IINUMIN NA DAPAT ni Via ang pangatlong baso niya ng beer nang agawin iyon ni Anthony sa kanya. Napasimangot siya dito at pilit na binawi ang baso niya. Naupo ito sa gitna nila ni Juan Miguel at pareho silang inakbayan. Nagdesisyon siya magpunta doon para mag-alis ng stress matapos niya makasagutan ang tiyahin sa ospital. Doon niya dapat gugulin ang weekend niya kung ‘di lamang niya nakasagutan ang tiyahin. Sinampal siya nito matapos niyang sagutin ito. Tinapik ni Anthony ang balikat niya maging kay Juan Miguel. “May favor ako sa inyo. Kumanta kayong dalawa para sa amin,” ani Anthony sa kanila. “No.” Sabay nilang sabi ni Juan Miguel. Napatingin siya dito saglit at iniwas na niya ang mga mata dito. “Sige na Via. Sabi ni Anthony, duo daw kayo dati ni Juan Miguel,” pangungumbinsi naman ni