Chapter Four

1596 Words
“JUAN MIGUEL, can you accompany your Lola Divina later? She’ll be attending a charity event in Marriott Hotel.” Natigil siya sa ginagawang pag-aayos nang hawak niyang gitara ng pumasok sa kwarto ang mama niya para itanong iyon. Tumingin siya dito at binitiwan ang hawak na gitara. Kinuha niya ang t-shirt na nakasampay sa headboard ng kama niya at sinuot iyon bago hinarap ang kanyang ina. “Can Iñigo go instead of me?” tanong niya dito pero umiling lamang ito bilang sagot. “Iñigo is at Paola’s café.” Nangunot ang noo niya sa nalaman. “He’s helping Paola in marketing thing they been discussing since last week.” Bumagsak ang balikat  ngunit bigla niya naalala ang kuya Niko niya. “Your kuya Niko decline also so please accompany your Lola Divina, okay? “ “Sige po.” Napilitan niyang sabi. Nilapitan siya ng kanyang ina at hinalikan siya sa noo. Hindi pa nakuntento dahil ginulo pa nito ang buhok niya. “Ma, I told you not to touch my hair.” “Cut it short or ako ang gugupit dyan.” Napabuga siya ng hangin. He raise his hand up in the air as a sign of defeat. “You and your Lola will leave around 6pm. You still have two hours to fix yourself.” Iyon lang at iniwan na siya nito. Naiiling naman niyang inalis muli ang suot na t-shirt at tumungo sa cr para maligo at mag-ayos. Siya lang ang gumugupit sa buhok niya at ayaw na ayaw niyang pinahahawakan iyon sa ibang tao kahit na mga kapatid niya at magulang.  Hindi pa naman iyon mahaba, sadyang hindi lang nakaayos dahil nasa bahay lang naman siya. Wala siyang klase tuwing weekend. At kapag gano’n nasa kwarto lang siya, nagsusulat ng kanta o ‘di kaya naman nasa sa mga gigs kasama ang ilang kaibigan niyang singer/composer din. After thirty minutes, he came out of the bathroom and go straight to his walk in closet. Lahat ng kwarto nilang magkakapatid may gano’n at hindi uso sa kanila ang naghihiraman ng mga damit. Bukod kasi sa magkakaiba nilang built ng katawan, magkakaiba din ang taste nila sa pananamit. He more like wearing faded ripped jeans top with white or grey t-shirt. Sa sapatos naman, dalawa lang ang palagi niyang ginagamit. Iyong green running shoes na ni-regalo sa kanya ng isang kaibigan niya at ‘yung white sneakers na binili niya sa Singapore nang magtungo siya doon last year. Kapag mga gano’ng event,  kagaya nang dadaluhan niya kasama ang Lola Divina niya siya napapasuot ng coat and tie. Hindi siya katulad ng kuya Niko at Joaq niya na best friend ang mga gano’ng klase ng damit. Iilan lang gano’n at kadalasan customize pa ang iba. He scanned every suit he has in his closet. Gusto niya nang simple lamang at iyon ‘di magiging sentro ng attaction sa nasabing event. Chaperone lang naman siya kaya hindi na siya mag-e-effort pa. Kinuha mula sa clothes rack ang isang dark grey two piece suit at light grey necktie naman kinuha niya sa necktie drawer niya. Kinuha niya din ang rose gold uniform wares 351 series wristwatch na napili niyang i-terno sa susuotin niya na suit. He was about to change when his phone rung continuously. It was a call from Iñigo. Ano naman kaya kailangan ng kapatid niya? Mang-aasar? Posible dahil ang galing nito sa alibi at hindi ‘man niya magawang tumanggi kanina. Malamang makikisimpatya dahil alam nitong nababagot siya sa mga gano’ng klase ng event. He’s not that sociable when it comes to business minded humans. Kung singer o composer iyan kahit ilang oras pa niya kailangan mag stay gagawin niya. Sa pangatlong pag-ring ay sinagot na niya ang tawag nito. “Hello? “ aniya habang nilalagay sa kama ang mga nakuha niyang susuotin. “Ikaw ba ang sasama kay Lola mamayang gabi?” tanong nito sa kanya mula sa kabilag linya. “Yes. I have no choice since they accepted your alibi.” Walang gana niyang tugon. He heard a chuckled on the other line. He knew it,  Iñigo is really with Scarlett not with their ate Paola. “Enjoy your date and you awe me one, okay? “ “A-attend din si Via sa event na pupuntahan niyo ni Lola. Scarlett told me that she’ll be meeting someone there. I suggest that you escaped with her when Lola’s busy.” “Crazy kiddo! You think I let Lola be alone? Gusto mo ba mapagalitan ako ni papa?” “I’m trying to help you.” “Pwes, hindi nakakatulong. Anyway, I can manage and thanks for telling me Via’s schedule. I really appreciated it but I will not leave Lola alone.” “Fine. I’ll go there when I’m done here.” A devilish grin flash on his face. Alam niyang hindi siya matitiis ni Iñigo na mabagot sa gano’ng klase ng event. Tinapos niya ang pakikipag-usap dito at nagsimula na mag-ayos ng sarili. GINALA ni Migs ang tingin niya sa paligid upang hanapin ang isang partikular na tao. Iñigo said awhile ago that Via will be there to meet someone. Pero hindi niya natanong kung sino at para saan. It’s an event wherein all the guest were businessmen, politicians,  delegates and gamblers. Hindi niya alam kung sa anong paraan na-involve sa gano’n ang kanyang Lola. Taliwas iyon sa magandang character ng kanyang papa na isang mabuting senador. “You must be wondering, right young man?” Napatingin siya kay Lola niya na naka-abrisete sa kanya. Tumango lamang siya bilang sagot sa tanong nito. “Our family needs allies to maintain our wealth. Your father disagree with this but I have to help him.” Alam niyang hindi naman kailangan ni papa nila ng support galing sa Lola nila. Nagawa nang ipakilala ng ama nila sa lahat ang pamilya nila sa pamamagitan ng pag-tulong mga charitable institutions. “Much better if Joaq bring home the only daughter of Victorino Sanchez.” He sensed bitterness on what his Lola just said. Disappointed pa din ito na hindi sumipot si ate Paola niya sa kasal nito kay kuya Joaq niya. Ngunit ang huli naman niyang nabalitaan ay nagkakapirmahan na sa business ng MEC at Inkwell Creatives. Tinuloy pa din kahit na hindi sumipot si ate Paola niya dahil deal iyon na labas ang dalawa. Pag-uusap sa pagitan ng mga magulang nila at magulang at kapatid ni ate Paola niya. Naagaw ng pamilyar na pigura ang kanyang atensyon. Sinundan niya iyon nang tingin at nakita niyang papunta iyon sa balcony. Nagpaalam siya sa kanyang Lola na pupunta muna sa comfort room matapos niya maihatid ito sa grupo nang nais nitong samahan. Pinakilala muna siya sa mga naroon bago siya pinayagang makaalis. Halos takbuhin na niya ang daan patungo sa balcony. Nang malapit na siya, nay naulinigan siyang nagtatalo doon. Marahan siyang lumapit upang mapakinggan pa nang maigi ang pag-uusap. He’s not a natural born eavesdropper. Ngayon lang niya iyon gagawin. “You said you’ll pay in full if I wrote you a song but this isn’t a full p*****t that you promised.” Kung hindi siya nagkakamali,  si Via iyon. Kilala niya ang boses nito at kahit pa sabihin na iilang beses palang sila nagkakausap nito. Hindi nga pag-uusap na matuturing iyon dahil palaging nauuwi sa pagtataray nito. “Full p*****t upon the release of the song. We haven’t record it yet besides your not that well known composer to demand full payment.” Gusto niyang lumabas at suntukin ang kausap na iyon ni Via. How dare he say that? Hindi madaling sumulat ng kanta at alam niya iyon dahil gano’n din ang nararamdaman niya. And Via deserves a full p*****t because her works were one of the best songs he heard. Nararamdaman niya ang puso sa bawat liriko ng mga sinusulat nitong kanta. She’s really an artist that the world needs to know. “Iyon ba ‘yon? Dahil hindi ako kilala kaya may mga katulad mo na mag-a-argabyado sa amin?” He heard the guy scoffed. Doon na siya lumabas at hinarap ang kausap ni Via. Nakita niya ang pagrehistro nang gulat sa mukha ng dalaga nang makita siya. “Pay her in full.” He said with authority. Wala siyang pakialam kung sino ito dahil iisa lang ang nasa isipan niya ng mga oras na iyon. Ang matulungan si Via na makuha ang bayad para dito. Mukhang nakilala naman siya ng lalaki at binigay nga ang kabuuang bayad nito sa gawa ni Via. “Next time don’t underestimate those composer with no names yet. They might be your biggest nightmare in the future.” Umalis ang lalaki at naiwan silang dalawa ni Via doon. Hinarap niya si Via at nakita niyang pinahiran nito ang mga luha na naglandas sa pisngi nito. Bigla siya naalarma. Paano nga ba magpatahan ng babaeng naiyak? Hindi siya na-orient sa bagay na iyon at wala din sa bansa ang taong magtuturo sa kanya noon. Ugh! Kuya Joaq… aniya sa isipan. Nilapitan niya ito at akma papahiran iyon ngunit pinalis nito ang kamay niya. “Kailangan ba palagi ka naroon kung nasaan ako? Kailangan ba pati iyon makita mo? Can you stop being nosy about me and please stay away from me.” Nagpatuloy ito sa pag-iyak at hindi niya alam kung paano ito patatahanin. Sinubukan niya muling lumapit ngunit hinawi lang siya nito at patakbong umalis doon. Hindi na nito nakuha sa kanya ang kabuuang bayad sa binenta nitong kanta. Hahabulin niya dapat ito ngunit tumunog ang kanyang cellphone. It’s a call from Iñigo. Balak niya ignorahin para sundan si Via pero naalala niya ang kanyang Lola Divina na marahil hinahanap na siya. Sobrang wrong timing naman ng lahat… Naiiling niyang sabi sa isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD