NASAPO NI VIA ang magkabilang sentido nang maramdaman ang pagkirot noon. Naparami ang inom niya nang nagdaang gabi. Ang dahilan noon ay ang pag-uusap nila ni Juan Miguel kagabi at para makatulog siya, kailangan niya magpakalango sa alak. Iniisip palang niya na makikita niya si Juan Miguel araw araw, natatakot siya na baka mauwi iyon pagkasunog ng atay niya. Nasa isang restaurant siya malapit sa Inkwell Creatives para magtanggal ng hangover. Doon kasi malapit ang bahay niya at fifteen minutes walk lang naman ang layo noon sa Mullen. “Hindi ka pa din marunong makipag-socialize? Kumakain ka pa din nang mag-isa.” Anang tinig na nagmula sa kanyang kaliwa. Doon sa bakanteng table katabi ng inookupa niya naupo si Cali kasama ang isang lalaking naka-formal attire at earpiece. “Ikaw din naman. Si