Selos Ng Kaibigan

3426 Words
By Michael Juha getmybox@hotmail.com ----- “May s*x video scandal na kumalat! Sina Aljun at Giselle!” ang pagklaro ni Fred sa kanyang sinabi.    “Hah! Paano nangyari iyon?”    “Ang sabi-sabi ay sa birthday party daw ni Giselle nangyari ito. 'Di ba nagpunta si Aljun doon? Baka iyon!"    Binalik-balikan ko sa isip ko ang paliwanag ni Aljun, doon sa parteng uminom siya at nalasing daw nang kaunti. Noon ko napagtanto na maaaring sa “kaunting” pagkalasing niya ay hindi niya ma-kontrol ang sarili na may gagawing hindi kanais-nais kay Giselle. Sumagi din sa isip ko ang pabiro niyang sinabing may 40 na raw ka babae siyang natikman at kapag ibinigay ng babaeng nagkakagusto sa kanya ang sarili, tatanggapin niya ito ng maluwag sa kalooban.    Ramdam ko ang pagsiklab ng poot ko sa kanya. “Sinungaling pala siya! Hindi mapagkakatiwalaan at walang paninindigan!” ang sigaw ko sa sarili.    “Nakapag-download ako ng copy fwend, nasa internet kasi... Tingnan mo o!” ang sambit ni Fred. Inabot niya sa akin ang kanyang cp.    Tiningnan ko ang unang bahagi ng tape. Si Aljun nga iyon. Nasa loob ng isang kuwarto, nakahigang nakatihaya at walang saplot ang katawan. Pati ang ari niya ay kitang-kita dahil walang nakatakip dito. At bagamat nakapikit ang kanyang mga mata, klarong-klarong si Aljun nga iyon, walang duda dahil ang camera ay naka-steady na paharap sa kanya at sa kisame naka-attach ito.    Maya-maya, pumasok na si Giselle, wala ring saplot sa katawan at kitang-kita ang malalaking boobs. Bahagya pang humarap at tumingin sa camera. Kaya walang dudang siya ang babaeng iyon.    Sumampa siya sa kama at pumatong sa ibabaw ng katawan ni Aljun. Sa eksenang iyon ay natakpan na ng katawan ni Giselle si Aljun ngunit kitang-kita ang kanilang paghahalikan. Mahigpit ang kanilang mga yakap. Nag-aalab ang kanilang mga halik na animoy uhaw na uhaw sa kamunduhan.    Hindi ko na nakayanan pang ipagpatuloy ang panunuod sa video. Hindi ko maaatim na makita si Aljun sa ganoong sitwasyon. Nasasaktan ako. Paarang paulit-ulit na sinaksak ang aking puso. Ibayong pagkaawa sa sarili at pagkalito ang aking naramdaman. At dahil dito, matinding galit ang nangibabaw sa sistema laban kay Aljun.    “Ayoko na Fred!” ang sambit ko sabay abot na kay Fred sa cp niya. Alam kong pinagmasdan din ni Fred ang aking reaksyon habang nanunuod ako sa video.    “Sorry Fwend ha. Ayoko kasing may itatago sa iyo e.” ang paliwanag ni Fred.    “Ok lang iyan Fred. Mas naapreciate ko ang ginawa mong pagsabi sa akin ng totoo. Kaysa sa iba ko pa malaman, magagalit naman ako sa iyo niyan. Tama ang ginawa mo para sa isang kaibigan. Kahit masakit, nabigyan mo ako ng impormasyon. Also, at least nalaman natin ang pagkatao niya. Isa pala siyang ahas. Traydor! Hudas!”    “Woi... huwag ka namang ganyan fwend. Huwag muna natin siyang husgahan. Baka may dahilan iyan. O malay natin, hindi pala si Aljun ang lalaki sa video.”    “Siya iyon, Fred. At kitang-kita naman, 'di ba? At para silang mga manyak na atat na atat sa pakikipagtalik!”    “Oo na. Siya na ang nakita natin sa video. Pero kahit na fwend! Kailangan pa rin nating marinig ang panig niya! Lalaki si Aljun fwend, at walang lalaki ang umaayaw sa isang magandang nakahubad na babae, lalo na kapag lasing ito,” ang giit ni Fred.    “Ganoon? Kaya kahit sino ay pwede na lang niyang patulan? Eh kung ganoon pala, dapat hindi na siya nagsalita pa na ayaw niyang pumunta roon. Hindi na rin sana siya nagsalita na hindi niya type ang babaeng iyon. Ano 'to, naglokohan lang ba tayo? 'Di ba parang ganoon?”    “Hindi naman siguro sa ganyan fwend. Ang ibig kong sabihin ay depende sa sitwasyon iyan. Kaya nga kailangan talaga nating pakinggan ang panig niya. Isipin mo fwend, guwapo si Aljun. Sikat, matalino. Maraming nababaliw na mga babae at bakla. Ang iba ay gagawin ang lahat upang makuha lang ang kanyang atensyon. Malay natin, baka sila ang gumawa ng paraan. Kaya kausapin mo siya nang maayos fwend?”    “Sorry talaga Fred. Ngunit hindi ko na kaya. At para ano pa? Action speaks louder than words. At ang sabi pa nga nila, a picture speaks a thousand meanings. Kung meanings ang picture, ano na lang ang sa video? Lahat ay nandoon na. Kaya ayoko nang marinig ang kung ano mang paliwanag na galing sa kanya. Sinungaling siya at pawang kasinungalingan lamang ang sasabihin niya sa atin.”    Tahimik. Siguro ay naramdaman ni Fred na seryoso ako sa sinasabi at na nanggalaiti ako sa galit.    “At gusto kong tapusin na ang serbisyo niya sa akin. Magiging libre na siya, Fred. Ayokong magkaroon ng isang kaibigang traydor!” ang dugtong ko pa.    Na siyang ini-react ni Fred. “Fwend naman. Huwag ganyan eh! Huwag padalos-dalos! Naintindihan kita, oo na. Masakit talaga ang ginawa niya. Pero sana naman fwend ay lawakan mo pa ang iyong pang-unawa. Basta ako, gusto ko pa ring marinig ang side niya.”    “Bahala ka Fred! Basta ako, nawalan na ng tiwala pa sa kanya. At desidido na akong huwag nang ituloy pa ang serbisyo niya sa akin.”    Tahimik uli.    “Fwend... may itatanong lang ako ha? Huwag kang magalit,” ang pagbasag ni Fred sa katahimikan.    “M-mahal mo na ba siya?”    Medyo tinablan ang kalooban ko sa tanong na iyon ni Fred. Ngunit deny-to-death pa rin ako. “Fred... una hindi ako bakla. 'Di ba ayaw ko ngang maging bakla? Pangalawa, granting na maging bakla ako, hindi siguro ako mai-inlove sa mga ganyang klaseng tao.”    “Fwend kapag tinamaan na ang puso mo sa pana ni kupido, hindi ka na makailag. Maaring makatakbo ka, ngunit hindi ka makakatakas fwend…”    Napatawa ako ng hilaw. “Ganoon?”    “At mabait naman iyong tao ah?”    “Hay naku, babalik na naman ba tayo sa issue? Walang isang salita nga, Fred. Walang bayag, did you not get it?”    “Ewan ko sa iyo fwend. Alam ko namang may naramdaman ka eh. Ayaw mo lang aminin. Hayan takbo ka nang takbo palayo sa kanya pero sa sinabi ko, in the end ay hindi ka pa rin makakatakas. But I understand you. Alam ko, isang araw, kapag hindi mo na kaya ang magkunyari, nandito lang ako.”    “Tado…” ang sagot ko na lang.    Iyon ang takbo ng aming pag-uusap ni Fred.    Kinahapunan, napag-alaman naming umiiyak at nagwawala raw si Giselle, nag-eskandalo sa student center. Galit na galit daw ito sa mga taong gumawa at nagpakalat ng s*x video nila. Ito raw ang narinig ni Fred na ingay ni Giselle at mga barkada niya. “Punyeta sila! Mga hayup! Ano ba ang makukuha nila sa pagpapalabas nila sa video na iyon?” ang wika ng nagsisigaw at nag-iiyak na si Giselle.    “Calm down bhest! Calm down! Walang mangyayari kapag ganyan ka!” ang sagot naman ng isang kaibigan.    “Paano ako magcalm down! They ruin my dignity! They invaded my and Aljun’s right of privacy! Bakit? Kahit na public figure si Aljun wala na ba siyang karapatang magkaroon ng privacy sa lovelife niya? Wala na ba kaming karapatang itago ang mga bagay na nararapat lamang para sa aming dalawa bilang magkasintahan?”    “Naintindihan kita bhest! Pero pwede ka namang mag-file ng reklamo ah upang mahuli ang mga promotor niyan!”    “Iyan talaga ang gaagwin ko! Para magkaalaman na kung sino ang mga inggiterang gustong umagaw kay Aljun sa akin! Punyeta sila! Mga tamaan sana sila ng kidlat, mga kampon ni Hudas!”    “At anong plano mo ngayon kay Aljun bhest? Ngayong alam na ng lahat na may nangyari nga sa inyo?”    “Iyan pa ang isang kinatatakutan ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ni Aljun! Mahhigpit pa naman niyang ipinagbilin na walang dapat makaalam sa aming relasyon!"    “Di ba pakasalan ka naman ni Aljun sabi mo?”    “Pag nagka-graduate pa daw kaming pareho eh! At matagal pa iyon!” at humagulgol uli. "Paano kapag nalaman ito ng daddy ko! Siguradong papatayin niya si Aljun kapag hindi niya ako pakasalan kaagad!” at nagsisisgaw na naman siya.   “Iyan ang narinig ko fwend na mga linya ng pag-uusap nila. Pero wala namang naniniwala fwend sa drama niya. At ang reaksyon ng mga estudyante? Scripted! Gumagawa lang daw ng eksena. At naninindig ang mga balahibo ko fwend sa narinig. Nasusuka ako, grabe. Parang gusto ko na siyang upakan!” Ang paliwanag ni Fred. “Pero di na ako sumingit kasi drama niya iyon. Baka masapawan ko siya, masira ang script niya!” ang dugtong naman niya sabay tawa.    “Basta... Wala akong pakialam. Bahala si Aljun sa buhay niya! Bahala sila sa buhay nila! Pinasukan ni Aljun iyan, lusutan niya! Iyan ay kung talagang hindi niya gusto ang nangyari. Malay mo, silang dalawa pala ang nagpakulo niyan,” ang sagot ko na lang.    “Grabe ka naman. Anong makukuha ni Aljun kung kasabwat nga siya sa pakulo na iyan? Hindi na kailangang gumawa pa ng eksena si Aljun fwend. Sikat na sikat na iyong tao, wala nang mahihiling pa kung kaguwapuhan, katalinuhan, at kasikatan ang pag-uusapan.”    “Malay mo, may iba pa silang motibo.”    “Sobra ka na talaga fwend. Matindi ang galit mo…” ang nasabi na lang ni Fred. Ngunit bumanat pa ito, “Ganyan daw fwend kapag nagmahal. The more you hate, the more you love”    Na bigla ko namang binara. “Gusto mo paduguin ko yang bunganga mo? Kakainis ka ah… lagi mong iginigiit iyan.”    “Biro lang po…” ang biglang pagbawi rin ni Fred.    Tahimik. Syempre, alam ko namang may katotohanan ang sinabi ni Fred bagamat ayaw ko lang itong aminin, dahil ayaw kong maging isang bakla. Ayaw kong masaktan dahil ang paniniwala ko ay kapag nasa ganoong relasyon ka, wala itong patutunguhan.    “Hindi ba natin siya tulungan fwend? Suportahan? Kawawa naman si Idol!” ang pagbasag ni Fred sa katahimikan.    “Hindi siya kawawa Fred. Nasarapan nga siya, di ba? Kitang-kita naman sa video, Sarap na sarap silang nagyayarian. Ngunit kung tutulungan mo siya, bahala ka. Basta ako, ayoko. Bakit? Nandoon ba tayo nang magsex sila? Kasali ba tayo? Nasarapan ba tayo sa ginawa nila? Sila ang gumawa ng kabulastugang iyan. Linisin nila ang mga kalat nila. Labas na tayo roon.”    “Ang taray naman nito...” ang naisagot na lang ni Fred. “Basta fwend, gagawin ko ang lahat upang matulugan ko ang idol ko, makalusot siya sa problemang ito, mabura ang dumi na ibinato ni Giselle sa kanya. Gusto kong mahuli talaga ang Giselle na yan na siyang pasimuno ng lahat. Gusto kong tulungang ma-redeem ang dignidad ng idol ko! At ikaw... upang hindi ka na magalit pa sa kanya. Alam kong maraming fans ang susuporta pa rin sa kanya at manindigan fwend. Tayo ba ay tatayo na lang sa isang gilid at manood? Mas kailangan niya tayo ngayon fwend!"    Ngunit hindi ako nagpapatinag. “Bahala ka…”    Pagakatapos naming mag-usap ni Fred, nagkanya-kanya na kami sa aming magkaibang klase. Sunod-sunod naman ang mga message alert sa cp ko. Si Aljun. “Boss... may video s*x scandal tungkol sa akin at kay Giselle, sana ay huwag kang maniwala rito.”    Tila umangat ang lahat ng dugo ko sa ulo noong mabasa ang text niya. Hindi ko ito sinagot.    May message uli. “Boss, magpaliwanag ako mamaya ha?”    Hindi ko pa rin sinagot ito. Ang naibulong ko na lang sa sarili ay, “Hudas!”    May message uli. Marahil ay napansing hindi maganda ang dating sa akin ng kanyang mensahe kaya hindi ako sumagot “Boss…?”    Nagtext din si Gina. “Jun, may kumakalat na s*x scandal nina Aljun at Giselle…”    Sinagot ko ang text ni Gina. At kagaya ng pananaw ni Fred, iyon din ang pananaw niya; na bigyan ng pagkakataong magpaliwanag si Aljun at suportahan namin ito dahil kaibigan namin siya at naniwala siyang may maitim na motibo laban kay Aljun ang pagpapalabas ng s*x video na iyon. At iyan daw ang dapat naming malaman kung sinadya ba ito o hindi at kung sinadya man ay bakit, at sino. Pero sinabi ko rin kay Gina na, “Bahala na si Aljun sa problema niya. Malaki na siya. Alam niya ang kanyang ginagawa. May kasalanan din siya. Kung matino siyang tao, hindi niya papatulan ang babaeng katulad ni Giselle na sa porma pa lamang ay alam mong hindi maaaring hindi gagawa ng kababalaghan.”    Nirespeto naman ni Gina ang aking pananaw.    Alas 6 ng gabi, ang schedule ng paghatid ni Aljun sa akin pauwi ng bahay. Actually, hindi ko na siya hinintay. Dumiretso na ako sa pag-uwi ngunit hinabol niya ako. Nang makahabol siya ay hinayaan ko lang siyang sabayan ako bagamat wala akong imik at tila wala akong kasabay. Parang hindi kami magkakilala. Sa kaloob-looban ko ay pilit na kumakawala ang poot na narmdaman. Gusto kong bulyawan siya, sumbatan. Ngunit nagtitimpi lang ako.    Nang makarating na kami sa flat ko, dumiretso siya sa kusina upang maghanda ng pagkain. Dumiretso naman ako sa loob ng kuwarto ko at tinumbok ang study table ko. Mula sa drawer ay hinugot ko ang kontrata ng prize boy ng paraffle. Binasa ko ang mga terms kung paano tapusin ang Kontrata. May naka attach na Completion of Service Report na siyang binanggit na pipirmahan kapag tapos na ang serbisyo. Pinirmahan ko ito.    Lumabas ako ng kwarto, hawak-hawak ang kontrata at completion of service report. Nang makitang nasa kusina si Aljun at nagsimula nang maghanda ng aming hapunan, hinarangan ko siya. “Doon ka na lang sa sala. Sa labas ako kakain. Simula ngayon ay tapos na ang serbisyoo mo sa akin! Tinapos ko na ito. Ok na ako,” ang sambit ko sabay abot sa kanya sa completion of service report.    Pakiramdam ko ay biglang may kumurot sa puso ko sa pagkasabi ko sa mga katagang iyon sa kanya. Simula nang dumating si Aljun sa buhay ko, iyon ang pinakamasakit na salitang binitiwan ko sa kanya. Nanatiling nakaangat ang aking kamay gawa ng hindi niya pagtanggap sa pinirmahan kong report.     Tiningnan ko ang kanyang mukha habang naghintay akong tanggapin niya ang report. Ang report kasi na iyon ay i-presenta niya sa CG, Inc group bilang katibayan na nakumpleto na ng prize boy ang kanyang serbisyo at wala na akong habol.    “Anong ibig sabihin niyan?” ang tila natulalang tanong niya, matigas ang boses at bakas ang galit sa mukha.   “Libre ka na. Pinirmahan ko na ang Completion of Service Report ng kasunduan natin upang marelease ka na sa servitude mo sa akin.”    “At sa anong kadahilanan at basehan?” ang tanong niyang tumaas na ang boses, nanatiling nakatayo at hindi pa rin kinuha ang report mula sa aking kamay.    “Gusto ko lang. Ayokong mainvolve sa isang taong sobrang sikat, ngunit sobrang controversial. Hindi ako sanay.”    “Iyan lang? At walang kinalaman dito ang video?”    “Oo, iyan lang.”    “Ganoon…” ang sambit niya, umiling-iling at halata ang pigil na galit na mistulang gustong manuntok ng tao. “Well, for your information, Mr. Gener Flandez, Jr., hindi ganyan ka simple ang paglease ng isang prize boy. If you release me, it must be because I have completed the required hours of service; not because you are angry with me.”    “Kung ganoon, ok, aaminin ko. Ang basehan ko ay ang kumakalat na video ninyo ni Giselle.”    “Ok… now you are talking. At naniwala ka naman sa nakita mong video?”    “Bakit hindi? Mukha mo naman ang nandoon, 'di ba? At para kayong mga hayok sa laman sa pagtatalik ninyo! Nakakahiya ka!”     “So iyan pala ang dahilan kung bakit gusto mo nang tapusin ang serbisyo ko sa iyo?”    “Oo. Bakit, hindi ba ito sapat na rason?”    “Sapat na rason? Nakita mo na ba ang katotohanan? Napakinggan mo na ba ang panig ko?”    “Hindi pa... Ngunit totoo man o hindi ang lahat, it doesn’t matter. At wala akong pakialam. 'Di ba ang purpose naman ng pagkaprize boy mo sa akin ay upang bigyan ako ng kasiyahan, upang matuwa at makuntento ako sa sirbisyo mo? Magkaroon ng peace of mind? Paano ako makontento, magkaroon ng peace of mind kung puro na lang problema ang dala mo? At pari akong tahimik na tao ay hinihila mo pababa, dinadawit sa kontrobersiya at kahihiyan, binibigyan ng sakit ng ulo!”    “Hirap naman sa iyo... imbes ipadama mo sa akin ang iyong suporta, ikaw pa itong unang lalayo huhusga sa akin. Ganyan ka ba talaga? Okay, huwag na nating isali ang pagkaprize boy ko sa iyo. Iyong pagiging magkaibigan na lang natin. Siguro naman ay naging magkaibigan tayo dahil ganyan ang turing ko sa iyo, dahil malalim naman ang pinagsamahan natin. Ganyan ka ba sa kaibigan mo? Hindi ka ba naaawa sa akin?"    “Paano ako maawa sa iyo? Ikaw naman itong naglagay ng sarili mo sa kapahamakan! 'Di ba sabi mo hindi ka pupunta sa tanginang birthday party ng babaeng iyon, nagpunta ka parin! Sabi mo nalasing ka lang ng kaunti, may milagro na palang nagaganap!” Napahinto ako ng sandali. “Sabagay... ikaw rin naman ang nagsabing kapag may nagka-crush sa iyo at ibigay niya ang kanyang katawan sa iyo, ay maluwag sa kalooban mo itong tatanggapin. Nalimutan mo na ba iyan? So sa sobrang pag-eenjoy mo sa kanya ay nalimutan mo na ang sinabi mong iyon sa akin!!!” ang dugtong ko.    Hindi siya nakaimik agad. Nilapitan niya ako at tinitigan ang aking mukha. "Kaibigan ba talaga ang turing mo sa akin, Boss?" ang mahinahon niyang tanong bagamat halata pa rin ang tinitimping galit.  "Kaibigan naman kita, ah! Ngunit hindi lahat ng kaibigan ay totoo. Hindi lahat ng kaibigan ay malinis ang hangarin para sa kaibigan. Kung kaibigan ang turing mo sa akin, hindi mo ako pagtaksilan!" “Kung ganoon ang pananaw mo, Boss, hindi kaibigan ang turing mo sa akin. Ang kaibigan, kapag nasangkot sa isang gawa-gawa lamang at planted na eskandalo upang sirain ang pagkatao niya, papanigan mo siya. Pakikinggan mo ang kuwento niya. Tutulungan mo siyang mahanap ang katotohanan at hustisya para sa kanya. Ngunit iba ang turiong mo sa akin. Nagseselos ka, boss...?”     Nagulat ako sa sinabi niyang iyon. Para akong hinataw ng masakit na katotohanan. Hindi ko kasi naisip na ang huli kong mga sinabi ay nakakapagduda na pala sa kanya. Ngunit dahil sa pride at galit ko pa rin kaya pinanindigan ko na ang pagdeny. “Hindi ah! Bakit ako magseselos? Ano ba kita?”    “Bakit ka nagagalit? Alam mo na ba ang totoong nangyari? Pinakinggan mo na ba ang kuwento ko?”    “Hindi ako nagagalit dahil sa selos, ok? Nagagalit ako dahil sinira mo ang tiwala ko sa iyo!”    “So parang wala lang pala sa iyo ang pinagsamahan natin? Sa ilang araw na nandito ako sa iyo, hindi mo pa rin ako kilala?”    “Talagang hindi kita kilala! Akala ko mapagkakatiwalaan ka! Akala ko ay mabait kang tao! Hindi pala! Naglalaro ka lang! Idinaan mo ang lahat sa paglalaro!” At hindi ko na napigilan ang sariling umiyak.    Sa pagkakita niyang umiyak ako, tinangka niya akong yakapin at amuin. “Boss, sorry. Hindi ko intensyon na sirain ang tiwala mo sa akin. Maniwala ka. Please…”    Ngunit iwinaksi ko ang mga kamay niya sabay sigaw ng “Ayoko naaaaaaaaaaaaaaaaaa! Umalis ka na pleaseeeeeeee! Ayoko nang makita ka pa dito sa flat kooooooo! Layasssssssss!”    Iyon lang. Nakita ko na lang ang pagpulot niya sa report na pinirmahan ko. Tuloy-tuloy na tinumbok niya ang pintuan na hindi man lang lumingon sa akin. Nang nasa harap na siya ng pintuan, lumingon siya at nagsalita. “Kahit ako nalasing sa time na iyon sa bahay ni Giselle, conscious pa rin ang pag-iisip ko. At masasabi kong walang nangyari sa amin ni Giselle! Sigurado ako.”    “Paano ako maniwala sa iyo!” ang sagot ko.    “Nalasing din ako dito sa flat mo. Lasing na lasing at nagsusuka pa. Hinubaran mo ako, pinunasan ang katawan. Sariwa pa sa aking isip nang hinawakan mo at nilaro-laro ang p*********i ko.” ang sambit niya, sabay talikod. Binuksan niya ang pinto at nang isinara niya ay halos mawasak ito lakas ng pagsara niya rito.  Tila sinampal ako nang maraming beses sa kanyang sinabi. Hindi ako nakapagsalita agad. Tila naalog ang aking utak at bigla akong nadisoriented. Hindi alam kung mahiya, ma-guilty, o magalit. (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD