Prologue
“IN OTHER NEWS, the only daughter of business man and founder of HM Enterprise announced her wedding date through an event she attended yesterday. Netizens and press people tagged her wedding with Joaquin Dominguez as the wedding of the century. Two of most the powerful family will merge as one because of the said wedding. The said couple got engaged late last year but the wedding didn't pushed through immediately due to the bride-to-be's pregnancy.”
Napatingin si Via sa malaking TV screen sa loob ng Mullen – third biggest advertising company in the Philippines. First was Mind Escape Creatives or MEC and Inkwell Creatives holds the second place. One of her goal for the year is to put Mullen at the top. At para magawa iyon kailangan siya makaisip ng magandang ideya na maglalagay sa kanila sa top one spot. Sa screen, naka-flashed ang mukha nina Paola at Joaquin at ilan pa na kuha sa naging engagement party nito nang nakaraang taon. Who would’ve thought that Pao and Joaq will end up together after all the trials they went through?
She knew and witnessed it with the man whom she hurt the most. That man’s face were on the screen after the news about Pao and Joaq.
Juan Miguel Dominguez, the sought after singer and song writer of all times. It is a news about his concert happening next month. May ngiting gumuhit sa kanyang mga labi. In the span of two years, he matured a lot and his new look make all the girls at any ages swoon over him.
He once was mine but I hurt him… aniya sa isipan.
“He really make his own way to stardom. Dati kilala lang siya bilang anak ng politician na si Henry Dominguez. Ngayon kilala na siya dahil sa mga kanta niya na siya mismo ang nagsulat.” Napalingon siya sa tinig na nanggaling sa kanyang kanan. It was Jo – a marketing strategist in her team.
“He’s really good looking. Actually they’re all a looker including your rival, Via.” It was Casey – an article writer in her team. Ang team nila at tinawag na Team Apollo. They were all five in the team. Nasa fieldwork lang ang dalawa sa mga ka-team nila ngayon. Binuo ang Team Apollo para maisakatuparan ang goal niya na mailagay ang Mullen sa top one spot.
Napahinga siya ng malalim. “Call Marj and Ian so we can start our meeting now,” aniya sa dalawa. Iniwan niya ang mga ito at tumungo sa kanyang office. Pasalampak siyang naupo sa swivel chair niya at hinilig ang ulo sa head rest noon. Tiningnan niya ang kanyang cellphone.
Zero calls, zero text messages.
Muli siyang napabuntong hininga. She’s wondering how he’s doing right now aside from preparing for his concert.
Napatingin siya sa kalendaryo. Sinabi sa balita na sa September 30 ang concert at ang ticket selling ay sa darating na linggo na. Should she watch his concert? Ready na ba siya harapin ang galit nito? Napukaw ang pagmumuni muni niya nang pumasok si Jo sa office niya. Sinabi nito nandyan na sina Marj at Ian at nakaready na ang conference room para sa meeting nila. Dinampot niya ang kanyang cellphone at binukas ang reminder noon. She input to buy tickets for Juan Miguel’s concert. It's now or never. He must know her reason why did she end up using him two years ago. Paglabas niya naabutan niyang nag-uusap na ang mga ka-team niya. Naupo siya sa bakanteng upuan doon para makisali.
“We have to approach the millenial since majority of internet users belong to that so called age group.” Nadinig niyang sabi ni Ian.
“Kung iyan ang magiging approach natin sa paanong paraan naman natin makukuha ang atensyon nila?” Curious na tanong ni Jo kay Ian.
Marj played the presentation where face of Juan Miguel is the content. “We can convince Juan Miguel to signed and record his songs with Mullen. MEC and Inkwell Creatives doesn’t have a recording label that only Mullen has.”
“Wait you’re suggesting to recruit Juan Miguel and be our artist?” Paglilinaw niya sa explanation ni Marj.
“Yes, Via at kapag na-recruit na natin we will produced his next album and fund his concert tours.” Sagot nito sa kanya.
“How can Juan Miguel help us to be in top one when he’s connected to Inkwell Creatives and MEC? Remember that he’s a Dominguez and his sister-in-law to be is a Sanchez.” Natanong na ni Casey ang tanong niya. Kapag talaga nagsisimula na magkaroon ng heated argument sa team hindi na niya magawa pa na sumingit.
“He doesn’t care where he came from or who are his parents.” Marj said. Nakuha na niya ang point ni Marj nang maalala niyang ayaw na ayaw ni Juan Miguel na makokonekta ang pangalan niya sa kahit sino sa pamilya niya. He wants to be known not because of his surname nor the connection he have. That attitude of him tear them apart. “Sorry but I have to decline this idea,” aniya sa lahat. She wants his forgiveness not another debt to him. Ayaw niyang maulit na magamit ang binata para sa goal niya. If she really want to achieve her goals, she’ll need to work for it.
“But Via, he’s our only chance.” Giit ni Marj sa kanya.
“My decision is final. Call me when you have a better idea.” Iyon lang saka tumayo na siya mula sa pagkaka-upo. Diretso siyang lumabas ng conference room. Kailangan niya magpahangin muna. She texted their HR to advise that she’ll visit her mother in the hospital. Matagal tagal na din itong nakaratay doon. Pinindot niya ang down button ng elevator. Nang bumukas iyon ay agad siya sumakay at pinindot ang lower ground floor button kung saan naroroon ang parking lot.
She dedicated all her life to work and taking care of her mom who been two years in comatose state. Lahat ng achievements niya ay dahil iyon sa kanyang ina na walang sawang sinuportahan siya. Ang pangyayaring iyon ang nagpatatag sa kanya at bumuo sa pagkatao niya ngayon. She’s not the old Via whom you can find in the dark corners crying. Naiyak na niya lahat noon at wala na siyang mailabas ngayon. Pakiramdam niya tuluyan na siyang naging manhid. Tanging kapatawaran lang ni Juan Miguel ang magpapabalik sa pakiramdam niya sa lahat ng bagay.
PAGDATING niya sa ospital, naabutan niya doon ang kapatid ng kanyang mama at kasalukuyang minamasahe ang mga binti ng kanyang ina. Hindi siya pinansin nito at umalis na para ba’ng anino lang siyang dumaan doon. Galit ito sa kanya dahil siya lang ang bukod tanging ayaw magpa-alis sa life support ng kanyang mama. Alam niya kasing gigising pa itong muli at makakasama niya pa ito sa pag-abot niya sa pangarap niya. Sinabi naman ng mga doctor na nagreresponse pa ang kanyang ina at nakakadagdag iyon sa mumunti niyang pag-asa.
“Ma, sorry ngayon ako ulit nakadalaw. Naging busy ako sa trabaho ko.” Pagka-usap niya sa ina niya. “I have this goal to make Mullen the number one advertising company in our country. Kaya gumising ka na po para sabay natin makita na nasa top one ang Mullen.”
She has that habit of talking to her everytime. Nakakatulong daw iyon sabi ng mga doctor. The last time she received a call from her mother’s doctor was last week. Nang sabihin nito na unti unti nagreresponse na ulit ang ginang.
“I want to feel again, ‘Ma. I want to cry aloud in front of you.” Pagka-usap pa dito. Hinawakan niya ang kamay nito at hinimas iyon. Dinala niya iyon sa pisngi niya. Wala siyang makapa na kahit na pakiramdam kahit na nasa pisngi niya ang palad ng kanyang ina. Napukaw siya ng magkakasunod na tunog ng kanyang cellphone. Marahan niya binaba ang kamay ng ina at dinukot mula sa bag ang cellphone. It was a call from Ian. Agad niya iyon sinagot.
“Via, where are you?” Bungad na tanong sa kanya ni Ian mula sa kabilang linya. Dumating ang nurse na nagchecheck sa mama niya kaya nagawa niya itong iwan. Diretso siyang lumabas para maka-usap ang ka-team.
“Sa ospital ako ngayon, bakit?” Napatingin siya sa TV kung saan naka-flashed ang mukha ni Juan Miguel at logo ng record label ng Mullen.
“Juan Miguel signed a two years contract with us and we didn’t convince him yet.” Bumagsak ang magkabila niyang balikat nang makita ang balita. She didn’t heard what Ian were saying on the phone. Nanatili siyang nakatitig sa TV at matamang pinakikinggan ang balitang iyon.
He signed to their record label for what reason. Hindi nasabi sa kanya ni Anthony – Mullen CEO na may balak ito i-recruit si Juan Miguel. Sa pagpirmang iyon ni Juan Miguel ng kontrata sa kanila at pag-usbong ng tsansa na magkatrabaho silang dalawa. Uulitin na naman niya ang nangyari two years ago. Kung saan sobra niyang nasaktan ang binata na halos ikasira ng buhay nito. She can’t use him and take him for granted again. Will she be able to face him again?
“Via? Via?” Inangat niya ang cellphone at muli tinapat iyon sa tainga. “Are you still there? What are we going to do?” tanong sa kanya ni Ian. “They’re holding a press conference later this evening, Via. You should be here.”
“Papunta na ako dyan.”