Kabanata 5

2491 Words
 Kabanata 5 HER MIND must be joking for her to say yes on Greyson's condition! Wala na nga siyang pakialam dito pero eto siya at nakuha pang pumayag na magpanggap na asawa niya alang-alang sa lola niya. What the hell is she thinking? Talaga bang nabaliw na siya nang tuluyan at pumayag siya para rito? O tuluyang nabulag ng maraming oportunidad? Uh! Kenna! Ang tanga-tanga mo talaga! Pagkatapos ka masaktan, eto ka at paanga-anga na naman dahil sa lalaking 'yan! Hindi ka na nadala! Sigaw niya sa kanyang sarili. Gusto niya na lang mapasabunot sa inis. Dapat ay pinag-isipan niya muna ng mabuti kung sigurado na ba siya rito dahil isa nga itong kalokohan para sa kanya. Pero wala na siyang oras para pag-isipan ang lahat. Magkikita ulit sila ng magulang ni Greyson dahil birthday ng kanyang lola. She admits that she missed his family. Masaya siya nang makilala niya ang buong pamilya ni Greyson. She's very much welcome to his family at sa totoo lang ay doon niya lang naramdaman na may totoo siyang pamilya at sobrang swerte niya na makilala ang mga ito. Naramdaman niya pa rin ang tunay na pagmamahal ng isang magulang kahit hindi niya ito kadugo. But after what happened to her marriage with Greyson, she made a promised to herself that she won't involved herself to him again kahit gaano pa kaliit ang mundo nila pero heto siya at kasama niya na naman ang lalaking to! Siguradong kapag nalaman ito ng mga kaibigan niya ay tiyak na aabutin siya ng mga ito ng pang-aasar. Pumayag siya sa isang kasunduan na walang sense sa kanya. Kahit pa sabihing malaking oportunidad ang kapalit ng lahat nang ito ay hindi pa rin ‘yon sapat para makipag-ugnayan siya sa dati niyang asawa. Ngayon pa lang ay naririnig na niya ang iba’t ibang sermon ng kanyang mga kaibigan. Paniguradong may alam na dito si Kayce dahil may naikukwento sa kanya si Paxton. Wala naman iyon tinatago sa asawa niya mula noon pa. Sana lang din ay hindi mabalitaan ni Kian ang tungkol dito. Dahil kung hindi ay paniguradong gulo ang abot. She made a promise to him that she won’t meet her ex-husband ever again. Dahil akala niya ay hindi na talaga magkukrus ang landas nilang dalawa ni Greyson simula nang maghiwalay sila. Pero hindi niya naman akalain na mangyayari ang lahat nang ito. Na muli silang pagtitripan ng tadhana na mapunta sa isang sitwasyon na kung saan ay kailangan silang dalawa. To make the situation's worst, she needs to pretend as his wife for the mean time. Bakit ba hindi sinabi nito na naghiwalay na sila? Hindi ba karapatan naman ng magulang na malaman na hiwalay na ang anak niya at ang asawa nito? Bakit hindi sinabi nito ang tungkol sa nangyari sa pagsasama nila? Dahil sa ego? Dahil sa tinatago nito? O dahil totoo ang sinasabi niya noon na may relasyon sila ng dati niyang kaibigan na si Isabelle at baka mapatay siya ng magulang nito sa panlolokong ginawa niya? Wala siyang makitang dahilan para magawa niyang itago ang mga nangyari sa kanila. Not unless... he still has a feeling for her. No! Don't think that way, Kenna! Niloko ka na nga, umaasa ka pa rin! Gusto niya matawa sa kanyang iniisip. Masyado na siyang naaapektuhan sa kalokohang gagawin nil ani Greyson. They will create a big lie para lang pagtakpan ang mga nangyari noon. At pumayag siya. But she’s not doing it for him but for his lola who became a part of her life when she was still his wife. Tumigil ang sasakyan sa malaking bahay. Hindi ito iyong bahay na tinitirhan nila noon. Bakit nga ba siya umaasa na iki-keep niya ang bagay na 'yon eh doon nga siya mismong inaya nito