By Michael Juha
getmybox@hotmail.com
-----
“Ano???” ang muling paggiit ko sa tanong. Pasigaw ang sagot kong iyon kay Fred. Biglang nawala sa isip ko na naroon kami sa loob ng library.
“Oo! Ticket mo ang ang nanalo!!!” ang sigaw rin ng kaibigan ko.
Pinindot ng librarian ang maliit na bell sa counter pahiwatig na may nag-iingay, at warning niya iyon sa amin.
Agad kong dinampot ang aking mga notebooks at gamit at walang pasabing tumayo, tinumbok ang pintuan ng library. Bumuntot naman ang aking kaibigan.
“Anong sabi mo? Nanalo ang ticket ko?” ang tanong ko uli sa kanya noong makalabas na kami ng library at naglalakad patungo sa botanical garden ng school.
“Oo! At oo pa!”
“Paano nangyari iyon? Imposible naman!”
“Ay malay ko ba kung paano. At wala akong pakialam. Pero anong imposible roon? May ticket ka, niraffle nila, syempre naman may mananalo no? Kung ako ba ang nanalo ay magiging posible? Ganoon?” ang sagot ni Fred.
Di na ako nakakibo. Ramdam kong tila nanginginig ang aking kalamnan sa hindi inaashan. ‘Di ko maintindihan ang aking sarili. May excitement na nadarama, may takot at hiya na hindi maintindihan. Syempre, magtatanong ang mga tao kung sino ang nanalo at siguradong mabunyag sa lahat na ako iyon. At dahil hindi naman ako bakla, magtatanong talaga sila kung ano ang gagawin ko o ipapagawa kay Aljun. At ang matindi sa lahat, ano ba ang ipagagwa ko sa kanya? Ano ang gagawin namin? Ano ang puwede niyang gawin sa akin?” sa isip ko lang. Nang sumingit naman sa isip ko ang ginawang pagrampa ni Aljun sa auction kung saan ay nakahubad ang pang-itaas nitong katawan at boxers lang ang suot, nanaunukso ang mga mata at ngiti habang hinahagod ang kanyang pisngi pababa sa kanyang leeg, tiyan, at bukol ng kanyang p*********i, mas lalo pa akong kinabahan. Naisip ko na ako ang kanyang tinukso, na ako ang kanyang kaharap at gustong akitin upang ma inlove ako sa kanya, at tuluyan nang maging bakla. “Ayaw ko. Hindi ako maaaring magpadala sa tukso!” sa isip ko lang.
“Hoyyy! Ba’t bigla kang natahimik d’yan!” ang bulyaw ni Fred na siya namang ikinagulat ko.
“Tang-in…” hindi ko na naituloy pa ang aking pagbulyaw din. Mistula kasi akong natauhan at nanumbalik sa tamang pag-iisip.
“Eeeeeeeeeeeeee! Na-excite ang friend ko!”
Binitiwan ko ang isang hilaw na ngiti. “Anong excite ang pinagsasabi mo riyan, tanga! Kung ticket ko talaga ang nanalo at hindi mo ako prinank, ibigay ko siya sa iyo! Sa iyo na siya magserbisyo.”
“Woi! Wag kang ganyan, friend. Baka mamaya, papatulan koi yang offer mo. Mamamatay ka sa dehydration.”
“Dehydration?”
“Oo, dahil sa sobrang pag-iiyak mo na sa akin magserbisyo ang prize boy, at may mangyari sa amin, iiyak ka at matuyuan ang katawan mo. Nakamamaty ang dehydration, friend!”
“Gago!” ang sagot ko sabay tawa.
“So sa akin na talaga siya, friend?”
“Oo, sa iyo na,” ang sagot ko.
“Promise?”
“Promise! Deserve mo iyan dahil ikaw ang naghirap sa pagbili ng ticket niya, at pera mo naman ang ibinili mo niyan. Ibinigay mo lagn iyan sa akin dahil siguro, inakala mong hindi mananalo, ‘di ba?”
“Ito naman, o. Nakakasakit ng damdamin.”
Totoo naman eh. Deserve mo iyan. Para sa iyo talaga iyan. Wala akong interest d’yan.”
Totoo talaga ha?”
“Totoo,” ang sagot ko na lang. Medyo napilitan ang sagot kong iyon ngunit napasubo na. Alam ko naman kasing interesado rin si Fred. Sinabi niyang matagal na niyang pinangarap ang manalo sa raffle. At siya rin ang nag-effort sa pagsali sa raffle na iyon.
“OMG! OMG! Matikman ko nan a talaga si Aljun, ang pinagpantasyahan ng mga estudyante, at mga bakla at old maids na professors!” Ang sigaw ni Fred na may patalon-talon pa. Pagkatapos ay niyakap niya ako. “Ang bait mo talaga friend, grabe! Napakaswerte ko na nagkaroon ng super bait at napakapoging friend na kagaya mo.”
“Oo na. Alam ko na iyan. Paulit-ulit mo nang sinabi iyan sa akin. Masuwerte ka sa akin dahil mabait at guwapo akong kaibigan mo. At ikaw lang ang may kaibigang ganito kapogi at kabait sa campus.”
“At sobrang mapagbigay pa friend. Kung maaari lang ilakad ang pagiging santo friend, ilalakad na talaga kita.”
“Santo ng ano?”
“Santo ng mga paminta!” sabay tawa.
Natawa na rin ako. “Animal!”
Tawanan.
“Maraming maiinggit sa akin nito, friend!” ang paglihis niya sa usapan.
“Oo. Magiging sikat ka, at maraming maki-tsismis sa iyo kung ano ang mga ipinagagawa mo sa prize boy mo, kung ano ang ginagawa niya sa iyo…” ang sambit ko habang umupo kami sa isang bangko sa lilim ng malaking puno ng mahogany.
“OMG! OMG! OMG! Hindi ako makapaniwala talaga!” ang muling pagtatalon ni Fred na tila nagdideliryo.
Tahimik.
“Ano ba ang plano mong ipagawa sa kanya, at least sa unang tagpo ninyo?” ang pagbasag ko sa katahimikan.
Tiningnan niya ako. Halata ang excitement sa kanyang mga mata. “Una ay papapasukin ko sya sa aking kuwarto at habang naliligo ako sa shower, tatawagin ko siya, uutusan kong maghubad na rin dahil siyampre, mababasa siya sa aking ipapagawa sa kanya. Pagkatapos, uutusan ko siyang hilurin ang aking likod at sabunin ang buo kong katawan.”
Tapos?”
“What happens next is up to him – ahihihihihihihihihihih!” ang malakas niyang tawa. Kinilig.
“Gago. ‘Di ba bawal ang mga ganyan?”
Natahimik ako sandali. Tila may kaunting selos at panghihinayang akong nadarama.
“Anong bawal doon? May physical or s****l abuse ba? Nalalagay ba sa panganib ang kanyang buhay? Ako pa nga ang dapat na matakot kasi baka mabasag niya ang puri ko! Baka hindi niya kayang labanan ang tukso at mapagsamantalahan niya ako! Naku! Marupok pa naman ako sa mga ganyan!” at tumawa na naman.
“Ikaw talaga... puro ka kalokohan,” ang sagot ko na lang. “Sandali... naibigay mo na ang ticket? N-confirm mon a ba na nanalo nga?”
“T-ticket? ‘Di ba nasa iyo?”
“Huh! Ibinigay ko sa iyo ah!” ang gulat kong sabi.
“Kailan? Saan?”
“Nang gabi pagkatapos ng raffle!”
“OMG! Nawala ko friend!”
“Huwag kang magbiro ng ganyan, susuntukin na kita.”
“Woi, juk juk juk lang!!! Ibinigay ko na kaagad fwend. At ang ipinakilala kong may-ari ng ticket ay… ako. Kaya, tama lang pala. Sa akin mo rin naman pala ibigay eh. Atsaka, kami ang nababagay. Sa ganda ko ba namang ito…” ang sambit ni Fred na agad namang binawi. “Woi, kayo talaga ang bagay ngunit ‘di ba, maingat ka sa mg ganyan? Ayaw mong maintriga dahil sabi mo nga, mahigpit ang iyong daddy baka mapatay ka. At sabi mo rin, gusto mo ng tahimik na buhay. Ayaw mong maging bakla. Kasi, sabi mo nga mahirap ang maging bakla, lalo na kapag umibig. Dahil una, hindi kayo puweding magpakasal. Pangalawa, hindi pa tuluyang tanggap ng lipunan ang kabaklaan. Pangatlo, kapag bakla ka, hindi ka magkaroon ng isang normal na pamilya at anak. At pang-apat, ang mga naririnig mong kuwento na walang tumatagal sa relasyong lalaki sa lalaki. Na karamihan ng mga bakla ay lumalandi pa rin kahit may karelasyon na kaya hindi sila siniseryo sa relasyon… mga ganyan, fwend. Alam ko iyan. Kaya don’t worry. ako na ang bahala kay Aljun. Magpromise ka lang na wala nang bawian, safe na safe siya sa akin,” ang pabiro niyang sagot.
“Ok ang ginawa mo, Fred. Naapreciate ko. Salamat.”
“Anong salamat ka d’yan? Hindi iyan ang kailangan ko. Magpromise ka na hindi mo siya babawiin sa akin!” ang biro pa rin niyang sagot, ang mga mata ay may bahid na pananakot.
“Promise!” ang sambit ko.
-----
Pinanindigan ni Fred na angkinin ang prize boy na napanalunan ko sana. Ngunit syempre, habang palapit nang palapit ang takdang araw na magsimula ang serbisyo ni Aljun sa kanya, ramdam ko rin ang excitement. Ewan ko rin ba kung bakit.
“Friend... bukas na raw magsimula ang serbisyo ni Aljun!” ang sabi ni Fred.
“O, e ‘di ok...” Ang casual kong sagot bagamat hindi ko rin lubos maintindihan ang aking nadarama. Natahimik ako nang bahagya. “So totohanin mo ang sinabi mong maliligo ka at dadalhin mo siya sa banyo upang magpahilod ka ng iyong likod?” ang tanong ko.
Binitiwan ni Fred ang isang nakakalokong ngiti, at may papikit-pikit pa ng kanyang mga mata. “Parang ganoon siguro. At pagkatapos namin sa banyo, habang pareho kaming nakatapis ng tuwalya, diretso kami sa kama at doon ay dadapa ako. Sabihin ko sa kanyang masahehin niya ako.”
“Ang landi-landi mo talaga! Magpakipot ka naman para hindi ka magmukang cheap!” ang sambit kong kunyari ay pinagalitan siya ngunit sa totoo lang, may inis talaga ako sa balak niya.
“Aba! Cheap na kung cheap. Tandaan mo, fwend, life is short! Kaya we need to enjoy wvery minute of it. Malay mo, bukas, matitigok na pala tayo, e ‘di saying itong chance. This will never come again kaya i-todo ko na!”
“Ang point ko, 365 hours pa ang serbisyo niya sa iyo. Pademure ka muna.”
“Eh, kung mamatay ako bukas, aber? E sinayang ko ang mamayang gabi?”
Hindi na ako nagsalita pa. Nagpailing-iling na lang.
“Eh, kung ikaw ba, ano ang gagawin mo sa first day ninyo?” ang tanong niya.
“Mag-usap. Alamin ang mga bagay-bagay sa kanya. Tanungin ko kung ano ang mga plano niya sa student council, mga projects, mga laro niya sa basketball at tennis. In other words, makipagkaibigan. Iyan naman talaga ang essence niyan, ‘di ba? Kasi kung gugulatin mo agad ng ganyang eksena, ang papasok sa isip niya tungkol sa iyo ay s*x lang ang hbol, hindi friendship. Ang friendship ay mas malalaim, mas tatagal, mas mahalaga. Kapag friendship ang ipinadama mo sa kanya na siyang habol mo, mataas ang respeto niya sa iyo. Ngunit kung libog lang, wala na kayong connectin after ng serbisyo niya sa iyo. Kaya kung ako ang nasa lugar mo, friendship na ako. Magtitiwala pa siya sa iyo. Malay mo, baka hahanap-hanapin ka niya pagkatapos ng serbisyo niya sa iyo upang muling makabonding…”
“Kasi naman, ikaw, walang pagnanasa sa kanya. Lalaki ka eh. Naaattract ka sa babae.”
Tinitigan ko si Fred. Iyong may pahiwatig, ang laman ng isip ay may gustong sabihin sa kanya, “Naaattract din naman ako sa kanya eh. Konti.”
“Eeeeeeeeeeee!!!” ang biglang pagsigaw ni Fred na tila nababasa ang nasa aking isip. Kinilig.
“Ano?” ang tanong ko.
“Alam ko ang titig na iyan eh. Ayiiiiiiii!”
“Baliw! Wala akong pagnanasa sa iyo!” ang sambit ko.
“Sa akin, wala!”
“Ulol!”
Tawanan.
-----
Lampas alas 7 na ng gabi iyon, nasa flat ako. Hanggang 6:30 ng gabi lang kasi ang pasok ko from Monday to Friday. Nag-iisa lang ako sa inuupahang flat. Medyo maselan kasi ako pagdating sa mga makakasama. Kaya imbes na sa dorm, buong kuwarto ang ni-rent ko. May sariling banyo at kusina, may maliit na sitting room may isang kama. Bagamat may kaliitan ang flat, may privacy. Tamag-tama lang iyong para sa akin. At ang maganda sa aking napiling flat ay walking distance lang ito mula sa unibersidad.
Alam kong sa gabing iyon magsimula si Aljun sa kanyang serbisyo kay Fred, pagkatapos ng oras sa school. Hindi tuloy maiwasang pumasok sa aking isip ang maaaring ganap sa boarding house ni Fred. “Itinuloy kaya ni Fred ang paliligo nila sa banyo?" “Nagpamasahe na kaya siya?” “Pumayag kaya si Aljun na imassage niya si Fred?” ang mga tanong ng isip ko.
Upang malimutan ko ang mag-isip sa kanila, nilinis ko na lang ang buong flat ko. Sa paglilinis ko ibinuhos ang aking panghihinayang at kaunting selos na nadarama.
Natapos na akong maglinis at nakapaligo na rin. Naka-shorts lang ako, walang damit pang-itaas at handa na sanang matulog nang sa hindi inaasahan ay biglang may nagdoorbell.
Dali-dali kong kinuha ang towel at isinabit ito sa aking balikat. Tinumbok ko ang pintuan upang buksan ang pinto. Laking pagkagulat ko nang ang tumambad sa aking mga mata si ay Aljun! Nakaputing polo shirt, siya, itim ang pantalon na butas-butas. At ang hindi ko inaasahan ay ang mga malalaking bulaklak na kanyang dala!
“Ay... sorry pare!” ang bigla niyang nasambit nang makita ako sa aking postura. Kahit papaano kasi ay naggi-gym din ako kaya may maipagmamalaki ding porma ng katawan. “Nagkamali yata ako ng pindot ng doorbell. Mali siguro ang naibigay sa aking address!” ang dugtong niya, ang mukha ay naguluhan.
“Bakit bro? Saan ka ba sana pupunta? ‘Di ba ikaw ang prize boy ng paraffle ng CG Inc?” ang sagot ko.
“Ako nga pare. At magsimula na ngayon ang aking serbisyo...”
“Ahhh!” ang sagot ko. “Kay Fred ka magserbisyo, kaibigan ko siya!”
“Saan ba siya nakatira?”
“Sa kabilang kalsada, patungong north mula sa main entrance ng unibersidad.”
Hindi agad nakasagot ni Aljun. Napakamot siya sa kanyang ulo. Halatang naguguluhan. “Fred?” ang sambit niya na kumunot ang nuo. “Siya ba iyong matangkad at kulot ang buhok? Lalaking-lalaki ang pangangatawan ngunit maliit ng boses at madaldal pa?” ang tanong niya sa akin.
“Oo, siya nga iyon!” ang sagot ko.
“Eh, siya rin ang nagbigay sa akin ng address na ito eh!”
“G-ganoon ba? Paano nangyari iyon?
“Hindi ko alam… basta ang sabi niya ay Jun daw ang magiging master ko at nasa address na ito. Heto, ibibigay ko raw ito sa iyo,” hinugot niya ang isang papel mula sa kanyang bulsa. Iniabot iyon sa akin. “Ikaw si Jun, di ba?”
Tumango ako.
“Para sa iyo ang sulat na iyan, pare.”
Bagamat naguluhan ay binuklat ko ang sulat at binasa. “Dear Fwend. Biro ko lang na ako ang magpaserbisyo sa prize boy, mo. Kahit sinabi mong ayaw mo, alam kong kahit papaano ay na-excite ka rin. Amoy kita, fwend. At syempre pa, binili ko ang ticket na iyon para sa iyo. At dahil d’yan, iyo talaga iyan. Pangalawa fwend, alam kong galing ka sa mayamang pamilya at over-protected ka. Kaya limited ang experience mo sa buhay, pati kaibigan ay ako lang yata ang nag-iisa sa school natin. Gusto kong lawakan mo ang iyong horizon sa buhay. Pangatlo… ah huwag na lang pala. Let your experience with Aljun decide na lang kung ano man ang pangatlo. Basta fwend, nandito lang ako. Good luck sa experience mon a ito! –Fred.”
Tinupi ko ito at isiniksik sa aking bulsa. Nangingilid ang aking mga luha sa sakripisyong ginawa ni Fred para sa akin. Noon lang ako nakaranas ng ganoon ka mapagparayang kaibigan. Kung naroon lang sana si Fred sa aking harapan sa sandaling iyon ay nayakap ko na siya. “Napakabait ng kaibigan ko,” sa isip ko. Binitwan ko na lang isang malalim na buntong-hininga. Nang sumagi sa utak ko ang kanyang sinabi. Bigla rin akong napangiti. Siya pala ang dapat hirangin na Santo ng mga paminta.
Nang ibinaling ko ang aking tingin kay Aljun, nagulat naman ako. Nakatitig lang pala siya sa akin simula ng binabasa ko ang sulat.
Binitiwan niya ang isang napakamapang-akit na ngiti. “Flowers for you, Boss…”
(Itutuloy)