By Michael Juha
getmybox@hotmail.com
-----
Nangyari muli ang pagpapasasa namin sa kawawang siopao. At pagkatapos noon ay parang wala lang din nangyari. Sa totoo lang, hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang status namin. Pero sa kabilang banda, ok na rin ang ganoon kasi nga, ayaw kong ma-attach sa isang lalaki-sa-lalaki na relasyon. Ayokong maging bakla. Bagamat inamin ko na kay Fred na mahal ko si Aljun, ayaw ko namang masabihin na bakla. Hanggang kaya ko ay hindi ako bibigay at hindi magpaalipin sa naramdaman ko. At siguro naman ay hindi bakla si Aljun. Hindi niya kayang panindigan ang relasyon kung sakaling magkaroon kami nito. Baka nga kapag may iikot na tsismis o eskandalo tungkol sa amin ay lalayuan na na niya ako, iiwasan, at magbago ang ihip ng hangin. Imagine, ang isang hunk na campus personality, matalino, council president na kinababaliwan ng mga babae at bakla ay isa palang taong pumapatol sa kapwa lalaki? Ano ang magiging reaksyon ng mga tao sa kanya? Siguradong bubulusok ang kanyang popularidad at integrity. Napakalaking “Ewwww!” Baka i-condemn pa siya ng mga estudyanteng umiidolo at tumitingala sa kanya. Baka pandirihan siya, alipustain, i-bash, i-cancel.
Kaya okay lang na wala kaming commitment sa isa’t-isa. Sweet pero walang malisya. Naghahalikan pero walang relasyon. Sobrang close sa isa’t-isa pero hindi magsyota. No string attached pero may selos. Sinasabi sa isa’t-isa na “Ok lang kung maggirlfriend ka” ngunit sa loob-loob ay nasasaktan. Ok pa rin iyon. Sa mata ng mga tao at sa official naming paninidigan ay wala kaming relasyon.
Kaya balik na naman kami sa dati. Close at sweet sa isa't-isa ngunit walang meaning. Tungkol naman sa s*x scandal, ang payo na lang ni Aljun ay hayaan ito dahil hindi naman daw siya apektado kasi, lalaki siya at walang mawawala. “Kung ang ibig palabasin ni Giselle sa pagpapalabas niya o nila sa video na iyon ay ipaalam sa mga tao na magsyota kami o iniisip niyang sa ginawa niya ay lalapit ako at magmakaawa sa kanya, mabibigo siya dahil hindi ko gagawin iyan. Kahit ilalabas pa sa sinehan ang video na iyon, manunuod pa ako, sampu ng aking mga kaibigan,” ang sabi ni Aljun.
Kaya iwinaglit ko na lang sa aking isip ang lahat. At pinanindigan naman ni Aljun ang sinabi niya. Hindi nga siya lumapit kay Giselle. At si Giselle pa itong na-iilang na lumapit sa grupo namin dahil nahiya siguro sa kanyang ginawa. Guilty.
Isang linggo ang nakaraan simula nang kumalat ang tape, nakayanan din namin ang pressure. Alam kong pinilit din ni Aljun na huwag magpaapekto. In fact, bagamat hindi siya naglabas ng official statement tungkol sa video, halos umabot sa isang libong messages ang natanggap niya sa kanyang sss wall bilang suporta. Pero “Salamat sa suporta” lang ang sagot na comment-reply niya. Ingat na ingat siya sa pagpapalabas ng statement. May nagtatanong din doon kung siya nga ba ang nasa video at ang pabirong sagot niya na lang ay “Iyong nakaharap ang mukha, sure na ako yan mga 'Tol. Pero ang ibang kuha, hindi na ako makakasigurado, lol!”
As usual, nasa student center kami noon; ako, si Fred, at Gina. Hinihintay namin ang pagdating ni Aljun. Nasa kasarapan kami ng kuwentuhan nang bigla na lang sumulpot sa aming harapan si Giselle.
“Hoy! Kung sino man sa inyo ang kumuntak sa best friend kong si Anne, malilintikan sa akin! Makikita niya kung gaano ako kademonyo kapag nagalit! Ipapasalvage ko sya!” ang biglang banat niya, ang boses ay malakas at ang mga mata ay mistulang nagliliyab.
Nagkatinginan kami ni Fred. Aati si Gina ay nagulat din sa kanyang biglaang pagsulpot. Ang saya-saya pa kasi namin sa aming kuwentuhan tapos biglang may sumigaw at nagbanta.
Dahil si Fred lang naman ang palaban sa amin, sinagot niya ito. “Mas hoy ka kaysa amin! At kung bespren mo nga yang sinabi mong Anne, wala kaming interes sa kanya dahil sigurado ako, puno din ng virus ang utak niya!”
“Ababababa! At bakit mo nasabing puno ng virus ang utak niya aber?”
“Dahil kung malinis ang utak niya, noon pa ay nilason ka na niya! Salot ka kasi sa lipunan! Atsaka for your information madam, bakla po ako. Hindi po babae ang hinahunting ng isang bakla kundi lalaki! Bakit tomboy ba yang Anne? As in astig, mukhang lalaki, gwapo, katulad ng fwen ko dito sa tabi ko?” sabay muestra ng kamay niya pahiwatig sa akin.
“Aba! Pilosopo ka talagang bakla ka, ano?”
“Oo naman! Ang katulad kong bakla ay katapat lang ng mga pokpok na walang breeding!”
Biglang nasira ang pagmumukha ni Giselle sa narinig na salitang ‘pokpok’. “Pokpok ako??? Tinawag mo akong pokpok???”
“Obvious ba? Hay naku... mayroon pa ba ritong iba na qualified sa pagiging pokpok?” ang bulyaw ni Fred. At dinugtungan pa ng mas malakas pa na pagbulyaw sa harap mismo ng mukha niya, “POKPOK!”
Hindi na nakatiis ni Giselle at sinugod si Fred. Tumayo ako at si Gina at hinawakan namin ang kamay ni Fred na tumayo rin, naghandang sapukin sa mukha si Giselle. Ngunit dahil sa pagpigil namin, hindi niya maigalaw ang kanyang mga kamay.
Ngunit sinunggaban ni Giselle ang buhok ni Fred. Sinabunutan niya si Fred. “Bakla! Inggitero! Kupal, epal! Hindi ka naman kasali sa eksena! Ang kapal mo!!!”
Pinilit pa rin naming huwag maigalaw ni Fred ang kanyang mga kamay. Tinangka rin naming ilayo siya kay Giselle.
Subalit nabigla na lang kami nang marinig na lang namin ang malakas na sigaw ni Giselle. “Arrggghhh!!!” Napatihaya na pala ito sa sementong sahig dahil sa malakas na pagtadyak sa kanya ni Fred.
“O ano... lalaban ka? Ha!!! At ako pa ngayon ang epal, bruha ka, ang pangit mo! Huwag mong kalabanin ang bakla punyeta ka dahil papatulan talaga kita!!!”
“Tama na Fred! Tama na!” ang pagpapakalma namin kay Fred.
Nakita na lang namin na nagtatakbo na si Giselle palayo at nagsisigaw. “May araw ka rin! Pagsisihan mo ang ginawa mong ito bakla!!!”
Nang wala na si Giselle doon ko na naramdaman ang panginginig ng aking kalamnan sa takot at nerbiyos dahil akala ko ay magpatayan na ang dalawa. Parang ako tuloy ang nakipag-away. Tinablan din ako ng hiya dahil ang mga estudyante ay nagtinginan sa amin at ang iba ay lumapit pa nag-usyuso.
In fairness, pinalakpakan naman nila si Fred sa ginawa nito kay Giselle. Tumayo siya at nag ala-modelong nagka-catwalk at pabirong kumaway-kaway, iyong kaway na palad lang ang pinapagalaw. Aliw na aliw naman ang mga naki-usyuso. Pinalakpakan pa nila si Fred.
“Fred! Tinalbugan mo si Giselle!” ang sigaw ng isang estudyante.
“Dapat lang dahil mas maganda ako kaysa kanya!” ang sagot naman ni Fred
Tawanan.
“Fred... baka ireport niya tayo. Nasaktan natin iyong tao,” ang sambit ni Gina.
“Pwes magreklamo siya. Kahit magsampa pa siya ng kaso. Haharapin ko siya. Bakit? 'Di ba siya itong lumapit sa atin at pinagbantaan pa tayo? 'Di ba masasabing grave threat din iyon? Pwede natin siyang i-reklamo sa ginawa niyang pagbabanta, e,” ang sagot ni Fred.
“O sya... huwag na nating paabutin sa ganyan. Manahimik na lang tayo kasi, nasaktan mo naman siya, eh.”
“Sa akin walang problema. Sanay ako sa ganyan. Basta nasa tama lang ako, go, paninindigan ko iyan. Kung gaano ko pinanindigan ang pagiging bakla, ganyan din ang paninindigan ko sa tama.”
Parang natamaan ako sa huling binitawang salita ni Fred na pinanindigan ang pagiging bakla niya. Syempre, nalungkot ako, naisip ko na naman si Aljun. "'Di ba patagong bakla ka? Ngayon ay lantaran na, eh!" ang paglihis ko na lang sa usapan.
Natawa naman si Gina. "Pansin ko nga, Fred," ang pagsingit niya.
"Kaya nga eh. Tangina talagang babaeng iyon! Bulgar na bulgar na tuloy ang p********e ko. Walang choice, eh. Need ipalabas ang pagka-fierce!"
"Okay lang iyan, Fred. Kahit 'di ka open dati, naamoy na kita," ang sambit ni Gina sabay tawa.
"Baka umaalingasaw lang talaga ang amoy ng hasang ko."
"Hayaan mo na. Support naman kita," ang sambit ni Gina. "The truth will set you free," dugtong niya.
Tiningnan ako ni Fred na may bahagyang pang-iismid. "Tama! Sana iyong marami riyan ay lumantad na rin. Gay power!"
Napangiting tiningnan naman ako ni Gina na walang kamuwang-muwang sa patutsada sa akin ni Fred sabay sabing, "Gay power!"
"Gay power!" ang sagot din ni Fred.
Tawanan.
Sa paglipas pa ng ilang araw ay unti-unting namatay ang issue. Ang paniniwala naman kasi ng lahat ay fabricated lang ang video. Bagamat hindi na ipinalabas ni Fred ang scandal ni Giselle na nakuha mula kay Anne, kontrabida pa rin ang dating ni Giselle sa mga tao. Hindi pa rin natuto. Ngunit hindi kinagat ng mga tao ang drama niya at mas naging kaawa-awa pa siya dahil lalong nagalit sa kanya ang mga estudyante at lalong bumaba pa ang pagtingin ng mga ito sa kanya.
Kabaligtaran naman ang nangyari sa panig ni Aljun. Mas lalong tumaas ang pagtingin ng mga estudyante sa kanya, lalo na sa pananatili niyang tahimik at hindi nagsalita ng masama laban kay Giselle. Mas lalo nila itong hinangaan at tinitingala sa paghandle at hindi pagpatol sa issue. Mas naapreciate din nila ang hindi niya pagpapalabas ng kung anu-anong statements o patutsada.
Si Aljun din ang nagpayo na huwag nang ipalabas pa ang nakuhang video ni Fred mula kay Anne, upang huwag na raw lumaki pa ang issue. At sa ipinamalas na galing niya sa pag handle sa problema na iyon, lalo ko pa siyang hinangaan. Napagtanto ko kung gaano kalawak ang pang-unawa at haba ng kanyang pasensya. No wonder na mahal na mahal siya ng mga estudyante dahil sa kanyang angking kabaitan.
Kaya kampante na kami na kahit wala kaming gagawing hakbang, ang lahat ay babalik pa rin sa normal. Kumbaga, sa mga kabulastugang pinaggagawa ni Giselle, bumabalik din ang lahat nang ito sa kanya. Sumikat nga siya ngunit ang tingin sa kanya ng mga estudyante ay cheap, mababa ang lipad, talipandas.
Subalit sadya talagang ipinanganak na kontrabida si Giselle. Marahil ay hindi niya matanggap-tanggap na wala na ngang nangyari sa palabas niya, siya pa itong sinisi ng mga tao.
Napag-alaman naming nasa ospital si Fred dahil binugbog daw ito nang hindi kilalang mga tao. Ang sabi ni Fred ay noon lang niya nakita ang mga taong iyon. Mabuti naman at hindi grabe ang kanyang kalagayan at nakalabas kaagad ng ospital bagamat may mga bendahe pa ang kanyang ulo. Marahil ay tinakot lang siya.
Ipinablotter kaagad namin sa police ang nangyari at ginawan din ng medical report. At syempre, dahil wala namang lead kung sino talaga ang gumawa noon, hanggang sa blotter lang ito. Ngunit sa isip namin, si Giselle ang salarin at may pakana.
At hindi lang d’yan nagtapos ang aming problema. kinahapunan ay ipintawag si Aljun ng office of the University President. Nag-file daw ng reklamo si Giselle, gamit ang video. Ni rape daw siya ni aljun at inakusahan niya si Aljun na siyang nagvideo sa ginawa nitong panghahalay sa kanya. Si Aljun din ang inakusahan niya na siyang nagpakalat sa video dahilan upang masira ang kanyang pangalan at dignidad, at nakapagbigay sa kanya ng mental at psychological problem. Nagkaroon din daw siya ng depresyon at parang mababaliw sa kaiisip.
“Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng iyan!” ani Fred. “Wala na siyang puri no! Dapat i-kick-out na iyan sa school na ito dahil naghasik lang ito ng gulo sa campus na ito! At rape??? Waaahhh1 ang kapal! Siya nga itong naghahabol eh! Grabe talaga ang pagkademonya ng babaeng iyon!”
“Ano naman daw ang prosesong gagawin sa reklamong isinampa ni Giselle boss?” ang tanong ko kay Aljun.
“Bumuo raw ng kumite ang school upang mag-imbistiga sa kaso. Limang professors ang inatasang maging myembro ng kumite. Pinayuhan ako ng presidente ng universty na mag file ng indefinite leave of absence muna sa posiyon ko bilang presidente ng student council...”
“Ano?” Ang gulat naming reaksyon.
“At mag leave ka naman?” ang tanong ko.
“I think it’s a better thing to do. Kasi may reklamo, e. It’s not nice kung nasa puwesto ako while my integrity is being questioned.”
“Nakakalungkot naman,” ang sabi ni Gina.
“Nabasa mo ba ang reklamo niya?” ang tanong ko.
“Oo binigyan ako ng kopya.”
Binasa namin ito. Naka address ito sa presidente ng unibersidad –
“I filed this complaint with a deep sense of regret and heavy heart after a thorough self-discernment and introspection. I know that it is a painful and difficult move to bring this complaint up to your good office. But I have resolved that no matter what, or no matter how heavy the cost I have to pay for this, I have to do this if only to exercise my right to be heard and my honor and dignity redeemed. I know that with this decision, there are people who will be hurt and many may even condemn me for what I do. But I am willing to face them; all in the name of truth.
Sir, I am submitting to your good judgement on my complaint against Mr. Aljun Lachica, the student council president for the following violations against my person which he committed on the night of September 25th, my birthday:
1) He sexually molested and raped me. He was drunk at that time and asked to take a quick rest in one of the rooms in my flat. I obliged to his request but when he was already inside, he made s****l advances. As I was also drunk, there was no chance I could match his strength;
2) With the help of his cohorts, they filmed what he did to me. And not only were they contented with filming, they uploaded it over the net, thereby violating my right to privacy, defaming my name, and ruining my reputation.
The emotional pain and mental anguish that I suffer is so unbearable that I experience sleep deprivation, loss of appetite, lack of focus, and extreme depression. Every night I cry and I am afraid I will lose my sanity if his contemptible act goes with impunity. And worse, I am afraid if I will lose control over myself and may commit – heaven forbid – suicide if this burden reaches a point where it is better to take my own life rather than live a life where people mockme, talk behind my back, while my aggressor continues to enjoy the luxury of impunity.
Sir, Mr. Aljun Lachica is a monster. Behind his sweet image of good-looking, intelligent, and boy-next-door image lies an evil, lurking from the inside, waiting for the next opportune victim. I don’t want others to experience the ordeal that I had gone through in his hands. This is the main reason why I am submitting this complaint.
Sir, I am begging you to please investigate the matter and penalize Mr. Lachica for his evil-doing. All I wish is for Mr. Lachica to be removed from office as president of the student council and be kicked out from school.
However, as I am also a human, my door is open to a negotiation with him if he wishes to, on some conditions.
I look forward to your immediate and decisive action. God bless you.
Very Sincerely yours,
-Giselle Villanueva-
NB. Please see the attached s*x video to prove the atrociousness of Mr. Lachica and how his camp had tried to viciously ruin my reputation.
(Itutuloy)