By Michael Juha
getmybox@hotmail.com
-----
Dali-dali kong hinawakan iyon habang ang kabilang kamay ko ay patuloy pa rin sa pagpupunas sa mabalahibong parteng paanan nito. Parang gusto ring magwala ng aking isip habang hawak-hawak ko ang matigas at pumupintig-pintig niyang sandata. Mataba ito, at may habang nasa halos mahigit 6 na pulgada.
Ramdam ko ang udyok ng aking isip na itaas-baba ang aking nakahawak na kamay sa kanyang ari.
At iyon ang aking ginawa. Ang sarap ng aking pakiramdam habang ginagawa ko iyon. Napahinto ang aking isang kamay sa pagpunas at doon na nakasentro ang aking isip sa pagtaas-baba ng isa kong kamay sa kanyang ari. At lalo pa akong nag-init nang mapansing marahan niyang sinabayan ng pagindayog ang pagtaas-baba ng aking kamay sa kanyang harapan.
Ngunit wala pang 30 segundos, bigla siyang umungol atsaka dumapa.
“Wow! Bad trip!” sigaw ng isip ko. Napatigil ako. Syempre, hindi ko na maabot pa ang kanyang p*********i na naipit. At hindi ko rin alam kung gising ba ang diwa niya at hindi niya nagustuhan ang ginawa ko, o baka rin ang pagdapa niyang iyon ay dala ng kanyang hilo.
Nalito ang isip ko. Gusto kong manuntok. Hindi ko maintindihan kung bakit nakikiliti ako sa ginawa ko, dagdagan pa ng hiya sa sarili at guilt dahil hindi ko matanggap na may ganoon akong naramdaman.
Para rin akong binatukan sa bigla niyang pagdapa, natauhan, at bumalik sa tamang pag-iisip. Pilit kong itinaas uli ang brief niya, inayos, iwinaglit sa isip ang init na naramdaman.
Tinapos ko ang pagpunas kanyang katawan. Binalutan siya ng kumot. Pagkatapos ay ibinalik ko ang maliit na palanggana at tuwalya sa kusina. Dumiretso ako sa shower. Naligo, at doon ay ipinalabas ko ang tinitimping kakaiba at nakakakiliting init sa aking katawan...
Bumalik na ako sa higaan at tumabi kay Aljun. Naka brief lang din ko, walang damit pang-itaas. Hindi kasi ako sanay matulog na may damit sa katawan. Dahil queen size naman ang kama ko kaya maluwag pa rin ito kahit dalawa kaming nagtabi.
Hindi ako mapakali habang katabi ko siya. Hindi ako dalawin ng antok. Nagpabaling-baling... Tatagild sa kaliwa, tatagilid paharap sa kanya, titihaya... babalik na naman sa pagtatagilid, iuunat ang mga paa, ang mga kamay, iniisip kung idadantay ko sa kanyang katawan ang aking paa, o tatagilid sa kanya at yayakapin siya...
Wala... Inatake ng matinding insomnia at pagkatuliro ang aking utak. At ang kalampag ng aking dibdib, nakabibingi.
Maya-maya ay nagulat na lang ako nang siya mismo ang tumagilid paharap sa akin. Idinantay niya ang isa niyang kamay sa aking dibdib habang ang isa niyang paa ay idinantay din sa ibabaw ng mismong umbok ng aking p*********i!
“Waaaaahhhhh!!!!!!” ang sigaw ng utak ko. Hindi ako gumalaw. Hindi nagpahalata.
Dahil sa pagtagilid niya, ang kanyang mukha ay halos madampi na rin sa aking leeg. Dinig na dinig ko pa ang kanyang paghinga at naaamoy ko ang alak na galing sa kanyang bibig.
Pinagmasdan ko siyang maigi kung gising ba siya. Ngunit nakapikit ang kanyang mga mata na tila himbing na himbing, tila isang musmos na napakainosenteng tingnan ang kanyang mukha.
Iginalaw ko ang aking kaliwang braso upang isingit iyon sa ilalim ng kanyang ulo. Noong naisiksik ko na ito, bahagya naman niyang inangat ang kanyang ulo upang bigyang daan ang aking braso. Gising ba siya o unconscious lang ang pagpaubaya niyang isingit ang aking kamay sa ilalim ng kanyang ulo? Ngunit ang katanungang iyon ay nagpadagdag lamang sa aking pagkatuliro. Ngunit may dalang tuwa pa rin ito sa akin...
Para kaming mag-asawa sa aming posiyong iyon sa higaan. Inilingkis ang isa niyang kamay sa ibabaw ng aking dibdib, ang paa niya ay nakapatong sa umbok ng aking p*********i samantalang ang aking braso ay ginawa niyang unan. Ang sarap sa pakiramdam!
Hindi ko mapigilan ang sariling hindi tigasan. Gustong kumawala ang aking p*********i na dinaganan ng kanyang paa. Subalit himbing na himbing siya. Hindi niya dama ito.
Iyon na ang huli kong natandaan.
Alas 7:00 ng umaga nang magising ako. Nasa ganoon pa rin kaming posisyin ni Aljun. Himbing na himbing pa rin siya. Tinitigan ko ang kanyang mukha. Na-mesmerize na naman ako. Napaka-guwapo talaga niya. Ang ganda ng kanyang mga kilay kung saan ay mistulang ang bawat hibla ng buhok dito ay isa-isang inaayos upang maporma ang isang linyang nagpapatingkad sa ganda ng kanyang mga mata.
Muli na namang nag-init ang aking katawan. Subalit bago pa man ako alipinin muli ng matinding libog, ako na ang gumawa ng paraan. Dahan-dahan akong bumalikwas sa higaan, nagsuot ng short, hinayaang nakahubad ang pang-itaas na katawan at dumiretso sa kusina.
Kumuha ako ng hotdog sa refrigerator at ipinirito ang mga iyon. Nagprito na rin ako ng itlog. Isusunod ko na sana ang pagprito ng kanin noong may narinig ako mula sa aking likuran, “Ako na ang magpatuloy niyan, Boss...”
Napalingon akong bigla. Gising nap ala siya. “Syetttt!” ang sigaw na naman ng isip ko. Nakabrief lang siya at bakat na bakat ang malaking bulol sa kanyang harapan. Marahil ay tinigasan din siya habang nagising at hindi pa ito humupa. Napakaganda ng kanyang tindig, hunk na hunk at perfect ang proportion ng kanyang katawan. Nakakalibog!
“Huwag mo akong titigan boss! Matutunaw ako niyan!” ang sambit niya noong mapansing tila nag-freeze ako at natulala na nakaktitig sa kanya.
“G-ginulat mo ako ah!” ang sambit ko na lang. “Kanina ka pa ba riyan?”
“Ngayon lang, kagigising ko lang po. Naamoy ko ang niluto mo at nahiya naman ako na ako itong slave at nagluluto ang aking master. Sorry…” ang sambit niya sabay bitiw ng isang hilw na ngiti. “Nagulat pala kita.”
“Ok lang… akala ko kasi may multo,” ang biro ko. “Kumusta naman ang kalasingnan mo?”
Muli siyang ngumiti ng hilaw. “Pasensya talaga, Boss. Nakakahiya. H-hindi ko kasi natantiya ang lakas ng tama ng black label mong alak. First time kong makatikim ng ganoon.”
“Ang drama mo naman! Okay lang iyon, ano k aba!” ang sagot ko. “Pero wala ka bang hangover?
“Masakit ang ulo at katawan ngunit ok lang. Kaya ko pa naman,” ang sagot niya. “Ako na riyan. Maligo ka na,” ang paggiit niya. Tinumbok niy ang kaldero at sinandok ang laman niyon, inilagay sa malaking bandihadong naihanda ko na.
“Ako na...” ang pagtutol ko. “Ikaw na muna ang maligo. Hintayin mo na lang na matapos ako sa paghanda ng almusal atska sabay na tayong kumain. Malapit na ito.”
“Hindi. Ako ang dapat gumawa nito para sa iyo, e. Bahagi ito ng assignment ko,” ang pagtutol din niya.
“No-no-no-no-no! Hindi ito kasali sa schedule. Bisita kita ngayon. Remember? Sa gabi ang duty mo sa akin. At huwag mong kaltasan ang oras mo sa akin! Malilintikan ka!” ang biro ko sabay hablot sa bandehadong hinawakan na niya.
Natawa na lang siya ngunit hindi pa rin binitiwan ang bandihado. “Ako na nga ang magprito eh!” ang giit pa rin niya.
Kaya hinila ko ito. “Ako na nga, sabi. Akin na ‘to!” ang matigas kong sabi.
Ngunit nagmatigas din siya. Hinila rin niya ito. “Hindi nga! Ako na ang gagawa nito, Boss!”
Kaya ang resulta, nag-hilahan kami.
Hanggang sa biglang, “Oppsssss!!!” ang sigaw ko. Nadulas ako.
Dali-dali rin niya akong sinalo. Napayakap siya sa akin at pareho kaming bumagsak sa sahig, nakatihaya siya at habang ako naman ay nakapatong sa katawan niya. Lapat na lapat ang parehong hubad naming pang-itaas na katawan. Ramdam ko ang ang init ng kanyang katawan, at halos ay naririnig ko ang kabog ng kanyang dibdib.
Gusto kong matawa ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Nakikita ko kasi ang mga mumo ng kanin na nagkalat sa sahig at sa mga katawan naming. Pati ang mukha at buhok niya ay mayroon nito.
“Ikaw kasi eh.. ang kulit mo!” ang paninisi ko pa, naggalit-galitan.
“At ako pa ngayon ang makulit? Ikaw nga itong ayaw paawat e! Kung hinayaan mo na lang sana ako, hindi sana nasayang ang pagkain!” ang sagot din niyang pakiwari ko ay naggalit-galitan din.
“Eh, paano na yan? Wala na tayong pagkain?”
“Eh, ‘di pulutin natin. Tayong dalawa lang naman ang nakaalam eh. Pero magpanggap na lang tayo na wala tayong nakita at hindi natin alam,” ang sambit niya habang tinitigan ako, ang kanyang bibig ay halatang pinigilan para sa isang tawa.
Doon na ako bumigay ng tawa. Doon na rin niya binitiwan ang kanina pa ay pilit niyang pinigilan na isang malakas na tawa.
Humantong ang lahat sa titigan. Tahimik. Isang minuto, dalawang minuto, tatlong minute kaming nagtitigan.
“Shiitttttt!” ang sigaw ko na naman sa aking sarili. Para akong matunaw sa kanyang mga titig. “Huwag mo akong akitin, tangina ka!” ang sigaw ng aking isip. Iba kasi ang titig niya. Parang may malalim na katanungan, parang may ibig ipahiwatig na hindi ko mawari.
Ngunit ako ang unang bumasag sa aming titigan na iyon. Hindi ko kinaya. Umalipin sa aking sistema ang matinding hiya, at guilt na baka mapansin niya na may kakaiba sa aking titig, lalo na’t may ginawa ako sa kanya nang nakalipas na gabi. Sariwang nakatatak pa rin iyon sa aking isip. “Bakit ganyan ka kung makatitig?” ang tanong ko na lang. At ako pa talaga ang nangonsiyensya sa kanya.
“W-wala...” ang sagot niyang nakangiti.
“Anong wala? Kung wala nga, bakit ka nakangiti?”
“Bakit? Ipinagbawal mo bang ngumiti ako?”
“Hindi! Pero bakit ka ngumiti? Mayroon bang something? Alam kong mayroon eh!” ang giit ko.
“Okay. Mayroon nga...” ang pag-amin din niya.
“Huh!” sa isip ko lang. Baka kasi tinablan siya sa titig ko at magpahayag na crush niya ako. “A-ano iyon?” ang sagot ko. Parang may excitement akong nadarama.
“W-wala ka bang balak na umalis d’yan sa pagkakadagan mo sa akin? Okay lang naman kung pumatong ka riyan sa ibabaw ngkatawan ko pero kumain muna tayo, Boss. Nagugutom na ako, eh,” ang pabiro niyang sabi.
“Toinks!!!” ang tunog na tila bigla kong narinig sa aking utak. Feeling ko ay pulang-pula ang aking pisngi sa hiya. Oo nga naman pala. Ang buong akala ko ay nakyutan na siya sa akin sa nang dahil sa aming pag-a-eyes-to-eyes. At ang nasagot ko na lang ay, “Ay... sorry!” At nagmamadali na akong tumayo.
Biglang bumulusok ang excitement meter ng aking puso.
Pinulot na lang namin ang kanin na nagkalat sa sahig, pati iyong sa mukha at buhok niya. Ibinalik namin sa sa bandihado. Hinayaan ko na rin na siya ang magprito sa kanin habang ako ay naghanda sa lamesa.
Parang hindi ako makapaniwala sa mga pangyayari. Nanibago ako sa routine, at syempre, sa nangyaring iyon. Kung dati ay nag-iisa lang ako at pabalikbalik ang routine, kontento na ako. Ngunit sa araw na iyon, tila hindi lang ako kontento kundi may dulot pa itong extra saya at excitement.
“Ang sarap pala ng mga pulot na kanin at ipinirito ano?” ang biro niya noong kumakain na kami. Hindi pa rin kami nakadamit, siya ay naka-brief pa rin. Cowboy ang dating. Parang mga barakong gutom na gutom at walang paki sa mga pormalidad sa hapag kainan. Pati ang mga paa namin ay nakaangkas sa upuan. Kamayan pa sa pagsubo ng pagkain.
Nagmamadali rin kasi kami gawa nang may klasae ako sa umaga at siya ay may meeting sa mga school administrators sa alas 8:30.
Bagamat masaya ang setup namin pero sa loob-loob ko, kinabahan ako na baka natandaan niya kung ano ang aking ginawa sa kanyang p*********i sa nakaraang gabi at bubuksan niya iyon sa usapan.
At napunta nga ang topic namin sa nangyari nang nakaraang gabi. “Boss... sorry talaga kagabi ha? Ang totoo, hindi ako umiinom ng hard drink, e. Iyon pa lang ang pinakauna kong pag-inom, at dahil sa iyo. Akala ko kasi kaya ko, ang tindi pala ng epekto ng black label! Pasensya ka na talaga...”
“Ah... talaga? First time? Ibig sabihin niyan hindi mo na ako malilimuitan,” ang sagot ko na lang, bagamat may halong kaba akong naramdaman.
Natawa siya. “Paano ba kita malilimutan? Heto ang pinakauna kong maging ‘slave’ at marami pang oras na bubunuin ko sa iyo.”
“Ako rin naman, eh. First time kong maging master. Ang sarap pala sa pakiramdam. Pero huwag kang mag-alala, mabait akong master.”
Tiningnan niya ang mukha ko at binitiwan ang isang pamatay na ngiti. Napa-“Shitttt!” na naman ako sa isip lang. Ang ganda kasi ng ngiti na iyon. Parang may dalang panunukso.
Tahimik.
Yumuko siya at ipinagpatuloy ang pagkain. “Nakakahiya iyong nangyari sa akin kagabi. Tapos ikaw pa ang nagpunas sa akin. Dapat ako ang mas matatag, ang nag-aalaga sa iyo,” ang pagbasag niya sa katahimikan.
“S-sandali…” ang pag react ko. Lalo kasi akong kinabahan sa kanyang sinabi. “A-alam mong pinunasan kita?”
“Oo naman. Hilong-hilo lang ako noon ngunit nahirapan akong makatulog. Umiikot ang aking paligid at latang-lata ang aking katawan.”
Muli akong natahimik. Sumagi kasi sa aking isip ang aking ginawa sa kanya sa gabing iyon, lalo na iyong paghawak at tangkang paglalaro ko sa kanyang p*********i. Hiyang-hiya ako sa aking sarili. Nakonsyensya. Ngunit hindi ko ipinahalatang kinabahan ako.
“Ba’t bigla kang natahimik?” ang tanong niya.
“Wala... may naalala lang ako,” ang sagot ko.
“Ah... Ok.”
Hindi na ako kumibo pa. Ayaw kong magpatuloy sa pagsasalita at mapunta ang usapan sa nangyari.
Natapos kaming kumain na hindi na rin siya nagsalita. Nauna siyang naligo habang niligpit ko ang aming kinainan.
“Dalian mo, late na tayo! Maliligo rin ako,” ang sambit nang matapos na akong magligpit at naroon pa siya sa loob ng banyo.
“E ‘di halika na! Sabay na tayo para makatipid sa oras!” ang sagot niya.
“Dalian mo na lang. Hihintayin kitang matapos!”
“Awts matagal akong maligo! Halika na! Ma-late tayong pareho! Huwag kang mahiya, Boss.”
“Ayoko nga, eh!”
“Bakit ka mahihiya? Pareho naman tayong lalaki?”
“Amffff talaga ng taong ito!” sa isip ko lang. Ngunit nagdadalawang isip man, pumasok na rin ako sa banyo. Ewan, hindi ko rin kayang labanan ang malakas na udyok ng aking isip.
Wala na akong nagawa kundi ang hubarin ang lahat ng saplot sa aking katawan. Pumasok na ng shower.
Noong nakita niya ang pagpasok ko, nagbigay daan siya para ako naman ang mabuhusan ng tubig. Pumuwesto siya sa gilid, kinuha ang sabon at ikiniskis iyon sa kanyang katawan.
Wala kaming imikan. Para kaming dalawang Adan sa aming postura. Tanging mga tilamsik lamang ng mga nagbabagsakang tubig mula sa shower ang maririnig. Tila hindi magkakakilala.
Maya-maya lang ay nagsalita siya, “G-gusto mo bang hilurin ko ang likod mo, Boss?”
Nabigla ako sa kanyang sinabi. Ang anyo ko ay nakayuko dahil sa hiya, kinukuskos ko ang aking buhok sa ilalim ng nagbabagsakang tubig sa aking ulo. Inangat ko ang aking mukha at tiningnan siya, sinadya ko talagang idiretso ang aking mga tingin sa kanyang mukha upang maiwasang masilip ko ang kanyang p*********i. “B-bakit?”
“Wala lang... master kita di ba? B-baka lang gusto mo lang...”
“Huwag na... nakakahiya,” ang sagot ko sabay balik uli sa pagyuko, kinuskos ang buhok, ang mukha, ang leeg, dibdib, tyan, harapan...
Nasa ganoon akong pagkukuskos ng katawan noong biglang naramdaman kong dumampi ang kamay niya sa aking likuran at marahang hinagod iyon.
Napahinto ako sa aking ginagawa, hindi malaman kung tututulan siya o hahayaan. At nagtagumpay ang udyok ng marupok na bahagi ng aking isip. Hinayaan ko siya at pinakiramdaman ang sunod niyang gawin.
Patuloy pa rin niyang hinagod ang aking likod. Ninamnam ko naman ang marahan ngunit nakakakiliti na paghagod ng kanyang kamay sa aking balat.
Maya-maya ay itinuloy ko na naman ang aking pagkuskos sa aking harapang parte ng katawan, nagkunyaring hindi ako apektado sa kanyang ginagawa.
Hanggang sa naramdaman ko na may sabon na pala ang kanyang kamay at sinimulang haplusin niya ang aking leeg.
Kinapa ko ang valve ng shower upang humina ang pagbagsak ng tubig at hindi mataggal agad ang sabon. Bahagya kong inangat ang aking mukha upang bigyang daan ang kanyang kamay sa pagpapahid ng sabon.
Habang ginagawa niya ang pagsabon sa aking leeg, naramdaman ko naman ang kanyang pagkalalaking dumadampi-dampi sa aking likuran.
Bumaba ang kanyang kamay sa aking dibdib at marahang hinahagod-hagod pa rin doon ang kamay niyang may sabon, paikot sa magkabilang umbok, paminsan-minsang nasasagi ng kanyang daliri ang aking u***g.
Nakikiliti ako sa kanyang ginawa. Sobrang sarap sa pakiramdam. Nag-iinit ang aking katawan. Para akong isang batang naliligo sa batis na unti-unting natangay sa malakas na agos.
Noong bumaba uli ang kanyang kamay sa aking tiyan, tigas na tigas na ang aking p*********i. Tinakpan ko ito ng aking kamay sabay salat uli sa valve ng shower upang palakasin na ang pagbagsak ng tubig.
At dahil sa magkahalong hiya at takot na makita niya ang tirik kong p*********i, nagmadali akong lumabas ng shower. “Tapos na ako! Late na tayo!” ang sambit ko nang makalabas na ako ng shower.
Alam ko nagtaka siya sa biglaan kong pag-alis. Ngunit wala akong pakialam. Grabe ang pagkalito ko. Nagtatanong ang isip kung ang ginawa ba niyang iyon ay upang paglaruan ako, akitin at may gusto siyang mapatunayan sa akin, o kina-career lang talaga niya ang role niya bilang “slave”. “Arrgggghhhh!” ang sigaw ng isip kong natuliro habang pinapahid ko ng tuwalya ang katawan. Tinumbok ko ang wash basin upang mag-toothbrush.
“Hindi ka pa nag shampoo ah!” ang sambit niya. Nakalabas na rin pala siya sa shower at kitang-kita ko siya mula salamin. Nasa likuran ko siya, nakatapis ng tuwalya. Napa-“Syeeetttt!” na naman ang utak ko. Ang pagkatapis niya kasi ng tuwalya ay sobrang baba na may kaunting bulbol na ang nakikita ko.
“M-mamaya na. Maligo na lang uli ako,’’ ang sagot ko. Hindi ko ipinakitang naapektuhan ako sa ginawa niyang paghilod sa aking likod.
Habang nasa ganoon akong pagmamadali, nagparinig siya. “Wala akong toothbrush...”
Nahinto ako saglit. Wala kasi akong extra na toothbrush. “Bili na lang tayo pagdaan natin sa tindahan,” ang sagot ko. Ngunit nang dinagdagan ko ng biro, “Kung gusto mo, itong sa akin na lang ang gamitin mo, pagkatapos ko.”
Ngumiti siya sabay sabi, “Huwag kang magbiro ng ganyan boss, papatulan ko iyang sinabi mo.”
“O, eh... ‘di patulan mo,” ang biro ko pa rin. Alam ko naman kasing hindi niya gagawin iyon. Sino bang loko-lokong gagamit sa toothbrush na ginamit na ng iba.
Kampanteng inilagay ko ang toothbrush ko sa lalagyan pagatapos kong magtoothbrush. Dali-dali akong tumalikod upang magbihis at maghanap na rin ng t-shirt at pantalon na susuutin niya dahil nasukahan nga niya ang mga iyon.
Ngunit laking gulat ko nang nilingon ko siya. Nasa kamay niya ang ginamit kong toothbrush at kasalukuyang nilagyan niya ito ng toothpaste!
“Hoyyyy! Bakit mo ginamit iyan? Ginamit ko na iyan!” ang sigaw ko.
“’Di ba iyan ang sabi mo? Master kita. Your wish is my command.”
“Tange! Ang sabi ko ay bibili na lang tayo sa labas. Atsaka biro lang iyong sinabi ko na gamitin mo iyan! Gumagamit ka ng ginamit ko na?”
“Why not? Hindi naman marumi ito, ‘di ba?” ang sagot niya
“Eh.. hindi naman sa ganoon...”
“Hindi naman pala eh. So anong problema? Ang toothbrush ay naging marumi lang kung ikinuskos mo ito sa lupa, o sa inodoro, sa putik... o sa puwet, ‘di ba?”
Hindi ako nakaimik sa logic niya.’’
“Ayaw mo yata eh...”
Natulala talaga ako sa inasta niya. “Ah! Bahala ka ah! Anlaki-laki mo na kaya,” ang sagot ko na lang. Pero sa isip ko ay napa-Ewwwwww! Talaga ako. “Gumagamit ka ba talaga ng kahit kani-kaninong toothbrush?”
“Ano sa palagay mo?” ang sagot niya habang ipinagpatuloy ang pagto-toothbrush.
Matalinghaga ang kanyang sagot kaya hindi ko na iginiit pa uli ang tanong na iyon.
“Ikaw, handa ka bang gamitin ang toothbrush kong ginamit na?” ang tanong naman niya.
“Ewwwwww!”
“So nandidiri ka?”
Hindi ako nakasagot agad. Tumawa ako.
“So, nandidiri ka,” ang giit niya habang tinapos ang pagto-toothbrush, nagmumog at humarap sa akin.
“Syempre ah. Ginamit mo na kaya. May laway mo na iyan,” ang sagot ko.
Ngunit sa sagot kong iyon, hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa. Bigla niyang hinawakan ang aking ulo at idiniin ang kanyang labi sa labi ko.
(Itutuloy)