makipaghiwalay? At kung doon pa rin ang bahay niya hanggang ngayon ay hinding-hindi siya papasok sa loob. She could still remember vividly what happened that night. Iyong simula ng pagkadurog niya na binaon niya sa limot ng paulit-ulit. Nang matagumpayan niya na maibaon ito sa limot ay akala niya okay na, pero sadyang magaling talaga na bumawi ang tadhana. Muli siyang inilapit sa taong dahilan ng pag-iyak niya. "Okay ka lang?" tanong ni Greyson sa kanya kaya ito napatigil sa pag-iisip. Hindi siya sumagot at bumaba na lang sa tapat ng bahay kung saan sila pumarada. "So this is your new house?" tanong niya rito kahit obvious naman. Gusto niya lang talaga saktan ang sarili para hindi na siya mag-isip ng kahit na anong magpapalito ulit sa puso niya. "Yup." Naglakad na papasok si Greyson sa loob ng bahay. Wala itong gate kaya naman sobrang open ng space. Moderno ang itsura ng bahay. Mas maliit lang ng kaonti sa tinitirhan nila dati pero okay na rin para bumuo ng isang pamilya. Binili ba niya ito habang iniisip na si Isabelle ang kasama niya? Pinilig niya ang kanyang ulo at pinagmasdan ang buong kabahayan. It has modernized look with black and white exterior of walls. May malaking bintana kung saan tanaw mo ang malaki at mahabang kurtina. Ang bintana ay umabot din ng second floor. May malaki itong terrace sa harapan at sa ilalim no'n ang kanyang car space. Nagulat siya sa itsura nang pumasok na sila sa loob ng bahay. It has modernized look kagaya noong nasa labas but homey vibes. Hindi niya alam kung niloloko na naman ba siya ng utak niya o ng puso niya sa nakikita dahil hindi nagkakalayo ang itsura ng loob ng dati nilang tinitirhan at ngayon. "What the hell?" hindi niya napigilan na sabihin kung kaya't napatingin sa kanya si Greyson at napaangat ang kilay.   "What's wrong?" "Nothing," mabilis niyang sagot kahit na sobra-sobra na ang nararamdaman niyang kaba sa kanyang puso. Hindi niya nga alam kung bakit siya kinabahan eh homey vibes lang naman ang mayroon ang bahay niya. Kahit naman siguro ibang tao ay gusto rin ng ganoong vibes sa bahay nila mismo. Kaya lang hindi niya iyon inaasahan kay Greyson. She thought he would prefer the old cold vibe looking that he has on his old apartment that he sold when she saw it for the first time before they got married. Kaya itong makita niya na ganito ang itsura ng bahay niya sa loob ay nagkaroon ng saglit na epekto sa puso niya. She couldn't understand herself again. Nalilito na naman siya and she hates him for that. She hates his small effects on her because she knew that it might grow again later on. Ibinaba ni Greyson ang kanyang bag sa sofa at saka hinubad ang kanyang suot na suit. "There's an extra room on this house. You can use that for the mean time." He used his usual gentle voice on her that made her heart flutter. Hindi siya nagsalita sa sinabi ng binata at umakyat sa taas para hanapin ang kuwarto. Pero hindi pa siya nakakaakyat nang tuluyan ng tawagin siya ng binata. Saglit niya itong nilingon. Nilapitan siya ng binata at kinuha ang isang kamay.   "O-Our wedding ring..." Ibinigay nito ang singsing sa kanya. Walang nagawa si Kenna kundi ang titigan ang binata na puno ng pagtatanong sa kanyang mga mata. Bago sila maghiwalay ay isinoli ni Kenna ang singsing kay Greyson. Hindi niya makakayang dalhin ang singsing dahil sa nangyari sa kanilang dalawa kaya naglakas siya ng loob na isaoli ito dahil wala na rin siyang paggagamitan no'n. "Goodbye Greyson."  That was her last words pagkatapos isaoli ang singsing sa binata. At ngayon ay nakakatawang isipin na pagkatapos niya isaoli iyon ay ibabalik din nito sa kanya ang singsing para isuot sa kadahilanang kailangan nila magpanggap. Hindi niya alam kung ano ang iisipin na naman niya. Greyson keep their wedding ring. Una sa lahat, bakit? May dalawang taon siya para itapon ang singsing o di kaya'y ibenta pero hindi niya ginawa. Ano ang naiisip nito para makuhang itago ang singsing nila? Huminga siya ng malalim at muling umiling sa kanyang isipan. Kahit ano pang rason ni Greyson ay wala na siyang pakialam. Isinuot niya ang singsing na ibinigay sa kanya ni Greyson at umakyat na walang imik. Hindi naman siya nahirapan dahil nasa kabilang dulo lang ito sa kaliwa. She also found extra clothes inside the big closet when she entered the room. The room is not that big but not too small. Malinis ang kuwarto. Iyon kaagad ang naisip niya nang pumasok ito. Wala siyang nakitang kahit na anong alikabok. Bagong laba din ang bed sheet na ginamit. The room has its own cr and a working station. Mukhang hindi siya mahihirapan magtrabaho dahil may sarili itong desk dito sa kuwarto. She could work during weekends to avoid Greyson lalo na at hindi naman siguro pupunta ng madalas dito ang magulang nito at ang kanyang lola. She's willing to grab any opportunities to avoid Greyson intentionally. Kung hindi nga lang para sa lola nito ay hindi siya papayag dahil wala ng dahilan pa para magkrus pa ulit ang mundo nila. But the world just give them the right to cross their paths again at iyon ang pinakaayaw niya. Because of what happened, her small heart is at stake again. She took a bath and changed her clothes. Pagkatapos no'n ay natulog na siya.   GREYSON stared at the high ceiling of his own room while lying in his own bed. Hindi siya makatulog. Marami siyang iniisip katulad kay Kenna. Kung tutuusin, pwede na rin naman niya sabihin sa kanyang lola na matagal na silang hiwalay ni Kenna but he's too afraid to tell her that. Nauubusan na siya ng dahilan at nakakahalata na rin ang mga magulang niya dahil panay ang tanong nito sa kanya tungkol sa asawa. Kaya ngayong nagkita sila ni Kenna, he easily grabbed that opportunity to show her with her own flesh in his family para hindi na sila magtaka pa. He made a promise to himself that he wouldn't involve Kenna into his life again. He understand the hatred that he's seeing in her own eyes everytime he looked at her. Tama na iyong nasa iisang kumpanya sila ngayon at magkasama sa isang project pero eto siya at inilapit na naman ang sarili kay Kenna. Inaamin niyang gago siya dahil nagawa niyang saktan ang dalaga sa kabila ng pagmamahal na ibinigay nito sa kanya. At wala na siyang mas igagago pa dahil nagawa na naman niyang i-involve ito sa buhay niya kahit na nangako na siya na tama na. Pero wala naman siyang magawa. He could not bring himself to tell the truth to his lola without being afraid that something might gone wrong. Ayaw niyang mawala ang kanyang lola kung kaya't kahit mahirap ay itinago nito ang totoo na hiwalay na sila ng dating asawa. Kaya imbes na aminin ang totoo ay kinumbinse niya si Kenna na magpanggap silang mag-asawa. Alam niyang nababaliw na siya para ayain si Kenna na magpanggap. She has a point that he must be joking when he told her about that. Sino ba naman pontio-pilato ang papayag na magpanggap bilang asawa mo pagkatapos makipaghiwalay? Kenna is now his ex-wife at ang magpanggap na mag-asawa ay isang malaking kalokohan nga talaga. Pero malaking kalokohan man 'yon o hindi, wala na siyang choice dahil naiipit na siya. Hindi na niya kayang magsinungaling pa. Kaya naman kinumbinsi niya ang dalaga kahit na imposible. It's for his lola, and not for him.   Mabuti na lang at nagawa niya itong kumbinsihin. Pagkatapos niya magkaroon ng sapat na oras ay sasabihin na niya ang totoo sa kanyang magulang at sa lola pero sa ngayon ay hindi muna. Masyado pang magulo ang lahat.   KINABUKASAN, maagang nagising si Kenna. Maaga rin siyang naligo at nag-ayos nang sarili. She must look presentable infront of Greyson's parents. Pagkatapos niya maligo ay bumaba na ito. Nagulat siya nang bumungad sa kanya ang magulang ni Greyson at yinakap siya. Hindi niya inaasahan na mas maaga pa pala ito darating. Mabuti na lang at hindi siya nito inakyat dahil wala siyang maidadahilan dito kung nalaman nila na hindi sila magkatabi matulog. "Kenna, anak. Kamusta na kayo ha? Ang tagal natin hindi nagkita." Ngumiti siya ng tipid sa ginang. "Ayos lang po ako, Ma." Judy Guevarra is the mother of Greyson. She's on her fifty's already but she still looks so young. Ang kaputian nito at ang singkit na mga mata ang isa sa mga namana ni Greyson sa kanyang ina. While Jan Grayson Gueverra is his father. The broad shoulders and body built is what he got from his father. Pati din iyong tangkad at ang kapansin-pansin na manipis nitong labi at matangos na ilong.   Yinakap niya ang ginang. Hindi niya maiwasan na maluha dahil namiss niya ito. Nang mapansin ito ng ginang ay nahabag ang itsura nito. "Kenna, my darling. Why are you crying?" "W-Wala po, Ma. M-Masaya lang po ako na nakita ko kayo ulit." "Malungkot tumira sa ibang bansa ano?" tanong nito sa kanya na ikinagulat ni Kenna. "Greyson told me that you stayed in another country for your work at ngayon lang nakauwi. Pagpasensyahan mo na ang anak ko at hindi ka niya nagawang samahan. You must be very lonely there." Doon niya naintindihan ang sinasabi nito kaya tumango siya. Greyson probably thinks another excuse to his parents kung bakit siya nawala ng matagal at ngayon lang nakauwi. "Si Greyson po?" tanong niya nang mapansin na hindi pa niya ito nakikita. Kanina pa sila nag-uusap ng magulang ng binata dahil marami silang pinagkukwentuhan. "Nasa kusina, hija at nagluluto. I told him to get a maid pero ayaw niya." "Ayos lang po 'yon, Ma. Kaya pa naman namin po ni Greyson." "Puntahan ko lang po si Greyson sa kusina," paalam niya sa ginang. Tumango naman ito kaya nagpunta na siya roon. Totoo nga na abala ang binata sa pagluluto. Nang maamoy niya ang niluluto nitong sinigang ay doon na siya tuluyang natakam. Tumingin sa kanya ang binata at napansin ang paglalaway nito sa niluluto kaya natawa ito. Hindi niya naiwasan na kurutin ito sa tagiliran at simangutan. "Why didn't you wake me up? Nandyan na pala sila Mama." "Well. Masarap ang tulog mo kaya di muna kita ginising. Sinabi ko sa kanya na kadarating mo lang kagabi kaya ka puyat so don't worry." Hindi umimik ang dalaga sa sinabi nito. Umirap lang ito sa kanya at nagtimpla na lang ng juice para sa bisita. Mamaya sila magtutungo sa mansion ng mga Guevarra para sa selebrasyon ng kaarawan ng kanilang Lola Corazon. And just like Guevarra, she's looking forward to it. She missed his grandmother so much. Nang maluto ang sinigang ay inayos na niya ang mesa at inaya ang mag-asawa na kumain. Habang nasa hapag-kainan ay marami pa silang pinagkukwentuhan. Iyon nga lang ay muntik na maibuga ni Kenna ang kinakain niya nang tanungin siya ng ginang nang hindi inaasahang tanong na kahit si Greyson ay hindi magawang sagutin ang tanong. "Kenna, kailan ba kayo magkakaanak nitong anak ko? Excited na ako sa magiging apo namin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD