By Michael Juha
getmybox@hotmail.com
-----
Binitiwan ni Aljun ang isang napakamapang-akit na ngiti. “Flowers for you, Boss…”
Tinanggap ko ang ibinigay niyang bulaklak. “Salamat…”
“Dyahe. Mga bulaklak ang dala ko pare. Akala ko kasi, si... Fred ba iyong pangalang nanalo na sabi ng CG Inc ay bakla daw? Kung alam ko lang sana e... beer pala dapat ang pasalubong ko,” ang sambit niya sabay tawa.
“Pwede rin namang siopao o doughnut,” ang sgot ko rin. Lalo namang lumakas ang kanyang pagtawa.
“Oo nga pala. Sino iyong nagpresent ng ticket at nagclaim na siya ang nanalo?”
“Ah... kaibigan ko iyon. Siya si Fred,” Ang paliwanag ko. “Halika, pasok sa loob!” ang pag-anyaya ko.
“Buti na lang ikaw ang nakapanalo sa akin,” ang sabi niya noong makaupo na sa sofa.
“Bakit naman?”
“Kung bakla kasi o babae, baka may mangyari” ang biro niya sabay bitiw ng tawa. “Biro lang,” ang pagbawi rin niya.
Tumawa ako ng malakas. “Bakit pare, pumapatol ka ba sa bakla?”
“Hindi naman. Kaso kung darating ang pagkakataon na magkagipitan at umaandar ang libog, hindi na natin masabi.”
“Pero wala naming masama kung may mangyari sa inyo ng bakla, o ng babe, ‘di ba?”
“Wala naman, basta may mutual consent, at nasa legal age na.”
“So, walang problema,” ang sambit ko.
“Actually wala. Biro ko lang iyon. First time ko kasi ang sumali bilang prize-boy kaya di ko alam ang gagawin, ‘di ko rin alam kung ano ang i-expect.”
“Ako rin. First time kong nanalo sa ganito kaya ‘di ko rin alam kung ano ang gagawin sa iyo, ‘di ko rin alam kung ano ang i-expect,” ang sagot ko rin.
“Bahala na, pare. Sabi nga nila, dance with the music na lang.”
“Or puwede rin tayong sumabay sa agos,” ang dugtong ko.
“Or kung saan tayo ipapadpad ng kapalaran,” ang pagdugtong niya rin.
“Lumalalim ang ating target ah, may kapalaran na agad,” sambit ko.
Tawanan.
“Umiinom ka ba? Kukuha ako. Mas ok siguro upang mawala itong pagkahiya at pagkailang ko sa iyo,” ang mungkahi ko.
“Nahihiya ka pa niyan? Ang ganda nga nitong flat mo, nasa poder mo ako. Dapat nga, ako ang mahiya, eh.”
“Ang ibig mo bang sabihin ay gatas na lang ang ihanda ko para sa iyo?” ang biro ko.
“Ah, huwag naman. Nagsawa na ako sa gatas eh,” ang pagbawi rin niya. “Ok… mag-inuman tayo. Ako na ang kukuha...” Tumayo siya na parang alam na alam kung saan nakalagay ang alak.
Hindi na ako nakakilos ni makapagtutol sa bilis niyang pagtumbok sa shelf.
“Waaahhhh! Johnny Walker Black Label?” ang sambit niya nang nakita ang alak.
“Sensya na... hindi ako naghanda ng beer. Nawala sa isip ko, eh.” Ang sabi ko.
“Ayos lang,” ang sagot naman niya. “Hindi talaga ako umiinom ng ganito. Pero para sa master ko, gusto kong subukan...” ang sambit niya. Kumuha na rin siya ng dalawang baso, ice bucket atsaka dinala ang mga ito sa kinaroroonan ko.
“Ang sweet ng mokong!” sa isip ko lang.
Tumayo ako at kumuha ng de lata sa refrigerator. Binuksan ko iyon, inilipat sa bowl ang laman at bumalik sa aming inuupuan.
Nagtagay siya sa dalawang baso. Nilagyan iyon ng ice atsaka umupo na sa tabi ko. “I-set pala natin ang gagawin ko pare para sa duty ko. Atsaka ‘boss’ sana ang gusto kong itawag sa iyo.”
“Bakit boss? Dapat ‘Tol o Pare na lang,” ang mungkahe ko.
“Protocol daw sa ganito na Maam o Sir ang itatawag sa aming magiging master, pag-identify na subordinate ako sa kanila. Pero gusto ko sana ay boss na lang.”
Nag-isip ako. “O sige, pero ‘boss’ din ang tawag ko sa iyo...”
“Eh…” ang sambit niyang may bahid na pagdadalawang-isip. “P-papaano madistinguish na master kita? Labag iyan sa rule.”
“Kung ako ba ang mag-utos, labag iyan sa rule?”
“Hindi naman. Pero…”
“So it’s an order,” ang pagsingit ko. “Boss ang itatawag ko sa iyo at ikaw na ang mag-explain na bilang master mo, iyan ang utos ko.”
Tila natulala siya sa sagot ko. “Ah... Ok...” ang sagot na lang niya.
Tahimik. Kinuha ko ang isang baso na may lamang JW at ininom iyon. Uminom na rin siya.
“So, ang routine ko ay ihahatid-sundo kita sa school?” ang pagbasag niya sa katahimikan. “At ilang oras per day ako sa iyo at kung anong mga araw ako na dapat magpunta sa iyo...” Tumingin siya sa akin. “...Boss?” sabay ngiti.
Napangiti na rin ako. Syempre, parang awkward kasi. Noon lang kami nagkasama, nagmeet, tapos may tawagan na kami agad. Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko. May excitement, may kilig, may hiya at pag-alinlangan, may kaunting takot. Ewan.
Anyway, nagset kami ng schedule. Bale three hours a day ang duty niya sa akin from Monday to Friday sa oras na 7 – 10 pm. Kapag Sabado at Linggo, either 12 hours or 6 hours depende sa kanyang availability at may one day prior notice siya na i-inform ako kung ilang oras ang i-render niyang duty sa Sabado at Linggo. Napagkasunduan din naming huwag na akong ihatid sa school bagamat kapag galing sa school sa oras na 6:30 PM ay sabay na kaming uuwi sa flat ko para magsimula siya sa tatlong oras na daily service. Naawa kasi ako sa kanya na pupunta pa sa flat ko sa umaga upang ihatid ako sa school. Kaya wala na iyon.
“At kung maari ay kasama natin ang kaibigan kong si Fred kapag magkasama tayo sa labas, say sa school. Ok lang ba? ...Boss?” ang sabi ko.
“Walang problema. Pero bakit kailangan pa siya?” ang tanong din niya.
“Baka pagdudahan pa akong bakla eh. Alam mo naman ang mga tao, maraming Maritess,” sabay tawa.
“Mas macho ka pa ngang tingnan kaysa sa akin eh,” ang sagot niya sabay tawa. “Pero no problem, Boss. You’re my master. Your wish is my command!”
Pagkatapos naming ma-settle ang routine niya sa akin, nagpatuloy kami sa inuman. At dahil 7:30 na siya ng gabi dumating, 10:30 na ang off niya.
Habang nag-inuman, Ikinuwento niya ang ginawa niya sa nakapanalo sa kanya sa auction, iyong baklang fashion designer na nauna niyang sinerbisyuhan.
“Ahhh! Talagang banat ako ng buto roon. May fashion show pala iyon at ako ang ginawang main model niya. Tapos, may mga pictorials at, would you believe, ginawa din niya akong manniquin sa kanyang showroom?” ang sambit niyang napailing-iling.
“Mannequin? Paano?”
“Nasa loob ako ng glass na display tube sa show room niya, nakatayo, o nakaupo, depende sa posisyon na ipapagawa niya, nakasuot sa kanyang mga gawa at dapat ay hindi ako gagalaw ng isang oras. Tapos, 15 minutes break,ibang posisyin at suot na naman… Ang nakatatawa ay noong last one hour ay hubot-hubad na akong pinaupo-upo sa isang bench at ang nakatakip lang sa aking alaga ay ang isang kamay ko…”
“Hahahahahaha!” ang lakas ng tawa ko. “E ‘di maraming nanunood sa iyo?”
“Sinabi mo pa. Dinayo nga ang showroom niya. Lalo na ang mga estudyante. Nakita ko rin ang mga katropa ko sa student council at mga kaklase at ka-batch, ang mga gago ay gumawa pa ng kakenkoyan sa harap ko upang mapatawa lang ako o gumalaw.”
“Tumawa ka naman? O Gumalaw?”
“Muntik na. Talagang pinigilan ko ang sarili ko.”
“Banat na banat ka pala roon?”
“Oo. Nagkataon pang nag-advertise pala siya sa mga radio… Pero in fairness, okay naman siya. Mabait, maalalahanin. Pagkatapos nga ng aking serbisyo roon ay nagpaparty talaga siya kasama ang lahat ng staffs niya, piling kaibigan, at mga kasosyo nniy sa negosyo. At inalok din akong mag parttime model sa kanya. Ang sabi pa niya ay kunin niya akong full-time model in case gusto ko after graduation. Marami raw kasi ang naghahanap sa akin. At mas lalong sumikat ang kanyang mga designs.”
“Wow! May nakaabang nang trabaho.”
“Oo nga.”
“At pumayag ka namang mag model?”
“Ang sabi ko ay pag-isipan ko pa. Loaded kasi masyado ang schedule ko ngayon. Tugnkol naman sa full-time modelling after ng graduation, ang sabi ko ay matagal pa naman iyon kaya hindi muna ako mag-commit. Marami pang puwedeng mangyayari from now and that time, ‘di ba?”
Tumango lang ako. Hindi ko alam ang tunay kong naramdaman. Tila may kaunting pagseselos, kaunting takot sa sinabi niyang marami pang mangyayari between now at sa time na iyon.
Gusto ko pa sanang itanong kung walang ibang indecent proposal sa kanya ang bakla o kaya ay may nangyari… kagaya ng sinabi niyang kapag nalagay siya sa alanganin at aatakehin ng libog ay hindi na siya sure kung bibigay o hindi sa bakla. Ngunit sinarili ko na lang ang tanong na iyon. Nahiya ako.
Alas 9:30 ng gabi noong naramdaman kong nalasing na si Aljun at halos maubos na rin namin ang isang bote ng Johny Walker. Pakiramdam ko rin ay umiikot na ang paligid.
“Boss… mukhang grabe pala ang tama nitong alak na ito. Umiikot na ang paningin ko. Shiitttt! Di na ako makalakad ng maayos,” ang sambit niya, boses ay halatang lasing na lasing na.
Tumayo siya, sinubukang maglakad. Ngunit natumba ito at pagkatapos ay nagsusuka.
“Boss… kaya mo pa ba?”
“K-kaya pa siguro boss…”
Subalit hindi pa rin niya magawang maglakad nang hindi natutumba. Kaya ang ginawa ko ay sa kama ko na siya idiniretso.
At dahil sa nasukahan niya ang kanyang polo shirt at pantalon, tinangko kong tanggalin ang mga butanes nito. “Boss… tanggalin ko ha? Bibihisan kita,” ang pagpapalam ko.
“Boss… huwag na. Nakakahiya. Uuwi na lang ako,” sabay hawak sa aking mga kamay upang pigilan ang pagtanggal ko ng butones sa kanyang polo shirt.
Tinangka niyang tumayo uli. Subalit natumba na naman siya at nagsuka uli.
Inalalayan ko na naman siya pabalik sa kama at pinahiga. “Boss… hindi mo na kaya. Kaya huwag ka ng tumutol, ok? Ikaw kasi, hindi mo naman sinabi na lasing ka na pala,” ang paninisi ko pa.
“Nahihiya kasi ako sa boss ko. Unang meet-up pa lang natin tapos, hindi kita pagbigyan. Baka isipin mo napaka-Killjoy ko.”
“Aysus! Hindi ako ganyan! Huwag mo na ngang pilitin na umuwi ka! Dito ka na matulog.”
“Ayaw ko, Boss.”
“It’s an order!”
Iyon lang. Hindi na siya umimik. Una kong hinubad ko ang polo shirt niya. Nang mahubad ay inihagis ko ito sa lagayan ko ng mga labahan.
Tumambad sa aking mga mata ang napakagandang hubog ng kanyang pang-itaas na katawan. Nalala ko tuloy ang kanyang pagsasayaw sa gabing iyon ng auction at ang paghahaplos niya sa kanyang dibdib, pababa sa kanyang umbok. Naalala ko rin ang pagpahid niya ng laway sa kanyang daliri at inihimas-himas iyon sa kanyang mga u***g.
Napalunok ako ng laway. “Tanginaaaaaaaaa!” Sigaw ko sa sarili. “Nalilibugan ako!”
Ngunit syempre, todo kuntrol ako sa aking sarili. “Ayoko!” ang sigaw ng isang parte ng aking utak.
Dahil nasukahan din niya ang kanyang pantalon, syempre, dapat ko ring hubarin iyon. Isa pa, lilinisin ko ang katawan niya gamit ang towel at maligamgam na tubig.
Dahan-dahan kong tinanggal ang butones ng pantalon niya. Noong nasa aktong hinawakan ko na ang zipper upang buksan ito, ramdam ko ang panginginig ng aking buong kalamnan, lalo na noong tumambad sa aking mga mata ang puting brief at ang bukol sa ilalim nito…
Nilabanan ko ang aking sarili at itinuloy ang paghila sa kanyang pantalon. Tuluyang matanggal ito. Nang tanging ang puting brief na lang niya ang natirang saplot sa kanyang katawan, hayun na naman, mistulang may koryenteng dumaloy sa aking kalamanan sa kaakit-akit na tanawin.
Napabuntung hininga ako. Noon ko lang napagmasdan ng maigi at malapitan ang kanyang hubad na katawan bagamat nakita ko na ito sa pagrampa niya sa nang gabi ng paraffle. Pakiramdam ko ay natuyuan ng laway ang aking lalamunan at nawala ang aking kalasingan sa sandaling iyon.
Na mesmerize? Awestruck? Napako ako sa aking kinatatayuan at ang mga mata ay nakatutok na lamang sa nakalatag niyang katawan. Nakatihaya siya, ang isang braso ay ipinatong sa ibabaw ng kanyang noo. Inikot ng aking mga mata ang kabuuan ng kanyang katawan. Makinis ang kanyang balat, walang kataba-taba ang tiyan, may abs at matipunong dibdib na parang inukit at sa gitna ng dalawang umbok ay ang tig-iisang dark brown na mga u***g na kasing-liit ng butil ng mais. Sa ibaba ng kanyang dibdib ay makikita ang mga linya ng kanyang abs na tumataas-baba sa bawat paghinga niya. At sa gilid ng may bandang garter ng kanyang brief ay bakat ang kanyang oblique muscles na mistulang diagonal na mga litid patungo sa kanyang p*********i, sa ilalim ng kanyang putting brief.
“Arrggghhh!” sigaw ko sa sarili sa tindi ng pag-init ng aking katawan.
Hanggang sa narinig ko ang marahan niyang pag-ungol. “Uhhmmmm!”
Mistula akong natauhan at nabuhusan ng malamig na tubig at naramdaman ang takot. Bigla akong tumalikod at tinumbok ang kusina. Doon ay kumuha ako ng maliit na palanggana, nilagyan ko ito ng maligamgam na tubig. Kumuha na rin ako ng maliit na tuwalya atsaka bumalik sa kuwarto kung saan nakahiga si Aljun.
Tinanggal ko ang pagkapatong sa kanyang noo ang isa niyang braso. Marahang inilipat iyon sa kanyang gilid. Binasa ko sa maligamgam na tubig ang tuwalya atsaka idinampi sa kanyang noo. “Uhhhhhh!” ang pag-ungol niya nang lumapat ang mainit-init na tuwalya sa kanyang noo at mukha.
Nahinto ako, inexpect na tutulan niya ang aking ginawa. Ngunit hindi siya gumalaw.
Ipanagpatuloy ko ang pagpunas sa kanyang mukha. Dinig na dinig ko ang kanyang malalalim na paghinga. Alam ko, hilong-hilo pa rin siya at hindi pa nakatulog.
Hindi pa rin humupa ang kiliting naramdaman ko sa aking katawan sa bawat pagdampi ko sa maligamgam na tuwalya sa kanyang balat. Hindi ko maiwasang hindi mapansin ang kanyang matangos na ilong, ang makinis niyng mukha, ang magandang porma ng kanyang bibig. Parang ang sarap niyang halikan...
Saglit na hininto ko ang aking pagpunas. Pinagmasdan kong maigi ang kanyang nang-aakit na mga labi. Naalala ko kasi noong rumampa siya sa gabi ng paraffle na habang nang-aakit at hinihimas-himas niya ang kanyang u***g, kinakagat-kagat niya ang mga iyon. Iyon ang isang bagay na nakakuha ng atensyon ko sa kanya, nakukyutan ako, may gumapang na hindi maintindihang init sa aking katawan sa pagrampa niyang iyon.
Habang nasa ganoon akong pagpapantasya, naramdaman ko na lang ang biglang paglakas ng kabog sa aking dibdib. Nabuo sa aking isip na halikan siya, iyong panakaw.
Grabe. Para akong isang taong mag-aatempt pa lang na magnakaw at hindi mapakali dahil sa takot na baka mahuli. Inilapit ko na ang aking bibig sa kanyang mga labi upang kahit maidampi ko man lang ito. Ngunit bahagya siyang gumalaw. Hindi ko alam kung alam niya ang nasa aking isip. Ngunit ito ang dahilan upang manaig muli ang matino kong pag-iisip.
Ipinagpatuloy ko na lang uli ang pagpunas. Sa kanyang leeg... sa kanyang dibdib... sa kanyang abs... sa pusod... at sa ibaba pa nito hanggang sa may garter ng kanyang brief.
At doon na ako pinawisan ng todo nang mapansin ko ang ulo ng kanyang p*********i na umusli sa labas ng garter ng kanyang brief. At matigas na matigas ito. Pumupintig!
Bigla na naman akong nahinto, kumalampag ng malakas ang dibdib, na-excite, muling tumindi ang pagnanasa...
Itinuloy ko pa rin ang pagpunas, pinilit na huwag pansinin ang pagwawala ng kanyang alaga, isiniksik sa isip na hindi puwedeng may mangyari dahil malaking bawal iyon... lalo na’t wala siyang kaalam-alam. Isang pang-aabuso kung gagawin ko ang udyok ng aking pagnanasa.
Itinuloy ko ang aking pagpunas… sa kanyang kaliwang hita, pababa sa kanyang binti at paa. Pagkatapos ay sa kabila naman. Ramdam ko ang panginginig ng aking kalamnan...
Ngunit lalo lamang akong nalibugan noong patuloy ko pa ring napapansin ang tila pagpupumiglas ng kanyang p*********i. Mistulang nanunukso ito, nagmamakaawa. Hindi ito maalis-alis sa aking isip.
Kaya’t noong matapos ko nang punasan ang kanyang dalawang paa, ibinaling ko na naman ang paningin ko sa kanyang harapan. Mistulang may malakas na kapangyarihang nag-udyok sa akin na hawiin ang brief niya at punasan na rin ang kanyang puson at ang paligid ng kanyang p*********i.
Hinawi ko ang brief at tuluyang kumawala ang kanyang alaga. Pakiramdam ko ay nanggalaiti ito sa galit. Tila nagsusumamo, nakikiusap. “Laruin mo naman ako. O kahit hawakan lang, please???”
(Itutuloy)