Chapter Three

1451 Words
“HI SCARLETT!” Bati ni Migs sa staff ni ate Paola niya. Napatingin ito sa kanya pati ang mga kaibigan nitong sina Eloy at Sofia. Nagtataka namang natigilan si Scarlett. Wala pa masyado customer sa Sanctuary Café and Art Gallery kaya magagawa pa niya kausapin ito na hindi niya naiistorbo ito. “Can I talk to you? I want to know something and I badly need your help.” Aniya pa dito. “Juan Miguel Dominguez, can you quit from visiting my café unannounce?” Asik sa kanya ng ate Paola niya. “Kayo ni kuya ang may tampuhan huwag mo ako idamay saka para sa wholesome iyong tulong na hihingin ko kay Scarlett.” Nakita niyang nasapo ni ate Paola niya ang noo nito. Mukhang may meeting ito kasama si Scarlett at Mari na pawang mga staff nito. Natatawa naman na tumingin sa kanya sina Eloy at Sofia. “So, can I talk to her now?” “No. Wait until her shift ends.” Paola said with authority. “But –“ Aangal pa sana siya pero pinatigil siya ni ate Paola. “Fine. Dito ko na lang sasabihin. How much do you know Laura Vianca Loreto?” tanong niya kay Scarlett. “Uhmm, she’s my childhood friend and we live in the same apartment building and working together in the convenience store near our home.” Sagot naman ng dalaga sa kanya. Napatango tango siya sa mga sinabi nito na tinatak niya sa isipan. “What does she likes in a man? Does she have favorite food? Flowers?” Umiling si Scarlett. “Walang ganyan si Via since ang main goal niya ay maka-graduate na walang problema sa school. Makahanap ng matinong trabaho at magkabahay sila ng mama niya. Sa pagkain, she prefer home cook meals than fast food or any other food from restaurant.” “Okay, ‘yon lang. Thank you!” aniya saka tumalikod ngunit muli siyang humarap. “Can you tell her to answer her phone? Thanks again!” MATAMANG binilisan ni Via ang pagkain nang maupo sa harap niya si Juan Miguel. Nakangiti ito sa kanya at threat iyon para sa kanya. Baka may mangyari na naman na ikasisira ng record niya. Kahapon ng kausapin siya ni Mr. Reyes, disappointed ito sa kanya. Kahapon lang kasi siya talaga nag-absent sa klase nito. Sinabi pa nito na walang masamang makipagdate siya pero iwasan daw kapag may klase. Malaki ang epekto noon sa grades niya kaya lumong lumo siya kahit nasa convenience store na siya kahapon. Mabuti na lang at kasama niya si Scarlett na nahihingahan niya ng mga problema niya sa SMU. Hindi naman sa ayaw niya sabihin sa mama niya ang mga iyon. Sadya lang na ayaw niyang pati ito ay ma-disappoint sa kanya. Nang matapos siya at akma siyang tatayo ngunit nahawakan ni Juan Miguel ang kamay niya. Binawi niya iyon at nagpatuloy sa paglalakad paalis ng cafeteria. “Laura Vianca, wait for me.” Ikiniling niya ang kanyang ulo. Pilit niya inignora iyon at binilisan pa ang lakad. Ngunit naabutan pa din siya ng binata. “Wait lang. Can you not avoid me, please?” “Ano ba kasing kailangan mo?” Asik niya sa binata. “All I need is you and your attention.” Sagot niya dito. “Ewan sa ‘yo!” Tinabig niya ito at patakbong tinungo ang classroom niya. Kaklase niya ito kaya malabong maiwasan niya ito. Nagsisi na siya ngayon na nakilala niya pa ito. Pagpasok niya sa classroom, natahmik ang mga kaklase niya. Hindi niya pinansin at tuloy tuloy lang siya hanggang sa upuan niya. Nilabas niya ang libro at sinimulang basahin ang assigned readings niya para lang ma-refresh ang utak niya. Natigil siya sa pagbabasa ng may naglapag ng isang note sa libro na kanyang binabasa. Tiningnan niya kung sino iyon at sising sisi siya na tiningnan pa niya. Si Juan Miguel lang naman iyon. Hindi na niya nagawang basahin ang note nangaling dito dahil dumating na ang professor nila. Nagbalikan sa kani-kanilang upuan ang mga kaklase niya at nagsimula na ang kanilang klase. Nasa kalagitnaan ng klase nila tungkol sa mga music noong panahon ng renaissance nang kumatok si Mr. Advincula, ang head ng teacher’s faculty. Tumayo ito sa gitna pagkadikit ng isang poster na tungkol sa bakasyon nila sa Baguio City. Buong school ang kasama doon bilang regalo sa mga estudyante bago matapos ang ikatlo nilang semester. “Magpapaikot ako ng papel at pumirma doon ang kumpirmadong sasama para maihanda na ang waiver na kukuhain niyo personally sa office ko.” Sambit sa kanila ni Mr. Advincula. Nagumpisang umikot ang papel at nang dumating iyon sa kanya ay agad niyang pinasa katabi niya. Wala siya balak na sumama sa gano’n. Gugulin na lang niya ang bakasyon sa pagtatrabaho at pag-aaral. Isang taon na lang naman at ga-graduate na siya. “Hindi ka sasama?” tanong na nanggaling sa kanyang tabi. Nasupresa pa siya na nawala doon si Allan at si Juan Miguel na ang katabi niya. “Why?” “Go back to your seat.” Sa halip sa sabi niya dito. Natapos ang pakay ni Mr. Advicula sa klase nila at nagpatuloy kanilang lesson. Hindi umalis sa tabi niya si Juan Miguel kahit ilang beses niya itong itaboy. Wala naman nagagawa ang mga professor dahil sa privilege na mayroon ito sa school na iyon. Ikaw na maging anak ng co-founder ng school.. Aniya sa isipan. When their class ended, she immediately fix her things and put it inside her bag. Mabilis siyang nag-exit sa classroom niya. She’ll be late to her shift if she stay there for another minute. Ayaw niyang maging mag-isa si Scarlett sa shift nila. “Can you please slowdown?” Natigil siya at nilingon si Juan Miguel. “Bakit ka ba sumunod?” tanong niya dito. She couldn’t believe that he followed her until she reach the main gate. Hindi ba’t may driver na sumusundo dito? “Look, if tatanungin mo ulit kung bakit ako hindi sasama sa trip na ‘yon, huwag mo na tangkain dahil di ko din sasagutin.” Tinalikuran niya ito at nagpatuloy sa paglalakad. Malapit lang doon ang bahay at convenience store. Mga fifteen minutes walk at five minutes naman kung sakay ka ng sasakyan. “Wait lang.” “Bakit ba?” “You’re song I want to hear it again. Can you sing it for me?” anito sa kanya. Saglit siya napatunganga dito at nakabawi din naman sa agad. “Nope and not in your million dreams.” Aniya dito. Tuloy tuloy siyang lumayo dito. “JUST BE SURE THAT you’ll not be a coward when Lola knows about this.” Kunot noo siyang napatingin kay Iñigo. Kasalukuyan silang nasa tapat ng pinagta-trabaho-an ni Via na convenience store. “What do you like about her?” tanong nito sa kanya. “If I answer that, you’ll tell me why you like Scarlett.” Iñigo frowned at him. Tinalikuran siya nito saka pumasok na sa kotse. Kanina pa sila doon at na-miss na nila pareho ang dinner nila kasama ang Lola Divina nila. He knows why Iñigo always reminding him about what can their Lola do if the news about Via reach their household. They’re not allowed to date someone outside their circle and somehow they both pitied their kuya Niko. Kaliwa’t kanan kasi ang pakikipag-date nito sa mga kung sino sinong anak ng mga kilalang tao. Doon siya nagtataka, bakit noong ang kuya Joaq niya ang may kinahuhumalingan ay hindi nagrereact ang Lola niya. What does it even mean? Ano difference noon sa kanilang tatlo? “Hey, kuya let’s go home.” Untag sa kanya ni Iñigo. “I’m coming, brat!” aniya saka sumakay na sa sasakyan. Habang nasa biyahe sila pauwi nasa isipan pa din niya ang tanong na bumabagabag sa kanya. “Nigs, do you have an idea why Lola is trying so hard to find a date who belong in our circle? Bakit kay kuya Joaq hindi siya nangialam?” “It is because ate Paola’s family is richer than us. She’s an asset and additional gold to our family.” Sagot sa kanya ni Iñigo. “She belongs to our circle. But she broke up with kuya that’s why Lola is kinda obsessing with kuya Niko’s love life.” “Kuya Niko has a girl.” Aniya dito. “A girl whom she can’t find until now.” Tama ito. Buong buhay ng kuya Niko nila ay nagugol sa paghahanap sa first love nito at kahit paulit ulit na pinakikialam ng Lola nila ang personal nitong buhay. Marahas siya napabuntong hininga. “It’ll be more easier if we’re not a Dominguez. I wish I’m just a normal guy so I can date whoever I like.” “I wish that, too.” He knew it. Una palang alam niyang tinamaan na ito kay Scarlett. Nainlove ito kahit na titibo tibo ang babae na iyon. Napakahirap talaga na mapunta sa kalagayan nila. Minsan naiinggit siya sa kuya Joaq niya na lumaking independent at sumasalungat sa kagustuhan ng mga magulang nila maging ng Lola Divina nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD