Chapter Two

1521 Words
SHE DON’T KNOW what to do now that Cali is infront of her. Kanina pa tumunog ang bell na hudyat nang pagsisimula ng klase. Absent na siya malamang sa sa first subject at malaking kabawasan iyon sa grades niya. Bakit naman kasi sa dami nang masasalubong niya ay ito pa? Sadya talagang napakaliit ng mundo niya sa school. Kung sino pa yung iniiwasan niya ay ito pa siyang nakakasalubong niya. Sobrang layo ng Department of Foreign Studies sa building nila na mga Music Department. Hanga siya sa effort nito para lang makita siya. “What does Sam sees in you? Why did that freaking asshole has a changed of heart?” Dama niya ang galit nito sa tinig. Napakapit siya sa bag niya na nakasukbit sa kanyang balikat. “Wala ka bang dila? Are you not going to answer me?” Lumapit ito sa kanya at awtomatiko naman siya napa-atras palayo dito. She heard him scoffed. Mukhang nauubusan na ito ng pasensya sa kanya. What to do, Via? Can somebody save me? Aniya sa isipan. Mataimtim siyang nagdasal sa kanyang isipan hanggang sa may biglang bumuhat kay Cali. “Hey, put me down, Macoy! Put me down, you idiot!” sigaw ni Cali pero hindi natinag ang may buhat dito na kaparehong kapareho ng mukha nito. Sa likod ng mga ito nakita niya si Juan Miguel. Naglahad ito ng kamay sa kanya saka ngumiti. “You’re safe now. Let’s go to our class,” Nang hindi niya abutin iyon at ito na mismo ang kumuha sa kamay niya. “If we don’t hurry we both get an absent remarks.” Anito sa kanya saka hinila siya patakbo sa kanilang classroom. Nilingon niya ang nagsisigaw pa din na si Cali at pilit na nagpupumiglas sa may buhat dito. Bigla siya napahinto at nahila niya din si Juan Miguel. “Ayokong sumabay sa ‘yo sa pagpasok. They might think of things going on between us. Saka hindi ka naman malalagyan ng absent remarks. Ako lang kasi malakas ang pamilya mo dito.” Nangunot ang noo nito sa kanya. Inignora niya iyon at naunang tumungo sa kanilang classroom. Pagdating niya doon, nagsisimula na ang klase at hindi na niya tinangka pa na pumasok. Nilabas na lang niya mula sa bag ang libro at pasalampak na naupo sa sahig. Hihintayin niyang matapos iyon at a-attelnd sa ikalawang klase niya. She couldn’t believe that she’ll get an absent remarks for the first time in her life. “You know what, I like you.” Ani Juan Miguel sa kanya nang tabihan siya nito. Sumalampak din ito sa sahig at mukhang wala na ding balak siputin ang unang klase nila. Sanay ito sa gano’n bilang irregular student naman ito at nakakatanggap ng mga privileges. “I like you. Can you be my special girl?” “Baliw ka na ba? Ano ako siopao?” Napalakas niyang sabi dito kaya naman bumukas ang pintuan ng classroom nila at lumabas doon si Mr. Reyes – ang traditional music professor niya. “Ms. Loreto and Mr. Dominguez, you two were absent to my class to date at this hour?” Sita sa kanila ng guro. “Go inside and write an two page explanation. Ihatid niyo iyan mamaya sa office ko bago kayo umuwi.” Utos sa kanila ng guro at pinapasok na sila. Kinantyawan sila ng mga kaklase nila na pinatahimik naman ni Mr. Reyes. Nagpatuloy ang kanilang klase na hindi niya pinapansin ang mga kaklase pati na si Juan Miguel. “LAURA VIANCA LORETO!” Inignora niya lang iyon at nagpatuloy sa paglalakad papuntang cafeteria. It was Juan Miguel who keep on bugging her since Mr. Reyes exited their classroom. Three hours ang klase nila dito na naka-focus sa traditional music. Kaya naman lumong lumo siya na may absent siya doon. Tapos ang masama, susulat pa siya ng two pager explanation kung bakit siya wala at kasama si Juan Miguel. Mr. Reyes assumed that they plan to ditched his class to date which is not true. Nadidinig niyang tinatawag pa din siya ni Juan Miguel ngunit mas pinili niyang ignorahin iyon at mabilis na lumakad sa cafeteria. Sa daan papunta doon nasalubong niya si Jessa na blockmates niya sa Ethics. Umabrisete ito sa kanya at sabay nilang tinungo ang cafeteria. Pork cutlet and curry rice ang nasa menu ngayon. Kasama sa tuition niya ang meal na lunch meal na iyon na sobrang nagpapamahal sa binabayaran ng mama niya. Nakokonsensya na nga siya makailang beses na niyang sinabi na hihinto muna siya. Ngunit giniit ng mama niyang huwag niya sukuan ang pangarap niya. Sinabi nito sa kanya na magiging kasing sikat siya ng kanyang ama balang araw. Napukaw sila ni Jessa ng umupo sa bakanteng upuan sa tapat niya si Cali. Kasunod nito ang lalaking bumuhat dito at kamukhang kamukha nito. Sa tabi niya naupo si Juan Miguel at kapatid nitong si Iñigo. She saw how Jessa’s eyes turned into heart shape. Akma siyang tatayo ngunit napigil siya ni Cali. “Stay there.” Ma-awtoridad nitong sabi sa kanya. Binawi niya agad ang kamay nito sa kanya. Bumalik siya sa pagkakaupo at akmang itutuloy ang pagkain. “Are you and Sam dating now?” Muntik na siyang masamid sa tanong nito. Iisa lang ba ang ugali na meron silang mga Dominguez? Inabutan siya ni Juan Miguel ng tubig na tinanggap naman niya. “Stop bothering her, Cali. I’m dating her. Don’t drag her to your boyfriend’s mess.” Sambit ni Juan Miguel dito. “Ex-boyfriend, Migs. Ex-boyfriend since this girl you’re dating flirted him.” Asik ni Cali sa pinsan. “I thought will have a peaceful lunch.” Puna ni Iñigo. “Cali, how can you prove that she flirted Sam?” tanong ni Macoy. Yes, iyon ang naalala niyang pangalan nito sinigaw ni Cali nang padarag itong buhatin kanina. “She sent him chocolates and hand written letters to Sam.” Paliwanag ni Cali. “Hindi ko pinadala iyon. Pwede ba tigilan niyo na ako!” sigaw niya sa mga ito. Padabog siya tumayo at umalis. Iniwan niya doon si Jessa at diretsong tinalunton ang daan papunta sa Sunken Garden. MATAMANG INUMANG NI MIGS ang cellphone niya sa harap ni Jessa. Comm Arts student ito at blockmate ni Via sa Ethics. Nakita niya ang pamumula ng mukha nito dahil sa ginawa niya. Kinilig din ang mga babaeng kasama nito ngayon. Muli niyang nilapit ang cellphone dito na tinanggap naman nito. “Please input Via’s number.” Aniya dito. Nakita niya ang pag-awang ng mga labi nito. Does she expecting to get her number? Hell no! Sigaw niya sa isipan. All he want to know is where does Via go after she walked out the cafeteria. Uwian na at naihatid na din niya kay Mr. Reyes ang explanation paper niya. Tinanong niya kung nagbigay na ba si Via at sinabi nitong hindi pa nagagawi doon ang dalaga. This is all Cali’s fault! That blunt witch! Iritadong niyang sambut sa kabilang bahagi ng isipan. “Here.” Ani ni Jessa sa kanya saka binalik sa kanya ang cellphone niya. “Do you know where she live?” Tanong niya dito pero umiling lang ito bilang sagot sa kanya. “Alright. Thanks a lot!” aniya dito saka patakbong nilisan ang Comm Arts department. He dialied Via’s number but only the operator answer his calls. Pinagpatuloy niya ang pagtawag hanggang sa marating niya ang service vehicle nila ni Iñigo. Nasa labas ang bunso niyang kapatid at mukhang siya ang hinihintay. “Bakit ang tagal mo kuya?” bungad nito sa kanya. Ramdam niya pagkairita nito dahil uwing uwi na ‘to. “I can’t find her.” Aniya dito. “Why wasting your time, kuya? Hindi ikaw ‘yan. You should focusing on your music and womanizing.” Binatukan niya ito. Bastos talaga ang bunganga ng kapatid niyang ito. Mana sa kuya Joaq niya na sobra kung mang-bash. Buti nga at nasa Spain iyon ngayon kung ‘di tulong pa ang dalawa sa pang-aasar sa kanya. “Tara na nga!” sigaw niya saka naunang sumakay sa sasakyan. Sumunod naman si Iñigo sa kanya pati ang driver nilang si Mang Ed. Pinasibad ni Mang Ed paalis ang sasakyan nila sa vicinity ng eskwelahan. “Come on, answer your damn phone, Via.” Aniya. “Cali hates her and Lola won’t allow us to date someone who doesn’t belong to our circle.” Payo sa kanya ni Iñigo. Napatingin siya sa kapatid niya. Tama naman ito pero wala siyang pakialam. Minsan lang nagkaganoon ang t***k ng puso niya at dahil iyon kay Via. Unang kita palang niya dito sa Sunken Garden nakuha na nito agad ang atensyon niya. Lalo pa tumindi ng marinig niya ang kantang sinulat nito. The song he heard was warm and full of love in every words. “Eh, ser Iñigo, hindi naman natuturuan ang puso. Hindi din natin pwede piliin kung sino ang mamahalin natin.” Sabat ni Mang Ed sa kanila. “That’s why I like, Mang Ed. He somehow understands me.” Nalipat ang tingin niya sa labas at doon nakita niya ang naglalakad na si Via. May ngiting gumihit sa mga labi niya. “Mang Ed, sundan mo ‘yung babae na ‘yon.” Utos niya na sinunod naman ng driver nila. Matama lang nila sinudan si Via hanggang sa pumasok ito sa isang convenience store. Gusto niya itong babain kung may kung anong pumipigil sa kanya. Kung ano ‘man iyon ay hindi niya alam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD