesa. Habang naglinis siya, binuksan ko ang student council site. At may mga comments na nga, mahigit 100 na. Bagamat hindi binanggit na si Giselle ang nagreklamo, marami ang nagagalit sa kanya. Karamihan ay may haka-haka na pakana ni Giselle ang lahat at may kanya-kanyang opinyon sila kung bakit ginawa ni Giselle iyon, at ano ang mga pruweba. “Boss... marami nang comments. Ginawang discussion board ang post mo. Gusto mong sagutin?” “Huwag na... ayokong magbitiw ng comment. Baka ma misquote ako, ma misunderstood o maincriminate lang, magamit na ebidensya sa kabila” sagot niya. “Ako, puwede sumali sa discussion nila?” “Huwag na rin siguro muna. Syempre, alam nilang magkadikit tayo.” Hinayaan na lang namin na si Fred ang parang moderator sa discussions nilang iyon. Binuksan din namin ang sss ni Aljun upang i-post din ang announcement niya roon. At pati pala sa sss wall niya ay may mga nagpost na rin ng mga messages. May mga nag send din ng mga private messages, lahat nagtatanong kung bakit nangyari ang ganooon, ang iba ay nagpahayag ng kanilang panghinayang, opinion at haka-haka tungkol kay Giselle at sa posibleng motibo nito. Dahil ayaw nga ni Aljun na magbitiw ng statement maliban sa official staement niya sa site, isinara ko na lang ang sss account niya pagkatapos naming mabasa ang mga messages. Binuksan ko ang sss ko. Nakita ko ang invite ni Fred sa pagsali sa sss group na ginawa niya para sa mga tagasuporta ni Aljun. SALMO (Support Aljun Lachica Movement) ang pangalan ng grupo. At may 76 na ka myembro agad, bagamat wala pang isang oras simula nang buuin ito ni Fred. At dahil naka-online naman si Fred, nakasali ako agad sa grupo. May nakapost na palang document doon at ang unang document ay ang controversial na video na pinamagatang, “The Evil That Started It All...” At may tanong sa ibaba na, “Naniwala ba talaga kayo na (1) Si idol Aljun ang nasa video doing the s*x scene? (2) Granting na sya nga, may s****l molestation, o rape ba na makikita sa video?” May mga nagcomment at syempre, dahil supporters naman lahat ni Aljun ang mga nandoon, puro pabor lahat sa kanya ang mga kumento. Binuksan ko rin ang pangalawang document at ito ang kopya ng reklamo ni Giselle laban kay Aljun. At ang title nito ay “The Mother Of All Lies”. May mga nagcomment na rin at karamihan ay pinagtatawanan na lang ang reklamo. Ang iba ay nanggagalaiti sa galit kay Giselle. At ang pangatlong document ay ang official announcement na ni Aljun. At ang pamagat nito ay, “Our Idol Needs Your Support!” At mas marami ang nagcomment dito, ipinararating ang kanilang suporta. May ipinost din si Fred sa wall ng SALMO. Ito ay ang panghikayat niya sa mga estudyante na magsuot ng itim – shirt, wristband/armband o ribbon bilang pagpahayag ng suporta kay Aljun. Inannounce din ni Fred na magpopost ang SALMO ng mga puting cartolina sa gilid na dingding ng student center at hinikayat niya ang mga estudyante na pumirma at ipahayag doon ang kanilang suporta para kay Aljun. Ipinost din ni Fred ito sa wall ng sss ni Aljun upang kapag may nagbukas, makikita nila kaagad ang message. Kinabukasan, nagsuot nga ako ng itim na t-shirt. Medyo kinabahan ako kasi baka kaunti lang ang makisimpatiya. “Fred, kaunti lang yata ang nag-suot ng itim,” ang sabi ko kay Fred noong nasa student center kami. “At tayo pa lang ang nakapirma sa cartolina.” “Hintayin mo mamayang hapon at bukas. Hindi pa nabasa ng marami ang sss message natin.” At totoo naman ang sinabi ni Fred. Kinahapunan, marami nang estudyante ang may suot na ribbons at mga naka-itim. At unti-unti na ring dumarami ang pumirma at nagsulat ng kanilang mga mensaheng suporta para kay Aljun sa cartolinang inilagay namin. Syempre, tuwang-tuwa kami dahil maraming estudyante na ang lumapit sa amin at ang simpleng samahan namin ay lumaki na ang umpukan. At ginawa nilang leader si Fred bagamat verbal lamang ito. Tuwang-tuwa naman si Fred. “O, di ba? Ako na ang presidente ng Fan’s Club ni Idol” Subalit habang dumarami ang nagsusuot ng itim at napupuno na ng mga pirma at messages ang sampung cartolina sa student center sa isang linggong nakalipas, wala pa ring aksyong nangyari sa kaso. Ni hindi man lang pinatawag si Aljun upang magbigay ng kanyang panig. At ang masaklap, may umiikot na mga bali-balitang kaya raw tumagal ng ganoon ay dahil may isang lalaking propesor na myembro ng kumite at professor din ni Giselle sa isang subject. Sini-seduce daw ito ni Giselle. At hindi lang isa. May isa pang myembro ng kumite na bina-blackmail daw ni Giselle. Isang tagong baklang propesor na ang duda nila ay may itinatagong sikreto at alam ito ni Giselle. So ibig sabihin, ginagapang ni Giselle at mga alipores niya ang mga myembro ng kumite upang patagalin ang kaso. Kasi, kapag tumagal iyon, parang nanalo na rin sila dahil matagal ding makakabalik sa student council si Aljun. Sa galit ni Fred sa mga kumalat na tsismis, nagpost na naman siya ng announcement sa wall ng SALMO at hinikayat niya na magkaroon ng peacefull rally sa university ground, harap ng admin building kinabukasan. alas 3:00 ng hapon ang binanggit na oras. ang dahilan ng rally ay upang kalampagin ang kumite na syang inatasang mag-imbistiga sa kaso, lalo na sa dalawng nabanggit na propesor. “I-upload na nga lang kasi natin ang video scandal ni Giselle galing sa ibang school, idol! Para matauhan na iyan sya at makikita ng mga estudyante ang baho ng babaeng iyan!” ang pakiusap ni Fred kay Aljun. “Huwag muna Fred. Ibang issue iyon. At kung ipakita man natin, dapat sa imbistigasyon na, as proof na parang serial na itong ganito para kay Giselle.” “E, hindi ka nga ipinatawag eh. Siguro kasama sa plano nila iyan na hindi ka ipatawag kasi alam ng babaeng iyon na may nakalap tayong dating video scandal niya!” “Hayaan mo na. Maghintay tayo sa tamang panahaon. Basta patas ang ating laban, ok lang iyan.” “Naiinis na kasi ako idol eh. Inip na inip na!” Dahil matigas ang paninindigan ni Aljun na huwag munang ipalabas ag video, walang nagawa si Fred. Natuloy ang rally. May mahigit 60% ng student population ng university ang sumali na halos lahat ay naka-suot ng itim na damit base sa estimate nina Fred. Nandoon din ang halos lahat ng mga student council officials at mga elected student representatives. At bagamat peaceful at walang nagsalita, nakikita sa mga banners at streamers na ang tinira ng rally ay ang kabagalan ng aksyon ng kumite, partilkular na ang nabanggit na dalawang mga propesor na siyang nagpabagal sa proseso. May banners na ang mga nakasulat ay “mga bayaran”, “mukhang pera”, “blackmail lang ang katapat”, “nauuto”, “nagpapagamit”, “walang paninindigan”, “sayang ang doctorate degree”... “At kapag hindi pa uubra ito, gagamitin ko na ang ultimate Gay Power!” ang sambit ni Fred. Hindi ko rin alam kung ano ang ibig niyang sabihin. Kami ni Aljun ay hindi na sumali sa rally. Kagaya ng sinabi niya, ayaw niyang mabahiran ng kulay ang na-initiate nilang rally. Pati ako ay hindi na lang din sumali. Ang ginawa na lang namin ni Aljun ay ang magpunta sa beach. At kagaya ng mga nakaraan naming outing, kaming dalawa lang. Syempre, hindi naman nawawala ang yakapan kahit sa lugar na hindi secure basta walang tao sa paligid. At nariyan din ang mga patagong halikan. Kinabukasan habang naglalakad kami malapit sa main building ng campus, nagulat kaming pareho ni Aljun nang nagmamadali at halatang nininerbyos si Fred na sumalubong sa amin. “Fwen, saan ba kayo nanggaling kahapon?” ang sambit kaagad niya, halatang balisa. “Nasa beach kami ni Aljun. Bakit?” “Kayo lang bang dalawa?” Napatingin ako kay Aljun. “O-oo... Bakit nga?” “May bad news ako sa inyo Fwen! Talagang hindi titigil ang demonyang babaeng iyan sa atin! p*****n ang laban dito!” “A-ano ba ang problema? I-klaro mo nga? Hindi namin maintindihan ang ibig mong sabihin!” “N-nagpost si Giselle ng mga litrato ninyo ni Aljun noong nasa beach kayo kahapon. May petsa at oras pa! Parehong naka-shorts lang kayo sa litrato, nagyakapan at..." hindi kaagad naituloy ni Fred ang sasabihin. "Ano?" "Oh my God! Naglalaplapan kayo!” “Ha!!!” ang malakas kong boses gawa nang matinding pagkabigla. (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD