Kawawang Siopao

3456 Words
By Michael Juha getmybox@hotmail.com ----- Dali-dali ko siyang hinabol hanggang sa mag pintuan. Binuksan ko ito. "So alam mo pala ang lahat all these time na may ginawa ako sa iyo noong una kang nalasing sa flat ko, and yet nagpanggap kang walang alam? Sa palagay mo ba ay hindi ako nasasaktan? Ganyan ka bang klase ng kaibigan? May alam ka ngunit itinatago mo ito? Ginawa mo akong tanga!" ang bulyaw ko sa kanya. Huminto siya at humarap sa akin. "Balak kong sabihin ito sa iyo. Ngunit nahanap lang ako ng tyempo. Ayaw kong sabihn sa iyo na basta na lang masaktan ka! Ayaw kong masaktan ka at iiwasan mo ako dahil doon. Kaya nagkunyari ako. Wala sa isip kong saktan ka. Hindi kita puwedeng saktan!" "Bakit sinabi mo ito sa akin ngayon!" "To prove my point sa allegation mo na lasing ako at hindi ko alam ang pinaggagawa ko!"   Para akong sinampal ng maraming beses sa aking narinig. "Kaya pala... kaya pala!" ang sigaw ko habang umiiyak. "Kaya pala ano?" "Kaya pala madali lang sa iyo ang halikan ako! Kaya pala tinutukso-tukso mo ako! Dahil pala alam mong may ginagawa ako sa iyo!" "Hindi iyan totoo. Hinalikan kita dahil gusto ko! Dahil gusto kita!" Ewan. Hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan sa kanya. Naroon pa rin ang galit ko sa kanya. Lalo kasi itong nagpatindi sa paniwala kong pinaglalaruan lang niya ako. Tila sinaksak niya ako nang patalikod. Sobrang sakit! "Lumayas kaaaaa!" ang bulyaw ko.   Bumalik ako sa loob ng aking apartment at nagtatakbo patungo sa aking kama. At doon ay humagulgol ako nang todo. Nang mahimasmasan ay tumayo ako at kumuha ng beer mula sa ref at uminom.    Pakiramdam ko ay may naghilahan sa aking isip. Matindi ang naramdaman kong sakit ngunit may panghinayang din sa paglayo ni Aljun. "Ganoon ba talaga siya? Laru-laro lang ba iyong nangyari sa amin dahil may alam siya sa akin?" ang tanong na hindi ko maiwaglit sa aking isip.    Bumalik-balik din sa aking isip ang eksena na kung nagkataong pumayag akong makipagsex sa kanya, laru-laro lang din pala ang mangyayari. At magiging bahagi na lang ako sa statistics ng mga taong natikman niya. Hanggang doon na lang, walang kahulugan ang lahat, no strings attached. At maging pang-ilan ako? Pang apatnapo’t isa? Apatnapo’t dalawa? Tatlo?    “Heto na ang sinasabi ko sa sariling huwag magpadala sa pag-ibig sa kapwa lalaki dahil siguradong sakit ng damdamin ang dala nito. Kaya tama lang ang ginawa ko na habang maaga pa ay puputulin ko na ang aming ugnayan,” ang bulong ko sa aking sarili.    Tinawagan ko si Fred na dali-dali namang pumunta sa flat ko. “Anong nangyari Fwend?” ang tanong niya.   “Tinapos ko na ang serbisyo niya sa akin. Pinaalis ko sya Fred. Sinigawan ko. Inaway ko.”    “Ha!” ang gulat na reaksyon ni Fred. “Anong sabi niya?”    “Gusto niyang pakinggan ko siya ngunit buo na ang isip ko.”    “Ang hirap naman ng kalagayan mo fwend.”    “Hindi ko alam ang aking gagawin.”    “Mahal mo siya fwend, huwag kang magdeny. Ipalabas mo na fwend para hindi maghirap ang kalooban mo.”    At sa salitang iyon ni Fred ay bigla na lang akong napahagulgol. Bumalik-balik kasi sa isip ko ang parehong tanong na paulit-ulit niyang iginigiit sa akin – na mahal ko na si Aljun. Ngunit hindi ko magawang aminin ito. Kaya dahil alam kong alam niya ang aking tunay na naramdaman hindi ko na napigilan ang sariling mapahagulgol.    Niyakap ako ni Fred. Sinuyo, hinaplos ang likod. “Mahal mo na siya fwend, 'di ba?” ang tanong uli ni Fred.    Wala na akong nagawa kundi ang tumango. Sobrang bigat na kasi ng aking naramdaman kaya parang hindi ko na kayang sarilinin pa ito.    “Alam ko naman iyan Fwend eh, matagal na,” ang sambit ni Fred. “Satanas talaga ang Giselle na iyan!” dugtong pa niya.    “Ano ba ang dapat kong gawin Fred?”    “Fwend… huwag kang mag-alala kay Aljun. Hindi problema iyon. Alam kong nasaktan mo siya ngunit kilala ko iyon. Babalik din siya sa iyo. Trust me. Ngunit may naisip ako sa parte ni Giselle fwend…” sabay bitiw niya sa pagyakap sa akin at tumayo na parang may biglang pumasok sa isip.    “A-ano?”    “May internet connection ka ba rito?” ang tanong niya.    “M-mayroon.” Ang pag-aalangan kong sagot. “B-bakit?”    “Mag online tayo at buksan ko ang bogus kong sss account,” Sambit niya.    Dali-dali kong kinuha ang laptop ko at noong makapag online na, binuksan nga ni Fred ang bogus na account niya na ang nakalagay profile ay sa babae. Ewan kung saan din niya nakuha ang profile picture niya at mga litratong akala mo ay totoong account talaga. “A-ano ang gagawin mo?” ang tanong ko.    “Manood ka lang.”    Sinearch ni Fred ang pangalang “Giselle Villanueva” at nang makita ang hinahanap na Giselle, napasigaw siya. “Bingo!”    Tiningnan niya ang mga pictures ni Giselle at kinilatis ang mga kaibigan nito, pinag-aralan at noong may napili, “Heto fwend… mukhang best friend niya kasi nand’yan palagi sa mga litrato niya at mukhang close na close sila. Tingann mo." Pinagmasdan kong maigi ang mga litrato ng nasabing babae na kasa-kasama si Giselle. "Di ba? Halos maglilips-to-lips na nga lang ang dalawa sa mga posing nila. Nahinto siya at tiningnan ang mga post ni Giselle. “Anne ang pangalan," ani Fred.    Klinick ni Fred ang profile noong Anne at hindi nga siya nagkamali. Galing silang dalawa sa parehong school at talangang confirmed na mag best friends.    “Hahaha! Online ang loka! Nice!” sambit ni Fred.    “Ano bang gagawin mo d’yan! Baka mahuli tayo niyan, nakakatakot iyang ginawa mo!”    “Huwag kang matakot fwend. Bogus naman itong account ko, e… Cool ka lang. Akong bahala. Hindi tayo mahuli.”    Nakipagchat si Fred, “Hi!”    Sumagot kaagad. “Hello! Pakilala ka please…”    Heto ang palitan ng chat nila:    Fred: Michelle ang name ko, best friend ni Giselle dito sa bagong university niya.     Anne: Talaga? Best friend ko rin siya eh…    Fred: Kaya nga nang makita ko ang mga pics nyo, agad ako nagmessage. Excited ako!    Anne: Talaga? Nice naman. Musta naman ang malditang friend natin?    Fred: Hayun… may problema sa lalaki.    Anne: Huh! Na naman???    Fred: Bakit na naman?    Anne: Matindi yan kapag umibig. Gagawin ang lahat! Walang paki kung sino ang masasagasaan! Yun bang, tipong spoiled na, "What Giselle wants, Giselle gets."    Fred: Talaga? Paano?    Anne: Ah, basta. Pero sana i-advise mo na lang sya na magbago na.    Fred: Kasi may pinapakisuyo na naman siya sa akin eh.    Anne: Hay naku! Alam ko na ang modus niyan. Huwag mong gawin!    Fred: Hah? Anong modus ba ang ginawa niya dati? Baka naman iba itong ipinagawa niya sa akin.     Anne: Ah basta. Huwag ko na lang sabihin, baka kakalat pa.    Fred: Ay sayang. I compare ko sana ang ipinapagawa niya sa akin at ang dati niyang modus sa lalaki niya. Para mapag-aralan ko at matimbang kung dapat ko bang gawin. Kasi kawawa rin ang friend natin, eh. Alam mo, hindi siya mapakali, hindi makakain, palaging iyong lalaki ang nasa isip at ikikukuwento sa akin. Minsan ay nakakapagod na. Kaya gusto kong tulungan sana Anne.     Anne: Haist! Na naman. Hindi na talaga iyan natuto.     Fred: Mabait naman ang lalaki eh. Bakit na naman ang nasabi mo?    Anne: I mean, seryoso ba talaga ang gagang iyon sa pinapagawa niya sa iyo? May milagro na namang gagawin? Lol!   Fred: Oo! Lol!    Anne: Goddddd! Grrrrrrr! Ano ba ang babaeng iyan! Walang kadala-dala sa lalaki!    Nag butt-in ako. Hindi ko kasi maintindihan kung matatawa o matatakot sa ginawang pagpapasakay ni Fred sa kaibigan ni Giselle. Kinakahaban ako na baka mabuking kami at lalong lumala ang sitwasyon. “Ano ba 'yang pinag-uusapan niyong pinapagawa?” ang tanong ko kay Fred.    “Tahimik ka lang d’yan! Hindi ko rin alam kung ano! Kakalkalin ko pa!” sabay tawa. “Behave ka lang d’yan malapit na tayong makabingwit ng impormasyon,” ang sagot ni Fred.    Kaya tuloy ang chat nila.    Fred: Paano naman kasi Anne… guwapo to the max ang lalaki!!!    Anne: Talaga???    Fred: At heto pa, president ng student council, dean’s lister, regional champion sa lawn tennis, magaling magbasketball, 6’2 ang tangkad. Sino bang hindi mababaliw sa ganyang lalaki?    Anne: Kaya naman pala eh. Ganyan ang mga type ng gagang iyan. Gwapo, matalino, matangkad, sports-minded.   Fred: Kaya hayan may balak na naman.    Anne: Ganoon na naman ang gagawin niya?    Fred: Oo ganoon na ganoon pa rin!    Anne: s**t! Ang babaeng iyan talaga o… Tsk! Tsk!    Fred: Kaya magpatulong sana ako sa iyo e.    Anne: Ano?    Fred: Sa paggawa noong ginawa din niya dati d’yan sa dating school niyo?    Anne: Ano ba ito...???    Fred: Sige na Anne. Please... Maawa ka sa best friend natin. Mababaliw daw siya kung hindi mapasa kanya si Aljun! Atsaka, kapag nagsucceed itong plano, syempre, i-credit kita na sa iyo ako kumuha ng idea! At Sasabihin ko kay Giselle na imbitahin ka kapag nagpaparty ito rito!   Anne: Ay bongga! At, itong guy, ha, Name pa lang ay cute na! Lol!    Fred: Kaya nga eh. Sige na Anne… please. Maawa ka sa friend natin.    Anne: Ano ba ang tulong na kailangan mo sa akin Michelle?    Fred: Yung tungkol sa...    Hindi na nakasagot agad si Fred. Hindi naman niya kasi alam kung anong modus ang ginawa ni Giselle sa dating school.    “Paano na yan? Hindi natin alam kung ano iyon?” ang bulong ko kay Fred.    “Oo nga eh. Kung babanggitin naman natin ang video at hindi pala iyon baka magdudang hindi ko pala alam...”    May message na namang lumabas galing kay Anne.    Anne: Tungkol sa anong tulong Michelle? Tell me kung ano ang maitutulong ko.    “Bahala na!” bulong ni Fred. At sinagot niya ang message ni Anne.    Fred: Tungkol sa paggawa ng video...    Anne: Ahh. Ok I’ll help kasi dati ako rin ang tumulong sa pag edit ng mga kuha.    “Bingo!” ang sigaw ni Fred na hindi na magkandaugaga sa sobrang excitement. Ako rin ay hindi mapigilan ang sariling matuwa.    Fred: Ang plano kasi namin ay imbitahan ang lalaki sa isang party kasi 'di ba tapos na ang birthday ni Giselle?    Anne: Huh! Anong tapos? Ang tagal pa kaya ng bday ng babaeng iyan. 6 months pa from now!    Bigla kaming nagkatinginan ni Fred. “Sinungaling talaga ang babaeng iyon!” ang sambit ni Fred.    Fred: Ah... g-ganoon ba? Anne: Oo. Umandar na naman ang kasinungalingan ng babaeng iyan! Fred: Ah. Lol! Ito talagang friend natin. Anyway, magpaparty siya uli at sa party na iyon ay doon niya yayariin ang lalaki. Pero ano ba ang gagawin?  Anne: Simple lang. Kapag nag-attend ang lalaki at iinom, lasingin ninyo. I kontsaba ang mga kaibigan niya. At kapag hindi nalasing painumin ng pampatulog. Pero i-set up na ang cctv sa kwarto. Mukha lang naman noong tao ang kailangang makita at kapag nakunan na ang mukha sa camera, ibang lalaki na ang gaganap sa s*x scene kunyari.”    “Hahahahaha! Huli ka!” ang sigaw ni Fred. Napangiti naman ako sa sobrang tuwa.    Nagtype uli si Fred.    Fred: Ok, ako na ang bahala sa camera at sa pag-edit. Pero puwede bang mahiram ang huli ninyong ginawang vid? Para may guide ako kung paano ang result, paano ang pag-present at pag doktor?”    Anne: Hmmm. Hahanapin ko pa Michelle eh. Pede bukas na?    Nagkatinginan uli kami ni Fred.    “Kapag bukas na, baka makatawag na o makatext na niya si Giselle at mabuking tayo,” ang bulong ni Fred. Nag type siya uli.    Fred: E... Anne, kasi wala na akong time. May presentation kami sa school bukas at ako ang in-charge sa event. Puwedeng ngayon na please? Hihintayin ko?    Anne: Ah, ok, ok. Hahanapin ko lang sa files ko ha? Baka nandito lang. Antay ka lang sandali.    Naghintay kami ni Fred. Parang gumaan na muli ang kalooban ko para kay Aljun at parang nagsisi ako sa mga masasakit na salitang binitiwan ko sa kanya.    Marahil ay napansin ni Fred na nakatunganga na lang ako. “Fwend... huwag kang mag-alala tungkol kay Aljun. Ako ang bahala roon. At siguradong kapag nalaman niya ang katotohanang ito, matutuwa din iyon.”    Binitiwan ko na lang ang isang pilit na ngiti.    Maya-maya, may lumabas na na message mula kay Anne.    Anne: Nakita ko, Michelle! May email ka? I send ko as attachment sa email address mo.    Fred: Waaahhh! Salamat ng marami Anne. Heto ang email ko. xxxyyyzzz123@y*******m    Alam kong hindi iyon ang official na email ni Fred. Isang bogus na email din niya iyon. Ginagamit lang niya iyon sa mga kabulastugan niyang gawain, mga lalaki ang tinutukoy ko syempre.    Anne: Copy. I’m sending it now.    Fred: Ok Anne, hintayin ko. Maraming-maraming super bonggang salamat talaga! You're an angel.     Anne: Ok. Reply ka na lang sa email ko kapag nakuha mo na. At may paalala lang ako. Mag-ingat kayo sa gagawin ninyo dahil iyan ang dahilan kung bakit na-kick out iyang si Giselle sa dating school namin at natanggalan pa ng korona bilang Miss University. Dahil sa s*x scandal na ginawa niya! Kaya kung maaari ay ayaw ko talagang gawin niya uli ang ganyan kasimasisira ang buha yniya. Please advise her at convince her na kung maaari ay huwag na lang ituloy. Kaibiganin niya na lang ang lalaki at who knows that from there, may mabuong relasyon, 'di ba? She should have already learned her lesson.     Fred: Kaya nga Anne, eh. Thanks talaga. Yes, I’ll advise her. Ako man ay may pagdadalawang-isip sa plano niya, kaya hinanap talaga kita. I'll do what you advised.    Anne: Ok Michelle. Salamat din. Ingat ka and give my regards to Giselle!    Fred: Ingat ka rin Anne. Salamat uli. Makakarating ang regards mo sa kanya and I'll keep you posted sa mga ganap namin.    Natanggap namin ang video na ipinadala ni Anne. Nang makita namin ito, halos pareho talaga ang modus. Nakahiga ang lalaki sa isang kwarto, lasing na lasing at iyon uli, may nagtalik. At ang mukha ng lalaki ay natatakpan din ng katawan at ulo ni Giselle.    Niyakap naman ako ni Fred at nagtatalon siya sa tuwa noong makita na niya ang kabuuan ng video. “Fwend... mission accomplished! May mga ebidensya na tayo at madidiin nito si Giselle sa kanyang kagagahan. At iprintout ko rin ang thread ng chat namin ni Anne. Hindi lang iyan, icheck ko rin ang record ng babaeng iyan sa dati niyang school kung saan ay pinatalsik siya dahil sa scandal na iyan!”    Tuwang-tuwa ako sa sipag at determinasyon ni Fred na ipursige ang pagdepensa kay Aljun. Doon ko napabilib kung anong klaseng kaibigan si Fred. Maluha-luha akong tiningnan siya. Ang laki ng pasasalamat ko sa kanya.   “Fwend, ginawa ko ito dahil sa iyo, for your information lang. Dahil inamin mo na mahal mo si Aljun kaya heto, handa kitang ipangtanggol at tulungan. At syempre, para kay Idol Aljun na rin. Ayaw kong masira siya nang dahil lang sa pakawalang babaeng iyan.”    Binitiwan ko ang isang pilit ng ngiti kay Fred. Niyakap ko siya. "Salamat," ang sambit ko.     “Ngayong alam kong mahal mo si Aljun...” sabay talikod at ang mga mata ay mistulang nagdideliryo at ang bibig ay hindi ma drowing sa pigil na pagtitili dahil sa kilig, ang mga kamay ay itinakip pa rito “...mangyayari na talaga ang Al-Gen love team! Yeheeeyyy!” Para siyang isang batang nagtatalon, kinikilig na 'di mo maintindihan.    “Atin-atin lang iyan Fred ah!”    “Sure! Sure! Trust me fwend... Ako ang number 1 fan ng love team ninyo at ako rin dapat ang presidente nito.”    “OA!” ang sabi ko na lang.      “Woi fwend, aalis muna ako sandali ha? Naalala kong may ipinapagawang project pala ang aking pamangkin. Pupunta iyon sa dorm ko. Pero babalik din ako kaagad fwend. Nagawa ko na kasi iyon at ibibigay ko na lang sa kanya. Ha? Hintayin mo ako!”    “O sige Fred. Maraming-maraming salamat talaga.”    “No problem fwend, all the time!”    Nang nakaalis na si Fred, ramdam kong gumaan ang aking pakiramdam. Pakiwari ko ay nabunutan ng tinik ang aking dibdib. Napagtanto ko na hindi naman pala ganyan kasama si Aljun. Sadyang salbahe lang si Giselle. Ngunit syempre, nakonsyensya pa rin ako sa nangyari. At nalungkot. Tuloy ay nanghinayang ako. Pero hindi ko pa lang alam kung paano manghingi ng sorry.    Dahil nakabukas pa ang laptop ko, sinubukan kong buksan ang website ng student council. Nalala ko kasi ang sinabi ni Gina na may welcome greeting daw si Aljun sa amin at matutuwa raw ako sa sinulat na greeting niya. Binasa ko ang nakasulat na greeting niya. “Hi Gener! Welcome to the university! Ikinalulugod kong i-welcome ka! Nakaka-insecure naman ang kapogi-an mo 'Tol! Sa dami ng nagwelcome sa iyo rito, siguradong natapyasan na ang aking mga fans (yabang!). Pero dahil pareho naman tayong pogi (gwarrrkk!) ok lang na lumipat sila sa iyo. Lol! Feel at home sa univ natin. If you need my help, I’ll be glad to be of service. TC! PS. I look forward na maka-bonding ka, kasama ang iba pang mga bago. -Your SC Pres, Aljun”    Napangiti naman ako sa nabasa. Syempre sa isang baguhan na sulatan ng message na ganoon, at galing pa sa president ng student council, parang wow! Mas lalo pa tuloy akong nalungkot at nagsisi sa pagsigaw at pag-alipusta sa kanya. “Ang sama ko!” ang bulong ko sa sarili. At muli ay hindi ko napigilang hindi mapaluha.    Mag-aalas 11 na ng gabi subalit hindi pa rin nakabalik si Fred. Naisipan ko na lang tuloy na pumasok na sa kwarto at maghanda sa pagtulog.    Nakahiga na ako sa kama at handa na sanang matulog nang may narinig akong ingay mula sa pintuan. Naramdaman kong binuksan ito. Dahil alam kong si Fred iyon, hinintay ko na lang na pumasok siya sa kuwarto ko upang hikayatin na lang siyang doon na namin ipagpatuloy ang kuwentuhan, at doon na rin siya matulog dahil gabing-gabi na.    Ngunit may 10 minutos na lang ang lumipas at hindi pa rin siya pumasok o ni magparamdam man lamang. Kaya kinutuban ako na baka masasamang-loob ang pumasok na iyon.    Bumalikwas ako sa higaan at noong nabuksan ko na ang pinto, laking gulat ko nang makita ang taong may masamang-loob sa harap ko.    Si Aljun! At hawak-hawak niya ang gitara -    Well you done done me and you bet I felt it, I tried to be chill but you’re so hot that I melted I fell right through the cracks, and now I’m trying to get back Before the cool done run out, I’ll be giving it my best test Nothing’s going to stop me but divine intervention I reckon it’s again my turn to win some or learn some I won’t hesitate no more, no more, it cannot wait, I’m yours... Pakiramdam ko ay gusto kong maglulundag sa tuwa sa pagkakita sa kanya at sa kanyang pagkanta sa akin.     “B-bakit ka nandito?” ang tanong ko nang matapos na siyang kumanta.    “Alam ko kasing hindi ka na galit eh…”    “Huh! Sinong nagsabi?”    “Si Fred. Sabi niyang puntahan daw kita dahil nalulungkot ka rito.”    “Si Fred talaga. Kakainis!” ang kunyari kong pag-aalburoto.    “At may sinabi din sya tungkol sa nadiskubre niya sa modus ni Giselle. Naniwala ka na… na wala akong ginawang masama?”    Tumango lang ako.    “Pasensya ka na sa akin ha?” ang sambit niya. At siya pa talaga ang nanghingi ng pasensya.    “Ako nga ang dapat manghinig ng sorry, eh. 'Di man lang kita binigyan ng chance na magpaliwanag.”    “Ok lang iyon. At heto,” sabay abot niya sa akin sa Completion of Service Report. “Hindi ko naman pinirmahan iyan, eh. Kaya walapang epekto iyan.”    Tiningnan ko siya. Binitiwan ko ang isang ngiti at tinaggap ang report.  Tinitigan naman niya ako at hinaplos niya ang aking pisngi. “Heto, pala may dala akong bulaklak para sa iyo…” tumalikod siya at dinampot ang bulaklak na nakalatag sa sofa. Inabot niya iyon sa akin.    Natawa naman ako at syempre, kinilig nang bongga. “Huwag mong sabihing may siopao uli?”    “Ha??? Paano mo nalaman?” ang sambit niya, sabay hugot ng isang siopao mula sa loob ng paper bag.    Hindi na ako nakapalag nang bigla niya akong niyakap at isinubo sa aking bibig ang siopao.    Kinagat ko ito. Kinagat din niya ang kabilang dulo ng siopao. At siguro naman ay alam niyo na kung ano ang sunod na nangyari sa kawawang siopao.    (Itutuloy) 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD