By Michael Juha
getmybox@hotmail.com
-----
Tinitigan niya ang aking mukha. Marahang iginapang niya ang kanyang hintutrong daliri na parang iginuguri-guri – sa aking mata, sa ilong. Nang makarating na ito sa aking mga labi, bahagya niyang pinisil-pisil at nilaro-laro ang mga ito na halos ipasok na lang niya ang kanyang daliri niya sa loob.
Hinayaan ko lang sya. Ninamnam ko ang kanyang pangigigil.
Ibinaba niya ang kanyang daliri - sa aking baba, sa aking leeg. Bahagya kong inangat ang aking ulo upang bigyang-daan ang pagguguri-guri ng kanyang daliri. Napahawak ako ng mahigpit sa kanyang braso, ang isa kong kamay ay marahan kon inihaplos ko sa kanyang likod.
Hinayaan ko pa rin siya sa kanyang ginagawa, ang mga mata kong tila naalipin ng kanyang hipnotismo ay nakatitig lang sa kanyang maamong mukha, kung saan ay ang kanyang mga mata ay seryosong nakatutok sa aking mukha.
Patuloy pa ring iginuri-guri niya ang kanyang daliri. Ibinalik niya iyon sa aking mukha na para bang sinamsam ng sensasyon sa bawat pagdampi ng kanyang daliri sa aking balat habang ang bawat emosyon na nakaukit sa aking mukha ay pilit na inuukit din niya sa kanyang isip.
Pakiwari ko ay nag-uusap ang aming mga titig habang ang aming puso ay sabay na pumipintig at ang aming mga damdamin ay parehong nasasabik, nagnanasa, nagkakaintindihan. Parang nasa suspended animation ang lahat. Tila huminto ang pag-inog ng mundo, huminto ang aming paghinga, huminto ang pabugso-bugsong pag-ulos ng hangin na humahampas sa digding ng floating cottage at sa aming mga katawan.
Hanggang sa parang isang slow motion na unti-unting inilapit niya ang kanyang mga labi sa mga labi ko at nang dumampi na na ito, naramdaman ko sa aking balat ang init ng kanyang pagnanasa. Nag-aalab ang kanyang halik. Mapusok. Para akong isang nilalang na naalipin sa ilalim ng kapangyarihan ng isang napakaguwapong imortal at unti-unti niya akong nilulunod sa batis ng kaligayahan.
At habang sinasamsam ng mga labi at dila niya ang tamis ng paglapat ng aming bibig, ibayong sarap at kiliti naman ang aking naramdaman. Mistula akong nakoryente, mabilis ang pagkabog ng aking dibdib habang patuloy na nagsisipsipan at nag-espadahan ang aming mga dila.
Nabalot sa ingay ng aming mga ungol ang paligid, ang sentro ng aking isip ay siya at ang iba pang pilit na bumabagabag doon ay biglang natabunan.
Maya-maya ay hinubad na ni Aljun ang kanyang t-shirt at pagkatapos, hinila naman niya ang aking t-shirt upang matanggal ito sa aking katawan. At noong pareho na kaming walang pang-itaas na saplot, muli niya akong niyakap at siniil ng halik.
Para akong lumulutang sa ikapitong alapaap. Napakasarap ng aking pakiramdam habang dama ko sa aking balat ang init ng kanyang katawan at sa aking bibig ay dama ang kiliti ng pagsisipsip at paglunok nya sa aking laway na sinuklian ko rin ng pagsisipsip sa kanyang dila. Iyon na yata ang pinakamasarap na laway na natikman ko sa tanang buhay ko, ang laway ni Aljun.
Nasa ganoong sarap ang aking sinasamsam noong biglang naaalala ko ang pangako ko sa aking sarili na hindi magpadaig sa tukso. Bigla akong kumalas sa aming yakapan, na siya namang ikinagulat niya.
‘B-bakit? M-may problema ba?” ang tanong niya.
“A-ayoko Boss. N-antatakot ako.”
“A-ano bang problema? G-gusto naman natin ito, 'di ba?”
“Oo. Ngunit hindi lahat ng gusto ay tama. Hindi lahat ng pwede ay nakabubuti.”
“P-pero... O-ok lang naman sa akin e.”
“Hindi mo naintindihan boss. 365 hours ka lang sa akin. Pagkatapos ng 365, iba na ang lahat. Paano kung tuluyang mahulog ang loob ko sa iyo? Paano kung. matuto akong mahalin ka?”
“B-bakit? Mahal mo na ba ako?”
Hindi ako kumibo. Nanatili siyang nakatitig sa akin.
“A-ayokong sa unang pagkakataong magmahal ako, isang lalaki ang mamahalin ko, at lalo nang ayaw kong isang lalaki ang sisira sa aking puso. Ayokong maging isang bakla, at maranasang masawi nang dahil sa isang lalaki.”
Natahimik siya.
“Ikaw ba ay... kaya mo akong mahalin?” ang tanong ko.
Hindi siya sumagot.
“M-magiging kawawa naman ako boss kung sakaling hahanap-hanapin ko ang gagawin mo sa akin ngayon ngunit hindi na kita makikita pa dahil ang hinahanap-hanap mo ay iba. Paano naman ako? Paano naman ang naramdaman ko?”
“B-bakit? M-mahal mo na ba ako?” ang pag-ulit niya sa tanong.
“Hindi ko alam boss... pero namimiss kita kapag hindi kita nakikita.” Ang naisagot ko. “I-ikaw? Nami-miss mo rin ba ako?” ang tanong ko rin sa kanya.
“Oo naman. Pipiliin ko bang magbibirthday sa piling mo kung hindi kita na-miss? Gugustuhin ko bang sarilinin ka rito sa cottage na ito, sa ganitong oras ng gabi kung hindi ka mahalaga sa akin?”
May sayang dulot sa aking pagkatao ang kanyang sagot. Ngunit may mas mahigit pa ritong katotohanang nais kong malaman. “Mahal ba niya ako?” Iyan ang tanong na gusto kong malaman ang kasagutan. Ngunit hanggang sa isip ko na lang ang tanong na iyon. Wala pa akong lakas ng loob na itanong ito sa kanya.
Binitiwan ko ang isang malalim na buntong hininga. “A-ano ang nararamdaman mo kapag kasama mo ako?” ang tanong ko na lang.
“Masaya. Nalilimutan ko ang lahat ng problema."
“Bat mo naitangong na okay lang sa iyo kung may mangyari sa atin?”
“Wala lang. Baka gusto mo lang. Ang bait mo kasi sa akin. At nangigigil ako sa iyo.”
“Iyon lang iyon? Nangigigil? Hindi mo talaga siya gusto?”
“Gusto ko syempre. Nalilibugan ako.”
“Nalilibugan...” ang pag-ulit ko sa kanyang sinabi. “Ang libog kasi ay kusang umaatake. Manonod ka lang nga dalawang asong nagtatalik, malilibugan ka rin, diba?” dugtong ko.
“Oo naman. Pero hindi ko nanaisin na makikipagtalkik sa aso. Syempre hindi. I mean, ayaw ko.” Muli niyang hinaplos ang aking mukha. “Gusto ko sa iyo. Dahil gusto kita.”
Ngunit hindi pa rin ako nakumbinsi sa kanyang sagot. Gusto ko sanang sabihin na “Gusto mo ako, dahil nalilibugan ka...” Ngunit hinayaan ko na lang ito sa aking isip. "H-hindi pa ako handa sa s*x na sinasabi mo, Boss. Gusto kong sa babae ko ito unang maranasan. Gusto kong malaman kung hahanap-hanapin pa rin kita pagkatapos kong matikman ito sa isang babae.”
Natahimik siya ng sandali. “Naintindihan ko,” ang sagot niya.
At muli ay naglapat ang aming mga labi. Ngunit hanggang doon lang. Yakapan, halikan sa halos buong parte ng aming mga katawan.
Hanggang sa pareho kaming napagod. Nagtatawanan ngunit hindi pa rin maalis-alis ang mahigpit naming yakapan.
Sumikat ang letrang “G” simula nang maisiwalat ni Aljun na nagsimula sa ganoong letra ang first name ng kanyang crush. May mga nagpa-print talaga ng t-shirt na may tatak na, “My initial is G. someone’s got a crush on me.” Mayroon ding, “I’m Gwen. And I’m Aljun’s crush!” At ang pinagkakatuwaan ng mga kababaihan sa kanilang mga f*******: accounts ay ang pagpapalit ng initials ng kanilang mga pangalan, kagaya ng, “I used to be Yolly. Now, I’m Golly” or “Mercy to Gercy”, “Terry to Gerry”, “Helen to Gelen”, ang iba ay dinagdagan na lang ng... “Girly Rose”, or “Gorgeous Mary”.
At ang kumakalat na haka-haka ng mga estudyante sa campus na crush ni Aljun ay either si Giselle or si Gina.
Enter Maritess.
“Fwend! Fwend! Nakakalurkey talaga ang mundo ngayon! Di ko na maintindihan!” ang birit ni Fred noong magkita kami sa student center.
“Kinakabahan na naman ako sa iyo ha. Huwag kang ganyan. Puro sakit ng ulo ang dulot sa akin kapag ganyang may bahid na misteryo ang iyong pananalita.”
“Huh!” ang sagot ni Fred na nagulat. “Ang ibig sabihin Fwend, tumalab na siya sa iyong pag-iisip at hindi ka na makakain, hindi na makatulog, hindi makapagconcentrate? As in hindi na talaga siya maiwaglit sa iyong puso isip at damdamin? Iyong feeling na walang tulog ngunit hindi inaantok, iyong pakiramdam walang kain ngunit hindi nagugutom, o iyong pakiramdam na pabalik-balik ka sa CR pero wala namang lumalabas sa tumbong?”
“Puro ka katarataduhan e! Ano ba iyang sinabi mong hindi mo na maintindihan?”
“Woi!!! Aminin! Excited ka no?”
“Bakit? Tungkol saan ba 'yan at kailangan kong maexcite?”
“Tara! Punta tayong computer laboratory at tingnan natin sa university publication site ang mga kaganapan tungkol sa pamabansang crush at sa kanyang lihim na letrang ‘G.’”
"Bakit doon pa? May cell phone naman tayo."
"Malaki ang screen doon."
Pumunta nga kaming computer laboratory at noong mabuksan na namin ang site. Ganito ang mga nabasa ko. Ang headline, “A peek into the inner mind of Aljun Lachica, his secret crush, and that damn ‘G.’”
May mga kuwento roon tungkol sa naganap na surprise party para sa kanya, naroon din ang interview ng editor sa amin. At pati ang pagkanta namin ay naroon din! Grabe detalyado talaga, at ang daming views! May mga nag-download din ng kanta namin.
Dahil may clue nang ibinigay is Aljun na isang transferee ang crush niya, pinost ang mga pictures ng mga transferees na may initials na G at isa-isang itinabi ang mga ito sa litrato ni Aljun.
Una, ang tandem nina Aljun at Gina at mayroon itong caption na, “G as in Gina?”
Pangalawa ay ang tandem nina Aljun at Giselle at may caption na, “G as in Giselle?”.
Ngunit doon sa pangatlong tandem ako nawingdang dahil ang inilagy na litrato ay ang kuha sa stage kung saan kami ni Aljun ininterview at nakunan pala ang saglit na paghawak niya sa aking kamay! At ito ang caption, “Or... G as in Gener???” May tatlong question mark pa talaga!
“O ano??? 'Di naloka ka rin? At mas lalo ka pang maloloka rito. Heto tingnan mo ang result ng poll...”
Dali-daling tiningnan ko ang resulta ng poll nila. Aljun-Gina, 40%; Aljun-Giselee, 11%; Aljun-Gener, 49%.
“Woaaaahh!!! Bakit sila ganyan?” ang sigaw ko, hindi ko na napigilan ang mag-react at mapalakas ang boses.
“O, ang boses mo! Ang boses mo! Mas eskandalosa ka pa pala kaysa sa akin eh,” ang pigil na pagsasalita ni Fred.
Napalingon sa akin ang iba pang mga nagko-computer. “Eh... bakit ba kasi isinali pa ako riyan?”
“Anong magagawa natin kung gusto nila? At lalo nang wala tayong magagawa kung ang tandem ninyo ang gusto ng mas nakararami?” ang birit ni Fred.
“Hindi maaari iyan no! Ayaw ko nang ganoon!”
“Wow! Conservative ang drama! Hoy, fwend... Alam mo bang ang lahat ng mga conservative ay nasa kumbento na dahil ayaw nilang maging katulad ni Miss Tapia na hindi nakatikim ng masarap na talong?”
“OA ka naman. Ang sa akin lang, nakakahiya roon sa tao. Atsaka, iyong tao ay purely friendship lang ang pagtreat noon sa akin, kuya-kuyahan ko lang kumbaga. Wala nang iba kasi, may ibang mahal iyong tao?”
“May ibang mahal iyong tao? Talaga?” ang gulat na tanong ni Fred.
“Oo! At babae iyon!” ang sabi ko.
“Talaga?Sino? Sinabi niya ba sa iyo fwend?”
“Iyang mystery ‘G’ na transferee. Di ba alam naman ng lahat iyan?”
“Uy... kaw ha?” ang may pangungutyang turo sa akin ni Fred ang mga mata ay may bahid kalokohan at nakangiti. “Alam kong ikaw ang ‘G’ na iyan...” sabay tawa na halatang kinilig.
“Hindi nga ako iyan! Sigurado ako!”
“O sya... itatanong natin iyan kay Aljun.” Ang casual na sabi ni Fred sabay tayo at nagyayang lumabas na kami sa computer laboratory room.
Nasa student center kaming nakaupo ni Fred, nakayuko ako sa pagbabasa ng note ko noong biglang. “Hi Boss!” ang narinig kong boses.
Biglang napaangat ako ng ulo. Si Aljun at umupo sa tabi ko, pinagitnaan ako nina Fred.
“Wala kaming pasok sa Economics, may sakit pala ang professor namin kaya naisipan ko kaagad na pumunta rito. Alam ko kasing wala kayong pasok eh at dito kayo naglalagi. Kaya... surprise!” ang sambit niya sabay muestra ng pasorpresa ang mukha.
Hindi ako nagreact sa pasurprise niya. Bagkus ay nilingon ko si Fred na kinikilig sa narinig at tumawa nang patago. Sa inis ko, agad kong tinapakan ng pwersahan ang kanyang kaliwang paa.
“Arekop!” ang mahina niyang sambit.
“Ah... kumusta na ang master ko? Ok lang ba?” ang tanong uli ni Aljun.
At muli naramdaman ko na naman sa aking gilid ang tila naglupasay na si Fred, tinatakpan ng kamay ang bibig sa pigil niyang pagtitili.
At muli, tinapakan ko ang kanyang paa.
“O-ok naman ako boss. Ikaw? Musta ang araw mo?” ang sagot ko.
“Heto... Ok naman. Pero mas ok ngayon. Nakita kita.”
“Ayyiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii!!!!” ang sigaw na ni Fred, hindi na napigilan ang sobrang pagkakilig.
“Gago talaga!” sa isip ko lang sabay lingon sa kanya at bitiw ng nanggaliti na titig na sya naman niyang ikinayukyok na parang asong ang buntot ay nakatago sa ilalim ng kanyang bayag.
“Anong nagnyari Fred?” ang tanong ni Aljun kay Fred.
“Ah, e... nabasa ko kasi ang text ng kaibigan ko, tuwang-tuwa lang ako. Hehehe. Sensya na po,” ang pag-aalibi ni Fred.
“Ok. Lang yan bro. At oo nga pala, salamat sa pag-alaga mo sa master ko ha?”
“Ah, oo naman! Alam ko namang mahal mo ang kaibigan ko eh,” ang banat ni Fred na palihim ko namang kinurot na ang beywang sa pagkarinig ko sa kanyang patutsada.
“Hindi lang mahal. Mahal na mahal ko talaga iyan! Master ko iyan eh. Hindi ako papayag na may mangyaring masama riyan!” ang sagot ni Aljun.
Nilingon ko si Fred na palihim nang nagbi-beautiful eyes. Ansarap talagang sapakin. At marahil ay napansin niyang kailangan na niyang bigyan kami ng privacy, nagpaalam siya na pupunta ng CR. At habang naglakad siya papuntang CR, nagpagewanggewang pa at kumakanta ng –
Kay sarap ng may minamahal, ang daigdig ay may kulay at buhay
At kahit na may pagkukulang ka, isang halik mo lang limot ko na
Hindi ko alam kung sasayaw ako sa kanta niya o hahabulin siya at batukan. Pero ang totoo, ang laki ng ngiti ko sa sarili.
Nang kami na lang dalawa ang naiwan, nagkunyari akong nagbabasa ng aking notes. Hindi ko alam kung hiya ang naramdaman ko o pagkaasiwa dahil sa nangyari sa amin sa beach. Iyon bang hindi ako sigurado kung tama ba ang ginawa ko sa gabing iyon, o ang pagpapaubaya ko ay hindi ba nakaka-offend, o baka naman ay bumaba ang kanyang pagtingin sa akin, o may nagbago dahil binigo ko ang gusto niyang mangyari.
“Bakit wala kang kibo?” ang tanong niya. “Nandito naman ako.”
“Ay! Nandito ka pala?” ang biro ko na lang na medyo napahiya.
Natawa siya. Ngunit natahimik din. Tinitigan ang mukha ko.
“Bakit mo ako tinitigan ng ganyan?” ang tanong ko.
“Tinitigan ko lang ang mga labi ng kauna-unahan at nag-iisang lalaking nahalikan ko.”
Ewan ko ba. Parang natunaw na naman ako sa sinabi niya. Hindi makaimik, at pakiwari ko ay simputi ng papel ang aking mukha. Tila may poison na pumasok sa aking katawan at hindi ako makakilos. Hindi makahinga, at hindi alam kung ano ang isasagot. Mainsulto ba ako o kiligin sa narinig? Napayuko uli ako.
Nasa ganoon kaming, ewan kung masasabi iyong pagbobolahan o paglalandian nang bigla namang dumating si Gina. “Hi Jun! Hi Aljun!” ang bati niya, walang kamuwang-muwang sa namuong intimate moments namin ni Aljun.
Syempre, nag “Hi!” din kami. At naupo si Gina sa tabi ni Aljun, pinagitnaan namin.
Ewan... parang may isang sibat na biglang tumama sa aking puso sa pagkakita sa reaksyon ni Aljun na nandoon si Gina. Parang bigla siyang sumaya at pakiwari ko ay kay Gina na nakatuon ang kanyang mga mata. O, baka naalipin lang ako sa tinatawag nilang insecurity? O jealousy ba?
“Woi! Nangunguna ang tandem ninyo sa poll ah!” ang sambit ni Gina, pahiwatig sa poll sa student publication site na naunang nabasa namin ni Fred sa Computer Lab kung saan ang “freak” love team namin ni Aljun ang may pinakamaraming boto.
“Ah iyon ba?” ang sagot ni Aljun.
“Oo. Pero huwag kayo ni Jun ha?” ang sabi ni Gina.
“Bakit naman? Pwede naman iyon, 'di ba?” ang tanong ni Aljun na may halong biro.
“Crush ko kasi si Jun. At sa akin lang siya,” ang pabirong sagot ni Gina sabay bitiw ng nakakalokang tawa.
Na sinagot ko naman ng, “Crush din naman kita Gina eh! Kaya no problem.”
Biglang nagreact si Aljun, “Makaalis na nga dito!” Tumayo siya at akmang aalis.
Hinwakan siya ni Gina sa bisig. “Woi huwag kang umalis Aljun! Crush din naman kita eh.”
“Ah kung ganoon, sige, hindi na ako aalis. At least kaming dalawa ang crush mo,” ang pabiro ding sagot ni Aljun at bumalik sa kanyang upuan.
Tahimik. Pakiramdam ko ay bigla akong na out-of-place.
“Jun! Hindi ko pa nasagot ang assignment ko kay Professor Lobramonte. Tulungan mo naman ako o,” ang sambit ni Gina.
“Nasaan ba yang question mo, baka familiar ako nyan. Naging professor ko rin si Lobramonte eh!” ang sagot ni Aljun.
“Ayan si Aljun, paborito niyang professor si Lobramonte,” sambit ko.
Inilabas ni Gina ang notes niya at silang dalawa ni Aljun ang nagturuan.
“Ah... mag CR muna ako ha? Dito muna kayong dalawa,” ang pagpapaalam ko. Parang hindi ko kasi kaya ang sakit na naramdaman na silang dalawa ang nag-turuan at halos magdikit na ang mga mukha sa pagbabasa ng notes. Parang hindi ko alam kung saan ako lulugar sa aming tatlo.
“Sasamahan kita Boss?” ang tanong ni Aljun na biglang kumalas sa pagbabasa ng notes.
“Huwag. Dito na kayo. Nandoon din naman si Fred eh,” ang sagot ko na lang.
Noong makapasok na ako sa CR, naroon pa si Fred. “O, bat parang biyernes santo ang mukha mo?” ani Fred.
“Anong biyernes santo? Kung ipapako kaya kita sa krus para tuluyang maging biyernes santo itong mukha ko, gusto mo?” ang birit ko.
“Ay ang taray! May dahilan! At kung ano man iyan, malalaman ko!” sabay tawa. “Wag kang mag-alala fwend, ako ang bahala kung ano man iyan!” dugtong niya.
Hinintay ako ni Fred na matapos at sabay na kaming bumalik sa aming puwesto.
“Haynaku! Alam ko na ang dahilan. Selos! Love mo na talaga si Aljun Fwend!” ang sabi ni Fred habang palapit na kami sa inuupuan nina Aljun at Gina.
“Tanga ka talaga... bakit ako magseselos d’yan? Hindi ko naman karelasyon iyang tao at wala namang ginawang masama ang mga iyan?”
“Hmmmm! Deny-to-death ka pa rin fwend...” ang huling birit ni Fred gawa nang nakarating na kami sa aming inuupuan.
Busy pa rin sina Gina at Aljun sa pagtuturuan sa assignment nang bigla ring dumating si Giselle sa lamesa namin at umupo ito nang wala man lang paalam sabay sabing, “Hi Aljun!”
Biglang napatingin si Aljun sa harap niya. “H-hi!” ang sagot niya na bakas sa mukha ang pagkagulat sa hindi inaasahang biglang pagsulpot ni Giselle na naupo sa harap niya.
“How are you na?”
“I-I’m fine thanks!” ang sagot ni Aljun na tila natulala. “Ah.. meet Gina, Jun, and Fred!” ang pag-introduce ni Aljun sa amin sa kanya noong mapansing hindi kami pinapansin ni Giselle..
Iniabot ni Gina ang kanyang kamay kay Giselle upang makipagkamay subalit hindi ito pinansin ng huli. Bagkus... “Wow! Siya pala si Gina! Ang karibal ko sa ‘G’ na crush ng most eligible, most good-looking and most sought-after bachelor ng university!” ang walang kapreno-prenong sabi ni Giselle.
“Hayan pa o... Si Jun. Kasali iyan sa poll. At ang tandem nila ang nangununa!” ang sagot ni Gina sabay turo sa akin.
“Whatever! Hindi naman siguro bakla si Aljun upang patulan siya ano. Kaya I’m not threatened,” ang sarcastic namang sagot ni Giselle.
“Woaaaa!” Sa isip ko lang. “Ganyan siya ka prangka?” Nilingon ko si Fred na mukhang nagtitimpi sa panggigigil na makabanat at naghintay lang ng pagkakataon.
“Aljun, we have a party tonight sa flat ko... birthday ko kasi kaya I am inviting you to come and join the fun! It's my turn to invite you,” ang sabi ni Giselle.
“Ah...” ang naisagot ni Aljun habang tiningnan ako na tila nagpaalam o nagpatulong kung paano sagutin ang alok. Ngunit yumuko ako. “E... hindi kasi ako mahilig sa party e. And besides, may schedule ako mamaya kay Jun.”
“Well... pagkatapos ng schedule mo sa kanya. Kahit 12 midnight pa, hintayin ka namin. The party is still alive by that time.”
“I’m really sorry Giselle. I’m busy...” ang sagot uli ni Aljun.
“Aljun naman. Give yourself a time! Maiintindihan ka naman siguro ng mga taong walang ginawa kundi ang mang-alipin sa iyo no! Ano sila? Siniswerte? Magsaya ka naman! Mag-enjoy! You are young! Huwag sayangin ang oras!” ang paliwanag pa niya na parang ako ang pinaparinggan dahil sa serbisyo ni Aljun sa akin.
Nunit binanatan na siya ni Fred. “Hoy, bruha... inayawan ka ng tao, don’t you understand? Kapal-face ka ah! At matuto kang rumispeto! Transferee ka lang dito! Punyeta!” sigaw ni Fred.
“Hoy bakla! Hindi kita kinakausap! Si Aljun ang kausap ko! Mal-edukada!” ang sagot din ni Giselle na pasigaw.
“Ababababa! Mal-edukada pala ha!” sabay tayo ni Fred na handa na sanang manapak o manambunot. “Sige tingnan natin ang pagka mal-edukada ko! Ang bakla ay pumapatol sa babaeng walang breeding!”
Sa bilis ng pangyayari ay hindi kami nakakilos agad. At pati si Aljun ay hindi rin magawang pigilan si Fred.
