“ANG GWAPO TALAGA ng magkapatid na ‘to, oh!” Napailing siya nang madinig ang sinabing iyon ng kaibigan niyang si Jessa. Natigil siya sa pagbabasa at tiningnan din ang tinutukoy nito. It was Juan Miguel and Jose Ignacio Dominguez. Napapalibutan ang mga ito ng babaeng may bitbit na mga heart shape love letters, chocolates at kung ano ano pa regalo para sa magkapatid. “Ano kaya feeling na maging girlfriend nila? I mean their sons of well known personality and a politician. Doctor at lawyer pa yung eldest brothers nila.”
Muli siyang napailing. “Hindi naman nila tayo papansinin. We don't belong to their circle,” aniya saka bumalik sa kanyang upuan. Napadako ang tingin niya sa may pintuan kung saan nakatayo si Priscilla De Leon – ang blockmate niya sa Ethics. “Unless gusto mo tumulad sa kanya,” dagdag pa niyang sabi kaibigan.
“Hell no! Saka naniniwala ako na hindi naman sila pinalaking matapobre.” Umupo si Jessa sa upuan nito katabi ng sa kanya. “Ano pala balita doon sa sinusulat mo na kanta?” tanong nito sa kanya.
“Malapit na ako matapos. Ipaparinig ko sa ‘yo once na matapos ko.” Bumakas sa mukha ng kaibigan niya ang excitement nang madinig ang sinabi niya. She’s been writing that song early last month. May tono na siya at kasalukuyan niyang tinatapos ang huling stanza noon. Dahil pinaalala iyon ni Jessa, gagamitin niya mamaya ang grand piano para i-record iyon at ipasa sa recording company. Kapag napili siya, hindi na niya problema ang pang-tuition at araw araw nilang pang-gastos. Suportado naman siya ng kanyang ina sa pangarap niyang iyon.
“Di ba classmate mo sa music class mo si Juan Miguel? Bakit hindi ka magpatulong sa kanya? Maybe he know someone who can produced your song or siya mismo ang kumanta niya. He’s a good singer at namana niya iyon sa mama niya.”
Umiling siya. “I won’t use anyone just to get notice or to be famous.”
Naputol ang kanilang pag-uusap nang dumating na ang kanilang Ethics Professor. Nagsimula itong magturo kaya naman lahat sila na nasa loob ng classroom ay dito na ang atensyon. Nasa kalagitnaan sila ng klase ng may kumatok sa classroom nila. It was students from the College of Fine Arts. Malaki ang St. Michael University at halos lahat ng course ay kine-cater doon ngunit pinaka-sikat ang school nila dahil sa Law at Med School. Madami na ang personalidad ang nakapagtapos sa kursong iyon na sikat ngayon. Karamihan sa mga estudyante doon ay foreingers na napili ang SMU na maging university nila.
Natuon ang pansin ng lahat sa mga Fine Arts students na kausap ng Ethics Professor nila maliban sa kanya tiningnan lang ito saglit at binalik na sa binasang libro ang atenyon.
“Uyy, ‘di ba si Samuel Yu iyan yung boyfriend ni Cali Dominguez?” Pukaw sa kanya ni Jessa. Fangirl talaga ng mga Dominguez ang kaibigan niya. Pati iyon ay alam nito. “Ano kaya pakay niya dito?”
She shrugged.
“Ms. Loreto, he wants to talk to you.” Gulat ang bumakas sa mukha niya. Napatingin siya sa professor niya. “Settle it now so we can proceed to our lesson. This will the last I will allow this, Ms. Loreto.” Dama niya ang pagkairita sa boses ng kanyang professor. Siniko siya ni Jessa para sabihin lumabas na at harapin ang mga estudyante ng College of Fine Arts. Wala siyang nagawa kung ‘di tumayo at lumabas.
Alam niya kahit hindi niya lingunin ang mga kaklase ay nakatingin ito sa kanya. Of course who would’ve thought that Samuel Yu – one of the hottest student in their university – will go visit and interupt her class. What does he want to her? Humalukipkip siya dito at hinintay na magsalita ito.
“What do you want?” Naiirita na niyang tanong. Hindi ito sunagot bagkus ay inabot nito sa kanya ang isang rosas at sulat. “Ano ‘to?”
“You send those to me and I’m here to express my gratitude.”
“Eh?” Siya nagpadala noon? Kunot noo niyang sinipat ang sulat at nangunot ang noo niya nang makitang forge letter iyon. Hindi niya sulat kamay iyon at may nang trip lang sa kanya. Kung sinuman iyon, talagang sasamain iyon sa kanya. Nagitla siya nang hawakan ni Samuel ang mga kamay niya.
“Alam ko na gusto mo pero sorry mahal ko si Cali at kapag nalaman niya ito, lintik lang walang latay.”
“Are you insane? Hindi ako nagpadala nito.” Iyon lang at tinalikuran na niya ito. Bumalik siya sa classroom at padabog na naupo. Nagpatuloy ang klase nila at umalis na doon si Samuel kasama ang mga kaklase nito. Nagngingit ang kalooban niya sa galit ngayon. Gusto niya malaman kung sino ang nagpadala noon kay Samuel. She want to graduate peacefully in that school. Hanggang maari ayaw niya na gumawa ng ikakasakit ng ulo ng kanyang ina.
VIA CAN’T STAND all the stares she kept on receiving from the fellow students around her. Binilisan niya ang lakad hanggang sa makarating siya sa lokasyon ng grand piano. Doon wala titingin sa kanya at tanging mga bulaklak lang ang makakarinig sa kanya. It was a secluded area in SMU. Sa gilid noon ay ang mismong sunken garden ng unibersidad. Matama siyang naupo at inangat ang cover ng piano. Pinatong niya sa ibabaw noon ang music sheet niya habang nilagay naman niya sa gilid niya ang mga gamit. Naka-silent ang kanyang telepono para hindi maistorbo. Wala na siya klase kaya pwede siyang magtagal doon hanggang sa matapos niya ang sinusulat na kanta.
Gabi pa ang shift niya sa convenience store na pag-aari ng kaibgan ng mama niya. She’s working there part time from 6pm to 12 midnight. Nasa katabi building lang noon ang inuupahan nilang apartment ng mama niya kaya madali lang siya makakauwi. Inunat unat niya ang mga kamay bago sinimulang lapatan ng tono ang kantang nasulat niya. Bata palang siya iyon na talaga ang gusto niya. Sinabi ng mama niya, namana daw niya iyon sa kanyang yumaong ama. Isa itong musician na nakilala ng mama niya sa bar na pinagta-trabaho-an nito. Nagpatuloy siya sa pagtugtog habang isa isang binabalikan ang mga ala-ala niya noong kasama pa niya ang kanyang ama. She really missed her dad. Huminto siya saglit para ayusin ang music sheet niya. Isa lang ang piano sa mga instrumentong kaya niya tugtugin.
“You wrote that song?” Nasapo niya ang kanyang dibdib dahil sa pagkagulat. It was Juan Miguel. Lumapit ito sa kanya at naupo sa tabi niya. “Can I check it?” Nanatili lang siyang nakatingin dito. Hindi niya alam kung saan ito nanggaling o dumaan. Baka naman kanina pa iyon doon at hindi lang niya napansin.
Nang hindi niya agad naabot, kinuha nito sa kanya ang music sheet. Muli nitong nilagay ang music sheet sa ibabaw ng piano. “H-hindi pa tapos ‘yan,” aniya dito saka akmang kukuhain muli ang music sheet.
“It’s a good song. I felt the writer’s heart in very stanzas.” Tumingin ito sa kanya. “Music major ka din?” Napatunganga siya dito. Hindi siya nakapaniwala na ‘di siya nito namumukhaan gayong magkaklase silang dalawa. Sabagay, bihira lang ito pumasok sa school at mas lamang nag-i-special class ito bilang privilege sa mga katulad nitong anak ng politician. Madami kasi itong dinadaluhang mga charity event kaya madalang magpunta sa school para mag-attend sa regular class.
“S-same class as yours,” aniya dito.
“Really? Sorry, I’m not a regular student.” Sagot nito sa kanya. Kahit na, you should at least know your classmate’s faces! Gusto niya sabihin iyon sa binata ngunit hindi niya ginawa. Kinuha na niya music sheet maging ang kanyang mga gamit. Basta na lang niya iyon pinasok sa bag niya saka sinara at sinukbit sa balikat. “Via, right?”
He’s unbelievable. Nagpapanggap lang ba ito na hindi siya namumukhaan? “Y-yes.”
“I saw Cali awhile ago in our classroom. I think she’s waiting for you.” Nanlaki ang mga mata niya. Paano siya ngayon? Kilala si Cali bilang team captain ng Judo Club. Totoo sinabi ni Samuel na lintik lang ang walang latay dito. Madami na nabugbog si Cali sa university nila pero wala ni isa nagtaka na magreklamo dahil nga isa itong Dominguez. Pinsan ng lalaking nasa harapan niya. “Stay here if you don’t want your arms get dislocated.”
“Bakit mo ito sinasabi sa akin?”
“I don’t want Cali vent her anger to someone whose innocent.” Sagot nito sa kanya. “Here take all of this. Manghihingi na lang ako kay Iñigo.” Tinalikuran siya nito at iniwan na doon. Nasipat niya ang orasan at napansing alas tres palang ng hapon. She has no choice kung ‘di dumaan sa madamong bahagi ng eskwenlahan kaysa abutan siya ni Cali. Bakit ba niya ito iniiwasan? Wala naman siya ginawang masama dito. Napatingin siya sa mga braso niya. Cali really can dislocated her arms. Kung kailangan niya ito labanan ay gagawin niya. Someone declare a war between her and Cali. A war where you wouldn’t know who will win in the end.