By Michael Juha
getmybox@h*********m
-----
Pakiramdam ko ay sasabog ang aking tainga sa pagkarining ko sa aking pangalan at dahil na rin sa lakas ng palakpakan at hiyawan. Parang napakabilis ng mga pangyayari na hindi ko man lang nakitang darating ang puntong tatawagin ako at aakyat sa entablado.
Sa totoo lang ay parang gusto kong mag walk out at tumakbong palabas sa lugar na iyon. Tiningnan ko si Aljun na panay ang panghikayat na umakyat na ako.
Wala akong nagawa kundi ang tumbukin ang hagdanang nasa gilid ng stage. Umakyat ako at nang nasa itaas na, nakita kong nakatutok na sa akin ang spotlight habang naglakad ako patungo sa direksyon ng aking upuan, katabi ng kay Aljun. Nakatingin sa akin si Aljun nang nakaupo na ako, abot-tainga ang kanyang ngiti at pumapalakpak din kasabay ng audience.
Kumaway ako sa mga tao bagamat pakiwari ko ay malulusaw ako sa matinding hiya.
“Ang guwapo din pala ni master! Bagay na bagay! Parang mga artista!” ang narinig kong sigaw.
“Ok lang kung kayo ang magkatuluyan! Al-Gen! Al-Gen! Al-Gen!” sigaw rin ng isang estudyante.
“Kiss! Kiss! Kiss!” ang sigaw naman ng iba.
Napangiti na lang ang interviewer. Ako naman ay hindi magkamayaw kung ano ang gagawin. Naaasiwa, mabilis ang pagkabog ng dibdib, nanginginig, nanlalamig. Hindi kasi ako sanay sa ganoong exposure. May stage freight pa ako.
Tiningnan ko ang mukha ni Aljun, kitang-kita ko ang pamumula nito. Nag-blush siya sa biruang sigaw ng mga tao! At nang nakita niyang tiningnan ko siya, binitawan niya ang isang hilaw na ngiti.
“Tinuro mo pa kasi ako eh!” ang bulong kong paninisi sa kanya.
“Hayaan mo na. Ok lang iyan...” sagot naman niya.
“Mukhang marami ang gustong magtandem kayo. Ako man ay napahanga sa kakisigan at lakas ng appeal ninyong dalawa. Perfect match ba? Parehong matangkad, parehong hunk materials, parehong crush ng bayan. Parang younger versions nina Aljur Abrenica at Piolo Pascual!” ang sabi ng interviewer.
Naghiyawan uli ang mga tao. At ang iba ay nagsisigawan uli ng “Kiss! Kiss! Kiss!”
Hindi na kumibo ang interviewer. Hinintay ang reaksyon namin sa pagsisigaw ng audience ng “Kiss!”
Noon ko lang napagmasdan si Aljun halatang tinablan ng matinding hiya. Alam kong game sya sa kahit ano mang panunukso. Ngunit sa birong kiss, bigla siyang natameme. Ngiting hilaw lang ang binitiwan niya at panay ang yuko.
“Can I ask Gener something?” ang tanong ng interviewer.
“Call me Jun po,” ang pag butt-in ko. Hindi kasi ako comportable sa Gener na tawag.
“Ok Jun... Sa ilang oras na naging ‘slave’ mo si Aljun, ano ang impression mo sa kanya?”
Tiningnan ko si Aljun na nakatingin din sa akin. Nakangiti siya, naghintay sa aking sagot. “Mabait... sobra,” ang sagot ko.
“Paanong mabait?” ang pagfollow-up ng interviewer.
“Mabait. Nagluluto, naghahanda ng pagkain, naglalaba, naglilinis ng bahay ng apartment ko.”
Napa-“Wow!” naman ang interviewer habang ang audience ay nagpalakpakan. “Ang sweet pala niya. Pero sa ibang banda, anong kabulastugan naman if any ang nagawa na niya sa iyo? Syempre, lahat ng tao ay may kaniya-kaniyang kapilyuhan,” dugtong ng interviewer.
“Iyong na late sa usapan namin, iyong nalasing siya sa flat ko at sinukahan ang buong kuwarto ko. Iyong dahil sa kalasingan ay hindi na makatayo, ako pa ang nagbuhat sa kanya patungo sa kama,” ang sagot ko sabay tawa.
Napatawa na rin si Aljun, pati na ang audience. Marahil ay hindi niya inaasahang ibubunyag ko ang pagkalasing niya. Tawa siya naman siya na mistulang nahiya na ikinatuwa naman ng mga audience.
“Totoo ba Aljun?”
“Opo. I don’t really do hard drinks. But, there was no choice. It was not a good idea to refuse a master on my first slave hours. So…” ang paliwanag ni Aljun.
"But wait, wait, wait..." ang pag-interrup ng interviewer. "Doon ka natulog sa flat ni Jun?"
"Ah, eh..." ang naisagot ni Aljun. Tiningnan niya ako na ang mga mata ay mistulang nagpapatulong kung ano ang isasagot.
"Yes, po. Sa flat ko siya natulog." Ako na ang sumagot. Sa isip ko ay wala namang masama kung doon siya matutulog.
"Ganyan na kayo ka-close?"
Tumango si Aljun na halatang nag-alangan.
"Hindi naman kayo nagtabi sa isang kama, I suppose."
"Ah... Actually, lasing na ako that time..." ang pag-aalangang sagot ni Aljun.
"I mean, nagtabi ba kayo sa higaan o hindi?" ang pag-ulit ng interviewer sa kanyang tanong.
Ramdam ko naman ang excitement ng mga tao sa kung anong isasagot ni Aljun. Kaya to the rescue na naman ako. "Ah, sa kama ko po siya pinahiga, at ako naman ay sa sofa natulog."
Nakita kong lihim na napangiti si Aljun na tila nabunutan ng tinik.
Bumaling ang interviewer kay Aljun. “From you Aljun, ano ang naramdaman mo noong time na nakita mong si Jun pala ang master mo, isang guwapong hunk. Did you expect otherwise?”
“Nagulat ako. In fact ang pasalubong ko nga sa kanya sa una ko pa lang na pagpunta sa flat niya ay isang kumpol ng mga rosas dahil ang buong akala ko nga ay isa siyang babae o kaya ay... alam mo na.”
Nagtawanan ang mga tao.
“Na tinanggap naman niya.”
“He had no choice. But I promised na babawi ako…”
“At bumawi ka naman?”
“Opo. Ako ang nagsaing, naglaba, naglinis ng bahay… kinantahan ko rin siya.”
Nagtawanan uli ang mga tao.
“Pero sa isang ‘Jun’ na siyang master mo. Happy ka ba?”
Tumingin muna si Aljun sa akin bago nagsalita. “Absolutely. Masaya ako dahil parang kapatid ko na siya. Wala akong kapatid, e. I have always wanted to have a baby brother. At parang nafulfill ito kay Boss Jun.”
“In an ironic situation nga lang dahil baby brother mo nga siyang maituturing ngunit master mo naman, at inuutusan ka,” ang dugtong ng editor.
“Oo. But I refuse to say that there is any contradiction. Kasi, as a big brother, I could pamper my baby brother too. He can ask me anything. I can do anything for him, even protect him. I guess I’m a loving kuya.”
“Ohhhhhhhh!” Nagreact ang audience. Na-sweetan.
“Ikaw Jun. How do you feel na may ‘Kuya’ Aljun ka for 365 days?”
“Masaya. I never really expected things to come out this way. Wala din akong kapatid, e. And I’m kind of spoiled din, the reason kung bakit nagtransfer ako sa unibersidad na ito - upang ma-widen ang horizon ko at matutong maging independent. Feeling ko kasi, there was a void in my life na na-fill din ni Boss Aljun.”
Tumango ang interviewer. “E, paano yan. He’s good only for 365 hours," pagfollow up ng interviewer.
Binitiwan ko ang isang ngiting hilaw. Parang bigla akong nalungkot. Napatingin ako kay Aljun na ang mukha ay parang na-excite sa kung ano ang aking isasagot.
Tiningnan ko uli ang interviewer. “Some good things never last, sabi nga ng kanta. It’s sad... Pero better to have a big brother for 356 hours than not to have experienced it at all. Isa pa, para sa akin naman, kahit tapos na ang 365 days, the friendship remains. At syempre, the memories that go along with it.”
“Aw…” ang reaksyon na narinig ko sa mga audience na tila may panghinayang o nalungkot.
Ewan kung naramdaman din ni Aljun ang lungkot sa aking puso sa pagkasabi kong iyon. Bigla kong naramdaman ang kanang kamay niya na humawak sa aking kaliwang kamay, na para bang ang bulong niyon sa aking isip ay, “huwag kang mag-alala, nandito pa rin ako pagkatapos ng 365 hours."
Ngunit dahil sa hiya ko na baka mapansin ito ng interviewer, tinanggal ko ang kamay ko sa pagkahawak niya at nagkunyaring kinamot ko ang aking noo. Ewan kung napansin nga ito ng interviewer.
“Last question para kay Jun. Kilala mo ba ang letrang ‘G’ na crush ni Aljun?”
Napatingin muli ako kay Aljun. Nagtatanoong ang aking mga mata kung sasabihin ko. Ngunit tila ipinaubaya na lang niya sa akin ang sagot. “Palagay ko ay kilala ko ngunit hindi ako sigurado…” ang naisagot ko na lang.
“Maaari bang sabihin mo sa amin?”
Napangiti ako ng hilaw. “Ah... itanong niyo na lang po sa kanya, baka kasi mali rin ang nasa isip ko.”
Napangiti ang interviewer. “Ok... I’ll leave you with that question. Thank you guys for being so sport,” ang sabi ng editor sabay tayo at isa-isa kaming kinamayan.
Nagpalakpakan ang mga tao. Ako naman ay nakahinga nang maluwag.
Tangka na sana naming bumaba ng stage noong nag-announce na naman ag emcee. “We would like to request Mr. Aljun Lachica and his master to render a song for us?”
Nanlaki ang aking mga mata sa pagkagulat. Halos malusaw na nga ako sa hiya sa interview tapos isasali pala ako sa pagkanta. Ibinaling ko ang aking tingin sa emcee, ang aking mga mata ay nagtatanong, “Hindi ako celebrant!”
Ngunit hindi niya ito napansin. At wala na akong nagawa nang iniabot ng stage assistant ang gitara kay Aljun at sinabihan niya ako na iyong kinanta namin na “I’m Yours” ang aming kakantahin.
Kahit kinabahan ako, pakiramdam ko ay na-mesmerize namin ang audience. Tahimik sila habang kumakanta kami bagamat may ilan na kumuha ng pictures, may nagbi-video. Feeling ko talaga ay mga tunay kaming celebrity kami. At si Aljun, feel na feel ang pagkanta, may pa ngiti-ngiti pa at patingin-tingin sa akin habang kumakanta kami na para bang tunay na magkasintahan kami.
Nakakabingi ang palakpakan nang matapos na ang aming pagkanta. May sumisigaw pa ng “Encore! Ecore!”
Lumingon sa akin si Aljun. “Kanta pa tayo?”
Na gusto ko sanang sagutin ng isang simangot. Ngunit dahil nasa harap kami ng mga tao, ang naitanong ko na lang ay, “Ano pa ba ang kakantahin natin? Iyon lang ang kinakanta natin e,” ang boses ay may pagtutol.
“Ako ang bahala. Heto, madali lang,” at tinipa niya uli ang gitara...
Wala na naman akong nagawa kundi ang sabayan siya. Sound of Silence. Nakanta ko na rin kasi ito at alam ko kung paano magsecond voice nito.
Nagsigawan muli ang mga tao, nagpalakpakan. Pakiramdam ko ay mas nagustuhan nila ang pangalawa naming kanta.
May narinig akong sigaw. “Bagay na bagay kayo tol! Ok lang sa amin kung kayo ang magkatuluyan... Sarap palang ma-inlove ng kapwa lalaki, masubukan nga!”
Nagtawanan ang lahat.
Pagkatapos ng programa ay may kainan. Talagang pinaghandaan nila ang okasyon. Ang kulang na lang ay sayawan. Happy naman ang lahat sa kinalalabasan ng surprise birthday greeting nila kay Aljun. Nalaman ko ring nandoon pala talaga si Gina kasama ang kanyang mga barkada.
At ang isa pang nakakawindang na bagay ay napag-alaman kong may isa pa palang transferree na ang pangalan ay nagsimula rin sa “G” na nanroon din sa surprise treat na iyon; si Giselle. At hindi rin ito patatalo sa ganda at tangkad. At ang tsika pa ay nanalo na raw ito sa Miss University sa dati niyang pinag-aralang eskuwelahan. Pero mukhang mataray at mayabang. Kaya para sa akin, mas okay pa rin si Gina. Simple lang, walang kaarte-arte sa mukha at katawan bagamat litaw na litaw pa rin ang natural niyang ganda. Kumbaga, simple lang ang ganda pero rock! At mabait pa, at crush ko.
"Hi Aljun, I'm Giselle, your new transferee-friend!" ang pagpakilala niya kay Aljun, nilakasan pa ang boses, sinadya na marinig ng lahat na transferee siya at letrang "G" ang simula ng pangalan niya.
"Ah, Hi Giselle! Mabuti naman at naka attend ka!" ang sagot ni Aljun, kahit halatang nalito sa biglang pagsulpot at pagpapakilala ni Giselle sa kanya.
"Syempre naman! Espesyal ang birthday mo sa akin! Nakasulat na kaya ito sa aking calendar," ipinakita pa niya ang calendar sa kanyang cell phone na may listahan ng mga appointments.
"Salamat naman, Giselle!"
"Ang galing mo pa ring kumanta, Aljun! Wala ka pa ring ipinagbago!" na hinawakan pa talaga ang braso ni Aljun.
"Ah, salamat," ang sagot ni Aljun na binitiwan ang isang hilaw na ngiti.
"Alam mo, nang una kong narinig na kinanta mo iyang 'I'm Yours' nasabi ko talaga sa sarili ko na 'OMG! Ginalingan mo talaga at tinalbugan mo si Jason Mraz!' Sobrang galing mo. I'm so proud of you, friend!" ang sambit ni Giselle na sa pagkakataong ito ay nag abresiete na kay Aljun.
"Ah, t-thanks..."
"At iyong message mo sa akin sa sss Group ng student council, i really, really appreciate it. Love mo pa rin talaga ako."
Halos ma-shock ako sa sobrang pagkalantaran talaga ni Giselle. Hindi ko alam kung matawa o mainis sa kanyang inasta. Si Aljun naman ay tiningnan ako, halatang disoriented at ang mga mata ay tila nagpapatulong na lubayan siya ni Giselle.
Ngunit wala rin akong maitutulong. Maya-maya ay nagpaalam si Aljun kay Giselle na mag CR siya. Soon na siya nakaalpas kay Giselle.
"Close ba kayo noon?" ang tanong ko kay Aljun.
"Hindi ko nga kilala iyon eh!"
"Paanong sabi niya na hindi ka raw nagbago, magaling ka pa ring kumanta? At friend ka raw niya?"
"Ewan. Wala akong matandaan!"
Alas 10 ng gabi nang makauwi kami sa aking flat. “Boss... tuloy pa ba tayo sa night swimming?” ang tanong ko kay Aljun.
“Ituloy natin. Hindi ko na kaya birthday bukas,” ang sagot naman niya.
Kaya tumuloy pa rin kami.
Ang beach na iyon ay may floating cottage. Bale may lubid na nakatali galing sa poste na nasa aplaya patungo naman poste na nasa malalim na parte ng dagat. At kapag ready na ang lahat, hihilahin na lang ang lubid upang papalaot na ang cottage. Parang isang sampan lang ito na gawa sa kawayan bagamat may higaan sa loob, may dingding, at may atip. Cottage talaga sya. Pwede ring mag-ihaw-ihaw, magluto, depende sa trip. Pwede ring mamingwit ng isda.
Baon namin ang isang case ng beer at pagkain, hinahatak na namin ni Aljun ang cottage patungo sa malalim na lugar. Actually, wala akong planong maligo. At sabi ni Aljun ay ayaw din daw niyang maligo. Kaya ang ginawa namin habang nasa malalim na parte ang cottage ay naginuman lang, nagkuwentuhan, nagsound trip.
Masaya naman ako. Happy. Parang sarili namin ang mundo, at pakiwari ko ay parang wala na akong mahihiling pa sa buhay sa ganoong kalagayan. Ewan ko. Basta sobrang happy ako bagamat hindi ko maipaliwanag ang malalim na dahilan kung bakit.
Pareho kaming nakaupo sa papag, ang aming mga paa ay nakalawit sa tubig-dagat at pareho kaming nakaharap sa kawalan, ang malamig na hangin ay pagbugsu-bugsong humahampas sa dingding ng cottage at sa aming mga katawan. Sa aming mga kamay naman ay hawak-hawak ang tig-iisang bote ng beer.
“Ang sarap dito… ang lamig ng hangin, preskong-presko,” ang sabi ko.
“Oo nga. Walang problema, parang nasa kamay ko lang ang lahat ng gusto ko. Parang wala na akong pwede pang hilingin sa buhay.”
“Happy ka ba boss?” ang tanong ko sa kanya.
“Sobra...”
Tahimik. Gusto ko pa sanang itanong kung bakit siya masaya ngunit parang may hiya din akong naramdaman. Tumungga na lang ako ng beer, ninamnam ang sarap na nasarili ko ang isang taong hindi ko alam kung bakit nakapagdulot sa akin ng ibayong saya.
“I-ikaw... happy ka Boss?" Ang pagbalik din niya sa tanong ko.
Tiningnan ko siya. Binitiwan ko ang isang tango.
“Isa ito sa hindi ko malilimutang birthday sa buhay ko. Walang ingay, walang gulo, at kasama ko pa ang aking...” hindi niya itinuloy ang kanyang sinabi.
Napalingon muli ako sa kanya. “Ano?”
“Master. Ano pa ba?” ang maloko niyang sagot.
Natawa na rin ako. “Woi may regalo pala ako para sa iyo…” sabay tayo ko at kuha ko iyon sa aking bag. “Heto boss..” Iniabot ko sa kanya ang isang mobile phone.
“Wowwww! Yeheeyyyyyy! May cp na uli ako! Salamat boss!” Tiningnan niya itong maigi. “Ang mahal kaya nito! Latest model ba ito? Touch screen pa!”
Tumango ako.
Itinabi niya ang cp at saka inakbayan ako. “Alam mo, kahit wala kang regalo sa akin, masayang-masaya pa rin ako…”
“Bakit?”
“Dahil kasama kita.”
Ewan. Parang may kung anong klaseng kasayahang biglang umalipin sa akin sa pagkarinig niyon. Parang gusto kong umiyak at ibulong sa kanya na ako rin ay masayang-masaya na kapiling siya; na sa araw ng kanyang birthday, nasarili ko ang oras niya, ang atensyon niya, ang kanyang pag-iisip.
Inilingkis ko ang aking kanang kamay sa kanyang baywang. Inilingkis din niya ang kanyang kaliwang braso sa aking balikat at bahagya siyang tumagilid paharap sa akin upang tuluyang ilingkis na niya ang dalawa niyang kamay sa aking katawan.
Isinandal ko ang aking ulo sa kanyang balikat at sinimulang haplos-haplusin ng isang kamay niya ang aking buhok.
Napabuntong-hininga ako. Sa isip ko ay naglalaro ang magkahalong saya at pag-agam-agam. Masaya dahil sa sandaling iyon ay parang naangkin ko na rin siya; at pag-aagam agam dahil hindi ko alam ang kahinatnan ng lahat. Parang gusto kong umiyak, gustong tumutol ng damdamin na kung bawal man at may malaking balakid kung sakali mang magmahal ako sa kapwa lalaki, ay huwag na sanang mangyari pang mahulog ang loob ko sa kanya. May takot akong naramdaman. Paano kung mahulog ang damdamin ko sa kanya at sa bandang huli ay makahanap siya ng babaeng mamahalin, na mas higit pang maykarapatan sa kanya dahil babae siya at makapgbigay ng supling? Paano kung malaman ito ng aking mga magulang? Paano kung hindi ito matanggap ng mga tao at kaibigan? Siguradong kukutyain nila ang aming relasyon? Habang buhay ba naming itatago ito?
Ngunit kagaya ng isang tubig, wala akong magawa sa sandaling iyon kundi ang magpaubaya kung saan man patungo ang agos.
Ewan kung ang laman ng kanyang isip ay pareho din ba ng sa akin ngunit wala na akong pakialam. Wala kaming imikan sa ganoong posisyon. Nakalingkis ang aming mga braso sa kanya-kanyang katawan, ang ulo ko ay nakasandal sa kanyang balikat kung saan ang buhok ko naman ay hinihimas-himas ng kanyang kamay habang sinamsam ng aming mga katawan ang malamig na bugso ng hanging dagat.
Nasa ganoong kaming sitwasyong pagyayakapan nang bigla niyang hinawi ang aking mukha at halos ididikit na nito ang labi niya sa mga labi ko, “Naalala mo noong bigla kitang hinalikan sa bibig?”
“Oo, naalala ko. Pero hindi naman halik iyon eh. Di ba sabi mo hindi halik iyon?”
“Halik iyon. Nagsinungaling lang ako sa iyo.”
Syempre, may tuwa akong nadarama. “Bakit mo ginawa iyon?” ang tanong ko.
“Nainis kasi ako sa dami mong satsat tungkol sa toothbrush. At nang tinitigan ko ang bibig mo habang nagsasalita ka, gusto kong mahinto kasa mga dakdak mo. Kaya iyon… hindi ko napigilan ang sariling hindi ko siilin ng halik ang mga labi mo.”
“B-bakit?”
“Ewan ko. Parang nagdilim ang paningin ko. Nanggigigil ako…”
“Ibig sabihin nasarapan ka sa paghalik mo sa akin. At nagsinungaling ka noong sabihin mong hindi.”
“Ganoon na nga siguro,” ang pag-amin niya.
“Bakit ka nanggigil?”
Hinawakan niya ang aking baba. Tinitigan niya ang aking mga labi.
Binitiwan ko ang isang ngiti.
“Nakapanggigigil talaga!” ang biro uli niya.
Tahimik.
“F-first time mo bang mahalikan?”
Tumango ako.
“Sabi ko na nga ba eh.”
“Paano mo nasabi?”
“Natulala ka pagkatapos ng halik ko na iyon…”
Napayuko naman ako. Nahiya, hindi makatingin sa kanya. Totoo naman kasing natulala ako. At nasarapan.
Tahimik. Muling isinandal ko ang aking ulo sa kanyang balikat.
Ngunit hinawi niyang muli ang aking mukha at itinutok ito sa mukha niya. “P-ayag ako… kung gusto mong m-may mangyari sa atin sa gabing ito…” ang malambing at mahina niyang boses na halos hindi ko na marinig.
“P-paanong p-payag?” ang bulong ko rin.
“N-naranasan mo na ba ang m-makipag-s*x?”
Pakiwari ko ay may humataw sa aking ulo sa narinig. At bigla na lang lumakas ang kalampag ng aking dibdib. “H-hindi pa…” ang sagot ko.
“G-gusto mong maranasan?”
“I-ikaw ba ay may karanasan na?”
“S-sa… babae, meron. Ngunit sa lalaki, w-wala pa... Ngunit para sa iyo, gusto kong maranasan ito.”
“H-hindi ko alam boss… parang ayoko…”
“Bakit???”
“B-baka darating sa puntong m-masaktan ako. N-natatakot ako, B-boss. Ayokong masaktan.”
“Hindi ka masasaktan. Gagamitan natin ng pampadulas…” ang sambit niya.
Ngunit doon na siya pumutok ng tawa nang tinampal ko ang bisig niya. “Tange! Hindi iyan ang ibig kong sabihin!”
“Ibig mong sabihin ay ayaw mong gamitan natin ng padulas?” ang biro niya pa rin.
“Nakakainis ka naman, Boss eh. Akala ko ba seryoso.”
“Seryoso ako, Boss.”
“Sa pampadulas?”
Siya naman ang natawa. “Hindi… sa takot mo na gawin lang kitang part ng experience ko, parausan, lolokohin.”
“Ayaw ko kasing magiging bakla. Natatakot ako.”
“Hindi naman kasi natin kailangang maging bakla upang maranasan ang isang bagay, ‘di ba? Sabi mo doon sa interview natin kanina ay kapag natapos na ang 365 na serbisyo ko, nariyan pa rin ang friendship, at memories. Kaya dagdag sa mga sweet memories natin itong experience na ito. Ikaw ang first experience ko, ako naman ang first experience mo.”
“N-natatakot pa rin ako, Boss…”
“Pangako, kahit tapos na ako sa servitude ko sa iyo, hindi kita pababayaan. Patuloy kitang aalagaan, nariyan lang ako palagi para sa iyo. At gagawin ko pa rin ang kung ano mang gusto mong gagawin ko para sa iyo,” ang bulong niya sa aking tainga habang idiniin niya ang kanyang mga labi rito.
(Itutuloy)