Mabuti na lang at dali-daling tumayo si Giselle at tumalikod sabay banta kay Fred ng. “Makaganti rin ako sa iyo! Makikita mong bakla ka!” at baling kay Aljun, “Aljun I’ll wait for you tonight!”
Wala na kaming nagawa kundi tingnan si Giselle na nagmamadaling lumayo. Nang wala na siya, hindi maawat so Fred sa pagtatawa.
“Grabe naman ang babaeng iyon! Hindi ko kaya iyon? Gulat na gulat talaga ako!” ang sabi ni Gina.
Ngingiti-ngiti lang si Aljun sabay sabing, “Salamat Fred... You’re my hero,” ang biro niya kay Fred.
“All the time Aljun. Basta ikaw. I’ll be your knight in shining armour!” at nag high five ang dalawa sabay tawanan.
Tawa nang tawa rin si Gina sa sinabi ni Fred at nagreact. “Si Fred na ngayon ang knight in shining armor huh! Biglang naging lalaki!”
Sa gabing iyon, inihatid pa rin ako ni Aljun sa flat ko. Wala namang pagbabago. Nandoon pa rin ang pagka-sweet niya. Siya pa rin ang nagluto ng dinner at naghugas ng mga plato pagkatapos naming kumain.
Nagkuwentuhan pa rin kami, at kinantahan ng walang kamatayang I'm Yours. Walang nagbago. Natuwa naman ako dahil syempre, napatunayan ko kung gaano sya kabait, kung gaano siya kapursigido at ka seryoso sa kanyang task sa akin. Wala talaga siyang masamang hangin sa ulo, walang inhibitions. Parang ang sarap niyang maging kaibigan, o maging bahagi ng puso...
“Bakit 'di ka nalang pumunta sa party ni Giselle pagkatapos mo rito? Para naman makilala mo siya at mag-enjoy na rin, 'di ba? Puro ka na lang responsibility, pag-aaral, student council, practice ng lawn tennis.”
“Ayaw kong sayangin ang oras ko sa isang bagay na hindi naman akonag-eenjoy. Anong gagawin ko roon? Hindi naman ako mahilig sa sayawan, hindi mahilig sa sosyalan.”
“Sabagay...”
“Ikaw ba gusto mo talagang pumunta ako roon?”
“Iyong totoo?”
“Oo. Iyong totoo...”
“Eh... syempre hindi. Nandoon kaya iyong babaeng walang preno.”
Napangiti siya. “Nagseselos ka?” biro niya.
“Hoy... Mr. Aljun Lachica, huwag masyadong assuming. Bakit ako magseselos? Ano ba tayo?”
“Ah... Sa ngayon, wala pa tayo. Pero baka in the future, malay mo. Baka lang naman...”
Tawa naman ako nang tawa. Pero sa loob-loob ko, nagtatanong ang aking isip kung inaakit niya lang ba ako o sadyang sanay lang siyang maglaro ng damdamin. “Babae ang gusto kong matikman, Mr. Lachica, hindi po lalaki,” ang tugon ko na lang.
“Ay oo nga pala. Sorry. Biro lang po. Pero again, malay natin...” sabay bitiw ng nakakalokong tawa at tampal sa aking mukha na parang nanggigigil. “Ok. Aalis na ako. Ingat palagi rito,” ang biling niya. At bago tuluyang lumabas ng pinto niyakap pa ako at hinalikan sa pisngi. “Mwah!”
Sinundan ko siya ng tingin hanggang nakalabas na. Bigla rin akong naging seryoso at binitiwan ang malalim na buntong-hininga. “Hindi ka mahirap mahalin, Aljun Lachica. Nasa iyo na ang lahat at walang taong hindi mahulog ang loob sa iyo. Ang problema lang ay kung kaya mo rin bang panindigan at suklian ang pagmamahal ng isang kagaya ko? Hindi kaya malaking problema lang ang magiging dulot nito?” bulong ko sa aking sarili.
Alas 9 kinabukasan noong makarating ako ng campus. Pagkaupo nang pagkaupo ko kaagad sa loob ng una kong subject kung saan ay classmate ko si Fred, masamang balita kaagad ang sumalubong sa akin. “Alam mo bang nagpunta raw pala si Aljun sa party ni Giselle kagabi?” ang sambit ni Fred.
Hindi kaagad ako nakakibo. Pakiwari ko ay may sumabog na granda sa aking harapan sa narinig kong sinabi ni Fred.
(Itutuloy)